8b114c8
|
Makakapili ka ng lugar na uupuan mo, pero hindi mo mapipili ang taong uupo sa puwang sa tabi mo... Ganyan ang senaryo sa bus. Ganyan din sa pag-ibig... Lalong 'di mo kontrolado kung kelan siya bababa.
|
|
love
inspirational
|
Bob Ong |
108cd5a
|
Kung matatakot kang harapin ang totoo at sabihin ang talagang nararamdaman mo dahil baka masaktan ka, isa lang ibig sabihin noon: ipinagkait mo na sa sarili mo ang pagiging masaya at kinarir mo ang magpakatanga.
|
|
inspirational
|
bob ong |
5b94b81
|
Hindi ako naniniwalang kailangan ng tao mangarap dahil gusto n'ya ng pera, o gusto n'yang sumikat, o gusto n'ya ng impluwensya. Side effects na lang ang mga 'to, sa tingin ko. Nangangarap ang tao dahil binigyan s'ya ng Diyos ng kakayanang mangarap at tumupad nito. Tungkulin n'yang pagbutihin ang pagkatao n'ya at mag-ambag ng tulong sa mundo. At wala na s'yang iba pang magagawang mas malaking kasalanan sa sarili bukod sa talikuran ang tungku..
|
|
bob-ong
inspirational
personal
|
Bob Ong |
4b50fcf
|
Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.
|
|
bob-ong
life
inspirational
|
Bob Ong |
5517c17
|
Ayon kay Georges Simenon, ang dahilan daw ng pagsusulat n'ya ay "to exorcise the demon in me." Totoo yon para sa karamihan ng mga manunulat. Ang pagpuksa sa mga personal na demonyo ang nagsilbing makina sa likod ng mga di na mabilang na sanaysay, kwento, at tula. Ang manunulat ay biktima ng isang sumpa na para sa karaniwang tao ay ligo lang ang katapat."
|
|
writing
pagsusulat
|
Bob Ong |