Site uses cookies to provide basic functionality.

OK
ZECHARIAH
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14
Prev Up Next Toggle notes
Chapter 7
Zech TagAngBi 7:1  At nangyari, nang ikaapat na taon ng haring si Dario, na ang salita ng Panginoon ay dumating kay Zacarias nang ikaapat na araw ng ikasiyam na buwan, sa makatuwid baga'y sa Chislev.
Zech TagAngBi 7:2  Sinugo nga ng mga taga Beth-el si Sareser at si Regem-melech, at ang kanilang mga lalake, upang hilingin ang lingap ng Panginoon,
Zech TagAngBi 7:3  At upang magsalita sa mga saserdote ng bahay ng Panginoon ng mga hukbo, at sa mga propeta, na sabihin, Iiyak baga ako sa ikalimang buwan, na ako'y hihiwalay, gaya ng aking ginawa nitong maraming taon?
Zech TagAngBi 7:4  Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon ng mga hukbo sa akin, na nagsasabi,
Zech TagAngBi 7:5  Salitain mo sa lahat ng tao ng lupain at sa mga saserdote, na iyong sabihin, Nang kayo'y magayuno, at tumangis ng ikalima at ikapitong buwan, nito ngang pitong pung taon, kayo baga'y nagayunong lubos sa akin, para sa akin?
Zech TagAngBi 7:6  At pagka kayo'y nagsisikain, at pagka kayo'y nagsisiinom, di baga kayo'y nagsisikain sa ganang inyong sarili at nagsisiinom, sa ganang inyong sarili?
Zech TagAngBi 7:7  Di baga ninyo dapat dinggin ang mga salita na isinigaw ng Panginoon sa pamamagitan ng mga unang propeta, nang ang Jerusalem ay tinatahanan at nasa kaginhawahan, at ang mga bayan niyaon na nangasa palibot niya, at ang Timugan, at ang mababang lupain ay tinatahanan?
Zech TagAngBi 7:8  At ang salita ng Panginoon ay dumating kay Zacarias na nagsasabi,
Zech TagAngBi 7:9  Ganito ang sinalita ng Panginoon ng mga hukbo, na nagsasabi, Mangaglapat kayo ng tunay na kahatulan, at magpakita ng kaawaan at ng kahabagan ang bawa't isa sa kaniyang kapatid,
Zech TagAngBi 7:10  At huwag ninyong pighatiin ang babaing bao, ni ang ulila man, ang taga ibang lupa, ni ang dukha man; at sinoman sa inyo ay huwag magisip ng kasamaan sa inyong puso laban sa kaniyang kapatid.
Zech TagAngBi 7:11  Nguni't kanilang tinanggihang dinggin, at kanilang iniurong ang balikat, at nagtakip ng pakinig, upang huwag nilang marinig.
Zech TagAngBi 7:12  Oo, kanilang ginawa na parang batong diamante ang kanilang puso upang huwag magsidinig ng kautusan, at ng mga salita na ipinasugo ng Panginoon ng mga hukbo sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu, ng mga unang propeta: kaya't dumating ang malaking poot na mula sa Panginoon ng mga hukbo.
Zech TagAngBi 7:13  At nangyari, na kung paanong siya'y sumigaw, at hindi nila dininig, ay gayon sila sisigaw, at hindi ko didinggin, sabi ng Panginoon ng mga hukbo;
Zech TagAngBi 7:14  Kundi aking pangangalatin sila sa pamamagitan ng ipoipo sa gitna ng lahat na bansa na hindi nila nakilala. Ganito nasira ang lupain pagkatapos nila, na anopa't walang tao na nagdadaan o nagbabalik: sapagka't kanilang inihandusay na sira ang kaayaayang lupain.