SONG OF SOLOMON
Chapter 6
Song | TagAngBi | 6:1 | Saan naparoon ang iyong sinisinta, Oh ikaw na pinakamaganda sa mga babae? Saan tumungo ang iyong sinisinta, upang siya'y aming mahanap na kasama mo? | |
Song | TagAngBi | 6:2 | Ang sinisinta ko'y bumaba sa kaniyang halamanan, sa mga pitak ng mga especia, upang magaliw sa mga halaman, at upang mamitas ng mga lila. | |
Song | TagAngBi | 6:3 | Ako'y sa aking sinisinta, at ang sinisinta ko ay akin: pinapastulan niya ang kaniyang kawan sa gitna ng mga lila. | |
Song | TagAngBi | 6:4 | Ikaw ay maganda, sinta ko, na gaya ng Tirsa, kahalihalina na gaya ng Jerusalem, kakilakilabot na gaya ng hukbo na may mga watawat. | |
Song | TagAngBi | 6:5 | Ihiwalay mo ang iyong mga mata sa akin, Sapagka't kanilang dinaig ako. Ang iyong buhok ay gaya ng kawan ng mga kambing, na nangahihilig sa gulod ng Galaad. | |
Song | TagAngBi | 6:6 | Ang iyong mga ngipin ay gaya ng kawan ng mga babaing tupa, na nagsiahong mula sa pagpaligo; na bawa't isa'y may anak na kambal, at walang baog sa kanila. | |
Song | TagAngBi | 6:9 | Ang aking kalapati, ang aking sakdal ay isa lamang; siya ang bugtong ng kaniyang ina; siya ang pili ng nanganak sa kaniya. Nakita siya ng mga anak na babae, at tinawag siyang mapalad; Oo, ng mga reina at ng mga babae, at pinuri siya nila. | |
Song | TagAngBi | 6:10 | Sino siyang tumitinging parang umaga, maganda na parang buwan, maliwanag na parang araw, kakilakilabot na parang hukbo na may mga watawat? | |
Song | TagAngBi | 6:11 | Ako'y bumaba sa halamanan ng mga pile, upang tingnan ang mga sariwang pananim ng libis, upang tingnan kung nagbubuko ang puno ng ubas, at ang mga puno ng granada ay namumulaklak. | |
Song | TagAngBi | 6:12 | Bago ko naalaman, inilagay ako ng aking kaluluwa sa gitna ng mga karo ng aking marangal na bayan. | |