I TIMOTHY
Chapter 2
I Ti | TagAngBi | 2:1 | Una-una nga sa lahat ng mga bagay, ay iniaaral ko na manaing, manalangin, mamagitan, at magpasalamat na patungkol sa lahat ng mga tao; | |
I Ti | TagAngBi | 2:2 | Ang mga hari at ang lahat ng nangasa mataas na kalagayan; upang tayo'y mangabuhay na tahimik at payapa sa buong kabanalan at kahusayan. | |
I Ti | TagAngBi | 2:4 | Na siyang may ibig na ang lahat ng mga tao'y mangaligtas, at mangakaalam ng katotohanan. | |
I Ti | TagAngBi | 2:5 | Sapagka't may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus, | |
I Ti | TagAngBi | 2:6 | Na ibinigay ang kaniyang sarili na pangtubos sa lahat; na pagpapatotoong mahahayag sa sariling kapanahunan; | |
I Ti | TagAngBi | 2:7 | Na dito'y itinalaga ako na tagapangaral at apostol (sinasabi ko ang katotohanan, hindi ako nagsisinungaling), guro sa mga Gentil sa pananampalataya at katotohanan. | |
I Ti | TagAngBi | 2:8 | Ibig ko ngang ang mga tao'y magsipanalangin sa bawa't dako, na iunat ang mga kamay na banal, na walang galit at pakikipagtalo. | |
I Ti | TagAngBi | 2:9 | Gayon din naman, na ang mga babae ay magsigayak ng mahinhing damit na may katimtiman at hinahon; hindi ng mahalagang hiyas ng buhok, at ginto o perlas o damit na mahalaga; | |
I Ti | TagAngBi | 2:10 | Kundi (siyang nararapat sa mga babae na magpakabanal) sa pamamagitan ng mabubuting gawa. | |
I Ti | TagAngBi | 2:12 | Nguni't hindi ko ipinahihintulot na ang babae ay magturo, ni magkaroon ng pamumuno sa lalake, kundi tumahimik. | |
I Ti | TagAngBi | 2:14 | At si Adam ay hindi nadaya, kundi ang babae nang madaya ay nahulog sa pagsalangsang; | |