Site uses cookies to provide basic functionality.

OK
JAMES
1 2 3 4 5
Prev Up Next Toggle notes
Chapter 5
Jame Tagalog 5:1  Mga mayayaman, makinig kayo, kayo ay tumangis at pumalahaw sa darating ninyong mga paghihirap.
Jame Tagalog 5:2  Ang mga kayamanan ninyo ay nabulok. Ang mga damit ninyo ay kinain ng tanga.
Jame Tagalog 5:3  Ang mga ginto at pilak ninyo ay kinalawang. Ang kalawang ng mga ito ang magiging patotoo laban sa inyo at siyang kakain sa inyong mga laman tulad ng apoy. Kayo ay nag-imbak ng kayamanan para sa mga huling araw.
Jame Tagalog 5:4  Tingnan ninyo. Ipinagkait ninyo ang mga upa ng mga manggagawang gumapas sa inyong mga bukirin. Ang kanilang mga upa ay umiiyak. Ang iyak ng mga manggagawang gumapas ay narinig ng Panginoon ng mga hukbo.
Jame Tagalog 5:5  Kayo ay namuhay sa mundong ito sa kasaganaan at pagpapasasa. Binusog ninyo ang inyong mga puso tulad sa araw ng pagkakatay.
Jame Tagalog 5:6  Inyong hinatulan at pinatay ang taong matuwid. Hindi niya kayo tinututulan.
Jame Tagalog 5:7  Mga kapatid ko, magtiis kayo hanggang sa pagbalik ng Panginoon. Tingnan ninyo ang magsasaka kung papaano siya naghihintay sa mahalagang bunga ng lupa. Matiyaga niya itong hinihintay hanggang sa pagdating ng una at huling ulan.
Jame Tagalog 5:8  Magtiis din nga kayo at patatagin ninyo ang inyong mga loob sapagkat malapit na ang pagbabalik ng Panginoon.
Jame Tagalog 5:9  Mga kapatid, huwag kayong maghinagpis sa isa`t isa upang hindi kayo mahatulan. Tingnan ninyo, ang hukom ay nakatayo sa pintuan.
Jame Tagalog 5:10  Mga kapatid, gawin ninyong halimbawa ang mga propeta na nangaral sa pangalan ng Panginoon. Sila ang mga halimbawa na dumanas ng paghihirap at ng pagtitiis.
Jame Tagalog 5:11  Tingnan ninyo, itinuturing nating pinagpala ang mga nakapagtiis. Narinig ninyo ang pagtitiis ni Job at nalaman ninyo ang ginawa ng Diyos. Nalaman ninyo na ang Panginoon ay lubhang maawain at mahabagin.
Jame Tagalog 5:12  Ngunit higit sa lahat mga kapatid ko, huwag kayong susumpa. Huwag kayong susumpa sa pamamagitan ng langit o lupa o ng ano pa mang panunumpa. Ang inyong oo ay dapat maging oo, ang inyong hindi ay dapat maging hindi upang hindi kayo maging mapagpakunwari.
Jame Tagalog 5:13  Mayroon bang napipighati sa inyo? Hayaan siyang manalangin. Mayroon bang masaya sa inyo? Hayaan siyang magpuri.
Jame Tagalog 5:14  Mayroon bang may malubhang sakit sa inyo? Hayaan siyang tumawag sa mga matatanda sa iglesya. Hayaan silang ipanalangin siya at pahiran siya ng langis sa pangalan ng Panginoon.
Jame Tagalog 5:15  Ang panalanging may pananampalataya ay makapagpapagaling sa taong maysakit at siya ay ibabangon ng Panginoon. Kung mayroon siyang nagawang mga pagkakasala, siya ay patatawarin sa mga iyon.
Jame Tagalog 5:16  Magpahayagan kayo ng inyong mga pagkakamali sa isa`t isa. Magpanalanginan kayo sa isa`t isa, upang gumaling kayo. Ang mabisa at taimtim na panalangin ng taong matuwid ay maraming nagagawa.
Jame Tagalog 5:17  Si Elias ay taong may damdamin ding tulad natin. Mataimtim siyang nanalangin na huwag umulan at hindi nga umulan sa lupa sa loob nang tatlo at kalahating taon.
Jame Tagalog 5:18  Muli siyang nanalangin at ang langit ay nagbuhos ng ulan, ang lupa ay nagbigay ng ani.
Jame Tagalog 5:19  Mga kapatid, maaaring ang isa sa inyo ay lumihis sa katotohanan at siya ay napanumbalik ng isa sa inyo.
Jame Tagalog 5:20  Dapat malaman ng nagpanumbalik sa makasalanan mula sa landas ng pagkakamali, na siya ay makapagliligtas ng isang kaluluwa mula sa kamatayan. Siya ay magtatakip ng maraming kasalanan.