Site uses cookies to provide basic functionality.

OK
HOSEA
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14
Prev Up Next Toggle notes
Chapter 5
Hose TagAngBi 5:1  Dinggin ninyo ito, Oh ninyong mga saserdote, at inyong pakinggan ninyong sangbahayan ni Israel, at inyong ulinigin, Oh sangbahayan ng hari, sapagka't sa inyo'y nauukol ang kahatulan; sapagka't kayo'y naging isang silo sa Mizpa, at isang panghuli na nalagay sa Tabor.
Hose TagAngBi 5:2  At ang mga nagsipanghimagsik ay nangagpakapahamak na mainam; nguni't ako'y mananaway sa kanilang lahat.
Hose TagAngBi 5:3  Aking kilala ang Ephraim, at ang Israel na hindi lingid sa akin; sapagka't ngayon, Oh Ephraim, ikaw ay nagpatutot, ang Israel ay napahamak.
Hose TagAngBi 5:4  Hindi sila titiisin ng kanilang mga gawain na manumbalik sa kanilang Dios; sapagka't ang pagpapatutot ay nasa loob nila, at hindi nila nakikilala ang Panginoon.
Hose TagAngBi 5:5  At ang kapalaluan ng Israel ay nagpapatotoo sa kaniyang mukha: kaya't ang Israel at ang Ephraim ay mangatitisod sa kanilang kasamaan; ang Juda'y matitisod ding kasama nila.
Hose TagAngBi 5:6  Sila'y magsisiyaong kasama ng kanilang kawan at ng kanilang bakahan upang hanapin ang Panginoon; nguni't hindi nila masusumpungan siya: Siya'y umurong sa kanila.
Hose TagAngBi 5:7  Sila'y nagsigawa ng paglililo laban sa Panginoon; sapagka't sila'y naganak ng ibang mga anak: lalamunin nga sila ng bagong buwan sangpu ng kanilang mga parang.
Hose TagAngBi 5:8  Hipan ninyo ang korneta sa Gabaa, at ang pakakak sa Rama: kayo'y magsitugtog ng hudyat sa Beth-aven; sa likuran mo, Oh Benjamin.
Hose TagAngBi 5:9  Ang Ephraim ay magiging kasiraan sa kaarawan ng pagsaway: sa gitna ng mga lipi ng Israel ay aking ipinakilala ang tunay na mangyayari.
Hose TagAngBi 5:10  Ang mga prinsipe sa Juda ay gaya ng nagsisibago ng lindero: aking ibubuhos ang aking galit sa kanila na parang tubig.
Hose TagAngBi 5:11  Ang Ephraim ay napighati, siya'y nadikdik sa kahatulan; sapagka't siya'y nasisiyahang lumakad ng ayon sa utos ng tao.
Hose TagAngBi 5:12  Kaya't ako'y sa Ephraim na parang tanga, at sa sangbahayan ni Juda na parang kabulukan.
Hose TagAngBi 5:13  Nang makita ng Ephraim ang kaniyang sakit, at nang makita ni Juda ang kaniyang sugat, naparoon nga ang Ephraim sa Asiria, at nagsugo sa haring Jareb: nguni't hindi niya mapagagaling kayo, ni kaniyang mapagagaling man kayo sa inyong sugat.
Hose TagAngBi 5:14  Sapagka't ako'y magiging parang leon sa Ephraim, at parang isang batang leon sa sangbahayan ni Juda, Ako, sa makatuwid baga'y ako, ay aagaw at aalis; ako'y magaalis, at walang magliligtas.
Hose TagAngBi 5:15  Ako'y yayaon at babalik sa aking dako, hanggang sa kanilang kilalanin ang pagkakasala, at hanapin ang aking mukha: sa kanilang pagdadalamhati ay hahanapin nila akong mainam.