Site uses cookies to provide basic functionality.

OK
JUDGES
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21
Prev Up Next Toggle notes
Chapter 21
Judg TagAngBi 21:1  Ang mga lalake nga ng Israel ay nagsisumpa sa Mizpa, na nagsasabi, Walang sinoman sa atin na magbibigay ng kaniyang anak na babae sa Benjamin upang maging asawa.
Judg TagAngBi 21:2  At ang bayan ay naparoon sa Beth-el at umupo roon hanggang sa kinahapunan sa harap ng Dios, at inilakas ang kanilang mga tinig, at tumangis na mainam.
Judg TagAngBi 21:3  At kanilang sinabi, Oh Panginoon, na Dios ng Israel, bakit nangyari ito sa Israel, na mababawas ngayon ang isang lipi sa Israel?
Judg TagAngBi 21:4  At nangyari nang kinabukasan, na ang bayan ay bumangong maaga, at nagtayo roon ng dambana, at naghandog ng mga handog na susunugin at ng mga handog tungkol sa kapayapaan.
Judg TagAngBi 21:5  At sinabi ng mga anak ni Israel, Sino yaong hindi umahon sa lahat ng mga lipi ng Israel, sa kapulungan sa Panginoon? Sapagka't sila'y gumawa ng dakilang sumpa laban doon sa hindi umahon sa Panginoon sa Mizpa, na sinasabi, Walang pagsalang siya'y papatayin.
Judg TagAngBi 21:6  At nangagsisi ang mga anak ni Israel dahil sa Benjamin na kanilang kapatid, at sinabi, May isang angkan na nahiwalay sa Israel sa araw na ito.
Judg TagAngBi 21:7  Paano ang ating gagawing paghanap ng mga asawa sa kanila na nangaiwan, yamang tayo'y nagsisumpa sa Panginoon na hindi natin ibibigay sa kanila ang ating mga anak na babae upang maging asawa?
Judg TagAngBi 21:8  At kanilang sinabi, Sino sa mga lipi ng Israel ang hindi umahon sa Panginoon sa Mizpa? At, narito, walang naparoon sa kampamento sa Jabes-galaad sa kapulungan.
Judg TagAngBi 21:9  Sapagka't nang bilangin ang bayan, narito, wala sa nagsisitahan sa Jabes-galaad doon.
Judg TagAngBi 21:10  At nagsugo ang kapisanan ng labing dalawang libong lalaking napaka matapang, at iniutos sa kanila, na sinasabi, Kayo'y yumaon sugatan ninyo ng talim ng tabak ang nagsisitahan sa Jabes-galaad pati ang mga babae at mga bata.
Judg TagAngBi 21:11  At ito ang bagay na inyong gagawin: inyong lubos na lilipulin ang bawa't lalake, at bawa't babae na sinipingan ng lalake.
Judg TagAngBi 21:12  At kanilang nasumpungan sa nagsisitahan sa Jabes-galaad ay apat na raang dalaga, na hindi nakakilala ng lalake sa pagsiping sa kaniya: at kanilang dinala sa kampamento sa Silo, na nasa lupain ng Canaan.
Judg TagAngBi 21:13  At nagsugo ang buong kapisanan at nagsalita sa mga anak ni Benjamin na nangasa bato ng Rimmon, at inihayag ang kapayapaan sa kanila.
Judg TagAngBi 21:14  At bumalik ang Benjamin nang panahong yaon; at ibinigay nila sa kanila ang mga babaing kanilang iniligtas na buhay sa mga babae sa Jabes-galaad: at gayon ma'y hindi sapat sa kanila.
Judg TagAngBi 21:15  At ang bayan ay nagsisi dahil sa Benjamin, sapagka't ginawan ng kasiraan ng Panginoon ang mga lipi ng Israel.
Judg TagAngBi 21:16  Nang magkagayo'y sinabi ng mga matanda ng kapisanan, Paanong ating gagawin na paghanap ng asawa doon sa nangatitira, yamang ang mga babae ay nalipol sa Benjamin?
Judg TagAngBi 21:17  At kanilang sinabi, Nararapat magkaroon ng mana yaong nangakatakas sa Benjamin, upang ang isang lipi ay huwag mapawi sa Israel.
Judg TagAngBi 21:18  Gayon man ay hindi natin maibibigay na asawa sa kanila ang ating mga anak na babae: sapagka't ang mga anak ni Israel ay nagsisumpa, na nangagsasabi, Sumpain yaong magbigay ng asawa sa Benjamin.
Judg TagAngBi 21:19  At kanilang sinabi, Narito, may isang kasayahan sa Panginoon sa taon-taon sa Silo, na nasa hilagaan ng Beth-el sa dakong silanganan ng lansangan na paahon sa Sichem mula sa Beth-el, at sa timugan ng Lebona.
Judg TagAngBi 21:20  At kanilang iniutos sa mga anak ni Benjamin, na sinasabi, kayo'y yumaon at bumakay sa mga ubasan;
Judg TagAngBi 21:21  At tingnan ninyo, at, narito, kung ang mga anak na babae sa Silo ay lumabas na sumayaw ng mga sayaw, lumabas nga kayo sa ubasan, at kumuha ang bawa't lalake sa inyo, ng kaniyang asawa sa mga anak sa Silo; at yumaon kayo sa lupain ng Benjamin.
Judg TagAngBi 21:22  At mangyayari, na pagka ang kanilang mga magulang o ang kanilang mga kapatid ay naparito upang kami ay usapin, ay aming sasabihin sa kanila, Ipagkaloob na ninyo sila sa amin: sapagka't hindi namin kinuha na asawa sa bawa't isa sa kanila sa pagkikipagbaka: o ibinigay man ninyo sila sa kanila, sa ibang paraan kayo'y magkakasala.
Judg TagAngBi 21:23  At ginawang gayon ng mga anak ni Benjamin, at kinuha nila silang asawa ayon sa kanilang bilang, sa mga sumasayaw, na kanilang dinala: at sila'y yumaon at nagbalik sa kanilang mana, at itinayo ang mga bayan, at tinahanan nila.
Judg TagAngBi 21:24  At yumaon ang mga anak ni Israel mula roon nang panahong yaon, bawa't lalake ay sa kaniyang lipi at sa kaniyang angkan, at yumaon mula roon ang bawa't lalake na umuwi sa kaniyang mana.
Judg TagAngBi 21:25  Nang mga araw na yao'y walang hari sa Israel: ginagawa ng bawa't isa ang matuwid sa kaniyang sariling mga mata.