John
|
Tagalog
|
2:25 |
Hindi niya kailangang magpatotoo ang sinuman tungkol sa tao sapagkat nalalaman niya kung ano ang nasa kalooban ng tao. [ (John 2:26) Sinagot sila ni Juan na nagsasabi: Ako ay nagbabaw-tismo ng tubig, ngunit sa inyong kalagitnaan ay may isang nakatayo na hindi ninyo kilala. ] [ (John 2:27) Siya ang paparitong kasunod ko na lalong higit sa akin. Hindi ako karapatdapat na magkalag ng panali ng kaniyang panyapak. ] [ (John 2:28) Ang mga bagay na ito ay nangyari sa Betabara, sa ibayo ng Jordan na pinagbabawtismuhan ni Juan. ] [ (John 2:29) Kinabukasan, nang makita ni Juan si Jesus na papalapit sa kaniya, sinabi niya: Tingnan ninyo ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan. ] [ (John 2:30) Siya ang aking tinutukoy nang sabihin kong may paparitong kasunod ko na isang lalaki na lalong higit sa akin sapagkat siya ay una sa akin. ] [ (John 2:31) Hindi ko siya kilala ngunit upang maihayag siya sa Israel ako nga ay naparitong nagbabawtismo sa tubig. ] [ (John 2:32) Nagpatotoo si Juan na nagsasabi: Nakita ko ang Espiritu na bumabang buhat sa langit tulad ng isang kalapati. Ito ay nanahan sa kaniya. ] [ (John 2:33) Hindi ko siya kilala ngunit ang nagsugo sa akin upang magbawtismo sa pamamagitan ng tubig ay siya ring nagsabi sa akin: Kung kanino mo makikitang bababa at mananahan ang Espiritu siya ang magbabawtismo ng Banal na Espiritu. ] [ (John 2:34) Aking nakita at pinatotohanan na siya ang Anak ng Diyos. ] [ (John 2:35) Kinabukasan ay nakatayo roong muli si Juan at ang dalawa niyang alagad. ] [ (John 2:36) Pagtingin niya kay Jesus na naglalakad, sinabi niya: Tingnan ninyo ang Kordero ng Diyos. ] [ (John 2:37) Narinig siya ng dalawang alagad nang siya ay magsalita. Sumunod sila kay Jesus. ] [ (John 2:38) Paglingon ni Jesus at nakita silang sumusunod sinabi niya sa kanila: Ano ang inyong hinahanap? Sinabi nila sa kaniya: Rabbi, na kung liliwanagin ay Guro, saan ka nakatira? ] [ (John 2:39) Sinabi niya sa kanila: Halikayo at inyong tingnan. Sila ay pumaroon at nakita nila ang kaniyang tinitirahan. Nanatili silang kasama niya nang araw na iyon, noon ay mag-iikasampu na ang oras. ] [ (John 2:40) Ang isa sa dalawang nakarinig kay Juan at sumunod kay Jesus ay si Andres. Siya ay kapatid ni Simon Pedro. ] [ (John 2:41) Una niyang hinanap ang kaniyang sariling kapatid na si Simon, at sinabi sa kaniya: Natagpuan namin ang Mesiyas. Ang kahulugan ng Mesiyas ay Kristo. ] [ (John 2:42) Isinama ni Andres si Simon kay Jesus. Pagtingin sa kaniya, sinabi ni Jesus: Ikaw ay si Simon na anak ni Jonas, tatawagin kang Cefas. Kung isasalin ang Cefas ay Pedro. ] [ (John 2:43) Kinabukasan ay ninais ni Jesus na pumunta sa Galilea. Nasumpungan niya si Felipe at sinabi sa kaniya: Sumunod ka sa akin. ] [ (John 2:44) Si Felipe ay taga-Betsaida na lunsod nina Andres at Pedro. ] [ (John 2:45) Nasumpungan ni Felipe si Natanael at sinabi sa kaniya: Ang isinulat ni Moises sa kautusan at isinulat ng mga propeta ay nasumpungan namin. Siya ay si Jesus, ang anak ni Jose na taga-Nazaret. ] [ (John 2:46) Itinanong ni Natanael sa kaniya: May mabuti bang bagay na magmumula sa Nazaret? Sinabi sa kaniya ni Felipe: Halika at tingnan mo. ] [ (John 2:47) Nakita ni Jesus si Natanael na papalapit sa kaniya, sinabi niya ang tungkol kay Natanael: Tingnan ninyo, ang isang tunay na taga-Israel, sa kaniya ay walang daya. ] [ (John 2:48) Itinanong sa kaniya ni Natanael: Papaano mo ako nakilala? Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya: Bago ka pa tawagin ni Felipe ay nakita na kita nang ikaw ay nasa ilalim ng puno ng igos. ] [ (John 2:49) Sumagot si Natanael at sinabi sa kaniya: Guro, ikaw ang Anak ng Diyos. Ikaw ang Hari ng Israel. ] [ (John 2:50) Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya: Sumasampalataya ka ba dahil sinabi kong nakita kita sa ilalim ng puno ng igos? Makikita mo ang mga bagay na higit na dakila kaysa sa mga ito. ] [ (John 2:51) Sinabi ni Jesus sa kaniya: Totoong-totoong sinasabi ko sa iyo, mula ngayon ay makikita ninyong bukas ang langit. Makikita ninyo ang mga anghel ng Diyos ay pumapaitaas at bumababa sa Anak ng Tao. ]
|
|