Site uses cookies to provide basic functionality.

OK
JOHN
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21
Prev Up Next Toggle notes
Chapter 1
John Tagalog 1:1  Sa pasimula pa ay naroroon na ang Salita. Ang Salita ay sumasa Diyos at ang Salita ay Diyos.
John Tagalog 1:3  Ang lahat ng mga bagay ay nilikha sa pamamagitan niya. Kung wala siya ay walang anumang nilikhang bagay na nalikha.
John Tagalog 1:4  Ang buhay ay nasa kaniya at ang buhay ay ang ilaw ng mga tao.
John Tagalog 1:5  Ang ilaw ay nagliwanag sa kadiliman at ito ay hindi naunawaan ng kadiliman.
John Tagalog 1:6  May isang lalaking isinugong mula sa Diyos. Ang kaniyang pangalan ay Juan.
John Tagalog 1:7  Siya ay naparitong isang saksi upang magpatotoo tungkol sa ilaw upang ang lahat ay sumampalataya sa pamamagitan niya.
John Tagalog 1:8  Hindi siya ang ilaw ngunit siya ay sinugo upang magpatotoo tungkol sa ilaw.
John Tagalog 1:9  Ang tunay na ilaw ay iyong tumatanglaw sa bawat taong pumaparito sa sanlibutan.
John Tagalog 1:10  Siya ay nasa sanlibutan. Ang sanlibutan ay nilikha sa pamamagitan niya at hindi siya nakilala ng sanlibutan.
John Tagalog 1:11  Siya ay pumunta sa kaniyang sariling mga tao at hindi siya tinanggap ng kaniyang sariling mga tao.
John Tagalog 1:12  Datapuwat ang lahat ng tumanggap sa kaniya ay binigyan niya ng karapatang maging mga anak ng Diyos. Sila ay ang mga sumampalataya sa kaniyang pangalan.
John Tagalog 1:13  Sila ay ipinanganak hindi sa dugo, hindi sa kalooban ng katawan, ni sa kalooban ng tao. Sila ay ipinanganak mula sa Diyos.
John Tagalog 1:14  Nagkatawang-tao ang Salita at tumahan sa gitna natin. Namasdan namin ang kaniyang kaluwalhatian, ang kaluwalhatian ng bugtong na Anak ng Ama. Ang Salitang ito ay puspos ng biyaya at katotohanan.
John Tagalog 1:15  Si Juan ay nagpapatotoo tungkol sa kaniya. Siya ay sumigaw at nagsabi: Siya ang aking sinasabing, ang paparitong kasunod ko ay lalong higit sa akin sapagkat siya ay una sa akin.
John Tagalog 1:16  Mula sa kaniyang kapuspusan ay tumanggap tayong lahat ng abut-abot na biyaya.
John Tagalog 1:17  Ang kautusan ay ibinigay sa pamamagitan ni Moises. Ang biyaya at ang katotohanan ay dumating sa pamamagitan ni Jesukristo.
John Tagalog 1:18  Walang taong nakakita kailanman sa Diyos. Ang bugtong na Anak na nasa piling ng Ama ang naghayag sa kaniya.
John Tagalog 1:19  Ito ang patotoo ni Juan nang isugo sa kaniya ng mga Judio ang mga pari at mga Levita mula sa Jerusalem. Isinugo sa kaniya ang mga pari at mga Levita upang tanungin siya, Sino Ka?
John Tagalog 1:20  Siya ay nagtapat at hindi nagkaila. Kaniyang ipinagtapat: Hindi ako ang Kristo.