Site uses cookies to provide basic functionality.

OK
PSALMS
Prev Up Next Toggle notes
Chapter 116
Psal TagAngBi 116:1  Aking iniibig ang Panginoon, sapagka't kaniyang dininig ang aking tinig at aking mga hiling.
Psal TagAngBi 116:2  Sapagka't kaniyang ikiniling ang kaniyang pakinig sa akin, kaya't ako'y tatawag sa kaniya habang ako'y nabubuhay.
Psal TagAngBi 116:3  Ang tali ng kamatayan ay pumulupot sa akin, at ang mga sakit ng Sheol ay nagsihawak sa akin: aking nasumpungan ang kabagabagan at kapanglawan.
Psal TagAngBi 116:4  Nang magkagayo'y tumawag ako sa pangalan ng Panginoon; Oh Panginoon, isinasamo ko sa iyo, iligtas mo ang aking kaluluwa.
Psal TagAngBi 116:5  Mapagbiyaya ang Panginoon, at matuwid; Oo, ang Dios namin ay maawain.
Psal TagAngBi 116:6  Pinalalagi ng Panginoon ang mga tapat na loob: ako'y nababa, at kaniyang iniligtas ako.
Psal TagAngBi 116:7  Bumalik ka sa iyong kapahingahan, Oh kaluluwa ko; sapagka't ginawan ka ng mabuti ng Panginoon.
Psal TagAngBi 116:8  Sapagka't iyong iniligtas ang kaluluwa ko sa kamatayan, at ang mga mata ko sa mga luha, at ang mga paa ko sa pagkabuwal.
Psal TagAngBi 116:9  Ako'y lalakad sa harap ng Panginoon, sa lupain ng mga buhay.
Psal TagAngBi 116:10  Ako'y sumasampalataya, sapagka't ako'y magsasalita: ako'y lubhang nagdalamhati:
Psal TagAngBi 116:11  Aking sinabi sa aking pagmamadali, lahat ng tao ay bulaan.
Psal TagAngBi 116:12  Ano ang aking ibabayad sa Panginoon dahil sa lahat niyang kabutihan sa akin?
Psal TagAngBi 116:13  Aking kukunin ang saro ng kaligtasan, at tatawag ako sa pangalan ng Panginoon.
Psal TagAngBi 116:14  Aking babayaran ang mga panata ko sa Panginoon, Oo, sa harapan ng buo niyang bayan.
Psal TagAngBi 116:15  Mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kaniyang mga banal.
Psal TagAngBi 116:16  Oh Panginoon, tunay na ako'y iyong lingkod; ako'y iyong lingkod, na anak ng iyong lingkod na babae; iyong kinalag ang aking mga tali.
Psal TagAngBi 116:17  Aking ihahandog sa iyo ang hain na pasalamat, at tatawag ako sa pangalan ng Panginoon.
Psal TagAngBi 116:18  Aking babayaran ang mga panata ko sa Panginoon, Oo, sa harapan ng buo niyang bayan;
Psal TagAngBi 116:19  Sa mga looban ng bahay ng Panginoon, sa gitna mo, Oh Jerusalem. Purihin ninyo ang Panginoon.