Site uses cookies to provide basic functionality.

OK
PSALMS
Prev Up Next Toggle notes
Chapter 66
Psal TagAngBi 66:1  Magkaingay kayong may kagalakan sa Dios, buong lupa.
Psal TagAngBi 66:2  Awitin ninyo ang kaluwalhatian ng kaniyang pangalan: paluwalhatiin ninyo ang pagpuri sa kaniya.
Psal TagAngBi 66:3  Inyong sabihin sa Dios, napaka kakilakilabot ng iyong mga gawa! Sa kadakilaan ng iyong kapangyarihan ay magsisuko ang iyong mga kaaway sa iyo.
Psal TagAngBi 66:4  Buong lupa ay sasamba sa iyo, at aawit sa iyo; sila'y magsisiawit sa iyong pangalan. (Selah)
Psal TagAngBi 66:5  Kayo ay magsiparito, at tingnan ninyo ang mga gawa ng Dios; siya'y kakilakilabot sa kaniyang gawain sa mga anak ng mga tao.
Psal TagAngBi 66:6  Kaniyang pinagiging tuyong lupa ang dagat: sila'y nagsidaan ng paa sa ilog: doo'y nangagalak kami sa kaniya.
Psal TagAngBi 66:7  Siya'y nagpupuno ng kaniyang kapangyarihan magpakailan man: papansinin ng kaniyang mga mata ang mga bansa: huwag mangagpakabunyi ang mga manghihimagsik. (Selah)
Psal TagAngBi 66:8  Oh purihin ninyo ang ating Dios, ninyong mga bayan, at iparinig ninyo ang tinig ng kaniyang kapurihan:
Psal TagAngBi 66:9  Na umaalalay sa ating kaluluwa sa buhay, at hindi tumitiis na makilos ang ating mga paa.
Psal TagAngBi 66:10  Sapagka't ikaw, Oh Dios, tinikman mo kami: Iyong sinubok kami na para ng pagsubok sa pilak.
Psal TagAngBi 66:11  Iyong isinuot kami sa silo; ikaw ay naglagay ng mainam na pasan sa aming mga balakang.
Psal TagAngBi 66:12  Iyong pinasakay ang mga tao sa aming mga ulo; kami ay nangagdaan sa apoy at sa tubig; nguni't dinala mo kami sa saganang dako.
Psal TagAngBi 66:13  Ako'y papasok sa iyong bahay na may mga handog na susunugin, aking babayaran sa iyo ang mga panata ko,
Psal TagAngBi 66:14  Na sinambit ng aking mga labi, at sinalita ng aking bibig, nang ako'y nasa kadalamhatian.
Psal TagAngBi 66:15  Ako'y maghahandog sa iyo ng mga matabang handog na susunugin, na may haing mga tupa; ako'y maghahandog ng mga toro na kasama ng mga kambing. (Selah)
Psal TagAngBi 66:16  Kayo'y magsiparito at dinggin ninyo, ninyong lahat na nangatatakot sa Dios, at ipahahayag ko kung ano ang kaniyang ginawa sa aking kaluluwa.
Psal TagAngBi 66:17  Ako'y dumaing sa kaniya ng aking bibig, at siya'y ibinunyi ng aking dila.
Psal TagAngBi 66:18  Kung pinakundanganan ko ang kasamaan sa aking puso, hindi ako didinggin ng Panginoon:
Psal TagAngBi 66:19  Nguni't katotohanang dininig ako ng Dios; kaniyang pinakinggan ang tinig ng aking dalangin.
Psal TagAngBi 66:20  Purihin ang Dios, na hindi iniwaksi ang aking dalangin, ni ang kaniyang kagandahang-loob sa akin.