Site uses cookies to provide basic functionality.

OK
PHILEMON
1
Chapter 1
Phil TagAngBi 1:1  Si Pablo, na bilanggo ni Cristo Jesus, at si Timoteo na ating kapatid kay Filemon na aming minamahal at kamanggagawa,
Phil TagAngBi 1:2  At kay Apia na ating kapatid na babae, at kay Arquipo na kapuwa kawal namin, at sa iglesia sa iyong bahay:
Phil TagAngBi 1:3  Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo.
Phil TagAngBi 1:4  Nagpapasalamat akong lagi sa aking Dios, na ikaw ay binabanggit ko sa aking mga panalangin,
Phil TagAngBi 1:5  Sa pagkabalita ko ng iyong pagibig, at ng pananampalataya mo sa Panginoong Jesus, at sa lahat ng mga banal;
Phil TagAngBi 1:6  Upang ang pakikipagkaisa ng iyong pananampalataya, ay maging mabisa sa pagkaalam ng bawa't mabuting bagay na nasa iyo, sa kay Cristo.
Phil TagAngBi 1:7  Sapagka't ako'y totoong nagalak at naaliw sa iyong pagibig, sapagka't ang mga puso ng mga banal ay naginhawahan sa pamamagitan mo, kapatid.
Phil TagAngBi 1:8  Kaya, bagama't kay Cristo ay mayroon akong buong pagkakatiwala upang ipagtagubilin ko sa iyo ang nauukol,
Phil TagAngBi 1:9  Gayon ma'y alangalang sa pagibig ay bagkus akong namamanhik, kung sa bagay akong si Pablo ay matanda na, at ngayon nama'y bilanggo ni Cristo Jesus:
Phil TagAngBi 1:10  Ipinamamanhik ko sa iyo ang aking anak, na aking ipinanganak sa aking mga tanikala, si Onesimo,
Phil TagAngBi 1:11  Na nang unang panahon ay hindi mo pinakinabangan, datapuwa't ngayon ay may pakikinabangin ka at ako man:
Phil TagAngBi 1:12  Na siya'y aking pinabalik sa iyo sa kaniyang sariling katawan, sa makatuwid baga'y, ang aking sariling puso:
Phil TagAngBi 1:13  Na ibig ko sanang pigilin siya sa aking piling, upang sa iyong pangalan ay paglingkuran ako sa mga tanikala ng evangelio:
Phil TagAngBi 1:14  Datapuwa't kung wala kang pasiya ay wala akong magagawang anoman; upang ang iyong kabutihang-loob ay huwag maging tila sa pagkakailangan, kundi sa sariling kalooban.
Phil TagAngBi 1:15  Sapagka't marahil sa ganito siya'y nahiwalay sa iyo sa sangdaling panahon, upang siya'y mapasa iyo magpakailan man;
Phil TagAngBi 1:16  Na hindi na alipin, kundi higit sa alipin, isang kapatid na minamahal, lalong lalo na sa akin, nguni't gaano pa kaya sa iyo, na siya'y minamahal mo maging sa laman at gayon din sa Panginoon.
Phil TagAngBi 1:17  Kung ako nga ay inaari mong kasama, ay tanggapin mo siyang tila ako rin.
Phil TagAngBi 1:18  Nguni't kung siya'y nagkasala sa iyo ng anoman, o may utang sa iyong anoman, ay ibilang mo sa akin;
Phil TagAngBi 1:19  Akong si Pablo na sumusulat nito ng aking sariling kamay, ay siyang magbabayad sa iyo: hindi sa sinasabi ko sa iyo na ikaw man ay utang mo pa sa akin.
Phil TagAngBi 1:20  Oo, kapatid, magkaroon nawa ako ng katuwaan sa iyo sa Panginoon: panariwain mo ang aking puso kay Cristo.
Phil TagAngBi 1:21  Kita'y sinulatan sa pagkakatiwala sa iyong pagtalima, palibhasa'y aking nalalaman na gagawin mo ang higit pa kay sa aking sinasabi.
Phil TagAngBi 1:22  Datapuwa't bago ang lahat ay ipaghanda mo ako ng matutuluyan: sapagka't inaasahan kong sa pamamagitan ng inyong mga panalangin ay ipagkakaloob ako sa inyo.
Phil TagAngBi 1:23  Binabati ka ni Epafras, na aking kasama sa pagkabilanggo kay Cristo Jesus;
Phil TagAngBi 1:24  At gayon din ni Marcos, ni Aristarco, ni Demas, at ni Lucas na aking mga kamanggagawa.
Phil TagAngBi 1:25  Ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawang espiritu. Siya nawa.