Site uses cookies to provide basic functionality.

OK
NEHEMIAH
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13
Prev Up Next Toggle notes
Chapter 11
Nehe TagAngBi 11:1  At ang mga prinsipe ng bayan ay nagsitahan sa Jerusalem: ang nalabi naman sa bayan ay nangagsapalaran upang mangagdala ng isa sa bawa't sangpu na magsisitahan sa Jerusalem na bayang banal, at siyam na bahagi sa ibang mga bayan.
Nehe TagAngBi 11:2  At pinagpala ng bayan ang lahat na lalake na nagsihandog na kusa na magsisitahan sa Jerusalem.
Nehe TagAngBi 11:3  Ang mga ito nga ang mga pinuno sa lalawigan na nagsitahan sa Jerusalem: nguni't sa bayan ng Juda ay tumahan bawa't isa sa kaniyang pag-aari sa kanilang mga bayan, sa makatuwid baga'y ang Israel, ang mga saserdote, at ang mga Levita, at ang mga Nethineo, at ang mga anak ng mga lingkod ni Salomon.
Nehe TagAngBi 11:4  At sa Jerusalem ay nagsitahan ang ilan sa mga anak ni Juda, at sa mga anak ni Benjamin. Sa mga anak ni Juda: si Athaias na anak ni Uzzias, na anak ni Zacarias, na anak ni Amarias, na anak ni Sephatias na anak ni Mahalaleel, sa mga anak ni Phares.
Nehe TagAngBi 11:5  At si Maasias na anak ni Baruch, na anak ni Col-hoze, na anak ni Hazaias, na anak ni Adaias, na anak ni Joiarib, na anak ni Zacarias, na anak ng Silonita.
Nehe TagAngBi 11:6  Ang lahat ng mga anak ni Phares na nagsitahan sa Jerusalem, ay apat na raan at anim na pu't walo na mga matapang na lalake.
Nehe TagAngBi 11:7  At ang mga ito ang mga anak ni Benjamin: si Salu na anak ni Mesullam, na anak ni Joed, na anak ni Pedaias, na anak ni Colaias, na anak ni Maaseias, na anak ni Ithiel, na anak ni Jesaia.
Nehe TagAngBi 11:8  At sumusunod sa kaniya, si Gabbai, si Sallai, na siyam na raan at dalawang pu't walo.
Nehe TagAngBi 11:9  At si Joel na anak ni Zichri ay kanilang tagapamahala: at si Jehudas na anak ni Senua ay ikalawa sa bayan.
Nehe TagAngBi 11:10  Sa mga saserdote: si Jedaias na anak ni Joiarib, si Jachin,
Nehe TagAngBi 11:11  Si Seraias na anak ni Hilcias, na anak ni Mesullam, na anak ni Sadoc, na anak ni Meraioth, na anak ni Ahitub, na pinuno sa bahay ng Dios,
Nehe TagAngBi 11:12  At ang kanilang mga kapatid na nagsigawa ng gawain sa bahay, walong daan at dalawang pu't dalawa: at si Adaias na anak ni Jeroham, na anak ni Pelalias, na anak ni Amsi, na anak ni Zacarias, na anak ni Pashur, na anak ni Malchias,
Nehe TagAngBi 11:13  At ang kaniyang mga kapatid, na mga pinuno sa mga sangbahayan ng mga magulang, dalawang daan at apat na pu't dalawa: at si Amasai na anak ni Azarael, na anak ni Azai, na anak ni Mesillemoth, na anak ni Imer.
Nehe TagAngBi 11:14  At ang kanilang mga kapatid, na mga makapangyarihang lalake na matatapang, isang daan at dalawang pu't walo: at ang kanilang tagapamahala ay si Zabdiel na anak ni Gedolim.
Nehe TagAngBi 11:15  At sa mga Levita; si Semaias na anak ni Hassub, na anak ni Azricam, na anak ni Hasabias, na anak ni Buni;
Nehe TagAngBi 11:16  At si Sabethai at si Jozabad, sa mga pinuno ng mga Levita, na siyang nagsipamahala sa mga gawain sa labas sa bahay ng Dios;
Nehe TagAngBi 11:17  At si Mattanias, na anak ni Micha, na anak ni Zabdi, na anak ni Asaph, na siyang pinuno upang magpasimula na magpasalamat sa panalangin, at si Bacbucias, sa ikalawa sa kaniyang mga kapatid; at si Abda na anak ni Samua, na anak ni Galal, na anak ni Jeduthun.
Nehe TagAngBi 11:18  Lahat na Levita sa bayang banal, dalawang daan at walong pu't apat.
Nehe TagAngBi 11:19  Bukod dito'y ang mga tagatanod-pinto, na si Accub, si Talmon, at ang kanilang mga kapatid, na nangagbabantay sa mga pintuang-bayan, ay isang daan at pitong pu't dalawa.
Nehe TagAngBi 11:20  At ang nalabi sa Israel, sa mga saserdote, sa mga Levita, ay nangasa lahat na bayan ng Juda, bawa't isa'y sa kaniyang mana.
Nehe TagAngBi 11:21  Nguni't ang mga Nethineo ay nagsitahan sa Ophel: at si Siha at si Gispa ay nasa mga Nethineo.
Nehe TagAngBi 11:22  Ang tagapamahala naman sa mga Levita sa Jerusalem ay si Uzzi na anak ni Bani, na anak ni Hasabias, na anak ni Mattanias, na anak ni Micha, sa mga anak ni Asaph, na mga mangaawit, na nasa mga gawain sa bahay ng Dios.
Nehe TagAngBi 11:23  Sapagka't may utos na mula sa hari tungkol sa kanila, at takdang pagkain na ukol sa mga mangaawit, ayon sa kailangan sa bawa't araw.
Nehe TagAngBi 11:24  At si Pethahias na anak ni Mesezabel, sa mga anak ni Zerah, na anak ni Juda, ay nasa kapangyarihan ng hari sa lahat ng bagay na tungkol sa bayan.
Nehe TagAngBi 11:25  At tungkol sa mga nayon, pati ng kanilang mga bukid, ang ilan sa mga anak ni Juda ay nagsitahan sa Chiriat-arba at sa mga nayon niyaon, at sa Dibon at sa mga nayon niyaon, at sa Jecabzeel at sa mga nayon niyaon;
Nehe TagAngBi 11:27  At sa Hasar-sual, at sa Beerseba at sa mga nayon niyaon;
Nehe TagAngBi 11:28  At sa Siclag, at sa Mechona at sa mga nayon niyaon;
Nehe TagAngBi 11:30  Sa Zanoah, sa Adullam, at sa mga nayon niyaon, sa Lachis, at sa mga parang niyaon, sa Azeca at sa mga nayon niyaon. Gayon sila nagsihantong mula sa Beer-seba hanggang sa libis ni Hinnom.
Nehe TagAngBi 11:31  Ang mga anak ni Benjamin naman ay nagsitahan mula sa Geba, hanggang sa Michmas at sa Aia, at sa Beth-el at sa mga nayon niyaon;
Nehe TagAngBi 11:36  At sa mga Levita ay ang ibang mga bahagi sa Juda na pumisan sa Benjamin.