PROVERBS
Chapter 9
Prov | TagAngBi | 9:1 | Itinayo ng karunungan ang kaniyang bahay, kaniyang tinabas ang kaniyang pitong haligi: | |
Prov | TagAngBi | 9:2 | Pinatay niya ang kaniyang mga hayop: hinaluan niya ang kaniyang alak; kaniya namang ginayakan ang kaniyang dulang. | |
Prov | TagAngBi | 9:3 | Kaniya namang sinugo ang kaniyang mga alilang babae; siya'y sumisigaw sa mga pinakapantas na dako sa bayan: | |
Prov | TagAngBi | 9:4 | Kung sinoma'y musmos, pumasok dito: tungkol sa kaniya na mapurol sa pagunawa, sinasabi niya sa kaniya: | |
Prov | TagAngBi | 9:5 | Kayo'y magsiparito, magsikain kayo ng aking tinapay, at magsiinom kayo ng alak na aking hinaluan. | |
Prov | TagAngBi | 9:6 | Iwan ninyo, ninyong mga musmos at kayo'y mabuhay; at kayo'y magsilakad sa daan ng kaunawaan. | |
Prov | TagAngBi | 9:7 | Siyang sumasaway sa manglilibak ay nagtataglay ng kahihiyan sa kaniyang sarili: at siyang sumasaway sa masama ay nagtataglay ng pula sa kaniyang sarili. | |
Prov | TagAngBi | 9:8 | Huwag mong sawayin ang manglilibak, baka ipagtanim ka niya: sawayin mo ang pantas, at kaniyang iibigin ka. | |
Prov | TagAngBi | 9:9 | Turuan mo ang pantas, at siya'y magiging lalong pantas pa: iyong turuan ang matuwid, at siya'y lalago sa pagkatuto. | |
Prov | TagAngBi | 9:10 | Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan: at ang pagkakilala sa Banal ay kaunawaan. | |
Prov | TagAngBi | 9:11 | Sapagka't sa pamamagitan ko ay dadami ang iyong mga kaarawan, at ang mga taon ng iyong buhay ay magsisidami. | |
Prov | TagAngBi | 9:12 | Kung ikaw ay pantas, ikaw ay pantas sa ganang iyong sarili: at kung ikaw ay manglilibak, ikaw na magisa ang magpapasan. | |
Prov | TagAngBi | 9:14 | At siya'y nauupo sa pintuan ng kaniyang bahay, sa isang upuan sa mga mataas na dako sa bayan, | |
Prov | TagAngBi | 9:16 | Sinomang musmos ay pumasok dito: at tungkol sa kaniya na mapurol sa pagunawa, sinasabi niya sa kaniya: | |
Prov | TagAngBi | 9:17 | Ang mga nakaw na tubig ay matamis, at ang tinapay na kinakain sa lihim ay masarap. | |