PROVERBS
Chapter 8
Prov | TagAngBi | 8:2 | Sa taluktok ng mga mataas na dako sa tabi ng daan, sa mga salubungang landas, siya'y tumatayo; | |
Prov | TagAngBi | 8:3 | Sa tabi ng mga pintuang-bayan sa pasukan ng bayan, sa pasukan sa mga pintuan siya'y humihiyaw ng malakas: | |
Prov | TagAngBi | 8:4 | Sa inyo, Oh mga lalake, ako'y tumatawag; at ang aking tinig ay sa mga anak ng mga tao. | |
Prov | TagAngBi | 8:5 | Oh kayong mga musmos, magsiunawa kayo ng katalinuhan; at, kayong mga mangmang, makaunawa kayo sa puso. | |
Prov | TagAngBi | 8:6 | Kayo'y mangakinig, sapagka't magsasalita ako ng mga marilag na bagay; at ang buka ng aking mga labi ay magiging mga matuwid na bagay, | |
Prov | TagAngBi | 8:7 | Sapagka't ang aking bibig ay sasambit ng katotohanan; at kasamaan ay karumaldumal sa aking mga labi. | |
Prov | TagAngBi | 8:8 | Lahat ng mga salita ng aking bibig ay sa katuwiran; walang bagay na liko o suwail sa kanila. | |
Prov | TagAngBi | 8:9 | Pawang malilinaw sa kaniya na nakakaunawa, at matuwid sa kanila na nangakakasumpong ng kaalaman. | |
Prov | TagAngBi | 8:10 | Tanggapin mo ang aking turo at huwag pilak; at ang kaalaman na higit kay sa dalisay na ginto. | |
Prov | TagAngBi | 8:11 | Sapagka't ang karunungan ay maigi kay sa mga rubi; at lahat ng mga bagay na mananasa ay hindi maitutulad sa kaniya. | |
Prov | TagAngBi | 8:12 | Akong karunungan ay tumatahan sa kabaitan, at aking nasusumpungan ang kaalaman at gunita. | |
Prov | TagAngBi | 8:13 | Ang pagkatakot sa Panginoon ay ipagtanim ang kasamaan; Kapalaluan, at kahambugan at masamang lakad, at ang masamang bibig ay aking ipinagtatanim. | |
Prov | TagAngBi | 8:15 | Sa pamamagitan ko ay naghahari ang mga hari, at nagpapasiya ng kaganapan ang mga pangulo. | |
Prov | TagAngBi | 8:16 | Sa pamamagitan ko ay nagpupuno ang mga pangulo, at ang mga mahal na tao, sa makatuwid baga'y lahat ng mga hukom sa lupa. | |
Prov | TagAngBi | 8:17 | Aking iniibig sila na nagsisiibig sa akin; at yaong nagsisihanap na masikap sa akin ay masusumpungan ako. | |
Prov | TagAngBi | 8:18 | Mga kayamanan at karangalan ay nasa akin; Oo, lumalaging mga kayamanan at katuwiran. | |
Prov | TagAngBi | 8:19 | Ang bunga ko ay maigi kay sa ginto, oo, kay sa dalisay na ginto; at ang pakinabang sa akin kay sa piling pilak. | |
Prov | TagAngBi | 8:21 | Upang aking papagmanahin ng pag-aari yaong nagsisiibig sa akin, at upang aking mapuno ang kanilang ingatang-yaman. | |
Prov | TagAngBi | 8:22 | Inari ako ng Panginoon sa pasimula ng kaniyang lakad, bago pinasimulan ang kaniyang mga gawa ng una. | |
Prov | TagAngBi | 8:24 | Ako'y nailabas ng wala pang mga kalaliman; nang wala pang mga bukal na sagana ng tubig. | |
Prov | TagAngBi | 8:26 | Samantalang hindi pa niya nililikha ang lupa, ni ang mga parang man, ni ang pasimula man ng alabok ng sanglibutan. | |
Prov | TagAngBi | 8:27 | Nang kaniyang itatag ang langit nandoon ako: nang siya'y maglagay ng balantok sa balat ng kalaliman: | |
Prov | TagAngBi | 8:28 | Nang kaniyang pagtibayin ang langit sa itaas: nang maging matibay ang mga bukal ng kalaliman: | |
Prov | TagAngBi | 8:29 | Nang bigyan niya ang dagat ng kaniyang hangganan, upang huwag salangsangin ng tubig ang kaniyang utos: nang kaniyang iayos ang mga patibayan ng lupa: | |
Prov | TagAngBi | 8:30 | Nasa siping nga niya ako na gaya ng matalinong manggagawa: at ako ang kaniyang ligaya sa araw-araw, na nagagalak na lagi sa harap niya; | |
Prov | TagAngBi | 8:31 | Na nagagalak sa kaniyang tinatahanang lupa; at ang aking kaaliwan ay sa mga anak ng mga tao. | |
Prov | TagAngBi | 8:32 | Ngayon nga, mga anak ko, dinggin ninyo ako: sapagka't mapalad ang nangagiingat ng aking mga daan. | |
Prov | TagAngBi | 8:34 | Mapalad ang tao na nakikinig sa akin, na nagbabantay araw-araw sa aking mga pintuang-bayan, na naghihintay sa mga haligi ng aking mga pintuan. | |
Prov | TagAngBi | 8:35 | Sapagka't sinomang nakakasumpong sa akin, ay nakakasumpong ng buhay. At magtatamo ng lingap ng Panginoon. | |