PROVERBS
Chapter 29
Prov | TagAngBi | 29:1 | Ang madalas na masaway na nagpapatigas ng kaniyang leeg, biglang mababali, at walang kagamutan. | |
Prov | TagAngBi | 29:2 | Pagka ang matuwid ay dumadami, ang bayan ay nagagalak: nguni't pagka ang masama ay nagpupuno, ang bayan ay nagbubuntong-hininga. | |
Prov | TagAngBi | 29:3 | Ang umiibig ng karunungan ay nagpapagalak sa kaniyang ama: nguni't ang nakikisama sa mga patutot ay sumisira ng kaniyang tinatangkilik. | |
Prov | TagAngBi | 29:4 | Ang hari ay nagtatatag ng lupain sa pamamagitan ng kahatulan: nguni't ang humihingi ng suhol ay gumigiba. | |
Prov | TagAngBi | 29:5 | Ang tao na kunwang pumupuri sa kaniyang kapuwa naglalagay ng bitag sa kaniyang mga hakbang. | |
Prov | TagAngBi | 29:6 | Sa pagsalangsang ng masamang tao ay may silo: nguni't ang matuwid ay umaawit at nagagalak. | |
Prov | TagAngBi | 29:7 | Ang matuwid ay kumukuhang alam sa bagay ng dukha: ang masama ay walang unawang makaalam. | |
Prov | TagAngBi | 29:8 | Ang mga mangduduwahaging tao ay naglalagay ng bayan sa liyab: nguni't ang mga pantas na tao ay nagaalis ng poot. | |
Prov | TagAngBi | 29:9 | Kung ang pantas ay magkaroon ng pakikipagtalo sa isang mangmang, magalit man o tumawa, ang mangmang ay hindi magkakaroon ng kapahingahan. | |
Prov | TagAngBi | 29:10 | Ang mangbububo ng dugo ay nagtatanim sa sakdal: at tungkol sa matuwid, hinahanap nila ang kaniyang buhay. | |
Prov | TagAngBi | 29:11 | Inihihinga ng mangmang ang buong galit niya: nguni't ang pantas ay nagpipigil at tumitiwasay. | |
Prov | TagAngBi | 29:13 | Ang dukha at ang mamimighati ay nagsasalubong; pinapagniningas ng Panginoon ang mga mata nila kapuwa. | |
Prov | TagAngBi | 29:14 | Ang hari na humahatol na tapat sa dukha, ang kaniyang luklukan ay matatatag magpakailan man. | |
Prov | TagAngBi | 29:15 | Ang pamalo at saway ay nagbibigay karunungan: nguni't ang batang binabayaan ay humihiya sa kaniyang ina. | |
Prov | TagAngBi | 29:16 | Pagka ang masama ay dumadami, pagsalangsang ay dumadami: nguni't mamamasdan ng matuwid ang kanilang pagkabuwal. | |
Prov | TagAngBi | 29:17 | Sawayin mo ang iyong anak, at bibigyan ka niya ng kapahingahan; Oo, bibigyan niya ng kaluguran ang iyong kaluluwa. | |
Prov | TagAngBi | 29:18 | Kung saan walang pangitain, ang bayan ay sumasama: nguni't siyang nagiingat ng kautusan ay maligaya siya. | |
Prov | TagAngBi | 29:19 | Ang alipin ay hindi masasaway ng mga salita: sapagka't bagaman nalalaman niya ay hindi siya makikinig. | |
Prov | TagAngBi | 29:20 | Nakikita mo ba ang tao, na nagmamadali sa kaniyang mga salita? May pagasa pa sa mangmang kay sa kaniya. | |
Prov | TagAngBi | 29:21 | Siyang maingat na nagpalaki ng kaniyang lingkod mula sa pagkabata, magiging anak niya siya sa kawakasan. | |
Prov | TagAngBi | 29:22 | Ang taong magagalitin ay humihila ng kaalitan, at ang mainiting tao ay nananagana sa pagsalangsang. | |
Prov | TagAngBi | 29:23 | Ang kapalaluan ng tao ay magbababa sa kaniya: nguni't ang may mapagpakumbabang diwa ay magtatamo ng karangalan. | |
Prov | TagAngBi | 29:24 | Ang nakikisama sa isang magnanakaw ay nagtatanim sa kaniyang sariling kaluluwa: siya'y nakakarinig ng sumpa at hindi umiimik. | |
Prov | TagAngBi | 29:25 | Ang pagkatakot sa tao ay nagdadala ng silo: nguni't ang naglalagak ng kaniyang tiwala sa Panginoon ay maliligtas. | |
Prov | TagAngBi | 29:26 | Marami ang nagsisihanap ng lingap ng pinuno: nguni't ang kahatulan ng tao ay nagmumula sa Panginoon. | |