PROVERBS
Chapter 26
Prov | TagAngBi | 26:1 | Kung paano ang niebe sa taginit, at kung paano ang ulan sa pagaani, gayon ang karangalan ay hindi nababagay sa mangmang. | |
Prov | TagAngBi | 26:2 | Kung paano ang maya sa kaniyang paggagala, kung paano ang langaylangayan sa kaniyang paglipad, gayon ang sumpa na walang kadahilanan ay hindi tumatalab. | |
Prov | TagAngBi | 26:3 | Ang paghagupit ay sa kabayo, ang paningkaw ay sa asno, at ang pamalo ay sa likod ng mga mangmang. | |
Prov | TagAngBi | 26:4 | Huwag mong sagutin ang mangmang ng ayon sa kaniyang kamangmangan, baka ikaw man ay maging gaya rin niya. | |
Prov | TagAngBi | 26:5 | Sagutin mo ang mangmang ayon sa kaniyang kamangmangan, baka siya'y maging pantas sa ganang kaniya. | |
Prov | TagAngBi | 26:6 | Siyang nagsusugo ng pasugo sa pamamagitan ng kamay ng mangmang naghihiwalay ng kaniyang mga paa, at umiinom sa kasiraan. | |
Prov | TagAngBi | 26:7 | Ang mga hita ng pilay ay nabibitin: gayon ang talinghaga sa bibig ng mga mangmang. | |
Prov | TagAngBi | 26:8 | Kung paano ang isa'y nagbabalot ng isang bato sa isang lambanog, gayon ang nagbibigay ng karangalan sa mangmang. | |
Prov | TagAngBi | 26:9 | Kung paano ang tinik na tumutusok sa kamay ng lango, gayon ang talinghaga sa bibig ng mga mangmang. | |
Prov | TagAngBi | 26:10 | Kung paano ang mamamana sumusugat sa lahat, gayon ang umupa sa mangmang at umuupa sa pagayongayon. | |
Prov | TagAngBi | 26:11 | Kung paano ang aso na bumabalik sa kaniyang suka, gayon ang mangmang na umuulit ng kaniyang kamangmangan. | |
Prov | TagAngBi | 26:12 | Nakikita mo ba ang taong pantas sa ganang kaniyang sarili. May higit na pagasa sa mangmang kay sa kaniya. | |
Prov | TagAngBi | 26:14 | Kung paano ang pintuan ay pumipihit sa kaniyang bisagra, gayon ang tamad sa kaniyang higaan. | |
Prov | TagAngBi | 26:15 | Idinadampot ng tamad ang kaniyang kamay sa pinggan; napapagod siyang dalhin uli sa kaniyang bibig. | |
Prov | TagAngBi | 26:16 | Ang tamad ay lalong pantas sa ganang kaniyang sarili kay sa pitong tao na makapagbibigay katuwiran. | |
Prov | TagAngBi | 26:17 | Ang nagdaraan, at nakikialam sa pagaaway na hindi ukol sa kaniya, ay gaya ng humahawak ng aso sa mga tainga. | |
Prov | TagAngBi | 26:18 | Kung paano ang taong ulol na naghahagis ng mga dupong na apoy, mga pana, at kamatayan; | |
Prov | TagAngBi | 26:19 | Gayon ang tao na nagdadaya sa kaniyang kapuwa, at nagsasabi, hindi ko ba ginagawa sa paglilibang? | |
Prov | TagAngBi | 26:20 | Sapagka't sa kakulangan ng gatong ay namamatay ang apoy: at kung saan walang mapaghatid-dumapit ay tumitigil ang pagkakaalit. | |
Prov | TagAngBi | 26:21 | Kung paano ang mga uling sa mga baga, at ang kahoy sa apoy; gayon ang taong madaldal na nagpapaningas ng pagkakaalit. | |
Prov | TagAngBi | 26:22 | Ang mga salita ng mapaghatid-dumapit ay parang mga masarap na subo, at nagsisibaba sa mga pinakaloob na bahagi ng tiyan. | |
Prov | TagAngBi | 26:23 | Mga mapusok na labi at masamang puso ay parang sisidlang-lupa na nababalot ng dumi ng pilak. | |
Prov | TagAngBi | 26:24 | Ang nagtatanim ay nagpapakunwari ng kaniyang mga labi, nguni't siya'y naglalagay ng pagdaraya sa loob niya: | |
Prov | TagAngBi | 26:25 | Pagka siya'y nagsasalitang mainam, huwag mo siyang paniwalaan; sapagka't may pitong karumaldumal sa kaniyang puso: | |
Prov | TagAngBi | 26:26 | Bagaman ang kaniyang pagtatanim ay magtakip ng karayaan, at ang kaniyang kasamaan ay lubos na makikilala sa harap ng kapisanan. | |
Prov | TagAngBi | 26:27 | Ang humuhukay ng lungaw ay mabubuwal doon: at siyang nagpapagulong ng bato, ay babalikan nito siya. | |