PROVERBS
Chapter 3
Prov | TagAngBi | 3:1 | Anak ko, huwag mong kalimutan ang aking kautusan; kundi ingatan ng iyong puso ang aking mga utos: | |
Prov | TagAngBi | 3:2 | Sapagka't karamihan ng mga araw, at mga taon ng buhay, at kapayapaan, ay madadagdag sa iyo. | |
Prov | TagAngBi | 3:3 | Huwag kang pabayaan ng kaawaan at katotohanan: itali mo sa palibot ng iyong leeg; ikintal mo sa iyong puso: | |
Prov | TagAngBi | 3:4 | Sa gayo'y makakasumpong ka ng lingap at mabuting kaunawaan, sa paningin ng Dios at ng tao. | |
Prov | TagAngBi | 3:5 | Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo, at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan: | |
Prov | TagAngBi | 3:6 | Kilalanin mo siya sa lahat ng iyong mga lakad, at kaniyang ituturo ang iyong mga landas. | |
Prov | TagAngBi | 3:7 | Huwag kang magpakapantas sa iyong sariling mga mata; matakot ka sa Panginoon, at humiwalay ka sa kasamaan: | |
Prov | TagAngBi | 3:9 | Parangalin mo ang Panginoon ng iyong tinatangkilik, at ng mga unang bunga ng lahat mong ani: | |
Prov | TagAngBi | 3:10 | Sa gayo'y mapupuno ang iyong mga kamalig ng sagana, at ang iyong mga alilisan ay aapawan ng bagong alak. | |
Prov | TagAngBi | 3:11 | Anak ko, huwag mong hamakin ang parusa ng Panginoon; ni mayamot man sa kaniyang saway: | |
Prov | TagAngBi | 3:12 | Sapagka't sinasaway ng Panginoon ang kaniyang iniibig: gaya ng ama sa anak na kaniyang kinaluluguran. | |
Prov | TagAngBi | 3:13 | Mapalad ang tao na nakakasumpong ng karunungan, at ang tao na nagtatamo ng kaunawaan. | |
Prov | TagAngBi | 3:14 | Sapagka't ang kalakal niya ay maigi kay sa kalakal na pilak, at ang pakinabang niyaon kay sa dalisay na ginto. | |
Prov | TagAngBi | 3:15 | Mahalaga nga kay sa mga rubi; at wala sa mga bagay na mananasa mo sa maihahalintulad sa kaniya, | |
Prov | TagAngBi | 3:16 | Karamihan ng mga araw ay nasa kanang kamay niya, sa kaniyang kaliwang kamay ay mga kayamanan at karangalan. | |
Prov | TagAngBi | 3:17 | Ang kaniyang mga daan ay mga daan ng kaligayahan, at lahat niyang mga landas ay kapayapaan. | |
Prov | TagAngBi | 3:18 | Siya ay punong kahoy ng buhay sa mga nanghahawak sa kaniya: at mapalad ang bawa't isa na nangamamalagi sa kaniya. | |
Prov | TagAngBi | 3:19 | Nilikha ng Panginoon ang lupa sa pamamagitan ng karunungan; itinatag niya ang langit sa pamamagitan ng kaunawaan. | |
Prov | TagAngBi | 3:20 | Sa kaniyang kaalaman ay nabahagi ang mga kalaliman, at ang mga alapaap ay nagsipatak ng hamog. | |
Prov | TagAngBi | 3:21 | Anak ko, huwag silang mangahiwalay sa iyong mga mata; ingatan mo ang magaling na karunungan at ang kabaitan; | |
Prov | TagAngBi | 3:23 | Kung magkagayo'y lalakad ka ng iyong lakad na tiwasay, at ang iyong paa ay hindi matitisod. | |
Prov | TagAngBi | 3:24 | Pagka ikaw ay nahihiga, hindi ka matatakot: Oo, ikaw ay mahihiga at ang iyong tulog ay magiging mahimbing. | |
Prov | TagAngBi | 3:25 | Huwag kang matakot ng biglang pagkatakot, ni sa pagkabuwal man ng masama, pagka dumarating: | |
Prov | TagAngBi | 3:26 | Sapagka't ang Panginoon ay magiging iyong pagtitiwala, at iingatan ang iyong paa sa pagkahuli. | |
Prov | TagAngBi | 3:27 | Huwag mong ikait ang mabuti sa kinauukulan, pagka nasa kapangyarihan ng iyong kamay na ito'y gawin. | |
Prov | TagAngBi | 3:28 | Huwag mong sabihin sa iyong kapuwa, Yumaon ka, at bumalik uli, at bukas ay magbibigay ako; pagka ikaw ay mayroon. | |
Prov | TagAngBi | 3:29 | Huwag kang kumatha ng kasamaan laban sa iyong kapuwa, na palibhasa't tumatahang tiwasay sa siping mo. | |
Prov | TagAngBi | 3:30 | Huwag kang makipagusapin sa kanino man ng walang kadahilanan, kung hindi siya gumawa ng kasamaan sa iyo. | |
Prov | TagAngBi | 3:31 | Huwag kang managhili sa taong marahas, at huwag kang pumili ng anoman sa kaniyang mga lakad. | |
Prov | TagAngBi | 3:32 | Sapagka't ang suwail ay kasuklamsuklam sa Panginoon: nguni't ang kaniyang payo ay kasama ng matuwid. | |
Prov | TagAngBi | 3:33 | Ang sumpa ng Panginoon ay nasa bahay ng masama; nguni't pinagpapala niya ang tahanan ng matuwid. | |
Prov | TagAngBi | 3:34 | Tunay na kaniyang dinuduwahagi ang mga mangduduwahagi, nguni't binibigyan niya ng biyaya ang mababa. | |