PROVERBS
Chapter 16
Prov | TagAngBi | 16:1 | Ang mga paghahanda ng puso ay ukol sa tao: nguni't ang sagot ng dila ay mula sa Panginoon. | |
Prov | TagAngBi | 16:2 | Ang lahat ng mga lakad ng tao ay malinis sa harap ng kaniyang sariling mga mata: nguni't tinitimbang ng Panginoon ang mga diwa. | |
Prov | TagAngBi | 16:3 | Iukol mo sa Panginoon ang iyong mga gawa, at ang iyong mga panukala ay matatatag. | |
Prov | TagAngBi | 16:4 | Ginawa ng Panginoon ang bawa't bagay na ukol sa kaniyang sariling wakas: Oo, pati ng masama na ukol sa kaarawan ng kasamaan. | |
Prov | TagAngBi | 16:5 | Bawa't palalo sa puso ay kasuklamsuklam sa Panginoon: bagaman maghawakan sa kamay ay walang pagsalang parurusahan. | |
Prov | TagAngBi | 16:6 | Sa pamamagitan ng kaawaan at katotohanan ay nalilinis ang kasamaan: at sa pamamagitan ng pagkatakot sa Panginoon ay humihiwalay ang mga tao sa kasamaan. | |
Prov | TagAngBi | 16:7 | Pagka ang mga lakad ng tao ay nakapagpapalugod sa Panginoon, kaniyang tinitiwasay sa kaniya pati ng kaniyang mga kaaway. | |
Prov | TagAngBi | 16:8 | Maigi ang kaunti na may katuwiran kay sa malalaking pakinabang na walang kaganapan. | |
Prov | TagAngBi | 16:9 | Ang puso ng tao ay kumakatha ng kaniyang lakad: nguni't ang Panginoon ang nagtutuwid ng kaniyang mga hakbang. | |
Prov | TagAngBi | 16:10 | Banal na hatol ay nasa mga labi ng hari: at kaniyang bibig ay hindi sasalangsang sa kahatulan. | |
Prov | TagAngBi | 16:11 | Ang ganap na timbangan at panimbang ay sa Panginoon: lahat ng timbang na supot ay kaniyang gawa. | |
Prov | TagAngBi | 16:12 | Kasuklamsuklam sa mga hari na gumawa ng kasamaan: sapagka't ang luklukan ay natatatag sa pamamagitan ng katuwiran. | |
Prov | TagAngBi | 16:13 | Mga matuwid na labi ay kaluguran ng mga hari; at kanilang iniibig ang nagsasalita ng matuwid. | |
Prov | TagAngBi | 16:14 | Ang poot ng hari ay gaya ng mga sugo ng kamatayan: nguni't papayapain ng pantas. | |
Prov | TagAngBi | 16:15 | Nasa liwanag ng mukha ng hari ang buhay; at ang kaniyang lingap ay parang alapaap ng huling ulan. | |
Prov | TagAngBi | 16:16 | Pagkaigi nga na magtamo ng karunungan kay sa ginto! Oo, magtamo ng kaunawaan ay maigi kay sa pumili ng pilak. | |
Prov | TagAngBi | 16:17 | Ang maluwang na lansangan ng matuwid ay humiwalay sa kasamaan: siyang nagiingat ng kaniyang lakad ay nagiingat ng kaniyang kaluluwa. | |
Prov | TagAngBi | 16:18 | Ang kapalaluan ay nagpapauna sa kapahamakan, at ang mapagmataas na diwa ay sa pagkabuwal. | |
Prov | TagAngBi | 16:19 | Maigi ang magkaroon ng mapagpakumbabang loob na kasama ng dukha, kay sa bumahagi ng samsam na kasama ng palalo. | |
Prov | TagAngBi | 16:20 | Siyang nagiingat sa salita ay makakasumpong ng mabuti: at ang nananalig sa Panginoon ay mapalad. | |
Prov | TagAngBi | 16:21 | Ang pantas sa puso ay tatawaging mabait: at ang katamisan sa mga labi ay nagdaragdag ng katututuhan. | |
Prov | TagAngBi | 16:22 | Ang kaunawaan ay bukal ng buhay sa nagtatamo: nguni't ang saway ng mga mangmang ay siyang kanilang kamangmangan. | |
Prov | TagAngBi | 16:23 | Ang puso ng pantas ay nagtuturo sa kaniyang bibig, at nagdaragdag ng katututuhan sa kaniyang mga labi. | |
Prov | TagAngBi | 16:24 | Mga maligayang salita ay parang pulot-pukyutan, matamis sa kaluluwa at kagalingan sa mga buto. | |
Prov | TagAngBi | 16:25 | May daan na tila matuwid sa tao, nguni't ang dulo niyaon ay mga daan ng kamatayan. | |
Prov | TagAngBi | 16:26 | Ang gana ng pagkain ng manggagawang tao ay nakagagaling sa kaniya; sapagka't kinasasabikan ng kaniyang bibig. | |
Prov | TagAngBi | 16:27 | Ang walang kabuluhang tao ay kumakatha ng kahirapan: at sa kaniyang mga labi ay may masilakbong apoy. | |
Prov | TagAngBi | 16:28 | Ang magdarayang tao ay nagkakalat ng pagtatalo: at ang mapaghatid-dumapit ay naghihiwalay ng magkakaibigang matalik. | |
Prov | TagAngBi | 16:29 | Ang taong marahas ay dumadaya sa kaniyang kapuwa, at pinapatnubayan niya siya sa daang hindi mabuti. | |
Prov | TagAngBi | 16:30 | Ikinikindat ang kaniyang mga mata, upang kumatha ng mga magdarayang bagay: siyang nangangagat labi ay nagpapangyari sa kasamaan. | |
Prov | TagAngBi | 16:31 | Ang ulong may uban ay putong ng kaluwalhatian, masusumpungan sa daan ng katuwiran. | |
Prov | TagAngBi | 16:32 | Siyang makupad sa pagkagalit ay maigi kay sa makapangyarihan; at siyang nagpupuno sa kaniyang diwa ay maigi kay sa sumasakop ng isang bayan. | |