PROVERBS
Chapter 22
Prov | TagAngBi | 22:1 | Ang mabuting pangalan ay maiging piliin, kay sa malaking kayamanan, at ang magandang kalooban, kay sa pilak at ginto. | |
Prov | TagAngBi | 22:2 | Ang mayaman at ang dukha ay nagkakasalubong kapuwa: ang Panginoon ang May-lalang sa kanilang lahat. | |
Prov | TagAngBi | 22:3 | Ang mabait na tao ay nakakakita ng kasamaan at nagkukubli: nguni't dinadaanan ng musmos at nagtitiis. | |
Prov | TagAngBi | 22:4 | Ang kagantihan sa kapakumbabaan at ang pagkatakot sa Panginoon ay kayamanan, at karangalan, at buhay. | |
Prov | TagAngBi | 22:5 | Mga tinik at mga silo ay nangasa daan ng magdaraya: ang nagiingat ng kaniyang kaluluwa ay lalayo sa mga yaon. | |
Prov | TagAngBi | 22:6 | Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, at pagka tumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan. | |
Prov | TagAngBi | 22:8 | Siyang naghahasik ng kasamaan ay aani ng kapahamakan; at ang pamalo ng kaniyang poot ay maglilikat. | |
Prov | TagAngBi | 22:9 | Ang may magandang-loob na mata ay pagpapalain: sapagka't nagbibigay ng kaniyang tinapay sa dukha. | |
Prov | TagAngBi | 22:10 | Itaboy mo ang manglilibak, at ang pagtatalo ay maalis; Oo, ang pagkakaalit at pagduwahagi ay matitigil. | |
Prov | TagAngBi | 22:11 | Siyang umiibig ng kalinisan ng puso, dahil sa biyaya ng kaniyang mga labi ay magiging kaniyang kaibigan ang hari. | |
Prov | TagAngBi | 22:12 | Ang mga mata ng Panginoon ay nagiingat sa maalam: nguni't kaniyang ibinabagsak ang mga salita ng taksil. | |
Prov | TagAngBi | 22:14 | Ang bibig ng masasamang babae ay isang malalim na lungaw: siyang nayayamot sa Panginoon ay mabubuwal doon. | |
Prov | TagAngBi | 22:15 | Ang kamangmangan ay nababalot sa puso ng bata; nguni't ilalayo sa kaniya ng pamalong pangsaway. | |
Prov | TagAngBi | 22:16 | Ang pumipighati sa dukha upang magpalago ng kaniyang pakinabang, at ang nagbibigay sa mayaman, ay humahangga sa pangangailangan lamang. | |
Prov | TagAngBi | 22:17 | Ikiling mo ang iyong pakinig, at iyong dinggin ang mga salita ng pantas, at ihilig mo ang iyong puso sa aking kaalaman. | |
Prov | TagAngBi | 22:18 | Sapagka't maligayang bagay kung iyong ingatan sa loob mo, kung mangatatatag na magkakasama sa iyong mga labi. | |
Prov | TagAngBi | 22:19 | Upang ang iyong tiwala ay malagak sa Panginoon, aking ipinakilala sa iyo sa kaarawang ito, oo, sa iyo. | |
Prov | TagAngBi | 22:21 | Upang ipakilala sa iyo ang katunayan ng mga salitang katotohanan, upang iyong maibalik ang mga salita ng katotohanan sa kanila na nagsusugo sa iyo? | |
Prov | TagAngBi | 22:22 | Huwag kang magnakaw sa dukha, sapagka't siya'y dukha, ni pumighati man sa nagdadalamhati sa pintuang-bayan: | |
Prov | TagAngBi | 22:23 | Sapagka't ipakikipaglaban ng Panginoon ang kanilang usap, at sasamsaman ng buhay yaong nagsisisamsam sa kanila. | |
Prov | TagAngBi | 22:24 | Huwag kang makipagkaibigan sa taong magagalitin; at sa mainiting tao ay huwag kang sasama: | |
Prov | TagAngBi | 22:26 | Huwag kang maging isa sa kanila na nakikikamay, o sa kanila na mangananagot sa mga utang: | |