PROVERBS
Chapter 11
Prov | TagAngBi | 11:1 | Ang marayang timbangan ay kasuklamsuklam sa Panginoon: nguni't ang ganap na timbangan ay kaniyang kaluguran. | |
Prov | TagAngBi | 11:2 | Pagka dumarating ang kapalaluan ay dumarating nga ang kahihiyan: nguni't nasa mababa ang karunungan. | |
Prov | TagAngBi | 11:3 | Ang pagtatapat ng mga matuwid ay papatnubay sa kanila: nguni't ang mga kasuwailan ng mga taksil ay papatay sa kanila. | |
Prov | TagAngBi | 11:4 | Ang mga kayamanan ay walang kabuluhan sa kaarawan ng poot: nguni't ang katuwiran ay nagliligtas sa kamatayan. | |
Prov | TagAngBi | 11:5 | Ang katuwiran ng sakdal ay magtuturo ng kaniyang lakad: nguni't mabubuwal ang masama dahil sa kaniyang sariling kasamaan. | |
Prov | TagAngBi | 11:6 | Ang katuwiran ng mga matuwid ay magliligtas sa kanila: nguni't silang gumagawang may karayaan ay madadakip sa kanilang sariling kasamaan. | |
Prov | TagAngBi | 11:7 | Pagka ang masamang tao ay namamatay, ang kaniyang pag-asa ay mapapasa pagkapahamak; at ang pagasa ng masama ay nawawala. | |
Prov | TagAngBi | 11:8 | Ang matuwid ay naliligtas sa kabagabagan, at ang masama ay dumarating na kahalili niya. | |
Prov | TagAngBi | 11:9 | Pinapatay ng masama ng kaniyang bibig ang kaniyang kapuwa: nguni't sa kaalaman ay maliligtas ang matuwid. | |
Prov | TagAngBi | 11:10 | Pagka napapabuti ang mga matuwid ang bayan ay nagagalak: at pagka ang masama ay namamatay, may hiyawan. | |
Prov | TagAngBi | 11:11 | Nabubunyi ang bayan sa pamamagitan ng pagpapala ng matuwid: nguni't napapahamak sa pamamagitan ng bibig ng masama. | |
Prov | TagAngBi | 11:12 | Siyang humahamak sa kaniyang kapuwa ay walang karunungan: nguni't ang taong naguunawa ay tumatahimik. | |
Prov | TagAngBi | 11:13 | Siyang yumayaong mapaghatid dumapit ay naghahayag ng mga lihim: nguni't ang may diwang tapat ay nagtatakip ng bagay. | |
Prov | TagAngBi | 11:14 | Kung saan walang pantas na pamamahala, ang bayan ay nababagsak: nguni't sa karamihan ng mga tagapayo ay may kagalingan. | |
Prov | TagAngBi | 11:15 | Siyang nananagot sa di kilala, ay mapapariwara: nguni't siyang nagtatanim sa pananagot ay tiwasay. | |
Prov | TagAngBi | 11:16 | Ang mapagbiyayang babae ay nagiimpok ng karangalan: at ang marahas na lalake ay pumipigil ng kayamanan. | |
Prov | TagAngBi | 11:17 | Ang maawaing tao ay gumagawa ng mabuti sa kaniyang sariling kaluluwa: nguni't ang taksil ay bumabagabag sa kaniyang sariling laman. | |
Prov | TagAngBi | 11:18 | Ang masama ay nakikinabang ng mga marayang sahod: nguni't ang naghahasik ng katuwiran ay nagtatamo ng tiwasay na ganting pala. | |
Prov | TagAngBi | 11:19 | Siyang matatag sa katuwiran ay magtatamo ng buhay: at siyang humahabol ng kasamaan ay sa kaniyang sariling ikamamatay. | |
Prov | TagAngBi | 11:20 | Silang suwail sa puso ay kasuklamsuklam sa Panginoon: nguni't ang gayong sakdal sa kanilang lakad ay kaniyang kaluguran. | |
Prov | TagAngBi | 11:21 | Bagaman ang kamay ay makikikamay, ang masamang tao ay walang pagsalang parurusahan: nguni't ang binhi ng matuwid ay maliligtas. | |
Prov | TagAngBi | 11:22 | Kung paano ang hiyas na ginto sa nguso ng baboy, gayon ang magandang babae na walang bait. | |
Prov | TagAngBi | 11:24 | May nagsasabog, at tumutubo pa, at may humahawak naman ng higit kay sa karampatan, nguni't nauuwi lamang sa pangangailangan. | |
Prov | TagAngBi | 11:26 | Siyang humahawak ng trigo ay susumpain siya ng bayan: nguni't kapurihan ay mapapasaulo niya na nagbibili niyaon. | |
Prov | TagAngBi | 11:27 | Siyang humahanap na masikap ng mabuti ay humahanap ng lingap: nguni't siyang kumakatha ng sama ay sa kaniya lalagpak. | |
Prov | TagAngBi | 11:28 | Siyang tumitiwala sa kaniyang mga kayamanan ay mabubuwal: nguni't ang matuwid ay mamumukadkad na parang sariwang dahon. | |
Prov | TagAngBi | 11:29 | Siyang bumabagabag ng kaniyang sariling sangbahayan ay magmamana ng hangin: at ang mangmang ay magiging alipin ng pantas sa puso. | |
Prov | TagAngBi | 11:30 | Ang bunga ng matuwid ay punong kahoy ng buhay; at siyang pantas ay humihikayat ng mga kaluluwa. | |