PROVERBS
Chapter 2
Prov | TagAngBi | 2:1 | Anak ko, kung iyong tatanggapin ang aking mga salita, at tataglayin mo ang aking mga utos; | |
Prov | TagAngBi | 2:2 | Na anopa't iyong ikikiling ang iyong pakinig sa karunungan, at ihihilig mo ang iyong puso sa pagunawa; | |
Prov | TagAngBi | 2:3 | Oo, kung ikaw ay dadaing ng pagbubulay, at itataas mo ang iyong tinig sa pagunawa; | |
Prov | TagAngBi | 2:4 | Kung iyong hahanapin siya na parang pilak, at sasaliksikin mo siyang parang kayamanang natatago. | |
Prov | TagAngBi | 2:5 | Kung magkagayo'y iyong mauunawa ang pagkatakot sa Panginoon, at masusumpungan mo ang kaalaman ng Dios. | |
Prov | TagAngBi | 2:6 | Sapagka't ang Panginoon ay nagbibigay ng karunungan, sa kaniyang bibig nanggagaling ang kaalaman at kaunawaan: | |
Prov | TagAngBi | 2:7 | Kaniyang pinapagtataglay ang matuwid ng magaling na karunungan, siya'y kalasag sa nagsisilakad sa pagtatapat; | |
Prov | TagAngBi | 2:8 | Upang kaniyang mabantayan ang mga landas ng kahatulan, at maingatan ang daan ng kaniyang mga banal. | |
Prov | TagAngBi | 2:9 | Kung magkagayo'y mauunawa mo ang katuwiran at ang kahatulan, at ang karampatan, oo, bawa't mabuting landas. | |
Prov | TagAngBi | 2:10 | Sapagka't karunungan ay papasok sa iyong puso, at kaalaman ay magiging ligaya sa iyong kaluluwa; | |
Prov | TagAngBi | 2:12 | Upang iligtas ka sa daan ng kasamaan, sa mga taong nagsisipagsalita ng mga masamang bagay; | |
Prov | TagAngBi | 2:13 | Na nagpapabaya ng mga landas ng katuwiran, upang magsilakad sa mga daan ng kadiliman; | |
Prov | TagAngBi | 2:14 | Na nangagagalak na magsigawa ng kasamaan, at nangaaaliw sa mga karayaan ng kasamaan, | |
Prov | TagAngBi | 2:16 | Upang iligtas ka sa masamang babae, sa makatuwid baga'y sa di kilala na nanghahalina ng kaniyang mga salita; | |
Prov | TagAngBi | 2:17 | Na nagpapabaya sa kaibigan ng kaniyang kabataan, at lumilimot ng tipan ng kaniyang Dios: | |
Prov | TagAngBi | 2:18 | Sapagka't ang kaniyang bahay ay kumikiling sa kamatayan, at ang kaniyang mga landas na sa patay: | |
Prov | TagAngBi | 2:19 | Walang naparoroon sa kaniya na bumabalik uli, ni kanila mang tinatamo ang mga landas ng buhay: | |
Prov | TagAngBi | 2:20 | Upang ikaw ay makalakad ng lakad ng mabubuting tao, at maingatan ang mga landas ng matuwid. | |