PROVERBS
Chapter 15
Prov | TagAngBi | 15:1 | Ang malubay na sagot ay nakapapawi ng poot: nguni't ang mabigat na salita ay humihila ng galit. | |
Prov | TagAngBi | 15:2 | Ang dila ng pantas ay nagbabadya ng tuos ng kaalaman: nguni't ang bibig ng mga mangmang ay nagbubugso ng kamangmangan. | |
Prov | TagAngBi | 15:3 | Ang mga mata ng Panginoon ay nasa bawa't dako, na nagbabantay sa masama at sa mabuti. | |
Prov | TagAngBi | 15:4 | Ang dilang magaling ay punong kahoy ng buhay: nguni't ang kalikuan niyaon ay kasiraan ng diwa. | |
Prov | TagAngBi | 15:5 | Hinahamak ng mangmang ang saway ng kaniyang ama: nguni't siyang nagpapakundangan ng saway ay gumagawang may kabaitan. | |
Prov | TagAngBi | 15:6 | Sa bahay ng matuwid ay maraming kayamanan: nguni't sa mga pakinabang ng masama ay kabagabagan. | |
Prov | TagAngBi | 15:7 | Ang mga labi ng pantas ay nagsasabog ng kaalaman: nguni't ang puso ng mangmang ay hindi gayon. | |
Prov | TagAngBi | 15:8 | Ang hain ng masama ay kasuklamsuklam sa Panginoon: nguni't ang dalangin ng matuwid ay kaniyang kaluguran. | |
Prov | TagAngBi | 15:9 | Ang lakad ng masama ay kasuklamsuklam sa Panginoon: nguni't iniibig niya ang sumusunod sa katuwiran. | |
Prov | TagAngBi | 15:10 | May mabigat na saway sa kaniya, na nagpapabaya ng lakad: at siyang nagtatanim sa saway ay mamamatay. | |
Prov | TagAngBi | 15:11 | Sheol at kapahamakan ay nasa harap ng Panginoon: gaanong higit pa nga ang mga puso ng mga anak ng mga tao! | |
Prov | TagAngBi | 15:13 | Ang masayang puso ay nagpapasaya ng mukha: nguni't sa kapanglawan ng puso ay nababagbag ang diwa. | |
Prov | TagAngBi | 15:14 | Ang puso niyaong naguunawa ay humahanap ng kaalaman: nguni't ang bibig ng mga mangmang ay kumakain ng kamangmangan. | |
Prov | TagAngBi | 15:15 | Lahat ng mga araw sa nagdadalamhati ay masama: nguni't siyang may masayang puso ay may laging kapistahan. | |
Prov | TagAngBi | 15:16 | Maigi ang kaunti na may pagkatakot sa Panginoon, kay sa malaking kayamanan na may kabagabagan. | |
Prov | TagAngBi | 15:17 | Maigi ang pagkaing gulay na may pagibig, kay sa matabang baka at may pagtataniman. | |
Prov | TagAngBi | 15:18 | Ang mainiting tao ay humihila ng pagtatalo: nguni't siyang makupad sa galit ay pumapayapa ng kaalitan. | |
Prov | TagAngBi | 15:19 | Ang daan ng tamad ay gaya ng bakuran na mga dawag: nguni't ang landas ng matuwid ay ginagawang maluwang na lansangan. | |
Prov | TagAngBi | 15:20 | Ang pantas na anak ay nagpapasaya ng ama: nguni't hinahamak ng mangmang ang kaniyang ina. | |
Prov | TagAngBi | 15:21 | Ang kamangmangan ay kagalakan sa walang bait: nguni't pinatutuwid ng maalam ang kaniyang lakad. | |
Prov | TagAngBi | 15:22 | Kung saan walang payo ay nagugulo ang mga panukala: nguni't sa karamihan ng mga tagapayo ay nangatatatag. | |
Prov | TagAngBi | 15:23 | Ang tao ay may kagalakan sa sagot ng kaniyang bibig: at ang salita sa ukol na panahon, ay anong pagkabuti! | |
Prov | TagAngBi | 15:24 | Sa pantas ay paitaas ang daan ng buhay, upang kaniyang mahiwalayan ang Sheol sa ibaba. | |
Prov | TagAngBi | 15:25 | Bubunutin ng Panginoon ang bahay ng palalo: nguni't kaniyang itatatag ang hangganan ng babaing bao. | |
Prov | TagAngBi | 15:26 | Ang mga masamang katha ay kasuklamsuklam sa Panginoon: nguni't ang mga maligayang salita ay dalisay. | |
Prov | TagAngBi | 15:27 | Siyang sakim sa pakinabang ay bumabagabag ng kaniyang sariling sangbahayan: nguni't siyang nagtatanim sa mga suhol ay mabubuhay. | |
Prov | TagAngBi | 15:28 | Ang puso ng matuwid ay nagbubulay ng isasagot: nguni't ang bibig ng masama ay nagbubugso ng mga masamang bagay. | |
Prov | TagAngBi | 15:29 | Ang Panginoon ay malayo sa masama: nguni't kaniyang dinidinig ang dalangin ng matuwid. | |
Prov | TagAngBi | 15:30 | Ang liwanag ng mga mata ay nagpapagalak ng puso: at ang mabubuting balita ay nagpapataba ng mga buto. | |
Prov | TagAngBi | 15:32 | Siyang tumatanggi sa saway ay humahamak sa kaniyang sariling kaluluwa: nguni't siyang nakikinig sa saway ay nagtatamo ng kaawaan. | |