PROVERBS
Chapter 20
Prov | TagAngBi | 20:1 | Ang alak ay manunuya, ang matapang na alak ay manggugulo; at sinomang napaliligaw sa kaniya ay hindi pantas. | |
Prov | TagAngBi | 20:2 | Ang kakilabutan ng hari ay parang ungal ng leon: ang namumungkahi sa kaniya sa galit ay nagkakasala laban sa kaniyang sariling buhay. | |
Prov | TagAngBi | 20:3 | Karangalan sa tao ang magingat sa pakikipagkaalit: nguni't bawa't mangmang ay magiging palaaway. | |
Prov | TagAngBi | 20:4 | Ang tamad ay hindi magaararo dahil sa tagginaw; kaya't siya'y magpapalimos sa pagaani, at wala anoman. | |
Prov | TagAngBi | 20:5 | Payo sa puso ng tao ay parang malalim na tubig; nguni't iibigin ng taong naguunawa. | |
Prov | TagAngBi | 20:6 | Maraming tao ay magtatanyag bawa't isa ng kaniyang sariling kagandahang-loob: nguni't sinong makakasumpong sa taong tapat? | |
Prov | TagAngBi | 20:7 | Ang ganap na tao na lumalakad sa kaniyang pagtatapat, mapapalad ang kaniyang mga anak na susunod sa kaniya. | |
Prov | TagAngBi | 20:8 | Ang hari na nauupo sa luklukan ng kahatulan pinananabog ng kaniyang mga mata ang lahat na kasamaan. | |
Prov | TagAngBi | 20:9 | Sinong makapagsasabi, nilinis ko ang aking puso, ako'y dalisay sa aking kasalanan? | |
Prov | TagAngBi | 20:10 | Mga iba't ibang panimbang, at mga iba't ibang takalan, kapuwa mga karumaldumal sa Panginoon. | |
Prov | TagAngBi | 20:11 | Ang bata man ay nagpapakilala sa kaniyang mga gawa, kung ang kaniyang gawa ay magiging malinis, at kung magiging matuwid. | |
Prov | TagAngBi | 20:13 | Huwag mong ibigin ang pagtulog, baka ka madukha; idilat mo ang iyong mga mata, at mabubusog ka ng tinapay. | |
Prov | TagAngBi | 20:14 | Walang halaga, walang halaga, sabi ng mamimili: nguni't pagka nakalayo siya, naghahambog nga. | |
Prov | TagAngBi | 20:15 | May ginto, at saganang mga rubi: nguni't ang mga labi ng kaalaman ay mahalagang hiyas. | |
Prov | TagAngBi | 20:16 | Kunin mo ang kaniyang suot na nananagot sa di kilala; at tanggapan mo ng sanla ang nananagot sa mga di kilala. | |
Prov | TagAngBi | 20:17 | Tinapay ng kasinungalingan ay matamis sa tao: nguni't pagkatapos ay mabubusog ang kaniyang bibig ng batong lapok. | |
Prov | TagAngBi | 20:18 | Bawa't panukala ay natatatag sa pamamagitan ng payo: at sa pamamagitan ng pantas na pamamatnubay ay makikipagdigma ka. | |
Prov | TagAngBi | 20:19 | Ang yumayaong mapaghatid-dumapit ay naghahayag ng mga lihim: kaya't huwag kang makisalamuha sa kaniya na nagbubukang maluwang ng kaniyang mga labi. | |
Prov | TagAngBi | 20:20 | Siyang sumusumpa sa kaniyang ama o sa kaniyang ina, ang kaniyang ilawan ay papatayin sa salimuot na kadiliman. | |
Prov | TagAngBi | 20:21 | Ang mana ay matatamong madali sa pasimula; nguni't ang wakas niyao'y hindi pagpapalain. | |
Prov | TagAngBi | 20:22 | Huwag mong sabihin, ako'y gaganti ng kasamaan: maghintay ka sa Panginoon, at kaniyang ililigtas ka. | |
Prov | TagAngBi | 20:23 | Mga iba't ibang panimbang ay karumaldumal sa Panginoon; at ang sinungaling na timbangan ay hindi mabuti. | |
Prov | TagAngBi | 20:24 | Ang mga lakad ng tao ay sa Panginoon; paano ngang mauunawa ng tao ang kaniyang lakad? | |
Prov | TagAngBi | 20:25 | Silo nga sa tao ang magsabi ng walang pakundangan, banal nga, at magsiyasat pagkatapos ng mga panata. | |
Prov | TagAngBi | 20:26 | Ang pantas na hari ay nagpapapanabog ng masama. At dinadala sa kanila ang gulong na panggiik. | |
Prov | TagAngBi | 20:27 | Ang diwa ng tao ay ilawan ng Panginoon, na sumisiyasat ng mga pinakaloob na bahagi ng tiyan. | |
Prov | TagAngBi | 20:28 | Kagandahang-loob at katotohanan ay nagpapalagi sa hari: at ang kaniyang luklukan ay inaalalayan ng kagandahang-loob. | |
Prov | TagAngBi | 20:29 | Ang kaluwalhatian ng mga binata ay ang kanilang kalakasan: at ang kagandahan ng matanda ay ang ulong may uban. | |