PROVERBS
Chapter 23
Prov | TagAngBi | 23:1 | Pagka ikaw ay nauupong kumain na kasalo ng isang pangulo, kilanlin mong maigi siya na nasa harap mo; | |
Prov | TagAngBi | 23:2 | At maglagay ka ng sundang sa iyong lalamunan, kung ikaw ay taong bigay sa pagkain. | |
Prov | TagAngBi | 23:3 | Huwag kang mapagnais ng kaniyang mga masarap na pagkain; yamang mga marayang pagkain. | |
Prov | TagAngBi | 23:5 | Iyo bang itititig ang iyong mga mata sa wala? Sapagka't ang mga kayamanan, ay tunay na nagsisipagpakpak, gaya ng aguila na lumilipad sa dakong langit. | |
Prov | TagAngBi | 23:6 | Huwag mong kanin ang tinapay niya na may masamang mata, ni nasain mo man ang kaniyang mga masarap na pagkain: | |
Prov | TagAngBi | 23:7 | Sapagka't kung ano ang iniisip niya sa loob niya, ay gayon siya: kumain ka at uminom ka, sabi niya sa iyo; nguni't ang puso niya ay hindi sumasaiyo. | |
Prov | TagAngBi | 23:8 | Ang subo na iyong kinain ay iyong isusuka, at iyong iwawala ang iyong mga matamis na salita. | |
Prov | TagAngBi | 23:9 | Huwag kang magsalita sa pakinig ng mangmang; sapagka't kaniyang hahamakin ang karunungan ng iyong mga salita. | |
Prov | TagAngBi | 23:10 | Huwag mong baguhin ang dating muhon ng lupa; at huwag mong pasukin ang mga bukid ng ulila: | |
Prov | TagAngBi | 23:11 | Sapagka't ang kanilang Manunubos ay malakas; ipaglalaban niya ang kanilang usap sa iyo. | |
Prov | TagAngBi | 23:12 | Ihilig mo ang iyong puso sa turo, at ang iyong mga pakinig sa mga salita ng kaalaman. | |
Prov | TagAngBi | 23:13 | Huwag mong ipagkait ang saway sa bata: sapagka't kung iyong hampasin siya ng pamalo, siya'y hindi mamamatay. | |
Prov | TagAngBi | 23:14 | Iyong hahampasin siya ng pamalo, at ililigtas mo ang kaniyang kaluluwa sa Sheol. | |
Prov | TagAngBi | 23:15 | Anak ko, kung ang iyong puso ay magpakapantas, ang puso ko'y matutuwa sa makatuwid baga'y ang akin: | |
Prov | TagAngBi | 23:16 | Oo, ang aking puso ay magagalak pagka ang iyong mga labi ay nangagsasalita ng matuwid na mga bagay. | |
Prov | TagAngBi | 23:17 | Huwag managhili ang iyong puso sa mga makasalanan: kundi lumagay ka sa Panginoon buong araw: | |
Prov | TagAngBi | 23:19 | Makinig ka, anak ko, at ikaw ay magpakapantas, at patnubayan mo ang iyong puso sa daan. | |
Prov | TagAngBi | 23:21 | Sapagka't ang manglalasing at ang mayamo ay darating sa karalitaan: at ang antok ay magbibihis sa tao ng pagkapulubi. | |
Prov | TagAngBi | 23:22 | Dinggin mo ang iyong ama na naging anak ka, at huwag mong hamakin ang iyong ina kung siya'y tumanda. | |
Prov | TagAngBi | 23:23 | Bumili ka ng katotohanan at huwag mong ipagbili: Oo karunungan, at turo, at pag-uunawa. | |
Prov | TagAngBi | 23:24 | Ang ama ng matuwid ay magagalak na lubos: at siyang nagkaanak ng pantas na anak ay magagalak sa kaniya. | |
Prov | TagAngBi | 23:26 | Anak ko, ibigay mo sa akin ang iyong puso, at malugod ang iyong mga mata sa aking mga daan. | |
Prov | TagAngBi | 23:27 | Sapagka't ang isang patutot ay isang malalim na lubak; at ang babaing di kilala ay makipot na lungaw. | |
Prov | TagAngBi | 23:28 | Oo, siya'y bumabakay na parang tulisan, at nagdaragdag ng mga magdaraya sa gitna ng mga tao. | |
Prov | TagAngBi | 23:29 | Sinong may ay? sinong may kapanglawan? sinong may pakikipagtalo? sinong may daing? sino ang may sugat na walang kadahilanan? sino ang may maningas na mata? | |
Prov | TagAngBi | 23:30 | Silang nangaghihintay sa alak; silang nagsisiyaon upang humanap ng pinaghalong alak. | |
Prov | TagAngBi | 23:31 | Huwag kang tumingin sa alak pagka mapula, pagka nagbibigay ng kaniyang kulay sa saro, | |
Prov | TagAngBi | 23:33 | Ang iyong mga mata ay titingin ng mga katuwang bagay, at ang iyong puso ay nagbabadya ng mga magdarayang bagay. | |
Prov | TagAngBi | 23:34 | Oo, ikaw ay magiging parang nahihiga sa gitna ng dagat, o parang nahihiga sa dulo ng isang palo ng sasakyan. | |