PROVERBS
Chapter 31
Prov | TagAngBi | 31:1 | Ang mga salita ng haring Lemuel; ang sanggunian na itinuro sa kaniya ng kaniyang ina. | |
Prov | TagAngBi | 31:2 | Ano anak ko? at ano, Oh anak ng aking bahay-bata? At ano, Oh anak ng aking mga panata? | |
Prov | TagAngBi | 31:3 | Huwag mong ibigay ang iyong kalakasan sa mga babae, o ang iyo mang mga lakad sa lumilipol ng mga hari. | |
Prov | TagAngBi | 31:4 | Hindi sa mga hari, Oh Lemuel, hindi sa mga hari ang paginom ng alak; ni sa mga pangulo man, na magsabi, saan nandoon ang matapang na alak? | |
Prov | TagAngBi | 31:5 | Baka sila'y uminom, at makalimotan ang kautusan, at humamak ng kahatulan sa sinomang nagdadalamhati. | |
Prov | TagAngBi | 31:6 | Bigyan mo ng matapang na inumin siya na handang manaw, at ng alak ang mapanglaw na loob. | |
Prov | TagAngBi | 31:7 | Uminom siya at limutin niya ang kaniyang kahirapan, at huwag nang alalahanin pa ang kaniyang karalitaan. | |
Prov | TagAngBi | 31:9 | Bukhin mo ang iyong bibig, humatol ka ng katuwiran, at mangasiwa ka ng kahatulan sa dukha at mapagkailangan. | |
Prov | TagAngBi | 31:10 | Isang mabait na babae sinong makakasumpong? Sapagka't ang kaniyang halaga ay higit na makapupo kay sa mga rubi. | |
Prov | TagAngBi | 31:11 | Ang puso ng kaniyang asawa ay tumitiwala sa kaniya, at siya'y hindi kukulangin ng pakinabang. | |
Prov | TagAngBi | 31:12 | Gumagawa siya ng mabuti sa kaniya at hindi kasamaan lahat ng mga kaarawan ng kaniyang buhay. | |
Prov | TagAngBi | 31:13 | Siya'y humahanap ng balahibo ng tupa at lino, at gumagawang kusa ng kaniyang mga kamay. | |
Prov | TagAngBi | 31:14 | Siya'y parang mga sasakyang dagat ng kalakal; nagdadala siya ng kaniyang pagkain mula sa malayo. | |
Prov | TagAngBi | 31:15 | Siya'y bumabangon naman samantalang gabi pa, at nagbibigay ng pagkain sa kaniyang sangbahayan, at ng kanilang gawain sa kaniyang alilang babae. | |
Prov | TagAngBi | 31:16 | Kaniyang minamasdan ang bukid at binibili: sa pamamagitan ng kaniyang kamay ay nagtatanim siya ng ubasan. | |
Prov | TagAngBi | 31:17 | Binibigkisan niya ang kaniyang mga balakang ng kalakasan, at nagpapalakas ng kaniyang mga bisig. | |
Prov | TagAngBi | 31:18 | Kaniyang namamalas na ang kaniyang kalakal ay makikinabang: ang kaniyang ilaw ay hindi namamatay sa gabi. | |
Prov | TagAngBi | 31:19 | Kaniyang itinangan ang kaniyang mga kamay sa panulid, at ang kaniyang mga kamay ay humahawak ng panghabi. | |
Prov | TagAngBi | 31:20 | Iginagawad niya ang kaniyang kamay sa dukha: Oo, iniaabot niya ang kaniyang mga kamay sa mapagkailangan. | |
Prov | TagAngBi | 31:21 | Hindi niya ikinatatakot ang kaniyang sangbahayan sa niebe; sapagka't ang boo niyang sangbahayan ay nakapanamit ng mapulang mapula. | |
Prov | TagAngBi | 31:22 | Gumagawa siya sa ganang kaniya ng mga unang may burda; ang kaniyang pananamit ay mainam na kayong lino at ng kayong kulay ube. | |
Prov | TagAngBi | 31:23 | Ang kaniyang asawa ay kilala sa mga pintuang-bayan, pagka siya'y nauupo sa kasamahan ng mga matanda ng lupain. | |
Prov | TagAngBi | 31:24 | Gumagawa siya ng mga kasuutang kayong lino at ipinagbibili; at nagbibigay ng mga pamigkis sa mga mangangalakal. | |
Prov | TagAngBi | 31:25 | Kalakasan at kamahalan ay siyang kaniyang suot. At kaniyang tinatawanan ang panahong darating. | |
Prov | TagAngBi | 31:26 | Binubuka niya ang kaniyang bibig na may karunungan; at ang kautusan ng kagandahang-loob ay nasa kaniyang dila. | |
Prov | TagAngBi | 31:27 | Kaniyang tinitignang mabuti ang mga lakad ng kaniyang sangbahayan, at hindi kumakain ng tinapay ng katamaran. | |
Prov | TagAngBi | 31:28 | Nagsisibangon ang kaniyang mga anak, at tinatawag siyang mapalad; gayon din ang kaniyang asawa, at pinupuri siya niya, na sinasabi: | |
Prov | TagAngBi | 31:29 | Maraming anak na babae ay nagsisigawang may kabaitan, nguni't ikaw, ay humihigit sa kanilang lahat. | |
Prov | TagAngBi | 31:30 | Ang lingap ay magdaraya, at ang kagandahan ay walang kabuluhan: nguni't ang babae na natatakot sa Panginoon, ay siya'y pupurihin. | |