JOB
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
Chapter 27
Job | TagAngBi | 27:2 | Buhay ang Dios, na siyang nagalis ng aking katuwiran, at ang Makapangyarihan sa lahat na siyang nagpapanglaw ng aking kaluluwa; | |
Job | TagAngBi | 27:3 | (Sapagka't ang aking buhay ay buo pa sa akin, at ang espiritu ng Dios ay nasa mga butas ng aking ilong); | |
Job | TagAngBi | 27:4 | Tunay na ang aking mga labi ay hindi magsasalita ng kalikuan, ni ang aking dila man ay magsasaysay ng karayaan. | |
Job | TagAngBi | 27:5 | Malayo nawa sa aking kayo'y ariin kong ganap: Hanggang sa ako'y mamatay ay hindi ko aalisin sa akin ang aking pagtatapat. | |
Job | TagAngBi | 27:6 | Ang aking katuwiran ay aking pinanghahawakan at hindi ko bibitiwan: hindi ako aalipustain ng aking puso habang ako'y buhay. | |
Job | TagAngBi | 27:7 | Ang aking kaaway ay maging gaya nawa ng masama, at ang bumangon laban sa akin ay maging gaya nawa ng liko. | |
Job | TagAngBi | 27:8 | Sapagka't ano ang pagasa ng di banal, bagaman siya'y makikinabang sa kaniya, pagka kinuha ng Dios ang kaniyang kaluluwa? | |
Job | TagAngBi | 27:9 | Didinggin ba ng Dios ang kaniyang iyak, pagka ang kabagabagan ay dumating sa kaniya? | |
Job | TagAngBi | 27:10 | Makapagsasaya ba siya sa Makapangyarihan sa lahat, at tatawag sa Dios sa lahat ng mga panahon? | |
Job | TagAngBi | 27:11 | Aking tuturuan kayo ng tungkol sa kamay ng Dios; ang nasa Makapangyarihan sa lahat ay hindi ko ililihim. | |
Job | TagAngBi | 27:12 | Narito, kayong lahat ay nangakakita; bakit nga kayo ay lubos na nawalan ng kabuluhan? | |
Job | TagAngBi | 27:13 | Ito ang bahagi ng masamang tao sa Dios, at ang mana ng mga mamimighati, na kanilang tinatanggap sa Makapangyarihan sa lahat. | |
Job | TagAngBi | 27:14 | Kung ang kaniyang mga anak ay dumami, ay para sa tabak, at ang kaniyang lahi ay hindi mabubusog ng tinapay. | |
Job | TagAngBi | 27:15 | Yaong nangaiwan sa kaniya ay mangalilibing sa kamatayan, at ang kaniyang mga bao ay hindi magsisipanaghoy. | |
Job | TagAngBi | 27:16 | Bagaman siya'y magbunton ng pilak na parang alabok, at maghahanda ng bihisan na parang putik; | |
Job | TagAngBi | 27:17 | Maihahanda niya, nguni't ang ganap ang magsusuot niyaon. At babahagihin ng walang sala ang pilak. | |
Job | TagAngBi | 27:18 | Siya'y nagtatayo ng kaniyang bahay na gaya ng tanga, at gaya ng isang bantayan na ginagawa ng bantay. | |
Job | TagAngBi | 27:19 | Siya'y nahihigang mayaman, nguni't hindi siya pupulutin; kaniyang ididilat ang kaniyang mga mata, nguni't wala na siya. | |
Job | TagAngBi | 27:20 | Mga kakilabutan ang tumatabon sa kaniya na gaya ng tubig; bagyo ang umaagaw sa kaniya sa kinagabihan, | |
Job | TagAngBi | 27:21 | Tinangay siya ng hanging silanganan, at siya'y nananaw; at pinapalis siya sa kaniyang kinaroroonang dako. | |
Job | TagAngBi | 27:22 | Sapagka't hahalibasin siya ng Dios, at hindi magpapatawad; siya'y magpupumilit na tumakas sa kaniyang kamay. | |