JOB
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
Chapter 19
Job | TagAngBi | 19:2 | Hanggang kailan pahihirapan ninyo ang aking kaluluwa, at babagabagin ako ng mga salita? | |
Job | TagAngBi | 19:3 | Ng makasangpung ito ay pinulaan ninyo ako: kayo'y hindi nangapapahiya na nangagpapahirap sa akin. | |
Job | TagAngBi | 19:5 | Kung tunay na kayo'y magpapakalaki laban sa akin, at ipakikipagtalo laban sa akin ang kakutyaan ko: | |
Job | TagAngBi | 19:7 | Narito, ako'y humihiyaw dahil sa kamalian, nguni't hindi ako dinidinig; ako'y humihiyaw ng tulong, nguni't walang kahatulan. | |
Job | TagAngBi | 19:8 | Kaniyang pinadiran ang aking daan upang huwag akong makaraan, at naglagay ng kadiliman sa aking mga landas. | |
Job | TagAngBi | 19:10 | Kaniyang inilugmok ako sa bawa't dako, at ako'y nananaw: at ang aking pagasa ay binunot niyang parang punong kahoy. | |
Job | TagAngBi | 19:11 | Kaniya rin namang pinapagalab ang kaniyang pagiinit laban sa akin, at ibinilang niya ako sa kaniya na gaya ng isa sa kaniyang mga kaaway, | |
Job | TagAngBi | 19:12 | Ang kaniyang mga hukbo ay dumarating na magkakasama, at ipinagpatuloy ang kanilang lakad laban sa akin, at kinubkob ang palibot ng aking tolda. | |
Job | TagAngBi | 19:13 | Inilayo niya ang aking mga kapatid sa akin, at ang aking mga kakilala ay pawang nangiba sa akin. | |
Job | TagAngBi | 19:14 | Ang aking mga kamaganak ay nangagsilayo, at nilimot ako ng aking mga kasamasamang kaibigan. | |
Job | TagAngBi | 19:15 | Silang nagsisitahan sa aking bahay, at ang aking mga lingkod na babae, ay ibinibilang akong manunuluyan; ako'y naging kaiba sa kanilang paningin. | |
Job | TagAngBi | 19:16 | Aking tinatawag ang aking lingkod, at hindi ako sinasagot, bagaman sinasamo ko siya ng aking bibig. | |
Job | TagAngBi | 19:17 | Ang aking hininga ay iba sa aking asawa, at ang aking pamanhik sa mga anak ng tunay kong ina. | |
Job | TagAngBi | 19:18 | Pati ng mga bata ay humahamak sa akin; kung ako'y bumangon, sila'y nangagsasalita ng laban sa akin: | |
Job | TagAngBi | 19:19 | Lahat ng aking mahal na kaibigan ay nangayayamot sa akin: at ang aking minamahal ay nagsipihit ng laban sa akin, | |
Job | TagAngBi | 19:20 | Ang aking buto ay dumidikit sa aking balat at sa aking laman, at ako'y nakatanan ng sukat sa balat ng aking mga ngipin. | |
Job | TagAngBi | 19:21 | Mahabag kayo sa akin, mahabag kayo sa akin, Oh kayong mga kaibigan ko; sapagka't kinilos ako ng kamay ng Dios, | |
Job | TagAngBi | 19:22 | Bakit ninyo ako inuusig na gaya ng Dios. At hindi pa kayo nasisiyahan sa akin laman? | |
Job | TagAngBi | 19:23 | Oh mangasulat nawa ngayon ang aking mga salita! Oh mangalagda nawa sa isang aklat! | |
Job | TagAngBi | 19:24 | Ng isa nawang panulat na bakal at tingga, na mangaukit nawa sa bato magpakailan man! | |
Job | TagAngBi | 19:25 | Nguni't talastas ko na manunubos sa akin ay buhay, at siya'y tatayo sa lupa sa kahulihulihan: | |
Job | TagAngBi | 19:26 | At pagkatapos na magibang ganito ang aking balat, gayon ma'y makikita ko ang Dios sa aking laman: | |
Job | TagAngBi | 19:27 | Siyang makikita ko ng sarili, at mamamasdan ng aking mga mata, at hindi ng iba. Ang aking puso ay natutunaw sa loob ko. | |
Job | TagAngBi | 19:28 | Kung inyong sabihin: paanong aming pag-uusigin siya? Dangang ang kadahilanan ay nasusumpungan sa akin; | |