JOB
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
Chapter 6
Job | TagAngBi | 6:2 | Oh timbangin nawa ang aking pagkainip, at ang aking mga kasakunaan ay malagay sa mga timbangan na magkakasama. | |
Job | TagAngBi | 6:3 | Sapagka't ngayo'y magiging lalong mabigat kay sa buhangin sa mga dagat: kaya't ang aking pananalita ay napabigla. | |
Job | TagAngBi | 6:4 | Sapagka't ang mga palaso ng Makapangyarihan sa lahat ay nasasaksak sa akin, ang lason niyaon ay hinitit ng aking diwa; ang mga pangkilabot ng Dios ay nangahahanay laban sa akin. | |
Job | TagAngBi | 6:5 | Umuungal ba ang mailap na asno pag may damo? O umuungal ba ang baka sa kaniyang pagkain? | |
Job | TagAngBi | 6:6 | Makakain ba ng walang asin ang matabang? O mayroon bang lasa ang puti ng isang itlog? | |
Job | TagAngBi | 6:8 | Oh mangyari nawa ang aking kahilingan; at ipagkaloob nawa sa akin ng Dios ang bagay na aking minimithi! | |
Job | TagAngBi | 6:9 | Sa makatuwid baga'y kalugdan nawa ng Dios na pisain ako; na bitawan ang kaniyang kamay, at ihiwalay ako! | |
Job | TagAngBi | 6:10 | Kung magkagayo'y magtataglay pa ako ng kaaliwan; Oo, ako'y makapagbabata sa mga walang awang sakit; sapagka't hindi ko itinakuwil ang mga salita ng Banal. | |
Job | TagAngBi | 6:11 | Ano ang aking lakas, na ako'y maghihintay? At ano ang aking wakas na ako'y magtitiis? | |
Job | TagAngBi | 6:14 | Siyang nanglulupaypay ay dapat pagpakitaang loob ng kaniyang kaibigan; kahit siya na walang takot sa Makapangyarihan sa lahat. | |
Job | TagAngBi | 6:15 | Ang aking mga kapatid ay nagsipagdaya na parang batis, na parang daan ng mga batis na nababago; | |
Job | TagAngBi | 6:18 | Ang mga pulutong na naglalakbay sa pagsunod sa mga yaon ay nangaliligaw; nagsisilihis sa ilang at nawawala. | |
Job | TagAngBi | 6:19 | Minasdan ng mga pulutong na mula sa Tema, hinintay ang mga yaon ng mga pulutong na mula sa Seba. | |
Job | TagAngBi | 6:21 | Sapagka't ngayon, kayo'y nauwi sa wala; kayo'y nangakakakita ng kakilabutan, at nangatatakot. | |
Job | TagAngBi | 6:22 | Sinabi ko baga: Bigyan mo ako? O, Maghandog ka ng isang kaloob sa akin ng iyong pag-aari? | |
Job | TagAngBi | 6:23 | O, Iligtas mo ako sa kamay ng kaaway? O, tubusin mo ako sa kamay ng mga namimighati? | |
Job | TagAngBi | 6:24 | Turuan mo ako, at ako'y mamamayapa; at ipaunawa mo sa akin kung ano ang aking pinagkasalahan. | |
Job | TagAngBi | 6:25 | Pagkatindi nga ng mga salita ng katuwiran! Nguni't anong sinasaway ng iyong pakikipagtalo? | |
Job | TagAngBi | 6:26 | Iniisip ba ninyong sumaway ng mga salita? Dangang ang mga salita ng walang inaasahan ay parang hangin. | |
Job | TagAngBi | 6:27 | Oo, kayo'y magsasapalaran sa ulila, at ginawa ninyong kalakal ang inyong kaibigan. | |
Job | TagAngBi | 6:28 | Ngayon nga'y kalugdan mong lingapin ako; sapagka't tunay na hindi ako magbubulaan sa iyong harap. | |
Job | TagAngBi | 6:29 | Kayo'y magsibalik isinasamo ko sa inyo, huwag magkaroon ng kalikuan; Oo, kayo'y magsibalik uli, ang aking usap ay matuwid. | |