JOB
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
Chapter 34
Job | TagAngBi | 34:2 | Dinggin ninyo ang aking mga salita, kayong mga pantas; at pakinggan ninyo ako, ninyong may kaalaman. | |
Job | TagAngBi | 34:3 | Sapagka't ang pakinig ay tumitikim ng mga salita, gaya ng ngalangala na lumalasa ng pagkain. | |
Job | TagAngBi | 34:4 | Ating piliin sa ganang atin ang matuwid: ating alamin sa gitna natin kung ano ang mabuti. | |
Job | TagAngBi | 34:6 | Gayon ma'y akong may matuwid ay nabilang akong sinungaling; at ang aking sugat ay walang kagamutan, bagaman ako'y walang pagsalangsang. | |
Job | TagAngBi | 34:8 | Na yumayaon na kasama ng mga manggagawa ng kasamaan, at lumalakad na kasama ng mga masamang tao? | |
Job | TagAngBi | 34:9 | Sapagka't kaniyang sinabi, Walang napapakinabang ang tao na siya'y makapagpalugod sa Dios. | |
Job | TagAngBi | 34:10 | Kaya't dinggin ninyo ako, ninyong mga lalaking may unawa: malayo nawa sa Dios na siya'y gumawa ng masama; at sa Makapangyarihan sa lahat, na siya'y magkamit ng kasamaan. | |
Job | TagAngBi | 34:11 | Sapagka't ang gawa ng tao ay tutuusin niya sa kaniya, at ipatatagpo sa bawa't tao ang ayon sa kaniyang mga lakad. | |
Job | TagAngBi | 34:12 | Oo, sa katotohanan, ang Dios ay hindi gagawa ng kasamaan, ni ang Makapangyarihan sa lahat ay sisira ng kahatulan. | |
Job | TagAngBi | 34:13 | Sinong nagbigay sa kaniya ng bilin sa lupa? O sinong nagayos ng buong sanglibutan? | |
Job | TagAngBi | 34:14 | Kung kaniyang ilagak ang kaniyang puso sa tao, kung kaniyang pisanin sa kaniyang sarili ang kaniyang espiritu at ang kaniyang hininga; | |
Job | TagAngBi | 34:16 | Kung ngayon ay mayroon kang unawa ay dinggin mo ito: Dinggin mo ang tinig ng aking mga salita. | |
Job | TagAngBi | 34:17 | Mamamahala ba ang nagtatanim sa katuwiran? At iyo bang parurusahan siyang ganap at may kaya? | |
Job | TagAngBi | 34:18 | Siya na nagsabi sa isang hari: ikaw ay hamak? O sa mga mahal na tao: Kayo'y masasama? | |
Job | TagAngBi | 34:19 | Na hindi gumagalang sa mga pagkatao ng mga pangulo, ni nagpakundangan man sa mayaman ng higit kay sa mahirap; sapagka't silang lahat ay gawa ng kaniyang mga kamay. | |
Job | TagAngBi | 34:20 | Sa isang sangdali ay nangamamatay sila, kahit sa hating gabi; ang bayan ay inuuga at nawawala, at inaalis ang may kaya ng wala man lamang kamay. | |
Job | TagAngBi | 34:21 | Sapagka't ang kaniyang mga mata ay nangasa lakad ng tao, at nakikita niya ang lahat niyang pagyaon. | |
Job | TagAngBi | 34:22 | Walang kadiliman, ni makapal man pangungulimlim, na mapagtataguan ng mga manggagawa ng kasamaan. | |
Job | TagAngBi | 34:23 | Sapagka't hindi na niya pakukundanganan ang tao, upang siya'y humarap sa Dios sa kahatulan. | |
Job | TagAngBi | 34:24 | Kaniyang niluluray ang mga makapangyarihang tao ng mga paraang di masayod, at naglalagay ng mga iba na kahalili nila. | |
Job | TagAngBi | 34:25 | Kaya't siya'y kumukuhang kaalaman sa kanilang mga gawa; at kaniyang binabaligtad sila sa gabi, na anopa't sila'y nangalilipol. | |
Job | TagAngBi | 34:26 | Kaniyang hinahampas sila na parang masasamang tao sa hayag na paningin ng mga iba, | |
Job | TagAngBi | 34:27 | Sapagka't sila'y nagsilihis ng pagsunod sa kaniya, at hindi binulay ang anoman sa kaniyang mga lakad: | |
Job | TagAngBi | 34:28 | Na anopa't kaniyang pinadating ang daing ng dukha sa kaniya, at dininig niya ang daing ng napipighati. | |
Job | TagAngBi | 34:29 | Pagka siya'y nagbibigay ng katahimikan, sino ngang makahahatol? At pagka kaniyang ikinukubli ang kaniyang mukha, sinong makakakita sa kaniya? Maging gawin sa isang bansa, o sa isang tao: | |
Job | TagAngBi | 34:31 | Sapagka't may nagsabi ba sa Dios: Aking tinitiis ang parusa, hindi na ako magkakasala pa: | |
Job | TagAngBi | 34:32 | Yaong hindi ko nakikita ay ituro mo sa akin: kung ako'y nakagawa ng kasamaan hindi ko na ito gagawin pa? | |
Job | TagAngBi | 34:33 | Mangyayari pa ba ang kaniyang kagantihan na gaya ng iyong ibig na iyong tinatanggihan? Sapagka't ikaw ang marapat pumili at hindi ako: kaya't salitain mo kung ano ang iyong nalalaman. | |
Job | TagAngBi | 34:34 | Mga taong may unawa ay magsasabi sa akin, Oo, bawa't pantas na taong nakakarinig sa akin: | |
Job | TagAngBi | 34:35 | Si Job ay nagsasalita ng walang kaalaman. At ang kaniyang mga salita ay walang karunungan. | |
Job | TagAngBi | 34:36 | Si Job nawa'y subukin hanggang sa wakas, dahil sa ang kaniyang sagot ay gaya ng mga masamang tao. | |