Site uses cookies to provide basic functionality.

OK
JOB
Prev Up Next Toggle notes
Chapter 28
Job TagAngBi 28:1  Tunay na may mina na mayroong pilak, at dako na ukol sa ginto na kanilang pinagdadalisayan.
Job TagAngBi 28:2  Bakal ay hinuhukay sa lupa, at tanso ay binububo mula sa bato.
Job TagAngBi 28:3  Ang tao'y naglalagay ng wakas sa kadiliman, at sumisiyasat hanggang sa kalayulayuang hangganan ng mga bato ng kadiliman at salimuot na kadiliman.
Job TagAngBi 28:4  Siya'y humuhukay ng malayo sa tinatahanan ng mga tao: nililimot ng paa na dumadaan nagbibitin doong malayo sa mga tao, sila'y umuugoy na paroo't parito.
Job TagAngBi 28:5  Tungkol sa lupa, mula rito'y nanggagaling ang tinapay: at sa ilalim ay wari tinutuklap ng apoy.
Job TagAngBi 28:6  Ang mga bato nito'y kinaroroonan ng mga zafiro. At ito'y may alabok na ginto.
Job TagAngBi 28:7  Yaong landas na walang ibong mangdadagit ay nakakaalam. Ni nakita man ng mata ng falkon:
Job TagAngBi 28:8  Hindi natungtungan ng mga palalong hayop, ni naraanan man ng mabangis na leon,
Job TagAngBi 28:9  Kaniyang inilalabas ang kaniyang kamay sa batong pingkian; binabaligtad ng mga ugat ang mga bundok.
Job TagAngBi 28:10  Siya'y nagbabangbang sa gitna ng mga bato; at ang kaniyang mata ay nakakakita ng bawa't mahalagang bagay.
Job TagAngBi 28:11  Kaniyang tinatalian ang mga lagaslas upang huwag umagos; at ang bagay na nakukubli ay inililitaw niya sa liwanag.
Job TagAngBi 28:12  Nguni't saan masusumpungan ang karunungan? At saan naroon ang dako ng pagkaunawa?
Job TagAngBi 28:13  Hindi nalalaman ng tao ang halaga niyaon; ni nasusumpungan man sa lupain ng may buhay.
Job TagAngBi 28:14  Sinasabi ng kalaliman. Wala sa akin: at sinasabi ng dagat: Hindi sumasaakin.
Job TagAngBi 28:15  Hindi mabibili ng ginto, ni matitimbangan man ng pilak ang halaga niyaon.
Job TagAngBi 28:16  Hindi mahahalagahan ng ginto sa Ophir, ng mahalagang onix, o ng zafiro.
Job TagAngBi 28:17  Ginto at salamin ay hindi maihahalintulad doon: ni maipagpapalit man sa mga hiyas na dalisay na ginto.
Job TagAngBi 28:18  Hindi mabibilang ang coral o ang cristal; Oo, ang halaga ng karunungan ay higit sa mga rubi.
Job TagAngBi 28:19  Ang topacio sa Etiopia ay hindi maipapantay doon, ni mahahalagahan man ng dalisay na ginto.
Job TagAngBi 28:20  Saan nanggagaling nga ang karunungan? At saan naroon ang dako ng pagkaunawa?
Job TagAngBi 28:21  Palibhasa't nakukubli sa mga mata ng lahat na may buhay, at natatago sa mga ibon sa himpapawid.
Job TagAngBi 28:22  Ang kapahamakan at ang kamatayan ay nagsasabi, narinig namin ng aming mga pakinig ang bulungbulungan niyaon.
Job TagAngBi 28:23  Nauunawa ng Dios ang daan niyaon, at nalalaman niya ang dako niyaon.
Job TagAngBi 28:24  Sapagka't tumitingin siya hanggang sa mga wakas ng lupa, at nakikita ang silong ng buong langit;
Job TagAngBi 28:25  Upang bigyan ng timbang ang hangin; Oo, kaniyang tinatakal ang tubig sa takalan.
Job TagAngBi 28:26  Nang siya'y gumawa ng pasiya sa ulan, at ng daan sa kidlat ng kulog:
Job TagAngBi 28:27  Nang magkagayo'y nakita niya ito, at inihayag; kaniyang itinatag ito, oo, at siniyasat.
Job TagAngBi 28:28  At sa tao ay sinabi niya, Narito, ang pagkatakot sa Dios ay siyang karunungan; at ang paghiwalay sa kasamaan ay pagkaunawa.