JOB
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
Chapter 39
Job | TagAngBi | 39:1 | Nalalaman mo ba ang panahong ipinanganganak ng mga kambing bundok? O matatandaan mo ba ang mga pagdaramdam ng mga usa? | |
Job | TagAngBi | 39:2 | Mabibilang mo ba ang mga buwan ng kanilang kagampanan? O nalalaman mo ba ang panahong kanilang ipinanganak? | |
Job | TagAngBi | 39:3 | Sila'y nagsisiyuko, kanilang inilalabas ang kanilang mga anak, kaniyang iniwawaksi ang kanilang kapanglawan. | |
Job | TagAngBi | 39:4 | Ang kanilang mga anak ay nagiging malakas, sila'y nagsisilaki sa kaparangan; sila'y nagsisiyao at hindi na nagsisibalik. | |
Job | TagAngBi | 39:5 | Sinong nagpakawala sa mabangis na asno? O sinong nagkalag ng mga tali ng mailap na asno? | |
Job | TagAngBi | 39:7 | Kaniyang nililibak ang kaguluhan ng bayan. Ni hindi niya dinidinig ang sigaw ng nagpapatakbo ng hayop. | |
Job | TagAngBi | 39:8 | Ang libot ng mga bundok ay kaniyang pastulan, at kaniyang sinasaliksik ang bawa't sariwang bagay. | |
Job | TagAngBi | 39:9 | Matutuwa ba ang bakang gubat na maglingkod sa iyo? O matitira ba sa siping ng iyong pasabsaban? | |
Job | TagAngBi | 39:10 | Matatalian mo ba ang bakang gubat ng iyong panali sa pangbukid? O magbubusagsag ba ng mga libis sa likuran mo? | |
Job | TagAngBi | 39:11 | Aasa ka ba sa kaniya, dahil sa siya'y totoong malakas? O iiwan mo ba ang iyong gawain sa kaniya? | |
Job | TagAngBi | 39:12 | Ipagkakatiwala mo ba sa kaniya na iuuwi sa bahay ang iyong binhi, at pipisanin ang mga butil sa iyong giikan? | |
Job | TagAngBi | 39:13 | Ang pakpak ng avestruz ay nagagalak; nguni't may kagandahang loob ba ang kanilang mga pakpak at mga balahibo? | |
Job | TagAngBi | 39:14 | Sapagka't nagiiwan ng kaniyang mga itlog sa lupa, at pinaiinit ang mga yaon sa alabok, | |
Job | TagAngBi | 39:16 | Siya'y nagmamatigas laban sa kaniyang mga sisiw na tila hindi kaniya: bagaman ang kaniyang gawa ay mawalang kabuluhan, hindi niya ikinatatakot; | |
Job | TagAngBi | 39:17 | Sapagka't binawian siya ng Dios ng karunungan, ni hindi siya binahaginan ng unawa. | |
Job | TagAngBi | 39:18 | Anomang panahon na siya'y napaiitaas, hinahamak niya ang kabayo at ang sakay nito. | |
Job | TagAngBi | 39:19 | Nagbigay ka ba sa kabayo ng kalakasan? Binihisan mo ba ang kaniyang leeg ng buhok na gumagalaw? | |
Job | TagAngBi | 39:20 | Pinalulukso mo ba siya na parang balang? Ang kaluwalhatian ng kaniyang bahin ay kakilakilabot. | |
Job | TagAngBi | 39:21 | Siya'y kumukutkot sa libis, at nagagalak sa kaniyang kalakasan, siya'y sumasagupa sa mga taong may sandata. | |
Job | TagAngBi | 39:22 | Tinutuya niya ang takot at hindi nanglulupaypay: ni hindi tinatalikuran ang tabak. | |
Job | TagAngBi | 39:23 | Ang suksukan ng pana ay tumutunog laban sa kaniya, ang makintab na sibat at ang kalasag. | |
Job | TagAngBi | 39:24 | Kaniyang sinasakmal ang lupa na may kabangisan at poot; ni hindi siya naniniwala na yao'y tunog ng pakakak. | |
Job | TagAngBi | 39:25 | Kaniyang sinasabi sa tuwing tutunog ang mga pakakak: Aha! At kaniyang naaamoy ang pagbabaka sa malayo, ang sigaw ng mga kapitan at ang hiyaw. | |
Job | TagAngBi | 39:26 | Lumilipad ba ang uwak sa pamamagitan ng inyong karunungan, at iniuunat ba ang kaniyang mga pakpak sa dakong timugan? | |
Job | TagAngBi | 39:27 | Napaiilanglang ba ang agila sa iyong utos, at gumagawa ba ng kaniyang pugad sa itaas? | |
Job | TagAngBi | 39:28 | Sila'y nananahan sa malaking bato, at doon tumitira, sa taluktok ng burol at sa katibayan, | |
Job | TagAngBi | 39:29 | Mula roo'y tumitingin siya ng madadagit; ang kaniyang mga mata ay tumatanaw sa malayo. | |