JOB
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
Chapter 9
Job | TagAngBi | 9:2 | Sa katotohanan ay nalalaman kong ito'y gayon: nguni't paanong makapaggaganap ang tao sa Dios? | |
Job | TagAngBi | 9:3 | Kung kalugdan niyang makipagtalo sa kaniya, siya'y hindi makasasagot sa kaniya ng isa sa isang libo. | |
Job | TagAngBi | 9:4 | Siya ay pantas sa puso, at may kaya sa kalakasan: sinong nagmatigas laban sa kaniya at guminhawa? | |
Job | TagAngBi | 9:5 | Na siyang naglilipat ng mga bundok, at hindi nila nalalaman, pagka nililiglig niya sa kaniyang pagkagalit. | |
Job | TagAngBi | 9:6 | Na siyang umuuga ng lupa sa kaniyang kinaroroonan, at ang mga haligi nito ay nangayayanig. | |
Job | TagAngBi | 9:10 | Na gumagawa ng mga dakilang bagay na di masayod; Oo, mga kamanghamanghang bagay na walang bilang. | |
Job | TagAngBi | 9:11 | Narito, siya'y dumaraan sa siping ko, at hindi ko siya nakikita: siya'y nagpapatuloy rin naman, nguni't hindi ko siya namamataan. | |
Job | TagAngBi | 9:12 | Narito, siya'y nangangagaw sinong makasasansala sa kaniya? Sinong magsasabi sa kaniya: Anong ginagawa mo? | |
Job | TagAngBi | 9:13 | Hindi iuurong ng Dios ang kaniyang galit; ang mga manunulong sa Rahab ay nagsisiyukod sa ilalim niya. | |
Job | TagAngBi | 9:14 | Gaano pa nga kaya kaliit ang maisasagot ko sa kaniya, at mapipiling aking mga salita na maimamatuwid ko sa kaniya? | |
Job | TagAngBi | 9:15 | Na kahiman ako'y matuwid, gayon may hindi ako sasagot sa kaniya; ako'y mamamanhik sa aking hukom. | |
Job | TagAngBi | 9:16 | Kung ako'y tumawag, at siya'y sumagot sa akin; gayon ma'y hindi ako maniniwala na kaniyang dininig ang aking tinig. | |
Job | TagAngBi | 9:17 | Sapagka't ako'y ginigiba niya sa pamamagitan ng isang bagyo, at pinararami ang aking mga sugat ng walang kadahilanan. | |
Job | TagAngBi | 9:19 | Kung kami ay magsalita tungkol sa kalakasan, narito, siya'y may kapangyarihan! At kung sa kahatulan, sino, sinasabi niya ay magtatakda sa akin ng panahon? | |
Job | TagAngBi | 9:20 | Kahiman ako'y matuwid, ang aking sariling bibig ay hahatol sa akin: kahiman ako'y sakdal patototohanan niya akong masama. | |
Job | TagAngBi | 9:21 | Ako'y sakdal; hindi ko talos ang aking sarili; aking niwalang kabuluhan ang aking buhay. | |
Job | TagAngBi | 9:23 | Kung ang panghampas ay pumapatay na bigla, tatawanan niya ang paglilitis sa mga walang sala. | |
Job | TagAngBi | 9:24 | Ang lupa ay nabigay sa kamay ng masama: kaniyang tinatakpan ang mga mukha ng mga hukom nito; kung hindi siya, sino nga? | |
Job | TagAngBi | 9:25 | Ngayo'y ang mga kaarawan ko ay matulin kay sa isang sugo: dumadaang matulin, walang nakikitang mabuti. | |
Job | TagAngBi | 9:26 | Sila'y nagsisidaang parang mga matuling sasakyan: parang agila na dumadagit ng huli. | |
Job | TagAngBi | 9:27 | Kung aking sabihin: Aking kalilimutan ang aking daing, aking papawiin ang aking malungkot na mukha, at magpapakasaya ako: | |
Job | TagAngBi | 9:28 | Ako'y natatakot sa lahat kong kapanglawan, talastas ko na hindi mo aariin akong walang sala. | |
Job | TagAngBi | 9:30 | Kung ako'y maligo ng nieveng tubig, at gawin ko ang aking mga kamay na napakalinis; | |
Job | TagAngBi | 9:31 | Gayon ma'y itutulak mo ako sa hukay, at kayayamutan ako ng aking mga sariling kasuutan. | |
Job | TagAngBi | 9:32 | Sapagka't siya'y hindi tao, na gaya ko, na sasagot ako sa kaniya, na tayo'y pumasok kapuwa sa kahatulan, | |
Job | TagAngBi | 9:34 | Ihiwalay niya sa akin ang kaniyang tungkod, at huwag akong takutin ng kaniyang pangilabot: | |