JOB
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
Chapter 41
Job | TagAngBi | 41:1 | Mahuhuli mo ba ang buwaya ng isang bingwit? O mailalabas mo ba ang kaniyang dila ng isang panali? | |
Job | TagAngBi | 41:2 | Makapaglalagay ka ba ng tali sa kaniyang ilong? O makabubutas sa kaniyang panga ng isang taga ng bingwit? | |
Job | TagAngBi | 41:3 | Mamamanhik ba siya ng marami sa iyo? O magsasalita ba siya ng mga malumanay na salita sa iyo? | |
Job | TagAngBi | 41:5 | Makikipaglaro ka ba sa kaniya na gaya sa isang ibon? O iyong tatalian ba siya para sa iyong mga dalaga? | |
Job | TagAngBi | 41:6 | Makakalakal ba siya ng mga pulutong ng mangingisda? Mababahagi ba siya nila sa mga mangangalakal? | |
Job | TagAngBi | 41:7 | Mahihiwa mo ba ang kaniyang balat ng sundang na bakal, o ang kaniyang ulo ng panaksak ng isda? | |
Job | TagAngBi | 41:8 | Ipatong mo ang iyong kamay sa kaniya; alalahanin mo ang pagbabaka at huwag mo nang gawin. | |
Job | TagAngBi | 41:9 | Narito, ang pagasa riyan ay walang kabuluhan: hindi ba malulugmok ang sinoman makita lamang yaon? | |
Job | TagAngBi | 41:10 | Walang malakas na makapangahas kumilos niyaon: sino ngang makatatayo sa harap ko? | |
Job | TagAngBi | 41:11 | Sinong naunang nagbigay sa akin upang aking bayaran siya? Anomang nasa silong ng buong langit ay akin. | |
Job | TagAngBi | 41:12 | Hindi ako tatahimik tungkol sa kaniyang mga sangkap ng katawan, ni sa kaniya mang dakilang kapangyarihan, ni sa kaniya mang mainam na hugis. | |
Job | TagAngBi | 41:13 | Sinong makapaglilitaw na karayagan ng kaniyang mga damit? Sinong makalalapit sa kaniyang magkasaping pangil? | |
Job | TagAngBi | 41:14 | Sinong makapagbubukas ng mga pinto ng kaniyang mukha? Sa palibot ng kaniyang ngipin ay kakilabutan. | |
Job | TagAngBi | 41:15 | Ang kaniyang mga matibay na palikpik ay kaniyang kapalaluan, nangagkakadikit na maigi na gaya sa isang tatak na mahigpit. | |
Job | TagAngBi | 41:16 | Nagkakadikit sa isa't isa, na ang hangin ay hindi makaraan sa pagitan sa mga yaon. | |
Job | TagAngBi | 41:17 | Sila'y nagkakasugpongan sa isa't isa; Nagkakalakip na magkasama, na hindi maihihiwalay. | |
Job | TagAngBi | 41:18 | Ang kanilang mga bahin ay kumikislap ng apoy, at ang kanilang mga mata ay gaya ng mga bukang liwayway kung umaga. | |
Job | TagAngBi | 41:19 | Mula sa kaniyang bibig ay lumalabas ang nagliliyab na sulo, at mga alipatong apoy ay nagsisilabas. | |
Job | TagAngBi | 41:20 | Mula sa kaniyang mga butas ng ilong ay lumalabas ang usok, na gaya ng isang kumukulong talyasi at nagniningas na mga talahib. | |
Job | TagAngBi | 41:21 | Ang kaniyang hinga ay nagpapaningas ng mga baga, at isang alab ay lumalabas sa kaniyang bibig. | |
Job | TagAngBi | 41:22 | Sa kaniyang leeg ay tumitira ang kalakasan, at ang kakilabutan ay sumasayaw sa harap niya. | |
Job | TagAngBi | 41:23 | Ang mga kaliskis ng kaniyang laman ay nangagkakadikitan; nangagtutumibay sa kaniya; hindi magagalaw. | |
Job | TagAngBi | 41:24 | Ang kaniyang puso ay matatag na gaya ng isang bato; Oo, matatag na gaya ng batong pangibaba ng gilingan. | |
Job | TagAngBi | 41:25 | Pagka siya'y tumitindig ay natatakot ang makapangyarihan: dahil sa pagkagulat ay nangalilito sila. | |
Job | TagAngBi | 41:26 | Kung siya'y tagain ninoman ng tabak ay hindi tumatalab; ni ng sibat man, ng pana, ni ng matalas na tulis man. | |
Job | TagAngBi | 41:27 | Kaniyang ipinalalagay ang bakal na parang dayami, at ang tanso na parang lapok na kahoy. | |
Job | TagAngBi | 41:28 | Hindi niya mapatakas ng palaso: ang mga batong panghilagpos ay nagiging sa kaniya'y parang pinagputulan ng trigo. | |
Job | TagAngBi | 41:29 | Ang mga panakbat ay nangapapalagay na parang pinagputulan ng trigo: kaniyang tinatawanan ang galaw ng sibat. | |
Job | TagAngBi | 41:30 | Ang kaniyang mga sangkap sa ibaba ay gaya ng mga matulis na bibinga: lumalaganap na tila saksak sa banlik. | |
Job | TagAngBi | 41:31 | Kaniyang pinagpapakuluan ang kalaliman na parang palyok: kaniyang ginagawa ang dagat na parang pamahid. | |
Job | TagAngBi | 41:32 | Kaniyang pinasisilang ang landas sa likuran niya; aakalain ng sinoman na mauban ang kalaliman. | |