JOB
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
Chapter 21
Job | TagAngBi | 21:2 | Pakinggan ninyong mainam ang aking pananalita; at ito'y maging inyong mga kaaliwan. | |
Job | TagAngBi | 21:3 | Pagdalitaan ninyo ako, at ako nama'y magsasalita, at pagkatapos na ako'y makapagsalita, ay manuya kayo. | |
Job | TagAngBi | 21:5 | Tandaan ninyo ako, at matigilan kayo. At ilagay ninyo ang inyong kamay sa inyong bibig, | |
Job | TagAngBi | 21:6 | Pagka aking naaalaala nga ay nababagabag ako, at kikilabutan ang humahawak sa aking laman. | |
Job | TagAngBi | 21:7 | Bakit nabubuhay ang masama, nagiging matanda, oo, nagiging malakas ba sa kapangyarihan? | |
Job | TagAngBi | 21:8 | Ang kanilang binhi ay natatatag nakasama nila sa kanilang paningin, at ang kanilang mga suwi ay nasa harap ng kanilang mga mata. | |
Job | TagAngBi | 21:9 | Ang kanilang mga bahay ay tiwasay na walang takot, kahit ang pamalo man ng Dios ay wala sa kanila. | |
Job | TagAngBi | 21:10 | Ang kanilang baka ay naglilihi, at hindi nababaog; ang kanilang baka ay nanganganak, at hindi napapahamak ang kaniyang guya. | |
Job | TagAngBi | 21:11 | Kaniyang inilabas ang kanilang mga bata na gaya ng kawan, at ang kanilang mga anak ay nangagsasayawan, | |
Job | TagAngBi | 21:12 | Sila'y nangagaawitan na katugma ng pandereta at alpa, at nangagkakatuwa sa tunog ng plauta. | |
Job | TagAngBi | 21:13 | Kanilang ginugugol ang kanilang mga kaarawan sa kaginhawahan, at sa isang sandali ay nagsisilusong sila sa Sheol. | |
Job | TagAngBi | 21:14 | At sinasabi nila sa Dios: Lumayo ka sa amin; sapagka't hindi namin ninanasa ang pagkaalam ng inyong mga lakad. | |
Job | TagAngBi | 21:15 | Ano ang Makapangyarihan sa lahat na siya'y paglilingkuran namin? At anong pakinabang magkakaroon kami, kung kami ay magsidalangin sa kaniya? | |
Job | TagAngBi | 21:16 | Narito, ang kanilang kaginhawahan ay wala sa kanilang kamay: ang payo ng masama ay malayo sa akin. | |
Job | TagAngBi | 21:17 | Gaano kadalas pinapatay ang ilawan ng masama? Na ang kanilang kapahamakan ay dumarating ba sa kanila? Na nagbabahagi ba ang Dios ng mga kapanglawan sa kaniyang galit? | |
Job | TagAngBi | 21:18 | Na sila'y gaya ng dayami sa harap ng hangin, at gaya ng ipa na tinatangay ng bagyo? | |
Job | TagAngBi | 21:19 | Inyong sinasabi, Inilalapat ng Dios ang kaniyang parusa sa kaniyang mga anak. Gantihin sa kaniyang sarili upang maalaman niya. | |
Job | TagAngBi | 21:20 | Makita ng kaniyang mga mata ang kaniyang pagkagiba, at uminom siya ng poot ng Makapangyarihan sa lahat. | |
Job | TagAngBi | 21:21 | Sapagka't anong kasayahan magkakaroon siya sa kaniyang bahay pagkamatay niya, pagka ang bilang ng kaniyang mga buwan ay nahiwalay sa gitna? | |
Job | TagAngBi | 21:22 | May makapagtuturo ba ng kaalaman sa Dios? Dangang kaniyang hinahatulan yaong nangasa mataas. | |
Job | TagAngBi | 21:23 | Isa'y namamatay sa kaniyang lubos na kalakasan, palibhasa't walang bahala at tahimik: | |
Job | TagAngBi | 21:24 | Ang kaniyang mga suso ay puno ng gatas, at ang utak ng kaniyang mga buto ay halumigmig. | |
Job | TagAngBi | 21:25 | At ang iba'y namamatay sa paghihirap ng kaluluwa, at kailan man ay hindi nakakalasa ng mabuti. | |
Job | TagAngBi | 21:27 | Narito, aking nalalaman ang inyong pagiisip, at ang mga maling haka ng inyong inaakala laban sa akin. | |
Job | TagAngBi | 21:28 | Sapagka't inyong sinasabi, Saan naroon ang bahay ng prinsipe? At saan naroon ang tolda na tinatahanan ng masama? | |
Job | TagAngBi | 21:29 | Hindi ba ninyo itinanong sa kanilang nangagdadaan? At hindi ba ninyo nalalaman ang kanilang mga pinagkakakilanlan? | |
Job | TagAngBi | 21:30 | Na ang masamang tao ay natataan sa kaarawan ng kasakunaan? Na sila'y pinapatnubayan sa kaarawan ng kapootan? | |
Job | TagAngBi | 21:31 | Sinong magpapahayag ng kaniyang lakad sa kaniyang mukha? At sinong magbabayad sa kaniya ng kaniyang ginawa? | |
Job | TagAngBi | 21:33 | Ang mga bugal ng libis ay mamabutihin niya, at lahat ng tao ay magsisisunod sa kaniya, gaya ng nauna sa kaniya na walang bilang. | |