JOB
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
Chapter 38
Job | TagAngBi | 38:3 | Bigkisan mo ngayon ang iyong mga balakang na parang lalake: sapagka't tatanungin kita at magpapahayag ka sa akin. | |
Job | TagAngBi | 38:4 | Saan ka nandoon nang ilagay ko ang mga patibayan ng lupa? Ipahayag mo, kung mayroon kang unawa. | |
Job | TagAngBi | 38:5 | Sinong naglagay ng mga sukat niyaon, kung iyong nalalaman? O sinong nagunat ng panukat diyan? | |
Job | TagAngBi | 38:6 | Sa ano nalagay ang kaniyang mga patibayan? O sinong naglagay ng batong panulok niyaon; | |
Job | TagAngBi | 38:7 | Nang magsiawit na magkakasama ang mga bituin pang-umaga. At ang lahat ng mga anak ng Dios ay naghihiyawan sa kagalakan? | |
Job | TagAngBi | 38:8 | O sinong nagsara ng mga pinto sa dagat, nang magpumiglas na gaya ng pagpiglas mula sa bahay-bata? | |
Job | TagAngBi | 38:9 | Nang gawin ko ang alapaap na bihisan niyaon, at ang salimuot na kadiliman na pinakabalot niyaon, | |
Job | TagAngBi | 38:10 | At aking itinatag doon ang aking pasiya, at nilagyan ko ng mga halang at mga pinto, | |
Job | TagAngBi | 38:11 | At aking sinabi, Hanggang dito ay darating ka, nguni't hindi ka na lalagpas: at dito'y titigil ang iyong mga palalong alon? | |
Job | TagAngBi | 38:12 | Nagutos ka ba sa umaga mula sa iyong mga kaarawan, at ipinabatid mo ba sa bukang liwayway ang kaniyang dako; | |
Job | TagAngBi | 38:14 | Nababagong parang putik sa ilalim ng tatak; at lahat ng mga bagay ay nagiging gaya ng bihisan: | |
Job | TagAngBi | 38:17 | Nangahayag ba sa iyo ang mga pintuan ng kamatayan? O nakita mo ba ang mga pinto ng anino ng kamatayan? | |
Job | TagAngBi | 38:18 | Iyo bang nabatid ang kaluwangan ng lupa? Ipahayag mo, kung iyong nalalamang lahat. | |
Job | TagAngBi | 38:19 | Saan nandoon ang daan na patungo sa tahanan ng liwanag, at tungkol sa kadiliman, saan nandoon ang dako niyaon; | |
Job | TagAngBi | 38:20 | Upang iyong madala sa hangganan niyaon, at upang iyong gunitain ang mga landas hanggang sa bahay niyaon? | |
Job | TagAngBi | 38:21 | Marahil nalalaman mo, sapagka't ikaw nga'y ipinanganak noon, at ang bilang ng iyong mga kaarawan ay marami? | |
Job | TagAngBi | 38:22 | Pumasok ka ba sa mga tipunan ng nieve, o nakita mo ba ang mga tipunan ng granizo, | |
Job | TagAngBi | 38:23 | Na aking itinaan laban sa panahon ng kabagabagan, laban sa kaarawan ng pagbabaka at pagdidigma? | |
Job | TagAngBi | 38:24 | Sa aling daan naghiwalay ang liwanag, o sa hanging silanganan na lumalaganap sa ibabaw ng lupa? | |
Job | TagAngBi | 38:25 | Sinong humukay ng bangbang sa mga bugso ng tubig, o ng daanan ng kidlat ng kulog; | |
Job | TagAngBi | 38:26 | Upang magpaulan sa lupa, na hindi tinatahanan ng tao, sa ilang na doon ay walang tao. | |
Job | TagAngBi | 38:29 | Sa kaninong bahay-bata nagmula ang hielo? At ang escarcha sa himpapawid, ay ipinanganak nino? | |
Job | TagAngBi | 38:30 | Ang mga tubig ay nakukubling gaya ng bato, at ang ibabaw ng kalaliman ay namumuno. | |
Job | TagAngBi | 38:31 | Matatalian mo ba ang pagkakaumpukan ng mga bituin na Pleyade, o makakalagan ang tali ng mga bituin na Orion? | |
Job | TagAngBi | 38:32 | Mailalabas mo ba ang mga bituin na mga tanda ng Zodiaco sa kanilang kapanahunan? O mapapatnubayan mo ba ang Oso na kasama ng kaniyang mga anak? | |
Job | TagAngBi | 38:33 | Nalalaman mo ba ang mga alituntunin ng langit? Maitatatag mo ba ang kapangyarihan niyaon sa lupa? | |
Job | TagAngBi | 38:34 | Mailalakas mo ba ang iyong tinig hanggang sa mga alapaap, upang takpan ka ng saganang tubig? | |
Job | TagAngBi | 38:35 | Makapagsusugo ka ba ng mga kidlat, upang magsiyaon, at magsabi sa iyo: Nangarito kami? | |
Job | TagAngBi | 38:36 | Sinong naglagay ng karunungan sa mga pinakaloob na bahagi? O sinong nagbigay ng kaalaman sa pagiisip? | |
Job | TagAngBi | 38:37 | Sinong makabibilang ng mga alapaap sa pamamagitan ng karunungan? O sinong makatutuyo ng mga botelya ng langit, | |
Job | TagAngBi | 38:39 | Huhuli ka ba ng mahuhuli na ukol sa leong babae? O bubusugin mo baga ang kagutoman ng mga batang leon, | |
Job | TagAngBi | 38:40 | Pagka sila'y nagsisihilig sa kanilang mga lungga, at nagsisitahan sa guwang upang bumakay? | |