PROVERBS
Chapter 10
Prov | TagAngBi | 10:1 | Mga kawikaan ni Salomon. Ang pantas na anak ay nakapagpapasaya sa ama: nguni't ang mangmang na anak ay pasan ng kaniyang ina. | |
Prov | TagAngBi | 10:2 | Mga kayamanan ng kasamaan ay hindi napapakinabangan: nguni't ang katuwiran ay nagliligtas sa kamatayan. | |
Prov | TagAngBi | 10:3 | Hindi titiisin ng Panginoon na magutom ang kaluluwa ng matuwid: nguni't kaniyang itinatakuwil ang nasa ng masama. | |
Prov | TagAngBi | 10:4 | Siya'y nagiging dukha na gumagawa ng kamay na walang kasipagan: nguni't yumayaman ang kamay ng masipag. | |
Prov | TagAngBi | 10:5 | Siyang nagtitipon sa taginit ay pantas na anak: nguni't siyang natutulog sa pagaani ay anak na kahiyahiya. | |
Prov | TagAngBi | 10:6 | Mga pagpapala ay nangasa ulo ng matuwid: nguni't tinatakpan ng karahasan ang bibig ng masama. | |
Prov | TagAngBi | 10:8 | Ang pantas sa puso ay tatanggap ng mga utos: nguni't ang madaldal na musmos ay mabubuwal. | |
Prov | TagAngBi | 10:9 | Siyang lumalakad ng matuwid ay lumalakad na tiwasay: nguni't siyang sumisira ng kaniyang mga lakad ay makikilala. | |
Prov | TagAngBi | 10:10 | Siyang kumikindat ng mata ay nagpapapanglaw: nguni't ang madaldal na musmos ay mabubuwal. | |
Prov | TagAngBi | 10:11 | Ang bibig ng matuwid, ay bukal ng kabuhayan: nguni't tinatakpan ng karahasan ang bibig ng masama. | |
Prov | TagAngBi | 10:12 | Ang pagtatanim ay humihila ng mga kaalitan: nguni't tinatakpan ng pagibig ang lahat ng pagsalangsang. | |
Prov | TagAngBi | 10:13 | Nasusumpungan sa mga labi ng mabait ang karunungan: nguni't ang pamalo ay sa likod ng walang unawa. | |
Prov | TagAngBi | 10:14 | Ang mga pantas ay nagiimbak ng kaalaman: nguni't ang bibig ng mangmang ay kasalukuyang ikapapahamak. | |
Prov | TagAngBi | 10:15 | Ang kayamanan ng mayaman ay ang kaniyang matibay na bayan: ang kapahamakan ng dukha ay ang kanilang karalitaan. | |
Prov | TagAngBi | 10:17 | Nasa daan ng buhay siyang nakikinig ng saway: nguni't siyang nagpapabaya ng saway ay nagkakamali. | |
Prov | TagAngBi | 10:18 | Siyang nagkukubli ng mga pagtatanim ay sa mga magdarayang labi; at siyang nagpaparatang ay mangmang. | |
Prov | TagAngBi | 10:19 | Sa karamihan ng mga salita ay hindi nagkukulang ng pagsalangsang: nguni't siyang nagpipigil ng kaniyang mga labi ay gumagawang may kapantasan. | |
Prov | TagAngBi | 10:20 | Ang dila ng matuwid ay parang piling pilak: ang puso ng masama ay kaunti ang halaga. | |
Prov | TagAngBi | 10:21 | Ang mga labi ng matuwid ay nagpapakain ng marami: nguni't ang mangmang ay namamatay sa kakulangan ng pagunawa. | |
Prov | TagAngBi | 10:22 | Ang pagpapala ng Panginoon, ay nagpapayaman, at hindi niya idinadagdag ang kapanglawan. | |
Prov | TagAngBi | 10:23 | Isang paglilibang sa mangmang ang paggawa ng kasamaan: at gayon ang karunungan sa taong naguunawa. | |
Prov | TagAngBi | 10:24 | Ang takot ng masama ay darating sa kaniya: at ang nasa ng matuwid ay ipagkakaloob. | |
Prov | TagAngBi | 10:25 | Pagka ang ipoipo ay dumadaan ay nawawala ang masama: nguni't ang matuwid ay walang hanggang patibayan. | |
Prov | TagAngBi | 10:26 | Kung paano ang suka sa mga ngipin, at kung paano ang usok sa mata, gayon ang tamad sa mga nagsusugo sa kaniya. | |
Prov | TagAngBi | 10:27 | Ang pagkatakot sa Panginoon ay nagpapalaon ng mga kaarawan: nguni't ang mga taon ng masama ay mangangaunti. | |
Prov | TagAngBi | 10:28 | Ang pagasa ng matuwid ay magiging kasayahan: nguni't ang pagasa ng masama ay mawawala. | |
Prov | TagAngBi | 10:29 | Ang daan ng Panginoon ay katibayan sa matuwid; nguni't kapahamakan sa mga manggagawa ng kasamaan. | |
Prov | TagAngBi | 10:30 | Ang matuwid ay hindi makikilos kailan man: nguni't ang masama ay hindi tatahan sa lupain. | |
Prov | TagAngBi | 10:31 | Ang bibig ng matuwid ay nagbibigay ng karunungan: nguni't ang magdarayang dila ay ihihiwalay. | |