Site uses cookies to provide basic functionality.

OK
II SAMUEL
Prev Up Next Toggle notes
Chapter 22
II S TagAngBi 22:1  At sinalita ni David ang mga salita ng awit na ito sa Panginoon nang araw na iligtas ng Panginoon siya sa kamay ng lahat ng kaniyang mga kaaway, at sa kamay ni Saul.
II S TagAngBi 22:2  At kaniyang sinabi, Ang Panginoo'y aking malaking bato at aking katibayan, at tagapagligtas sa akin, sa makatuwid baga'y akin;
II S TagAngBi 22:3  Ang Dios, ang aking malaking bato, na sa kaniya ako'y manganganlong: Aking kalasag, at siyang sungay ng aking kaligtasan, aking matayog na moog at ampunan sa akin; Tagapagligtas sa akin, ikaw ang nagliligtas sa akin sa karahasan.
II S TagAngBi 22:4  Ako'y tatawag sa Panginoon na karapatdapat purihin: Sa ganya'y maliligtas ako sa aking mga kaaway.
II S TagAngBi 22:5  Sapagka't ang mga alon ng kamatayan ay kumulong sa akin; Ang mga baha ng kalikuan ay tumakot sa akin.
II S TagAngBi 22:6  Ang mga panali ng Sheol ay lumibid sa akin: Ang mga silo ng kamatayan ay nagsisapit sa akin.
II S TagAngBi 22:7  Sa aking pagkahapis ay tumawag ako sa Panginoon; Oo, ako'y tumawag sa aking Dios: At kaniyang dininig ang aking tinig mula sa kaniyang templo, At ang aking daing ay sumapit sa kaniyang mga pakinig.
II S TagAngBi 22:8  Nang magkagayo'y umuga ang lupa at nayanig. Ang mga pinagtitibayan ng langit ay nangakilos. At nangauga, sapagka't siya'y nagalit.
II S TagAngBi 22:9  Umilanglang ang usok mula sa kaniyang mga butas ng ilong, At apoy na mula sa kaniyang bibig ay nanupok: Mga baga ay nagalab sa pamamagitan niyaon.
II S TagAngBi 22:10  Kaniyang pinayukod din naman ang langit at bumaba: At salimuot na kadiliman ay nasa ilalim ng kaniyang mga paa.
II S TagAngBi 22:11  At siya'y sumakay sa isang querubin at lumipad: Oo, siya'y nakita sa mga pakpak ng hangin.
II S TagAngBi 22:12  At ang kadiliman ay kaniyang ginawang mga kulandong sa palibot niya. Na nagpisan ng tubig, ng masisinsing alapaap sa langit.
II S TagAngBi 22:13  Sa kaningningan sa harap niya Mga bagang apoy ay nagsipagalab.
II S TagAngBi 22:14  Ang Panginoo'y kumulog sa langit, At ang Kataastaasan ay nagbigkas ng tinig niya.
II S TagAngBi 22:15  At nagpahilagpos ng mga palaso, at pinangalat niya sila; Kumidlat, at nangatulig sila.
II S TagAngBi 22:16  Nang magkagayo'y ang mga kalaliman sa dagat ay nangalitaw, Ang mga pinagtibayan ng sanglibutan ay nangakita. Dahil sa saway ng Panginoon, Sa hihip ng hinga ng kaniyang mga butas ng ilong.
II S TagAngBi 22:17  Siya'y nagsugo mula sa itaas, kaniyang kinuha ako; kaniyang kinuha ako sa maraming tubig;
II S TagAngBi 22:18  Kaniyang iniligtas ako sa aking malakas na kaaway, Sa nangagtatanim sa akin; sapagka't sila'y totoong malakas kay sa akin.
II S TagAngBi 22:19  Sila'y nagsidating sa akin sa kaarawan ng sakuna ko: Nguni't ang Panginoon ay siyang alalay sa akin.
II S TagAngBi 22:20  Kaniyang dinala din ako sa maluwang na dako: Kaniyang iniligtas ako, sapagka't kaniyang kinalugdan ako.
II S TagAngBi 22:21  Ginanti ako ng Panginoon ayon sa aking katuwiran: Ayon sa kalinisan ng aking mga kamay ay kaniyang ginanti ako.
II S TagAngBi 22:22  Sapagka't aking iningatan ang mga daan ng Panginoon, At hindi ako humiwalay na may kasamaan sa aking Dios.
II S TagAngBi 22:23  Sapagka't ang lahat niyang kahatulan ay nasa harap ko: At tungkol sa kaniyang mga palatuntunan ay hindi ko hiniwalayan.
II S TagAngBi 22:24  Ako rin nama'y sakdal sa harap niya, At iningatan ko ang aking sarili mula sa kasamaan.
II S TagAngBi 22:25  Kaya't ginanti ng Panginoon ako ayon sa aking katuwiran; Ayon sa aking kalinisan sa kaniyang paningin.
II S TagAngBi 22:26  Sa maawain ay magpapakamaawain ka; Sa sakdal ay magpapakasakdal ka;
II S TagAngBi 22:27  Sa dalisay ay magpapakadalisay ka; At sa mga walang payo ay magwawalang payo ka.
II S TagAngBi 22:28  At ang nagdadalamhating bayan ay iyong ililigtas: Nguni't ang iyong mga mata ay nasa mga mapagmataas, upang iyong papagpakumbabain.
II S TagAngBi 22:29  Sapagka't ikaw ang aking ilawan, Oh Panginoon: At liliwanagan ng Panginoon ang aking kadiliman.
II S TagAngBi 22:30  Sapagka't sa pamamagitan mo ay aking tatakbuhin ang pulutong: Sa pamamagitan ng aking Dios ay aking luluksuhin ang kuta.
II S TagAngBi 22:31  Tungkol sa Dios, ang kaniyang lakad ay sakdal; Ang salita ng Panginoon ay subok; Siya'y kalasag sa lahat ng sa kaniya'y kumakanlong.
II S TagAngBi 22:32  Sapagka't sino ang Dios, liban sa Panginoon? At sino ang malaking bato liban sa ating Dios?
II S TagAngBi 22:33  Ang Dios ay aking matibay na katibayan: At pinapatnubayan niya ang sakdal sa kaniyang lakad.
II S TagAngBi 22:34  Kaniyang ginagawa ang mga paa niya na gaya ng sa mga usa; At inilalagay niya ako sa aking matataas na dako.
II S TagAngBi 22:35  Kaniyang tinuturuan ang aking mga kamay ng pakikidigma. Na anopa't binabaluktok ng aking mga kamay ang busog na tanso.
II S TagAngBi 22:36  Binigyan mo rin ako ng kalasag mong pangligtas: At pinadakila ako ng iyong kaamuan.
II S TagAngBi 22:37  Iyong pinalaki ang aking mga hakbang sa tinutungtungan ko, At ang aking mga paa ay hindi nadulas.
II S TagAngBi 22:38  Aking hinabol ang aking mga kaaway at akin silang pinapagpapatay; Ni hindi ako bumalik uli hanggang sa sila'y nalipol.
II S TagAngBi 22:39  At aking pinaglilipol, at aking pinagsasaktan sila, na anopa't sila'y hindi nangakabangon: Oo, sila'y nangabuwal sa paanan ko.
II S TagAngBi 22:40  Sapagka't ako'y binigkisan mo ng kalakasan sa pagbabaka: Iyong pinasuko sa akin yaong nagsisibangon laban sa akin.
II S TagAngBi 22:41  Iyo ring pinatalikod sa akin ang aking mga kaaway, Upang aking mangaihiwalay ang nangagtatanim sa akin.
II S TagAngBi 22:42  Sila'y nagsitingin, nguni't walang mangagligtas: Sa Panginoon, nguni't hindi niya sinagot sila.
II S TagAngBi 22:43  Nang magkagayo'y pinagbabayo ko sila na gaya ng alabok sa lupa; Aking pinagyurakan sila na gaya ng putik sa mga lansangan, at akin silang pinapangalat.
II S TagAngBi 22:44  Iniligtas mo rin ako sa mga pakikipagtalo sa aking bayan: Iningatan mo ako na maging pangulo sa mga bansa; Ang bayan na hindi ko nakilala ay maglilingkod sa akin.
II S TagAngBi 22:45  Ang mga taga ibang lupa ay magsisisuko sa akin. Pagkarinig nila tungkol sa akin, sila'y magsisitalima sa akin.
II S TagAngBi 22:46  Ang mga taga ibang lupa ay manganglulupaypay, At magsisilabas na nanganginginig sa kanilang mga kublihan.
II S TagAngBi 22:47  Ang Panginoon ay buhay; at purihin nawa ang aking malaking bato; At itanghal nawa ang Dios na malaking bato ng aking kaligtasan,
II S TagAngBi 22:48  Sa makatuwid baga'y ang Dios na ipinanghihiganti ako. At pinangangayupapa sa akin ang mga bayan,
II S TagAngBi 22:49  At inilalabas ako sa aking mga kaaway: Oo, iyong pinapangingibabaw ako sa kanila na nagsisibangon laban sa akin: Inililigtas mo ako sa marahas na lalake.
II S TagAngBi 22:50  Kaya't pasasalamat ako sa iyo, Oh Panginoon, sa gitna ng mga bansa, At aawit ako ng mga pagpuri sa iyong pangalan.
II S TagAngBi 22:51  Dakilang pagliligtas ang ibinibigay niya sa kaniyang hari: At nagmamagandang loob sa kaniyang pinahiran ng langis, Kay David at sa kaniyang binhi magpakailan man.