LAMENTATIONS
Chapter 3
Lame | TagAngBi | 3:3 | Tunay na laban sa akin ay kaniyang iginagalaw ang kaniyang kamay na muli't muli buong araw. | |
Lame | TagAngBi | 3:4 | Ang aking laman at aking balat ay pinatanda niya; kaniyang binali ang aking mga buto. | |
Lame | TagAngBi | 3:7 | Kaniyang binakuran ako na anopa't ako'y hindi makalabas; kaniyang pinabigat ang aking tanikala. | |
Lame | TagAngBi | 3:8 | Oo, pagka ako'y dumadaing, at humihinging tulong, kaniyang pinagsasarhan ang aking daing. | |
Lame | TagAngBi | 3:9 | Kaniyang binakuran ang aking mga daan ng tinabas na bato, kaniyang iniliko ang aking mga landas. | |
Lame | TagAngBi | 3:11 | Kaniyang iniligaw ang aking mga lakad, at ako'y pinagwaraywaray niya; kaniyang ipinahamak ako; | |
Lame | TagAngBi | 3:13 | Ang mga pana ng kaniyang lalagyan ng pana ay kaniyang isinasaksak sa aking mga bato ng katawan. | |
Lame | TagAngBi | 3:16 | Kaniya namang biningot ang aking mga ngipin ng mga maliliit na grava; kaniyang tinabunan ako ng mga abo. | |
Lame | TagAngBi | 3:17 | At iyong inilayo ang aking kaluluwa sa kapayapaan; ako'y nakalimot ng kaginhawahan. | |
Lame | TagAngBi | 3:19 | Alalahanin mo ang aking pagdadalamhati at ang aking karalitaan, ang ajenjo at ng apdo. | |
Lame | TagAngBi | 3:22 | Sa mga kaawaan nga ng Panginoon ay hindi tayo nalipol, sapagka't ang kaniyang mga habag ay hindi nauubos. | |
Lame | TagAngBi | 3:24 | Ang Panginoon ay aking bahagi, sabi ng aking kaluluwa; kaya't ako'y aasa sa kaniya. | |
Lame | TagAngBi | 3:25 | Ang Panginoon ay mabuti sa kanila na nangaghihintay sa kaniya, sa kaluluwa na humahanap sa kaniya. | |
Lame | TagAngBi | 3:26 | Mabuti nga na ang tao ay umasa at maghintay na tahimik sa pagliligtas ng Panginoon. | |
Lame | TagAngBi | 3:30 | Ibigay niya ang kaniyang pisngi sa sumasakit sa kaniya; mapuspos siya ng kadustaan. | |
Lame | TagAngBi | 3:32 | Sapagka't bagaman siya'y nagpapapanglaw, gayon ma'y magpapakita siya ng habag ayon sa kasaganaan ng kaniyang mga kaawaan. | |
Lame | TagAngBi | 3:33 | Sapagka't siya'y hindi kusang dumadalamhati, o nagpapapanglaw man sa mga anak ng mga tao. | |
Lame | TagAngBi | 3:39 | Bakit dumadaing ang taong may buhay, ang tao dahil sa parusa sa kaniyang mga kasalanan? | |
Lame | TagAngBi | 3:43 | Tinakpan mo ang iyong sarili ng galit at hinabol mo kami; ikaw ay pumatay, ikaw ay hindi naawa. | |
Lame | TagAngBi | 3:44 | Tinakpan mo ang iyong sarili ng alapaap, na anopa't hindi makadaan ang anomang panalangin. | |
Lame | TagAngBi | 3:48 | Ang mata ko'y dumadaloy ng mga ilog ng tubig, dahil sa pagkapahamak ng anak na babae ng aking bayan. | |
Lame | TagAngBi | 3:51 | Kinikilos ng aking mata ang aking kaluluwa, dahil sa lahat na anak na babae ng aking bayan. | |
Lame | TagAngBi | 3:52 | Lubha nila akong hinahabol na parang ibon, na mga kaaway kong walang kadahilanan. | |
Lame | TagAngBi | 3:56 | Iyong dininig ang aking tinig; huwag mong ikubli ang iyong pakinig sa aking hingal, sa aking daing. | |
Lame | TagAngBi | 3:57 | Ikaw ay lumapit sa araw na ako'y tumawag sa iyo; iyong sinabi, Huwag kang matakot. | |
Lame | TagAngBi | 3:58 | Oh Panginoon, iyong ipinagsanggalang ang mga usap ng aking kaluluwa; iyong tinubos ang aking buhay. | |
Lame | TagAngBi | 3:60 | Iyong nakita ang lahat nilang panghihiganti, at ang lahat nilang pasiya laban sa akin. | |
Lame | TagAngBi | 3:61 | Iyong narinig ang kanilang pagduwahagi, Oh Panginoon, at lahat nilang pasiya laban sa akin, | |
Lame | TagAngBi | 3:62 | Ang mga labi ng nagsisibangon laban sa akin, at ang kanilang pasiya laban sa akin buong araw. | |
Lame | TagAngBi | 3:64 | Ikaw ay magbibigay sa kanila ng kagantihan, Oh Panginoon, ayon sa gawa ng kanilang mga kamay. | |