Site uses cookies to provide basic functionality.

OK
LAMENTATIONS
1 2 3 4 5
Prev Up Next Toggle notes
Chapter 3
Lame TagAngBi 3:1  Ako ang tao na nakakita ng pagdadalamhati sa pamalo ng iyong poot.
Lame TagAngBi 3:2  Ako'y kaniyang pinatnubayan at pinalakad sa kadiliman, at hindi sa liwanag.
Lame TagAngBi 3:3  Tunay na laban sa akin ay kaniyang iginagalaw ang kaniyang kamay na muli't muli buong araw.
Lame TagAngBi 3:4  Ang aking laman at aking balat ay pinatanda niya; kaniyang binali ang aking mga buto.
Lame TagAngBi 3:5  Ako'y kinalaban niya, at kinulong ako ng hirap at pagdaramdam.
Lame TagAngBi 3:6  Kaniyang pinatahan ako sa mga madilim na dako, gaya ng nangamatay nang malaon.
Lame TagAngBi 3:7  Kaniyang binakuran ako na anopa't ako'y hindi makalabas; kaniyang pinabigat ang aking tanikala.
Lame TagAngBi 3:8  Oo, pagka ako'y dumadaing, at humihinging tulong, kaniyang pinagsasarhan ang aking daing.
Lame TagAngBi 3:9  Kaniyang binakuran ang aking mga daan ng tinabas na bato, kaniyang iniliko ang aking mga landas.
Lame TagAngBi 3:10  Siya'y parang oso na nagaabang sa akin, parang leon sa mga kubling dako.
Lame TagAngBi 3:11  Kaniyang iniligaw ang aking mga lakad, at ako'y pinagwaraywaray niya; kaniyang ipinahamak ako;
Lame TagAngBi 3:12  Kaniyang iniakma ang kaniyang busog, at ginawa akong pinaka tanda sa pana.
Lame TagAngBi 3:13  Ang mga pana ng kaniyang lalagyan ng pana ay kaniyang isinasaksak sa aking mga bato ng katawan.
Lame TagAngBi 3:14  Ako'y naging kakutyaan sa aking buong bayan, at kanilang awit buong araw.
Lame TagAngBi 3:15  Kaniyang pinuspos ako ng kapanglawan, kaniyang sinuya ako ng ajenjo.
Lame TagAngBi 3:16  Kaniya namang biningot ang aking mga ngipin ng mga maliliit na grava; kaniyang tinabunan ako ng mga abo.
Lame TagAngBi 3:17  At iyong inilayo ang aking kaluluwa sa kapayapaan; ako'y nakalimot ng kaginhawahan.
Lame TagAngBi 3:18  At aking sinabi, Ang lakas ko'y nawala, at ang aking pagasa sa Panginoon.
Lame TagAngBi 3:19  Alalahanin mo ang aking pagdadalamhati at ang aking karalitaan, ang ajenjo at ng apdo.
Lame TagAngBi 3:20  Ang kaluluwa ko'y naaalaala pa nila, at napangumbaba sa loob ko.
Lame TagAngBi 3:21  Ito ang ginugunita ko sa aking pagiisip; kaya't may pagasa ako.
Lame TagAngBi 3:22  Sa mga kaawaan nga ng Panginoon ay hindi tayo nalipol, sapagka't ang kaniyang mga habag ay hindi nauubos.
Lame TagAngBi 3:23  Ang mga yao'y bago tuwing umaga, dakila ang inyong pagtatapat.
Lame TagAngBi 3:24  Ang Panginoon ay aking bahagi, sabi ng aking kaluluwa; kaya't ako'y aasa sa kaniya.
Lame TagAngBi 3:25  Ang Panginoon ay mabuti sa kanila na nangaghihintay sa kaniya, sa kaluluwa na humahanap sa kaniya.
Lame TagAngBi 3:26  Mabuti nga na ang tao ay umasa at maghintay na tahimik sa pagliligtas ng Panginoon.
Lame TagAngBi 3:27  Mabuti nga sa tao na magpasan ng pamatok sa kaniyang kabataan.
Lame TagAngBi 3:28  Maupo siyang magisa at tumahimik, sapagka't kaniyang iniatang sa kaniya.
Lame TagAngBi 3:29  Sumubsob siya sa alabok, kung gayo'y magkakaroon siya ng pagasa.
Lame TagAngBi 3:30  Ibigay niya ang kaniyang pisngi sa sumasakit sa kaniya; mapuspos siya ng kadustaan.
Lame TagAngBi 3:31  Sapagka't ang Panginoon ay hindi magtatakuwil magpakailan man.
Lame TagAngBi 3:32  Sapagka't bagaman siya'y nagpapapanglaw, gayon ma'y magpapakita siya ng habag ayon sa kasaganaan ng kaniyang mga kaawaan.
Lame TagAngBi 3:33  Sapagka't siya'y hindi kusang dumadalamhati, o nagpapapanglaw man sa mga anak ng mga tao.
Lame TagAngBi 3:34  Na yapakan sa ilalim ng paa ang lahat ng bihag sa lupa.
Lame TagAngBi 3:35  Na iliko ang matuwid ng tao sa harap ng mukha ng Kataastaasan,
Lame TagAngBi 3:36  Na iligaw ang tao sa kaniyang usap, hindi kinalulugdan ng Panginoon.
Lame TagAngBi 3:37  Sino siya na nagsasabi, at nangyayari, kung hindi iniuutos ng Panginoon?
Lame TagAngBi 3:38  Hindi baga sa bibig ng Kataastaasan nanggagaling ang masama't mabuti?
Lame TagAngBi 3:39  Bakit dumadaing ang taong may buhay, ang tao dahil sa parusa sa kaniyang mga kasalanan?
Lame TagAngBi 3:40  Ating usisain at suriin ang ating mga lakad, at manumbalik sa Panginoon.
Lame TagAngBi 3:41  Igawad natin ang ating puso sangpu ng ating mga kamay sa Dios sa langit.
Lame TagAngBi 3:42  Kami ay sumalangsang at nanghimagsik; ikaw ay hindi nagpatawad.
Lame TagAngBi 3:43  Tinakpan mo ang iyong sarili ng galit at hinabol mo kami; ikaw ay pumatay, ikaw ay hindi naawa.
Lame TagAngBi 3:44  Tinakpan mo ang iyong sarili ng alapaap, na anopa't hindi makadaan ang anomang panalangin.
Lame TagAngBi 3:45  Iyong ginawa kaming parang tapon at dumi sa gitna ng mga bayan.
Lame TagAngBi 3:46  Ibinukang maluwang ng lahat naming kaaway ang kanilang bibig laban sa amin.
Lame TagAngBi 3:47  Takot at ang hukay ay dumating sa amin, ang pagkasira at pagkagiba.
Lame TagAngBi 3:48  Ang mata ko'y dumadaloy ng mga ilog ng tubig, dahil sa pagkapahamak ng anak na babae ng aking bayan.
Lame TagAngBi 3:49  Ang mata ko'y dinadaluyan at hindi naglilikat, na walang pagitan.
Lame TagAngBi 3:50  Hanggang sa ang Panginoon ay tumungo, at tumingin mula sa langit.
Lame TagAngBi 3:51  Kinikilos ng aking mata ang aking kaluluwa, dahil sa lahat na anak na babae ng aking bayan.
Lame TagAngBi 3:52  Lubha nila akong hinahabol na parang ibon, na mga kaaway kong walang kadahilanan.
Lame TagAngBi 3:53  Kanilang pinaikli ang aking buhay sa bilangguan at hinagis ako ng bato.
Lame TagAngBi 3:54  Tubig ay nagsisihuho sa aking ulo; aking sinabi, Ako'y nahiwalay.
Lame TagAngBi 3:55  Ako'y tumawag sa iyong pangalan, Oh Panginoon, mula sa kababababaang hukay.
Lame TagAngBi 3:56  Iyong dininig ang aking tinig; huwag mong ikubli ang iyong pakinig sa aking hingal, sa aking daing.
Lame TagAngBi 3:57  Ikaw ay lumapit sa araw na ako'y tumawag sa iyo; iyong sinabi, Huwag kang matakot.
Lame TagAngBi 3:58  Oh Panginoon, iyong ipinagsanggalang ang mga usap ng aking kaluluwa; iyong tinubos ang aking buhay.
Lame TagAngBi 3:59  Oh Panginoon, iyong nakita ang aking pagkakamali; hatulan mo ang aking usap.
Lame TagAngBi 3:60  Iyong nakita ang lahat nilang panghihiganti, at ang lahat nilang pasiya laban sa akin.
Lame TagAngBi 3:61  Iyong narinig ang kanilang pagduwahagi, Oh Panginoon, at lahat nilang pasiya laban sa akin,
Lame TagAngBi 3:62  Ang mga labi ng nagsisibangon laban sa akin, at ang kanilang pasiya laban sa akin buong araw.
Lame TagAngBi 3:63  Masdan mo ang kanilang pagupo, at ang kanilang pagtayo; ako ang kanilang awit.
Lame TagAngBi 3:64  Ikaw ay magbibigay sa kanila ng kagantihan, Oh Panginoon, ayon sa gawa ng kanilang mga kamay.
Lame TagAngBi 3:65  Iyong papagmamatigasin ang kanilang puso, ang iyong sumpa sa kanila.
Lame TagAngBi 3:66  Iyong hahabulin sila sa galit, at iyong lilipulin sila mula sa silong ng langit ng Panginoon.