Site uses cookies to provide basic functionality.

OK
JOSHUA
Up
Toggle notes
Chapter 1
Josh TagAngBi 1:1  Nangyari nga pagkamatay ni Moises na lingkod ng Panginoon, na ang Panginoon ay nagsalita kay Josue na anak ni Nun na tagapangasiwa ni Moises, na sinasabi,
Josh TagAngBi 1:2  Si Moises na aking lingkod ay patay na; ngayon nga'y tumindig ka, tumawid ka sa Jordang ito, ikaw, at ang buong bayang ito, hanggang sa lupain na aking ibinibigay sa kanila, sa makatuwid baga'y sa mga anak ni Israel.
Josh TagAngBi 1:3  Bawa't dakong tuntungan ng talampakan ng inyong paa, ay naibigay ko na sa inyo, gaya ng sinalita ko kay Moises.
Josh TagAngBi 1:4  Mula sa ilang, at ang Libanong ito, hanggang sa malaking ilog, na ilog Eufrates, buong lupain ng mga Hetheo, at hanggang sa malaking dagat sa dakong nilulubugan ng araw, ay magiging inyong hangganan.
Josh TagAngBi 1:5  Walang makatatayong sinomang tao sa harap mo sa lahat ng mga araw ng iyong buhay: kung paanong ako'y suma kay Moises, ay gayon ako sasa iyo: hindi kita iiwan ni pababayaan kita.
Josh TagAngBi 1:6  Magpakalakas ka at magpakatapang na mabuti: sapagka't iyong ipamamana sa bayang ito ang lupain na aking isinumpa sa kanilang mga magulang na ibibigay sa kanila.
Josh TagAngBi 1:7  Magpakalakas ka lamang at magpakatapang na mabuti, na isagawa mo ang ayon sa buong kautusan na iniutos sa iyo ni Moises na aking lingkod: huwag kang liliko sa kanan o sa kaliwa, upang ikaw ay magtamo ng mabuting kawakasan saan ka man pumaroon.
Josh TagAngBi 1:8  Ang aklat na ito ng kautusan ay huwag mahihiwalay sa iyong bibig, kundi iyong pagbubulayan araw at gabi, upang iyong masunod na gawin ang ayon sa lahat na nakasulat dito: sapagka't kung magkagayo'y iyong pagiginhawahin ang iyong lakad, at kung magkagayo'y magtatamo ka ng mabuting kawakasan.
Josh TagAngBi 1:9  Hindi ba kita inutusan? Ikaw ay magpakalakas at magpakatapang na mabuti; huwag kang matakot, ni manglupaypay: sapagka't ang Panginoon mong Dios ay sumasa iyo saan ka man pumaroon.
Josh TagAngBi 1:10  Nang magkagayo'y nagutos si Josue sa mga pinunong bayan, na sinasabi,
Josh TagAngBi 1:11  Kayo'y magdaan sa gitna ng kampamento, at magutos sa bayan, na sabihin, Maghanda kayo ng baon; sapagka't sa loob ng tatlong araw ay tatawid kayo sa Jordang ito, upang yumaong ariin ang lupain, na ibinibigay sa inyo ng Panginoon ninyong Dios upang ariin.
Josh TagAngBi 1:12  At sa mga Rubenita, at sa mga Gadita, at sa kalahating lipi ni Manases, ay nagsalita si Josue, na sinasabi,
Josh TagAngBi 1:13  Alalahanin ninyo ang salita na iniutos sa inyo ni Moises na lingkod ng Panginoon, na sinasabi, Binibigyan kayo ng kapahingahan ng Panginoon ninyong Dios, at ibibigay sa inyo ang lupaing ito.
Josh TagAngBi 1:14  Ang inyong mga asawa, ang inyong mga bata, at ang inyong mga hayop ay tatahan sa lupain na ibinigay sa inyo ni Moises sa dako roon ng Jordan; nguni't kayo'y tatawid na may sandata sa harap ng inyong mga kapatid, kayong lahat na makapangyarihang lalaking matapang, at tutulong sa kanila;
Josh TagAngBi 1:15  Hanggang sa mabigyan ng kapahingahan ng Panginoon ang inyong mga kapatid, na gaya ninyo, at kanila namang maari ang lupaing ibinibigay sa kanila ng Panginoon ninyong Dios: kung magkagayo'y babalik kayo sa lupain na inyong ari, at inyong aariin, yaong ibinigay sa inyo ni Moises na lingkod ng Panginoon sa dako roon ng Jordan sa dakong sinisikatan ng araw.
Josh TagAngBi 1:16  At sila'y sumagot kay Josue, na sinasabi, Lahat ng iyong iniutos sa amin ay aming gagawin, at saan mo man kami suguin ay paroroon kami.
Josh TagAngBi 1:17  Kung paanong aming dininig si Moises sa lahat ng mga bagay, ay gayon ka namin didinggin: sumaiyo lamang ang Panginoon mong Dios, na gaya kay Moises.
Josh TagAngBi 1:18  Sinomang manghihimagsik laban sa iyong utos, at hindi makikinig ng iyong mga salita sa lahat ng iyong iniuutos sa kaniya, ay ipapapatay: magpakalakas ka lamang at magpakatapang na mabuti.
Chapter 2
Josh TagAngBi 2:1  At si Josue na anak ni Nun ay nagsugong lihim mula sa Sittim ng dalawang lalake na pinakatiktik, na sinasabi, Yumaon kayo na inyong kilalanin ang lupain, at ang Jerico. At sila'y yumaon at pumasok sa isang bahay ng isang patutot na ang pangalan ay Rahab, at nakituloy doon.
Josh TagAngBi 2:2  At ito'y nasaysay sa hari sa Jerico, na sinasabi, Narito, may mga lalake, sa mga anak ni Israel na pumasok dito ngayong gabi upang kilalanin ang lupain.
Josh TagAngBi 2:3  At ang hari sa Jerico ay nagsugo kay Rahab, na sinasabi, Ilabas mo ang mga lalake na naparito sa iyo, na pumasok sa iyong bahay; sapagka't sila'y naparito upang kilalanin ang buong lupain.
Josh TagAngBi 2:4  At ipinagsama ng babae ang dalawang lalake at ikinubli, at sinabi niya, Oo, ang mga lalake ay naparito sa akin, nguni't hindi ko talastas kung sila'y taga saan:
Josh TagAngBi 2:5  At nangyari, sa may oras ng pagsasara ng pintuang-bayan, nang madilim na, na ang mga lalake ay lumabas; hindi ko talastas kung saan naparoon ang mga lalaking yaon; habulin ninyong madali sila; sapagka't inyo silang aabutan.
Josh TagAngBi 2:6  Nguni't kaniyang isinampa sila sa bubungan, at ikinubli sa mga puno ng lino, na kaniyang inilagay na maayos sa bubungan.
Josh TagAngBi 2:7  At hinabol ng mga tao sila sa daan na patungo sa Jordan hanggang sa mga tawiran: at pagkalabas ng humabol sa kanila, ay kanilang sinarhan ang pintuang-bayan.
Josh TagAngBi 2:8  At bago sila nahiga, ay sinampa niya sila sa bubungan.
Josh TagAngBi 2:9  At sinabi niya sa mga lalake, Talastas ko na ibinigay sa inyo ng Panginoon ang lupain, at dinatnan kami ng pangingilabot sa inyo at ang lahat na nananahan sa lupain ay nauupos sa harap ninyo.
Josh TagAngBi 2:10  Sapagka't aming nabalitaan kung paanong tinuyo ng Panginoon ang tubig sa Dagat na Mapula sa harap ninyo, nang kayo'y lumabas sa Egipto; at kung ano ang inyong ginawa sa dalawang hari ng mga Amorrheo, na nangasa dako roon ng Jordan, kay Sehon at kay Og, na inyong lubos na pinuksa.
Josh TagAngBi 2:11  At pagkabalita namin, ay nanglumo ang aming puso, ni walang diwa na naiwan sa kanino mang tao, dahil sa inyo; sapagka't ang Panginoon ninyong Dios, ay siyang Dios sa langit sa itaas, at sa lupa sa ibaba.
Josh TagAngBi 2:12  Ngayon nga, isinasamo ko sa inyo, sumumpa kayo sa akin sa pangalan ng Panginoon, na kung paanong ako'y nagmagandang loob sa inyo ay magmamagandang loob naman kayo sa sangbahayan ng aking magulang, at bibigyan ninyo ako ng tunay na tanda;
Josh TagAngBi 2:13  At inyong ililigtas na buhay ang aking ama, at ang aking ina, at ang aking mga kapatid na lalake at babae, at ang lahat nilang tinatangkilik, at inyong ililigtas ang aming mga buhay sa kamatayan.
Josh TagAngBi 2:14  At sinabi ng mga lalake sa kaniya, Ang aming buhay ay ilalagak namin sa inyo, kung hindi ninyo ihahayag itong aming pakay; at mangyayari, na pagka ibinigay sa amin ng Panginoon ang lupain, kami ay magmamagandang loob at magtatapat sa inyo.
Josh TagAngBi 2:15  Nang magkagayo'y kaniyang pinababa sila sa pamamagitan ng isang lubid sa dungawan: sapagka't ang kaniyang bahay ay nasa kuta ng bayan, at siya'y tumatahan sa kuta.
Josh TagAngBi 2:16  At sinabi niya sa kanila, Pumaroon kayo sa bundok, baka kayo'y abutan ng manghahabol sa inyo; at kayo'y magkubli roon na tatlong araw, hanggang sa magsibalik ang mga manghahabol: at pagkatapos ay makayayaon kayo ng inyong lakad.
Josh TagAngBi 2:17  At sinabi ng mga lalake sa kaniya, Kami ay hindi magpapakasala sa sumpang ito, na iyong ipinasumpa sa amin.
Josh TagAngBi 2:18  Narito, pagka kami ay pumasok sa lupain, ay iyong itatali itong panaling pula sa dungawan na iyong pinagpababaan sa amin: at iyong pipisanin sa iyo sa loob ng bahay ang iyong ama, at ang iyong ina, at ang iyong mga kapatid, at ang buong sangbahayan ng iyong ama.
Josh TagAngBi 2:19  At mangyayari, na sinomang lalabas sa mga pintuan ng iyong bahay sa lansangan, ay mabububo sa kaniyang ulo ang kaniyang dugo at hindi namin magiging kasalanan: at sinomang kasama mo sa bahay ay mahuhulog sa aming ulo ang dugo niya, kung may magbuhat sa kaniya ng kamay.
Josh TagAngBi 2:20  Nguni't kung iyong ihayag itong aming pakay, ay hindi namin ipagkakasala ang pagkapanumpa sa iyo, na iyong ipinapanumpa sa amin.
Josh TagAngBi 2:21  At kaniyang sinabi, Ayon sa inyong mga salita, ay siya nawang mangyari. At kaniyang pinapagpaalam sila at sila'y yumaon: at kaniyang itinali ang panaling pula sa dungawan.
Josh TagAngBi 2:22  At sila'y yumaon at naparoon sa bundok, at tumahan doon na tatlong araw, hanggang sa nagsibalik ang mga manghahabol; at hinanap sila ng mga manghahabol sa lahat ng daan, nguni't hindi sila nasumpungan.
Josh TagAngBi 2:23  Nang magkagayo'y nagsibalik ang dalawang lalake at bumaba sa bundok, at tumawid at naparoon kay Josue na anak ni Nun; at kanilang isinaysay sa kaniya ang lahat na nangyari sa kanila.
Josh TagAngBi 2:24  At kanilang sinabi kay Josue, Tunay na ibinigay ng Panginoon sa ating mga kamay ang buong lupain; at bukod dito'y nangliliit ang lahat na nananahan sa lupain sa harap natin.
Chapter 3
Josh TagAngBi 3:1  At bumangong maaga si Josue sa kinaumagahan; at sila'y umalis sa Sittim at napasa Jordan, siya at ang lahat na mga anak ni Israel; at sila'y tumigil doon bago sila tumawid.
Josh TagAngBi 3:2  At nangyari pagkatapos ng tatlong araw, na ang mga pinuno ay napasa gitna ng kampamento;
Josh TagAngBi 3:3  At sila'y nagutos sa bayan, na sinasabi, Pagka inyong nakita ang kaban ng tipan ng Panginoon ninyong Dios, at dinadala ng mga saserdote na Levita, ay kikilos nga kayo sa inyong dako at susunod doon.
Josh TagAngBi 3:4  Gayon ma'y magkakapagitan sa inyo at sa kaban ng may dalawang libong siko ang sukat: huwag ninyong lapitan, upang alamin ang daan na inyong marapat paroonan; sapagka't hindi pa ninyo nararaanan ang daang ito ng una.
Josh TagAngBi 3:5  At sinabi ni Josue sa bayan, Magpakabanal kayo; sapagka't bukas ay gagawa ng mga kababalaghan ang Panginoon sa inyo.
Josh TagAngBi 3:6  At nagsalita si Josue sa mga saserdote, na sinasabi, Buhatin ninyo ang kaban ng tipan at magpauna kayo sa bayan. At kanilang binuhat ang kaban ng tipan, at nagpauna sa bayan.
Josh TagAngBi 3:7  At sinabi ng Panginoon kay Josue, Sa araw na ito ay pasisimulan kong padakilain ka sa paningin ng buong Israel, upang kanilang makilala, na kung paanong ako'y suma kay Moises ay gayon ako sasaiyo.
Josh TagAngBi 3:8  At iyong uutusan ang mga saserdote na nagdadala ng kaban ng tipan, na iyong sasabihin, Pagka kayo'y dumating sa tabi ng tubig ng Jordan, ay tumigil kayo sa Jordan.
Josh TagAngBi 3:9  At sinabi ni Josue sa mga anak ni Israel, Magsilapit kayo at dinggin ninyo ang mga salita ng Panginoon ninyong Dios.
Josh TagAngBi 3:10  At sinabi ni Josue, Sa ganito ay inyong makikilala na ang buhay na Dios ay nasa gitna ninyo, at walang pagsalang kaniyang itataboy sa harap ninyo ang Cananeo, at ang Hetheo, at ang Heveo, at ang Pherezeo, at ang Gergeseo, at ang Amorrheo, at ang Jebuseo.
Josh TagAngBi 3:11  Narito, ang kaban ng tipan ng Panginoon ng buong lupa ay nagpapauna sa inyo sa Jordan.
Josh TagAngBi 3:12  Ngayon nga ay kumuha kayo ng labing dalawang lalake sa mga lipi ni Israel, na isang lalake sa bawa't lipi.
Josh TagAngBi 3:13  At mangyayari, na pagka ang mga talampakan ng mga paa ng mga saserdote na nagdadala ng kaban ng Panginoon, ng Panginoon ng buong lupa, ay titigil sa tubig ng Jordan, na ang tubig ng Jordan ay mahahawi, sa makatuwid baga'y ang tubig na bumababang mula sa itaas; at magiisang bunton.
Josh TagAngBi 3:14  At nangyari nang umalis ang bayan sa kanilang mga tolda, upang tumawid sa Jordan, ay nasa unahan ng bayan ang mga saserdote na nagdadala ng kaban ng tipan;
Josh TagAngBi 3:15  At nang dumating sa Jordan ang mga may dala ng kaban, at ang mga paa ng mga saserdote na nagdadala ng kaban ay nabasa sa gilid ng tubig, (sapagka't inaapawan ng Jordan ang lahat niyang pangpang sa buong panahon ng pagaani,)
Josh TagAngBi 3:16  Na ang tubig na bumababang mula sa itaas ay tumigil, at nagisang bunton na malayo sa kanila, sa Adam, na bayang nasa tabi ng Sarethan: at yaong nagsisibaba sa dagat ng Araba, na Dagat na Alat ay lubos na nahawi: at ang bayan ay tumawid sa tapat ng Jerico.
Josh TagAngBi 3:17  At ang mga saserdote na nagdadala ng kaban ng tipan ng Panginoon ay tumayong panatag sa tuyong lupa sa gitna ng Jordan; at ang buong Israel ay dumaan sa tuyong lupa, hanggang sa nakatawid na lubos sa Jordan ang buong bansa.
Chapter 4
Josh TagAngBi 4:1  At nangyari nang nakatawid na lubos sa Jordan ang buong bansa, na ang Panginoon ay nagsalita kay Josue, na nagsasabi,
Josh TagAngBi 4:2  Kumuha ka ng labing dalawang lalake sa bayan, na isa sa bawa't lipi,
Josh TagAngBi 4:3  At iutos ninyo sa kanila, na sabihin, Kumuha kayo mula rito sa gitna ng Jordan, mula sa dakong tinatayuang matatag ng mga paa ng mga saserdote, ng labing dalawang bato, at dalhin ninyo, at ilapag ninyo sa tigilang dako, na inyong tutuluyan sa gabing ito.
Josh TagAngBi 4:4  Nang magkagayo'y tinawag ni Josue ang labing dalawang lalake, na kaniyang inihanda sa mga anak ni Israel, na isang lalake sa bawa't lipi.
Josh TagAngBi 4:5  At sinabi ni Josue sa kanila, Dumaan kayo sa harap ng kaban ng Panginoon ninyong Dios sa gitna ng Jordan, at pasanin ng bawa't isa sa inyo ang isang bato sa kaniyang balikat, ayon sa bilang ng mga lipi ng mga anak ni Israel;
Josh TagAngBi 4:6  Upang ito'y maging pinaka tanda sa gitna ninyo, na pagka itinanong ng inyong mga anak sa panahong darating, na sasabihin, Anong kahulugan sa inyo ng mga batong ito?
Josh TagAngBi 4:7  At inyo ngang sasabihin sa kanila, Sapagka't ang tubig ng Jordan ay nahawi sa harap ng kaban ng tipan ng Panginoon; nang magdaan yaon sa Jordan, ay nahawi ang tubig sa Jordan: at ang mga batong ito ay magiging pinaka alaala sa mga anak ni Israel magpakailan man.
Josh TagAngBi 4:8  At ginawang gayon ng mga anak ni Israel gaya ng iniutos ni Josue, at pumasan ng labing dalawang bato mula sa gitna ng Jordan, gaya ng sinalita ng Panginoon kay Josue, ayon sa bilang ng mga lipi ng mga anak ni Israel; at kanilang dinala sa dakong kanilang tutuluyan, at inilapag doon.
Josh TagAngBi 4:9  At si Josue ay nagpabunton ng labing dalawang bato sa gitna ng Jordan, sa dakong tinayuan ng mga saserdote na nagdadala ng kaban ng tipan: at nangandoon, hanggang sa araw na ito.
Josh TagAngBi 4:10  Sapagka't ang mga saserdote na nagdadala ng kaban ay tumayo sa gitna ng Jordan, hanggang sa natapos ang bawa't bagay na iniutos ng Panginoon kay Josue na salitain sa bayan, ayon sa buong iniutos ni Moises kay Josue: at ang bayan ay nagmadali at tumawid.
Josh TagAngBi 4:11  At nangyari nang nakatawid na lubos ang buong bayan, na ang kaban ng Panginoon ay itinawid at ang mga saserdote sa harap ng bayan.
Josh TagAngBi 4:12  At ang mga anak ni Ruben, at ang mga anak ni Gad, at ang kalahati ni Manases, ay dumaang may sandata sa harap ng mga anak ni Israel, gaya ng salita ni Moises sa kanila:
Josh TagAngBi 4:13  May apat na pung libo na nasasakbatang handa sa pakikidigma ang dumaan sa harap ng Panginoon na patungo sa pakikibaka, sa mga kapatagan ng Jerico.
Josh TagAngBi 4:14  Nang araw na yaon ay pinadakila ng Panginoon si Josue sa paningin ng buong Israel; at sila'y natakot sa kaniya, gaya ng kanilang pagkatakot kay Moises, sa lahat ng mga araw ng kaniyang buhay.
Josh TagAngBi 4:15  At ang Panginoon ay nagsalita kay Josue, na sinasabi,
Josh TagAngBi 4:16  Iutos mo sa mga saserdote na nagdadala ng kaban ng patotoo, na sila'y sumampa mula sa Jordan.
Josh TagAngBi 4:17  Nagutos nga si Josue sa mga saserdote, na sinasabi, Umahon kayo mula sa Jordan.
Josh TagAngBi 4:18  At nangyari, nang umahon mula sa gitna ng Jordan ang mga saserdote na nagdadala ng kaban ng tipan ng Panginoon, at nang matungtong sa tuyong lupa ang mga talampakan ng mga paa ng mga saserdote, na ang tubig ng Jordan ay nanauli sa kanilang dako, at umapaw sa pangpang na gaya ng dati.
Josh TagAngBi 4:19  At ang bayan ay umahon mula sa Jordan nang ikasangpung araw ng unang buwan, at humantong sa Gilgal, sa hangganang silanganan ng Jerico.
Josh TagAngBi 4:20  At yaong labing dalawang bato, na kanilang kinuha sa Jordan, ay ibinunton ni Josue sa Gilgal.
Josh TagAngBi 4:21  At siya'y nagsalita sa mga anak ni Israel, na sinasabi, Pagka itatanong ng inyong mga anak sa kanilang mga magulang sa panahong darating, na sasabihin, Anong kahulugan ng mga batong ito?
Josh TagAngBi 4:22  Ay inyo ngang ipatatalastas sa mga anak ninyo, na sasabihin, Ang Israel ay tumawid sa Jordang ito sa tuyong lupa.
Josh TagAngBi 4:23  Sapagka't tinuyo ng Panginoon ninyong Dios ang tubig ng Jordan sa harap ninyo, hanggang sa kayo'y nakatawid, gaya ng ginawa ng Panginoon ninyong Dios sa Dagat na Mapula, na kaniyang tinuyo sa harap namin, hanggang sa kami ay nakatawid;
Josh TagAngBi 4:24  Upang makilala ng lahat na mga bayan sa lupa ang kamay ng Panginoon, na makapangyarihan; upang sila'y matakot sa Panginoon ninyong Dios magpakailan man.
Chapter 5
Josh TagAngBi 5:1  At nangyari, nang mabalitaan ng lahat ng mga hari ng mga Amorrheo na nasa dako roon ng Jordan sa dakong kalunuran, at ng lahat ng mga hari ng mga Cananeo, na nangasa tabi ng dagat, kung paanong tinuyo ng Panginoon ang tubig ng Jordan sa harap ng mga anak ni Israel, hanggang sa kami ay nangakatawid, na nanglumo ang kanilang puso, at sila'y nawalan ng loob dahil sa mga anak ni Israel.
Josh TagAngBi 5:2  Nang panahong yaon ay sinabi ng Panginoon kay Josue, Gumawa ka ng mga sundang na pinkiang bato at tuliin mo uli na ikalawa ang mga anak ni Israel.
Josh TagAngBi 5:3  At gumawa si Josue ng mga sundang na pinkiang bato, at tinuli ang mga anak ni Israel sa burol ng mga balat ng masama.
Josh TagAngBi 5:4  At ito ang dahil na itinuli ni Josue: ang buong bayan na lumabas mula sa Egipto, na mga lalake, lahat na lalaking pangdigma, ay namatay sa ilang sa daan, pagkatapos na sila'y makalabas na mula sa Egipto.
Josh TagAngBi 5:5  Sapagka't ang buong bayan na lumabas ay mga tuli; nguni't ang buong bayan na ipinanganak sa ilang sa daan pagkalabas sa Egipto, ay hindi tuli.
Josh TagAngBi 5:6  Sapagka't ang mga anak ni Israel ay lumakad na apat na pung taon sa ilang, hanggang sa ang buong bansa, sa makatuwid baga'y ang mga lalaking pangdigma na lumabas mula sa Egipto, ay nalipol, sapagka't hindi nila dininig ang tinig ng Panginoon: na siyang sinumpaan ng Panginoon na hindi niya ipakikita sa kanila ang lupain na isinumpa ng Panginoon sa kanilang mga magulang na ibibigay sa atin, na lupaing binubukalan ng gatas at pulot.
Josh TagAngBi 5:7  At ang kanilang mga anak na kaniyang ibinangong kahalili nila, ay pinagtuli ni Josue, sapagka't mga hindi tuli, sapagka't hindi nila tinuli sila sa daan.
Josh TagAngBi 5:8  At nangyari nang kanilang matuli ang buong bansa, na tumahan sila sa kanilang mga dako sa kampamento hanggang sa sila'y magsigaling.
Josh TagAngBi 5:9  At sinabi ng Panginoon kay Josue, Sa araw na ito ay inalis ko sa inyo ang pagdusta ng Egipto. Kaya't ang pangalan ng dakong yaon ay tinawag na Gilgal hanggang sa araw na ito.
Josh TagAngBi 5:10  At ang mga anak ni Israel ay humantong sa Gilgal; at kanilang ipinagdiwang ang paskua nang ikalabing apat na araw ng buwan sa kinahapunan sa mga kapatagan ng Jerico.
Josh TagAngBi 5:11  At sila'y kumain ng imbak na trigo ng lupain sa kinabukasan pagkatapos ng paskua, ng mga tinapay na walang lebadura, at ng sinangag na trigo, sa araw ding yaon.
Josh TagAngBi 5:12  At ang mana ay naglikat nang kinabukasan, pagkatapos na sila'y makakain ng imbak na trigo ng lupain; at hindi naman nagkaroon pa ng mana ang mga anak ni Israel; kundi sila'y kumain ng bunga ng lupain ng Canaan ng taong yaon.
Josh TagAngBi 5:13  At nangyari, nang si Josue ay malapit sa Jerico, na kaniyang itiningin ang kaniyang mga mata at tumingin, at, narito, nakatayo ang isang lalake sa tapat niya na may kaniyang tabak sa kaniyang kamay na bunot: at si Josue ay naparoon sa kaniya, at sinabi sa kaniya, Ikaw ba'y sa amin, o sa aming mga kaaway?
Josh TagAngBi 5:14  At kaniyang sinabi, Hindi; kundi ako'y naparito ng parang prinsipe ng hukbo ng Panginoon. At si Josue ay nagpatirapa sa lupa at sumamba, at nagsabi sa kaniya, Anong sabi ng aking panginoon sa kaniyang lingkod?
Josh TagAngBi 5:15  At sinabi ng prinsipe ng hukbo ng Panginoon kay Josue, Hubarin mo ang iyong panyapak sa iyong paa; sapagka't ang dakong iyong kinatatayuan ay banal. At ginawang gayon ni Josue.
Chapter 6
Josh TagAngBi 6:1  Ang Jerico nga ay lubos na nakukubkob dahil sa mga anak ni Israel: walang nakalalabas, at walang nakapapasok.
Josh TagAngBi 6:2  At sinabi ng Panginoon kay Josue, Tingnan mo, aking ibinigay sa iyong kamay ang Jerico, at ang hari niyaon, at ang mga makapangyarihang lalaking matapang.
Josh TagAngBi 6:3  At iyong liligirin ang bayan, lahat ng mga lalaking pangdigma, na liligid na minsan sa bayan. Ganito mo gagawin na anim na araw.
Josh TagAngBi 6:4  At pitong saserdote sa unahan ng kaban ay magdadala ng pitong pakakak na mga sungay ng tupa: at sa ikapitong araw ay inyong liligiring makapito ang bayan, at ang mga saserdote ay hihipan ang mga pakakak.
Josh TagAngBi 6:5  At mangyayari, na pagka hinipan nila ng matagal ang sungay ng tupa, at pagka inyong narinig ang tunog ng pakakak, ay hihiyaw ng malakas ang buong bayan; at ang kuta ng bayan ay guguho, at ang bayan ay sasampa ang bawa't isa'y tapatan sa harap niya.
Josh TagAngBi 6:6  At tinawag ni Josue na anak ni Nun ang mga saserdote, at sinabi sa kanila, Buhatin ninyo ang kaban ng tipan, at magdala ang pitong saserdote ng pitong pakakak na mga sungay ng tupa sa unahan ng kaban ng Panginoon.
Josh TagAngBi 6:7  At kaniyang sinabi sa bayan, Magpauna kayo, at ligirin ninyo ang bayan, at papagpaunahin ninyo ang mga lalaking may sandata sa unahan ng kaban ng Panginoon.
Josh TagAngBi 6:8  At nangyari, na pagkapagsalita ni Josue sa bayan, ay nagpauna sa Panginoon ang pitong saserdote na may tangang pitong pakakak na mga sungay ng tupa, at humihip ng mga pakakak; at ang kaban ng tipan ng Panginoon ay sumusunod sa kanila.
Josh TagAngBi 6:9  At ang mga lalaking may sandata ay nagpauna sa mga saserdote na humihihip ng mga pakakak, at ang bantay likod ay sumusunod sa kaban, na ang mga saserdote ay humihip ng mga pakakak habang sila'y yumayaon.
Josh TagAngBi 6:10  At iniutos ni Josue sa bayan, na sinasabi, Huwag kayong hihiyaw, ni huwag ninyong iparirinig ang inyong tinig, ni huwag magbubuka ang inyong bibig ng anomang salita, hanggang sa araw na aking sabihing kayo'y humiyaw; kung magkagayo'y hihiyaw kayo.
Josh TagAngBi 6:11  Sa gayo'y kaniyang iniligid sa bayan ang kaban ng Panginoon, na lumigid na minsan: at sila'y nasok sa kampamento, at tumigil sa kampamento.
Josh TagAngBi 6:12  At si Josue ay bumangong maaga sa kinaumagahan, at binuhat ng mga saserdote ang kaban ng Panginoon.
Josh TagAngBi 6:13  At ang pitong saserdote na may tangang pitong pakakak na mga sungay ng tupa sa unahan ng kaban ng Panginoon ay yumaon na patuloy, at humihihip ng mga pakakak: at ang mga lalaking may sandata ay nagpauna sa kanila; at ang bantay likod ay sumusunod sa kaban ng Panginoon, na ang mga saserdote ay humihihip ng mga pakakak habang sila'y yumayaon.
Josh TagAngBi 6:14  At sa ikalawang araw ay kanilang niligid na minsan ang bayan, at nagsibalik sa kampamento: kanilang ginawang gayon na anim na araw.
Josh TagAngBi 6:15  At nangyari nang ikapitong araw, na sila'y bumangong maaga sa pagbubukang liwayway, at niligid ang bayan ng gayon ding paraan na makapito: nang araw lamang na yaon kanilang niligid ang bayan na makapito.
Josh TagAngBi 6:16  At nangyari, sa ikapito, nang humihip ng mga pakakak ang mga saserdote, ay sinabi ni Josue sa bayan, Humiyaw kayo; sapagka't ibinigay na ng Panginoon sa inyo ang bayan.
Josh TagAngBi 6:17  At ang bayan ay matatalaga sa Panginoon, yaon at ang lahat na tumatahan doon: si Rahab na patutot lamang ang mabubuhay, siya at ang lahat na kasama niya sa bahay, sapagka't kaniyang ikinubli ang mga sugo na ating sinugo.
Josh TagAngBi 6:18  At kayo, sa anomang paraan ay magsipagingat sa itinalagang bagay; baka pagka naitalaga na sa inyo ay kumuha kayo sa itinalagang bagay; sa gayo'y inyong ipasusumpa ang kampamento ng Israel, at inyong babagabagin.
Josh TagAngBi 6:19  Nguni't lahat na pilak, at ginto, at mga sisidlang tanso at bakal, ay banal sa Panginoon: pawang ipapasok sa silid ng kayamanan ng Panginoon.
Josh TagAngBi 6:20  Sa gayo'y humiyaw ang bayan, at ang mga saserdote ay humihip ng mga pakakak: at nangyari nang marinig ng bayan ang tunog ng pakakak na ang bayan ay humiyaw ng malakas, at ang kuta ay gumuho, na ano pa't ang bayan ay sumampang nasok sa siyudad, na bawa't isa'y matuwid na nagpatuloy, at kanilang sinakop ang bayan.
Josh TagAngBi 6:21  At kanilang lubos na nilipol ng talim ng tabak ang lahat na nasa bayan, ang lalake at gayon din ang babae, ang binata at gayon din ang matanda, at ang baka, at ang tupa, at ang asno.
Josh TagAngBi 6:22  At sinabi ni Josue sa dalawang lalaking tumiktik sa lupain, Pumasok kayo sa bahay ng patutot, at ilabas ninyo roon ang babae, at ang lahat niyang tinatangkilik, na gaya ng inyong isinumpa sa kaniya.
Josh TagAngBi 6:23  At ang mga binata na mga tiktik ay pumasok, at inilabas si Rahab, at ang kaniyang ama, at ang kaniyang ina, at ang kaniyang mga kapatid, at lahat ng kaniyang tinatangkilik; lahat niyang kamaganakan naman ay kanilang inilabas; at kanilang inilagay sila sa labas ng kampamento ng Israel.
Josh TagAngBi 6:24  At kanilang sinunog ng apoy ang bayan, at lahat na nandoon: ang pilak lamang, at ang ginto, at ang mga sisidlang tanso at bakal, ang kanilang ipinasok sa silid ng kayamanan ng bahay ng Panginoon.
Josh TagAngBi 6:25  Nguni't si Rahab na patutot at ang sangbahayan ng kaniyang ama, at ang lahat niyang tinatangkilik, ay iniligtas na buhay ni Josue; at siya'y tumahan sa gitna ng Israel, hanggang sa araw na ito; sapagka't kaniyang ikinubli ang mga sugo na sinugo ni Josue upang tumiktik sa Jerico.
Josh TagAngBi 6:26  At binilinan sila ni Josue sa pamamagitan ng sumpa nang panahong yaon, na sinasabi, Sumpain ang lalake sa harap ng Panginoon, na magbangon at magtayo nitong bayan ng Jerico; kaniyang inilagay ang tatagang-baon niyaon sa kamatayan ng kaniyang panganay, at kaniyang itatayo ang mga pintuang-bayan niyaon sa kamatayan ng kaniyang bunso.
Josh TagAngBi 6:27  Sa gayo'y ang Panginoon ay sumama kay Josue; at ang kaniyang kabantugan ay lumaganap sa buong lupain.
Chapter 7
Josh TagAngBi 7:1  Nguni't ang mga anak ni Israel ay nakagawa ng pagsalangsang sa itinalagang bagay: sapagka't si Achan na anak ni Carmi, na anak ni Zabdi, na anak ni Zera, sa lipi ni Juda; ay kumuha sa itinalagang bagay, at ang galit ng Panginoon ay nagningas laban sa mga anak ni Israel.
Josh TagAngBi 7:2  At mula sa Jerico ay nagsugo si Josue ng mga lalake sa Hai na nasa siping ng Beth-aven, sa dakong silanganan ng Beth-el, at nagsalita sa kanila, na nagsasabi, Sumampa kayo at tiktikan ninyo ang lupain. At ang mga lalake ay yumaon at tiniktikan ang Hai.
Josh TagAngBi 7:3  At sila'y nagsibalik kay Josue, at sinabi sa kaniya, Huwag sumampa ang buong bayan, kundi sumampa lamang ang dalawa o tatlong libong lalake at sugatan ang Hai; huwag mong pagurin ang buong bayan doon; sapagka't sila'y kakaunti.
Josh TagAngBi 7:4  Sa gayo'y sumampa roon sa bayan ay may tatlong libong lalake: at sila'y tumakas sa harap ng mga lalake sa Hai.
Josh TagAngBi 7:5  At ang mga lalake sa Hai ay sumakit sa kanila ng may tatlong pu't anim na lalake; at hinabol nila sila mula sa harap ng pintuang-bayan hanggang sa Sebarim, at sinaktan sila sa babaan: at ang mga puso ng mga tao ay nanglumo, at naging parang tubig.
Josh TagAngBi 7:6  At hinapak ni Josue ang kaniyang mga suot, at nagpatirapa sa lupa sa harap ng kaban ng Panginoon hanggang sa kinahapunan, siya at ang mga matanda ng Israel; at sila'y nagsipagbuhos ng alabok sa kanilang ulo.
Josh TagAngBi 7:7  At sinabi ni Josue, Ay, Oh Panginoong Dios, bakit mo pinatawid ang bayang ito sa Jordan, upang ibigay kami sa kamay ng mga Amorrheo, na ipalipol kami? nakatigil sana kaming masaya at nakatahan sa dakong yaon ng Jordan!
Josh TagAngBi 7:8  Oh Panginoon, anong aking sasabihin pagkatapos na ang mga anak ng Israel ay makatalikod sa harap ng kanilang mga kaaway!
Josh TagAngBi 7:9  Sapagka't mababalitaan ng mga Cananeo at ng lahat na nananahan sa lupain, at kami ay kukubkubin at ihihiwalay ang aming pangalan sa lupa: at ano ang iyong gagawin sa iyong dakilang pangalan?
Josh TagAngBi 7:10  At sinabi ng Panginoon kay Josue, Bumangon ka; bakit ka nagpatirapa ng ganito?
Josh TagAngBi 7:11  Ang Israel ay nagkasala; oo, kanilang sinalangsang din ang aking tipan na aking iniutos sa kanila; oo, sila'y kumuha rin sa itinalagang bagay, at nagnakaw rin, at nagbulaan din; at sila'y naglagay rin sa kanilang sariling daladalahan.
Josh TagAngBi 7:12  Kaya't ang mga anak ni Israel ay hindi makatatayo sa harap ng kanilang mga kaaway; sila'y tumalikod sa harap ng kanilang mga kaaway, sapagka't sila'y naging sinumpa: ako'y hindi na sasa inyo pa, maliban sa inyong sirain ang itinalagang bagay sa gitna ninyo.
Josh TagAngBi 7:13  Bumangon ka, papagbanalin mo ang bayan, at sabihin mo, Mangagpakabanal kayo sa kinabukasan: sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, May itinalagang bagay sa gitna mo, Oh Israel: ikaw ay hindi makatatayo sa harap ng iyong mga kaaway, hanggang sa inyong alisin ang itinalagang bagay sa gitna ninyo.
Josh TagAngBi 7:14  Sa kinaumagahan nga ay lalapit kayo ayon sa inyong mga lipi: at mangyayari, na ang lipi na pipiliin ng Panginoon ay lalapit ayon sa mga angkan: at ang angkan na pipiliin ng Panginoon ay lalapit ayon sa mga sangbahayan; at ang sangbahayan na pipiliin ng Panginoon ay lalapit bawa't lalake.
Josh TagAngBi 7:15  At mangyayari, na ang makunan ng itinalagang bagay ay susunugin sa apoy, siya at ang lahat niyang tinatangkilik: sapagka't kaniyang sinalangsang ang tipan ng Panginoon, at sapagka't siya'y gumawa ng kaululan sa Israel.
Josh TagAngBi 7:16  Sa gayo'y bumangong maaga si Josue sa kinaumagahan, at inilapit ang Israel ayon sa kanilang mga lipi: at ang lipi ni Juda ay napili:
Josh TagAngBi 7:17  At kaniyang inilapit ang angkan ni Juda; at napili ang angkan ng mga Zeraita: at kaniyang inilapit ang angkan ng mga Zeraita na bawa't lalake; at si Zabdi ay napili:
Josh TagAngBi 7:18  At kaniyang inilapit ang kaniyang sangbahayan bawa't lalake: at si Achan, na anak ni Carmi, na anak ni Zabdi, na anak ni Zera, sa lipi ni Juda, ay napili.
Josh TagAngBi 7:19  At sinabi ni Josue kay Achan, Anak ko, isinasamo ko sa iyo, na iyong luwalhatiin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, at magpahayag ka sa kaniya; at ipahayag mo sa akin ngayon kung ano ang iyong ginawa; huwag kang maglihim sa akin.
Josh TagAngBi 7:20  At sumagot si Achan kay Josue, at sinabi, Sa katotohanan ay nagkasala ako laban sa Panginoon, sa Dios ng Israel, at ganito't ganito ang aking ginawa:
Josh TagAngBi 7:21  Nang aking makita sa samsam ang mainam na balabal na yaring Babilonia, at ang dalawang daang siklong pilak, at ang isang dila na ginto, na limang pung siklo ang timbang, ay akin ngang inimbot, at aking kinuha; at, narito, nangakukubli sa lupa sa gitna ng aking tolda, at ang pilak ay nasa ilalim niyaon.
Josh TagAngBi 7:22  Sa gayo'y nagsugo si Josue ng mga sugo at kanilang tinakbo ang tolda; at, narito, nakakubli sa kaniyang tolda, at ang pilak ay nasa ilalim niyaon.
Josh TagAngBi 7:23  At kanilang kinuha sa gitna ng tolda, at dinala kay Josue, at sa lahat ng mga anak ni Israel; at kanilang inilapag sa harap ng Panginoon.
Josh TagAngBi 7:24  At kinuha ni Josue, at ng buong Israel na kasama niya, si Achan na anak ni Zera at ang pilak, at ang balabal, at ang dila na ginto, at ang kaniyang mga anak na lalake at babae, at ang kaniyang mga baka, at ang kaniyang mga asno, at ang kaniyang mga tupa, at ang kaniyang tolda, at ang lahat niyang tinatangkilik: at kanilang isinampa sa libis ng Achor.
Josh TagAngBi 7:25  At sinabi ni Josue, Bakit mo kami binagabag? babagabagin ka sa araw na ito ng Panginoon. At binato siya ng mga bato ng buong Israel; at sinunog nila sila sa apoy, at binato sila ng mga bato.
Josh TagAngBi 7:26  At kanilang binuntunan siya ng malaking bunton na mga bato, hanggang sa araw na ito; at ang Panginoon ay nagpigil ng kabangisan ng kaniyang galit. Kaya't ang pangalan ng dakong yaon ay tinawag na, Ang libis ng Achor, hanggang sa araw na ito.
Chapter 8
Josh TagAngBi 8:1  At sinabi ng Panginoon kay Josue, Huwag kang matakot, ni manglumo: ipagsama mo ang buong bayang pangdigma, at bumangon ka, na sumampa ka sa Hai: tingnan mo, aking ibinigay sa iyong kamay ang hari sa Hai, at ang kaniyang bayan, at ang kaniyang siyudad, at ang kaniyang lupain;
Josh TagAngBi 8:2  At iyong gagawin sa Hai at sa kaniyang hari ang gaya ng iyong ginawa sa Jerico at sa kaniyang hari: ang samsam lamang doon, at ang mga hayop niyaon, ang iyong kukunin na pinakasamsam ninyo: lagyan mo ng mga bakay ang bayan sa likuran.
Josh TagAngBi 8:3  Sa gayo'y bumangon si Josue, at ang buong bayang pangdigma, upang sumampa sa Hai: at pumili si Josue ng tatlong pung libong lalake, na mga makapangyarihang lalaking matapang, at sinugo ng kinagabihan.
Josh TagAngBi 8:4  At iniutos niya sa kanila, na sinasabi, Narito, kayo'y babakay laban sa bayan, sa likuran ng bayan: huwag kayong lumayong totoo sa bayan kundi humanda kayo;
Josh TagAngBi 8:5  At ako, at ang buong bayan na kasama ko ay lalapit sa bayan. At mangyayari, na pagka sila'y lumabas laban sa amin gaya ng una, ay tatakas kami sa harap nila;
Josh TagAngBi 8:6  At sila'y lalabas na susunod sa amin, hanggang sa aming mailayo sila sa bayan, sapagka't kanilang sasabihin, Sila'y tumatakas sa harap natin, na gaya ng una; gayon kami tatakas sa harap nila:
Josh TagAngBi 8:7  At kayo'y babangon sa pagbakay, at inyong aariin ang bayan: sapagka't ibibigay ng Panginoon ninyong Dios sa inyong kamay.
Josh TagAngBi 8:8  At mangyayari, na pagka inyong nasakop ang bayan, ay inyong sisilaban ng apoy ang bayan; ayon sa salita ng Panginoon ay inyong gagawin: narito, aking iniutos sa inyo.
Josh TagAngBi 8:9  At pinapagpaalam sila ni Josue: at sila'y yumaon sa pagbakay, at lumagay sa pagitan ng Beth-el at ng Hai, sa dakong kalunuran ng Hai: nguni't si Josue ay tumigil ng gabing yaon sa gitna ng bayan.
Josh TagAngBi 8:10  At si Josue ay bumangong maaga sa kinaumagahan, at binilang ang bayan, at sumampa siya at ang mga matanda ng Israel, sa unahan ng bayan, sa Hai.
Josh TagAngBi 8:11  At ang buong bayan, sa makatuwid baga'y ang mga taong pangdigma na kinasama niya, ay sumampa, at lumapit, at naparoon sa harap ng bayan, at humantong sa dakong hilagaan ng Hai: mayroon ngang isang libis sa pagitan niya at ng Hai.
Josh TagAngBi 8:12  At siya'y kumuha ng may limang libong lalake at inilagay niya silang bakay sa pagitan ng Beth-el at ng Hai sa dakong kalunuran ng bayan.
Josh TagAngBi 8:13  Gayon inilagay nila ang bayan, ang buong hukbo na nasa hilagaan ng bayan, at ang kanilang mga bakay na nasa kalunuran ng bayan; at si Josue ay naparoon ng gabing yaon sa gitna ng libis.
Josh TagAngBi 8:14  At nangyari, nang makita ng hari sa Hai, na sila'y nagmadali at bumangong maaga, at ang mga lalake sa bayan ay lumabas laban sa Israel upang makipagbaka, siya at ang kaniyang buong bayan, sa kapanahunang takda, sa harap ng Araba, nguni't hindi niya talastas na may bakay laban sa kaniya sa likuran ng bayan.
Josh TagAngBi 8:15  At ginawa ni Josue at ng buong Israel na parang sila'y nadaig sa harap nila, at tumakas sa daan na ilang.
Josh TagAngBi 8:16  At ang lahat ng mga tao na nasa bayan ay pinisan upang humabol sa kanila: at kanilang hinabol si Josue, at nangalayo sa bayan.
Josh TagAngBi 8:17  At walang lalake na naiwan sa Hai o sa Beth-el, na hindi humabol sa Israel: at kanilang iniwang bukas ang bayan, at hinabol ang Israel.
Josh TagAngBi 8:18  At sinabi ng Panginoon kay Josue, Iunat mo ang sibat na nasa iyong kamay sa dakong Hai; sapagka't aking ibibigay sa iyong kamay. At iniunat ni Josue ang sibat na nasa kaniyang kamay sa dakong bayan.
Josh TagAngBi 8:19  At ang bakay ay bumangong bigla sa kanilang dako, at sila'y tumakbo pagkaunat niya ng kaniyang kamay, at pumasok sa bayan at sinakop at sila'y nagmadali at sinilaban ang bayan.
Josh TagAngBi 8:20  At nang lumingon ang mga lalake sa Hai sa likuran nila, ay kanilang nakita, at, narito, ang usok ng bayan ay napaiilanglang sa langit, at wala silang kapangyarihan na makatakas sa daang ito o sa daang yaon: at ang bayan na tumakas sa ilang ay pumihit sa mga manghahabol.
Josh TagAngBi 8:21  At nang makita ni Josue at ng buong Israel na nasakop ng bakay ang bayan at ang usok ng bayan ay napaiilanglang, ay nagsibalik nga uli sila at pinatay ang mga lalake sa Hai.
Josh TagAngBi 8:22  At ang iba'y lumabas sa bayan laban sa kanila, na anopa't sila'y nasa gitna ng Israel, na ang iba'y sa dakong ito, at ang iba'y sa dakong yaon: at sinaktan nila sila, na anopa't wala silang iniwan sa kanila na nalabi o nakatanan.
Josh TagAngBi 8:23  At ang hari sa Hai ay hinuli nilang buhay, at dinala nila siya kay Josue.
Josh TagAngBi 8:24  At nangyari, nang matapos ng Israel na mapatay sa parang ang lahat ng mga taga Hai, sa ilang na kanilang pinaghabulan sa kanila, at mangabuwal sa pamamagitan ng talim ng tabak, hanggang sa nalipol nila sila, ay bumalik ang buong Israel sa Hai, at sinugatan ng talim ng tabak.
Josh TagAngBi 8:25  At ang lahat na nabuwal ng araw na yaon, lalake at gayon din ang babae ay labing dalawang libo, lahat ng mga tao sa Hai.
Josh TagAngBi 8:26  Sapagka't hindi iniurong ni Josue ang kaniyang kamay na kaniyang ipinag-unat ng sibat hanggang sa kaniyang nalipol na lubos ang lahat ng mga taga Hai.
Josh TagAngBi 8:27  Ang hayop lamang at ang samsam sa bayan na yaon ang kinuha ng Israel na pinakasamsam, ayon sa salita ng Panginoon na kaniyang iniutos kay Josue.
Josh TagAngBi 8:28  Gayon sinunog ni Josue ang Hai, at pinapaging isang bunton magpakailan man na isang kagibaan, hanggang sa araw na ito.
Josh TagAngBi 8:29  At ibinitin niya ang hari sa Hai sa isang punong kahoy hanggang sa kinahapunan: at sa paglubog ng araw ay iniutos ni Josue, at ibinaba nila ang kaniyang bangkay sa punong kahoy at inihagis sa pasukan ng pintuan ng bayan, at binuntunan ng malaking bunton ng mga bato, hanggang sa araw na ito.
Josh TagAngBi 8:30  Nang magkagayo'y ipinagtayo ni Josue ng isang dambana ang Panginoon, ang Dios ng Israel, sa bundok ng Ebal,
Josh TagAngBi 8:31  Gaya ng iniutos ni Moises na lingkod ng Panginoon, sa mga anak ni Israel, gaya ng nakasulat sa aklat ng kautusan ni Moises, na isang dambana na hindi hinitsurahang mga bato, na hindi pinagbuhatan ng sinomang tao ng bakal: at kanilang pinaghandugan sa Panginoon ng mga handog na susunugin, at pinaghainan ng mga handog tungkol sa kapayapaan.
Josh TagAngBi 8:32  At siya'y sumulat doon sa mga bato ng isang salin ng kautusan ni Moises na kaniyang sinulat, sa harap ng mga anak ni Israel.
Josh TagAngBi 8:33  At ang buong Israel, at ang kanilang mga matanda at mga pinuno at ang kanilang mga hukom, ay tumayo sa dakong ito ng kaban at sa dakong yaon sa harap ng mga saserdote na mga Levita, na nagdadala ng kaban ng tipan ng Panginoon ang mga taga ibang lupa na gaya rin ng mga taga-roon; kalahati nila ay sa harap ng bundok ng Gerizim at kalahati nila ay sa harap ng bundok ng Ebal; gaya ng iniutos ni Moises na lingkod ng Panginoon, na kanilang basbasan muna ang bayan ng Israel.
Josh TagAngBi 8:34  At pagkatapos ay kaniyang binasa ang lahat ng mga salita ng kautusan, ang pagpapala at ang sumpa, ayon sa lahat na nakasulat sa aklat ng kautusan.
Josh TagAngBi 8:35  Walang salita sa lahat na iniutos ni Moises na hindi binasa ni Josue sa harap ng buong kapulungan ng Israel at ng mga babae, at ng mga bata, at ng mga taga ibang lupa na nakikipamayan sa kanila.
Chapter 9
Josh TagAngBi 9:1  At nangyari, nang mabalitaan ng lahat ng hari na nangasa dako roon ng Jordan sa lupaing maburol, at sa mga kapatagan, at sa lahat ng baybayin ng malaking dagat sa tapat ng Libano, ng Hetheo, at ng Amorrheo, ng Cananeo, ng Pherezeo, ng Heveo, at ng Jebuseo;
Josh TagAngBi 9:2  Ay nagpipisan upang labanan si Josue at ang Israel, na may pagkakaisa.
Josh TagAngBi 9:3  Nguni't nang mabalitaan ng mga taga Gabaon ang ginawa ni Josue sa Jerico at sa Hai,
Josh TagAngBi 9:4  Ay gumawa naman silang may katusuhan at yumaon at nagpakunwaring sila'y mga sugo, at nagpasan ng mga lumang bayong sa kanilang mga asno at mga sisidlang balat ng alak na luma, at punit at tinahi;
Josh TagAngBi 9:5  At mga tagpi-tagping pangyapak na nakasuot sa kanilang mga paa, at ng mga lumang bihisan na suot nila; at ang lahat na tinapay na kanilang baon ay tuyo at inaamag.
Josh TagAngBi 9:6  At sila'y nagsiparoon kay Josue sa kampamento sa Gilgal, at nangagsabi sa kaniya at sa mga lalake ng Israel, Kami ay mula sa malayong lupain: ngayon nga'y makipagtipan kayo sa amin.
Josh TagAngBi 9:7  At sinabi ng mga lalake ng Israel sa mga Heveo, Marahil kayo'y nananahang kasama namin; at paanong kami ay makikipagtipan sa inyo?
Josh TagAngBi 9:8  At kanilang sinabi kay Josue, Kami ay iyong mga lingkod. At sinabi ni Josue sa kanila, Sino kayo at mula saan kayo?
Josh TagAngBi 9:9  At sinabi nila sa kaniya, Mula sa totoong malayong lupain ang iyong mga lingkod, dahil sa pangalan ng Panginoon mong Dios: sapagka't aming nabalitaan ang kabantugan niya, at ang lahat niyang ginawa sa Egipto,
Josh TagAngBi 9:10  At lahat ng kaniyang ginawa sa dalawang hari ng mga Amorrheo, na nasa dako roon ng Jordan, kay Sehon na hari sa Hesbon, at kay Og, na hari sa Basan, na nasa Astaroth.
Josh TagAngBi 9:11  At ang aming mga matanda at ang lahat na tagaroon sa aming lupain ay nagsalita sa amin, na sinasabi, Magbaon kayo sa inyong kamay ng maipaglalakbay, at yumaon kayo na salubungin ninyo sila, at inyong sabihin sa kanila, Kami ay inyong mga lingkod: at ngayo'y makipagtipan kayo sa amin.
Josh TagAngBi 9:12  Itong aming tinapay ay kinuha naming mainit na pinakabaon namin mula sa aming mga bahay nang araw na kami ay lumabas na patungo sa inyo; nguni't ngayon, narito, tuyo at inaamag:
Josh TagAngBi 9:13  At ang mga sisidlang balat ng alak na ito na aming pinuno ay bago; at, narito, mga hapak: at itong aming mga bihisan at aming mga pangyapak ay naluma dahil sa totoong mahabang paglalakbay.
Josh TagAngBi 9:14  At kumuha ang mga tao sa Israel ng kanilang baon, at hindi humingi ng payo sa bibig ng Panginoon.
Josh TagAngBi 9:15  At si Josue ay nakipagpayapaan sa kanila at nakipagtipan sa kanila, na pabayaan silang mabuhay: at ang mga prinsipe ng kapisanan ay sumumpa sa kanila.
Josh TagAngBi 9:16  At nangyari, sa katapusan ng tatlong araw, pagkatapos na sila'y makapagtipanan sa kanila, na kanilang nabalitaan na sila'y kanilang kalapit bayan, at sila'y nananahang kasama nila.
Josh TagAngBi 9:17  At ang mga anak ni Israel ay naglakbay, at naparoon sa kanilang mga bayan sa ikatlong araw. Ang kanila ngang mga bayan ay Gabaon, Caphira, at Beeroth, at Kiriath-jearim.
Josh TagAngBi 9:18  At hindi sila sinaktan ng mga anak ni Israel, sapagka't ang mga prinsipe ng kapisanan ay sumumpa sa kanila sa pangalan ng Panginoon, ng Dios ng Israel. At inupasala ng buong kapisanan ang mga prinsipe.
Josh TagAngBi 9:19  Nguni't sinabi ng lahat ng mga prinsipe sa buong kapisanan, Kami ay sumumpa sa kanila sa pangalan ng Panginoon, ng Dios ng Israel: ngayon nga'y hindi natin magagalaw sila.
Josh TagAngBi 9:20  Ito ang ating gagawin sa kanila at sila'y ating pababayaang mabuhay; baka ang pagiinit ay sumaatin dahil sa sumpa na ating isinumpa sa kanila.
Josh TagAngBi 9:21  At sinabi ng mga prinsipe sa kanila, Pabayaan silang mabuhay: sa gayo'y sila'y naging mamumutol ng kahoy at mananalok ng tubig sa buong kapisanan; gaya ng sinalita ng mga prinsipe sa kanila.
Josh TagAngBi 9:22  At ipinatawag sila ni Josue, at nagsalita siya sa kanila, na sinasabi, Bakit kayo'y nagdaya sa amin na nagsasabi, Kami ay totoong malayo sa inyo; dangang nananahan kayong kasama namin?
Josh TagAngBi 9:23  Ngayon nga'y sumpain kayo, at hindi mawawalan sa inyo kailan man ng mga alipin, ng mamumutol ng kahoy at gayon din ng mananalok ng tubig sa bahay ng aking Dios.
Josh TagAngBi 9:24  At sila'y sumagot kay Josue, at nagsabi, Sapagka't tunay na nasaysay sa iyong mga lingkod, kung paanong iniutos ng Panginoon ninyong Dios kay Moises na kaniyang lingkod na ibibigay sa inyo ang buong lupain, at inyong lilipulin ang lahat na nananahan sa lupain sa harap ninyo; kaya't ikinatakot naming mainam ang aming buhay dahil sa inyo, at aming ginawa ang bagay na ito.
Josh TagAngBi 9:25  At ngayon, narito, kami ay nasa iyong kamay: kung ano ang inaakala mong mabuti at matuwid na gawin sa amin, ay gawin mo.
Josh TagAngBi 9:26  At gayon ang ginawa niya sa kanila, at iniligtas niya sila sa kamay ng mga anak ni Israel, na hindi sila pinatay.
Josh TagAngBi 9:27  At ginawa sila ni Josue nang araw na yaon na mga mamumutol ng kahoy at mga mananalok ng tubig sa kapisanan, at sa dambana ng Panginoon, hanggang sa araw na ito, sa dakong kaniyang pipiliin.
Chapter 10
Josh TagAngBi 10:1  Nangyari nga, nang mabalitaan ni Adoni-sedec na hari sa Jerusalem na kung paanong nasakop ni Josue ang Hari at nagibang lubos (na kung paanong kaniyang ginawa sa Jerico at sa hari niyaon, gayon ang kaniyang ginawa sa Hai at sa hari niyaon), at kung paanong nakipagpayapaan sa kanila ang mga taga Gabaon, at nangasa gitna nila;
Josh TagAngBi 10:2  Ay natakot silang mainam, sapagka't ang Gabaon ay malaking bayan na gaya ng isa sa mga bayan ng hari, at sapagka't lalong malaki kay sa Hai, at ang lahat na lalake roon ay mga makapangyarihan.
Josh TagAngBi 10:3  Kaya't si Adoni-sedec na hari sa Jerusalem ay nagsugo kay Oham na hari sa Hebron, at kay Phiream na hari sa Jarmuth, at kay Japhia, na hari sa Lachis, at kay Debir na hari sa Eglon na ipinasasabi,
Josh TagAngBi 10:4  Sampahin ninyo ako at inyong tulungan ako, at saktan natin ang Gabaon: sapagka't nakipagpayapaan kay Josue at sa mga anak ni Israel.
Josh TagAngBi 10:5  Kaya't ang limang hari ng mga Amorrheo, ang hari sa Jerusalem, ang hari sa Hebron, ang hari sa Jarmuth, ang hari sa Lachis, ang hari sa Eglon, ay nagpipisan at sumampa, sila at ang lahat nilang hukbo, at humantong laban sa Gabaon, at nakipagdigma laban doon.
Josh TagAngBi 10:6  At ang mga tao sa Gabaon ay nagsugo kay Josue sa kampamento sa Gilgal, na sinasabi, Huwag mong papanlambutin ang iyong kamay sa iyong mga lingkod; sampahin mo kaming madali, at iligtas mo kami, at tulungan mo kami: sapagka't ang lahat ng mga hari ng mga Amorrheo na nangananahan sa lupaing maburol ay nagpipisan laban sa amin.
Josh TagAngBi 10:7  Sa gayo'y sumampa si Josue mula sa Gilgal, siya at ang buong bayang pangdigma na kasama niya, at ang lahat ng mga makapangyarihang lalake na matatapang.
Josh TagAngBi 10:8  At sinabi ng Panginoon kay Josue, Huwag mo silang katakutan: sapagka't aking ibinigay sila sa iyong mga kamay; walang lalake roon sa kanila na tatayo sa harap mo.
Josh TagAngBi 10:9  Si Josue nga ay naparoong bigla sa kanila; siya'y sumampa mula sa Gilgal buong gabi.
Josh TagAngBi 10:10  At nilito sila ng Panginoon sa harap ng Israel, at kaniyang pinatay sila ng malaking pagpatay sa Gabaon, at hinabol niya sila sa daan na sampahan sa Beth-horon, at sinaktan niya sila hanggang sa Azeca, at sa Maceda.
Josh TagAngBi 10:11  At nangyari, na habang tumatakas sa harap ng Israel samantalang sila'y nasa babaan sa Beth-horon, na binagsakan sila ng Panginoon sa Azeca ng mga malaking bato na mula sa langit, at sila'y namatay: sila'y higit na namatayan sa pamamagitan ng mga batong granizo kay sa pinatay ng mga anak ni Israel sa pamamagitan ng tabak.
Josh TagAngBi 10:12  Nang magkagayo'y nagsalita si Josue sa Panginoon nang araw na ibinigay ng Panginoon ang mga Amorrheo sa harap ng mga anak ni Israel; at kaniyang sinabi sa paningin ng Israel, Araw, tumigil ka sa Gabaon; At ikaw, Buwan, sa libis ng Ajalon.
Josh TagAngBi 10:13  At ang araw ay tumigil, at ang buwan ay huminto, Hanggang sa ang bansa ay nakapanghiganti sa kaniyang mga kaaway. Hindi ba ito nakasulat sa aklat ni Jasher? At ang araw ay tumigil sa gitna ng langit, at hindi nagmadaling lumubog sa isang buong araw.
Josh TagAngBi 10:14  At hindi nagkaroon ng araw na gaya niyaon bago nangyari yaon o pagkatapos niyaon, na ang Panginoon ay nakinig sa tinig ng tao: sapagka't ipinakipaglaban ng Panginoon ang Israel.
Josh TagAngBi 10:15  At si Josue ay bumalik at ang buong Israel na kasama niya, sa kampamento sa Gilgal.
Josh TagAngBi 10:16  At ang limang haring ito ay tumakas at nagsipagkubli sa yungib sa Maceda.
Josh TagAngBi 10:17  At nasaysay kay Josue, na sinasabi, Ang limang hari ay nasumpungan, na nakatago sa yungib sa Maceda.
Josh TagAngBi 10:18  At sinabi ni Josue, Maggulong kayo ng mga malaking bato sa bunganga ng yungib, at maglagay kayo ng mga lalake roon upang magbantay sa kanila:
Josh TagAngBi 10:19  Nguni't huwag kayong magsitigil; inyong habulin ang inyong mga kaaway, at inyong sasaktan ang kahulihulihan sa kanila; huwag ninyong tiising pumasok, sa kanilang mga bayan: sapagka't ibinigay sila ng Panginoon ninyong Dios sa inyong kamay.
Josh TagAngBi 10:20  At nangyari, nang makatapos si Josue at ang mga anak ni Israel ng pagpatay ng malaking pagpatay sa kanila, hanggang sa nangalipol at ang labi na natira sa kanila ay pumasok sa mga nakukutaang bayan,
Josh TagAngBi 10:21  Na ang buong bayan ay bumalik sa kampamento kay Josue sa Maceda na tiwasay: walang maggalaw ng kaniyang dila laban sa kaninoman sa mga anak ni Israel.
Josh TagAngBi 10:22  Nang magkagayo'y sinabi ni Josue, Inyong buksan ang bunganga ng yungib, at inyong ilabas sa akin ang limang haring iyan sa yungib.
Josh TagAngBi 10:23  At kanilang ginawang gayon, at inilabas ang limang haring yaon mula sa yungib, ang hari sa Jerusalem, ang hari sa Hebron, ang hari sa Jarmuth, ang hari sa Lachis, ang hari sa Eglon.
Josh TagAngBi 10:24  At nangyari, nang kanilang ilabas ang mga haring yaon kay Josue na ipinatawag ni Josue ang lahat na lalake sa Israel, at sinabi sa mga pinuno ng mga lalaking mangdidigma na sumama sa kaniya, Lumapit kayo, ilagay ninyo ang inyong mga paa sa mga leeg ng mga haring ito. At sila'y lumapit at inilagay ang kanilang mga paa sa mga leeg ng mga yaon.
Josh TagAngBi 10:25  At sinabi ni Josue sa kanila, Huwag kayong matakot, ni manglupaypay; kayo'y magpakalakas at magpakatapang na maigi: sapagka't ganito ang gagawin ng Panginoon sa lahat ninyong mga kaaway na inyong kinakalaban.
Josh TagAngBi 10:26  At pagkatapos ay sinaktan sila ni Josue, at ipinapatay sila, at ibinitin sila sa limang puno ng kahoy; at sila'y nangabitin sa mga puno ng kahoy hanggang sa kinahapunan.
Josh TagAngBi 10:27  At nangyari sa paglubog ng araw, na si Josue ay nagutos at kanilang ibinaba sa mga punong kahoy, at kanilang inihagis sa yungib na kanilang pinagtaguan, at kanilang nilagyan ng mga malaking bato ang bunganga ng yungib hanggang sa araw na ito.
Josh TagAngBi 10:28  At sinakop ni Josue ang Maceda nang araw na yaon, at sinugatan ng talim ng tabak, at ang hari niyaon; kaniyang lubos silang nilipol at ang lahat na tao na nandoon, wala siyang iniwang nalabi: at kaniyang ginawa sa hari sa Maceda ang gaya ng kaniyang ginawa sa hari ng Jerico.
Josh TagAngBi 10:29  At si Josue ay dumaan mula sa Maceda, at ang buong Israel na kasama niya, hanggang sa Libna, at lumaban sa Libna:
Josh TagAngBi 10:30  At ibinigay rin ng Panginoon, sangpu ng hari niyaon, sa kamay ng Israel; at kaniyang sinugatan ng talim ng tabak, at ang lahat na tao na nandoon; wala siyang iniwan doon; at kaniyang ginawa sa hari niyaon ang gaya ng kaniyang ginawa sa hari sa Jerico.
Josh TagAngBi 10:31  At dumaan si Josue mula sa Libna, at ang buong Israel na kasama niya, hanggang sa Lachis, at humantong laban doon, at lumaban doon.
Josh TagAngBi 10:32  At ibinigay ng Panginoon ang Lachis sa kamay ng Israel at kaniyang sinakop sa ikalawang araw, at sinugatan ng talim ng tabak, at ang lahat na tao na nandoon, ayon sa lahat na ginawa niya sa Libna.
Josh TagAngBi 10:33  Nang magkagayo'y sumampa si Horam na hari sa Gezer upang tulungan ang Lachis; at sinaktan ni Josue siya at ang kaniyang bayan, hanggang sa walang iniwan siya.
Josh TagAngBi 10:34  At dumaan si Josue mula sa Lachis, at ang buong Israel na kasama niya, hanggang sa Eglon; at sila'y humantong laban doon, at nakipaglaban doon;
Josh TagAngBi 10:35  At kanilang sinakop nang araw na yaon, at sinugatan ng talim ng tabak, at ang lahat na tao na nandoon ay kaniyang lubos na nilipol nang araw na yaon, ayon sa lahat niyang ginawa sa Lachis.
Josh TagAngBi 10:36  At sumampa si Josue mula sa Eglon, at ang buong Israel na kasama niya, hanggang sa Hebron; at sila'y nakipaglaban doon:
Josh TagAngBi 10:37  At kanilang sinakop, at sinugatan ng talim ng tabak, at ang hari niyaon, at ang lahat ng mga bayan niyaon, at ang lahat na tao na nandoon; wala siyang iniwang nalabi, ayon sa lahat niyang ginawa sa Eglon; kundi kaniyang lubos na nilipol, at ang lahat na tao na nandoon.
Josh TagAngBi 10:38  At si Josue at ang buong Israel na kasama niya ay bumalik sa Debir; at nakipaglaban doon:
Josh TagAngBi 10:39  At kaniyang sinakop at ang hari niyaon, at ang lahat ng mga bayan niyaon; at kanilang sinugatan ng talim ng tabak at lubos na nilipol ang lahat na tao na nandoon: wala siyang iniwang nalabi: kung paano ang kaniyang ginawa sa Hebron, ay gayon ang kaniyang ginawa sa Debir, at sa hari niyaon; gaya ng kaniyang ginawa sa Libna at sa hari niyaon.
Josh TagAngBi 10:40  Ganito sinaktan ni Josue ang buong lupain, ang lupaing maburol, at ang Timugan, at ang mababang lupain, at ang mga tagudtod, at ang lahat ng hari niyaon; wala siyang iniwang nalabi: kundi kaniyang lubos na nilipol ang lahat na humihinga, gaya ng iniutos ng Panginoon ng Dios ng Israel.
Josh TagAngBi 10:41  At sinaktan sila ni Josue mula sa Cades-barnea hanggang sa Gaza, at ang buong lupain ng Gosen, hanggang sa Gabaon.
Josh TagAngBi 10:42  At ang lahat ng mga haring ito at ang kanilang lupain ay sinakop ni Josue na paminsan, sapagka't ipinakipaglaban ng Panginoon, ng Dios ng Israel.
Josh TagAngBi 10:43  At si Josue at ang buong Israel na kasama niya ay bumalik sa kampamento sa Gilgal.
Chapter 11
Josh TagAngBi 11:1  At nangyari nang mabalitaan ni Jabin na hari sa Hasor, na siya'y nagsugo kay Jobab na hari sa Madon, at sa hari sa Simron, at sa hari sa Achsaph,
Josh TagAngBi 11:2  At sa mga hari na nangasa hilagaan, sa lupaing maburol, at sa Araba sa timugan ng Cinneroth at sa mababang lupain, at sa mga kaitaasan ng Dor sa kalunuran,
Josh TagAngBi 11:3  Sa Cananeo sa silanganan at sa kalunuran at sa Amorrheo, at sa Hetheo, at sa Pherezeo, at sa Jebuseo sa lupaing maburol, at sa Heveo sa ibaba ng Hermon, sa lupain ng Mizpa.
Josh TagAngBi 11:4  At sila'y lumabas, sila at ang kanilang mga hukbo na kasama nila, maraming tao, na gaya nga ng mga buhangin na nasa baybayin ng dagat sa karamihan, na may mga kabayo at mga karo na totoong marami.
Josh TagAngBi 11:5  At ang lahat ng mga haring ito ay nagpipisan; at sila'y naparoon at humantong na magkakasama sa tubig ng Merom, upang makipaglaban sa Israel.
Josh TagAngBi 11:6  At sinabi ng Panginoon kay Josue, Huwag kang matakot ng dahil sa kanila; sapagka't bukas sa ganitong oras ay ibibigay ko silang lahat na patay sa harap ng Israel: inyong pipilayan ang kanilang mga kabayo, at sisilaban ng apoy ang kanilang mga karo.
Josh TagAngBi 11:7  Sa gayo'y biglang naparoon si Josue, at ang buong bayang pangdigma na kasama niya, laban sa kanila sa tabi ng tubig ng Merom, at dumaluhong sila sa kanila.
Josh TagAngBi 11:8  At ibinigay sila ng Panginoon sa kamay ng Israel, at sinaktan nila, at hinabol nila sila hanggang sa malaking Sidon, at hanggang sa Misrephoth-maim, at hanggang sa libis ng Mizpa, sa dakong silanganan; at sinaktan nila sila hanggang sa wala silang iniwan sa kanila nalabi.
Josh TagAngBi 11:9  At ginawa ni Josue sa kanila ang gaya ng iniutos ng Panginoon sa kaniya; kaniyang pinilayan ang kanilang mga kabayo, at sinilaban ng apoy ang kanilang mga karo.
Josh TagAngBi 11:10  At bumalik si Josue nang panahong yaon at sinakop ang Hasor, at sinugatan ng tabak ang hari niyaon: sapagka't ang Hasor ng una ay pangulo ng lahat ng mga kahariang yaon.
Josh TagAngBi 11:11  At kanilang sinugatan ng talim ng tabak ang lahat na tao na nandoon, na kanilang lubos na nilipol: walang naiwan na may hininga, at kaniyang sinilaban ng apoy ang Hasor.
Josh TagAngBi 11:12  At ang lahat ng mga bayan ng mga haring yaon at ang lahat ng mga hari ng mga yaon ay sinakop ni Josue, at sinugatan niya sila ng talim ng tabak at lubos na nilipol sila; gaya ng iniutos ni Moises na lingkod ng Panginoon.
Josh TagAngBi 11:13  Nguni't tungkol sa mga bayang natatayo sa kanilang mga bunton, ay walang sinunog ang Israel sa mga yaon, liban sa Hasor lamang, na sinunog ni Josue.
Josh TagAngBi 11:14  At ang lahat na samsam sa mga bayang ito at ang mga hayop ay kinuha ng mga anak ni Israel na pinakasamsam para sa kanilang sarili; nguni't ang bawa't tao ay sinugatan nila ng talim ng tabak hanggang sa kanilang nalipol sila, ni hindi nagiwan sila ng anomang may hininga.
Josh TagAngBi 11:15  Kung paanong nagutos ang Panginoon kay Moises na kaniyang lingkod, ay gayon nagutos si Moises kay Josue: at gayon ang ginawa ni Josue; wala siyang iniwang hindi yari sa lahat na iniutos ng Panginoon kay Moises.
Josh TagAngBi 11:16  Sa gayo'y sinakop ni Josue ang buong lupaing yaon, ang lupaing maburol, at ang buong Timugan, at ang buong lupain ng Gosen, at ang mababang lupain, at ang Araba, at ang lupaing maburol ng Israel, at ang mababang lupain niyaon;
Josh TagAngBi 11:17  Mula sa bundok ng Halac na paahon sa Seir, hanggang sa Baal-gad sa libis ng Libano sa ibaba ng bundok Hermon: at kinuha niya ang lahat nilang hari, at sinaktan niya sila at ipinapatay niya sila.
Josh TagAngBi 11:18  Si Josue ay nakipagdigmang malaong panahon sa lahat ng mga haring yaon.
Josh TagAngBi 11:19  Walang bayan na nakipagpayapaan sa mga anak ni Israel, liban ang mga Heveo na mga taga Gabaon: kanilang kinuhang lahat sa pakikipagbaka.
Josh TagAngBi 11:20  Sapagka't inakala nga ng Panginoon na papagmatigasin ang kanilang puso, upang pumaroon laban sa Israel sa pakikipagbaka, upang kanilang malipol silang lubos, na huwag silang magtamo ng biyaya, kundi kaniyang malipol sila, gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
Josh TagAngBi 11:21  At naparoon si Josue nang panahong yaon at nilipol ang mga Anaceo mula sa lupaing maburol, sa Hebron, sa Debir, sa Anab, at sa buong lupaing maburol ng Juda, at sa buong lupaing maburol ng Israel: nilipol silang lubos ni Josue sangpu ng kanilang mga bayan.
Josh TagAngBi 11:22  Walang naiwan sa mga Anaceo sa lupain ng mga anak ni Israel: sa Gaza, sa Gath, at sa Asdod lamang, nagiwan siya ng ilan.
Josh TagAngBi 11:23  Gayon sinakop ni Josue ang buong lupain ayon sa lahat na sinalita ng Panginoon kay Moises; at ibinigay ni Josue na pinakamana sa Israel, ayon sa kanilang pagkakabahagi sangayon sa kanilang mga lipi. At ang lupain ay nagpahinga sa pakikipagdigma.
Chapter 12
Josh TagAngBi 12:1  Ang mga ito nga ang mga hari sa lupain na sinaktan ng mga anak ni Israel, at inari ang kanilang lupain sa dako roon ng Jordan na dakong sinisikatan ng araw mula sa libis ng Arnon hanggang sa bundok ng Hermon, at ng buong Araba na dakong silanganan:
Josh TagAngBi 12:2  Si Sehon na hari ng mga Amorrheo, na nanahan sa Hesbon at nagpuno mula sa Aroer, na nasa tabi ng libis ng Arnon at ang bayan na nasa gitna ng libis, at ang kalahati ng Galaad, hanggang sa ilog Jaboc, na hangganan ng mga anak ni Ammon;
Josh TagAngBi 12:3  At ang Araba hanggang sa dagat ng Cinneroth, na dakong silanganan, at hanggang sa dagat ng Araba, Dagat na Alat, na dakong silanganan, na daang patungo sa Beth-jesimoth; at sa timugan sa ilalim ng mga tagudtod ng Pisga:
Josh TagAngBi 12:4  At ang hangganan ni Og na hari sa Basan, sa nalabi ng mga Rephaim na nanahan sa Astaroth at sa Edrei,
Josh TagAngBi 12:5  At nagpuno sa bundok ng Hermon, at sa Salca, at sa buong Basan, hanggang sa hangganan ng mga Gessureo at ng mga Maachateo, at ng kalahati ng Galaad, na hangganan ni Sehon na hari sa Hesbon.
Josh TagAngBi 12:6  Sinaktan sila ni Moises na lingkod ng Panginoon at ng mga anak ni Israel: at ibinigay ni Moises na lingkod ng Panginoon na pinakaari sa mga Rubenita, at sa mga Gadita, at sa kalahating lipi ni Manases.
Josh TagAngBi 12:7  At ang mga ito'y ang mga hari ng lupain na sinaktan ni Josue at ng mga anak ni Israel sa dako roon ng Jordan na dakong kalunuran, mula sa Baal-gad na libis ng Libano hanggang sa bundok ng Halac, na pasampa sa Seir (at ibinigay ni Josue na pinakaari sa mga lipi ng Israel ayon sa kanilang pagkakabahagi;
Josh TagAngBi 12:8  Sa lupaing maburol, at sa mababang lupain, at sa Araba, at sa mga tagudtod, at sa ilang, at sa Timugan; ang Hatheo, ang Amorrheo, at ang Cananeo, ang Pherezeo, ang Heveo, at ang Jebuseo);
Josh TagAngBi 12:9  Ang hari sa Jerico, isa; ang hari sa Hai na nasa tabi ng Beth-el, isa;
Josh TagAngBi 12:10  Ang hari sa Jerusalem, isa; ang hari sa Hebron, isa.
Josh TagAngBi 12:11  Ang hari sa Jarmuth, isa; ang hari sa Lachis, isa;
Josh TagAngBi 12:15  Ang hari sa Libna, isa; ang hari sa Adullam, isa;
Josh TagAngBi 12:16  Ang hari sa Maceda, isa; ang hari sa Beth-el, isa;
Josh TagAngBi 12:17  Ang hari sa Tappua, isa; ang hari sa Hepher, isa;
Josh TagAngBi 12:18  Ang hari sa Aphec, isa; ang hari sa Lasaron, isa;
Josh TagAngBi 12:20  Ang hari sa Simron-meron, isa; ang hari sa Achsaph, isa;
Josh TagAngBi 12:21  Ang hari sa Taanach, isa; ang hari sa Megiddo, isa;
Josh TagAngBi 12:22  Ang hari sa Chedes, isa; ang hari sa Jocneam sa Carmel, isa;
Josh TagAngBi 12:23  Ang hari sa Dor sa kaitaasan ng Dor, isa; ang hari ng mga bansa sa Gilgal, isa;
Josh TagAngBi 12:24  Ang hari sa Tirsa, isa; lahat ng hari ay tatlong pu't isa;
Chapter 13
Josh TagAngBi 13:1  Si Josue nga'y matanda at puspos ng mga taon; at sinabi ng Panginoon sa kaniya, Ikaw ay matanda at puspos ng mga taon, at may nalalabi pang totoong maraming lupain na aariin.
Josh TagAngBi 13:2  Ito ang lupain na nalalabi pa: ang lahat na lupain ng mga Filisteo, at ang lahat na Gessureo:
Josh TagAngBi 13:3  Mula sa Sihor na nasa tapat ng Egipto, hanggang sa hangganan ng Accaron na dakong hilagaan, na nabilang sa mga Cananeo: ang limang pangulo ng mga Filisteo, ang mga Gazeo, ang mga Asdodeo, ang mga Ascaloneo, ang mga Getheo, ang mga Accaronneo; gayon din ang mga Heveo,
Josh TagAngBi 13:4  Sa dakong timugan: ang lahat na lupain ng mga Cananeo, at ang Mehara, na nauukol sa mga Sidonio hanggang sa Aphec, na hangganan ng mga Amorrheo;
Josh TagAngBi 13:5  At ang lupain ng mga Gebalita at ang buong Libano, sa dakong sinisikatan ng araw, mula sa Baal-gad, sa ibaba ng bundok Hermon hanggang sa pasukan sa Hamat:
Josh TagAngBi 13:6  Ang lahat ng taga lupaing maburol mula sa Libano hanggang sa Misrephoth-maim, sa makatuwid baga'y lahat ng mga Sidonio; sila'y aking itataboy mula sa harap ng mga anak ni Israel: iyo lamang bahagihin sa Israel na pinakamana, gaya ng iniutos ko sa iyo.
Josh TagAngBi 13:7  Iyo ngang bahagihin ang lupaing ito na pinakamana sa siyam na lipi, at sa kalahating lipi ni Manases.
Josh TagAngBi 13:8  Sa kaniya'y tinanggap ng mga Rubenita at ng mga Gadita, ang kanilang mana, na ibinigay sa kanila ni Moises, sa dako roon ng Jordan na dakong silanganan gaya ng ibinigay sa kanila ni Moises na lingkod ng Panginoon;
Josh TagAngBi 13:9  Mula sa Aroer na nasa tabi ng libis ng Arnon, at ang bayan na nasa gitna ng libis, at ng buong kapatagan ng Medeba hanggang sa Dibon:
Josh TagAngBi 13:10  At ang lahat na bayan ni Sehon na hari ng mga Amorrheo, na naghahari sa Hesbon hanggang sa hangganan ng mga anak ni Ammon;
Josh TagAngBi 13:11  At ang Galaad, at ang hangganan ng mga Gessureo at ng mga Maachateo at ang buong bundok ng Hermon, at ang buong Basan hanggang sa Salca;
Josh TagAngBi 13:12  Ang buong kaharian ni Og sa Basan, na naghari sa Astaroth at sa Edrei (na siyang naiwang labi sa mga Rephaim); sapagka't sinaktan ang mga ito ni Moises at mga itinaboy.
Josh TagAngBi 13:13  Gayon ma'y hindi itinaboy ng mga anak ni Israel ang mga Gessureo, ni ang mga Maachateo; kundi ang Gessureo at ang Maachateo ay tumahan sa gitna ng Israel hanggang sa araw na ito.
Josh TagAngBi 13:14  Ang lipi lamang ni Levi ang hindi niya binigyan ng mana; ang mga handog sa Panginoon, sa Dios ng Israel na pinaraan sa apoy ay siyang kaniyang mana, gaya ng sinalita niya sa kaniya.
Josh TagAngBi 13:15  At nagbigay si Moises sa lipi ng mga anak ni Ruben ng ayon sa kanilang mga angkan.
Josh TagAngBi 13:16  At ang kanilang hangganan ay mula sa Aroer, na nasa tabi ng libis ng Arnon, at ang bayang nasa gitna ng libis, at ang buong kapatagan sa tabi ng Medeba;
Josh TagAngBi 13:17  Ang Hesbon at ang lahat ng mga bayan niyaon na nasa kapatagan; ang Dibon at ang Bamoth-baal, at ang Beth-baal-meon;
Josh TagAngBi 13:19  At ang Chiriataim, at ang Sibma, at ang Zereth-shahar, sa bundok ng libis;
Josh TagAngBi 13:20  At ang Beth-peor, at ang mga tagudtod ng Pisga, at ng Beth-jesimoth;
Josh TagAngBi 13:21  At ang lahat ng mga bayan sa kapatagan at ang buong kaharian ni Sehon na hari ng mga Amorrheo na naghari sa Hesbon, na siyang sinaktan ni Moises na gayon din ang mga pinuno sa Madian, si Hevi, si Recem, at si Sur, at si Hur, at si Reba, na mga prinsipe ni Sehon, na tumahan sa lupain.
Josh TagAngBi 13:22  Si Balaam man na anak ni Beor na manghuhula, ay pinatay ng mga anak ni Israel ng tabak sa gitna ng nalabi sa kanilang nangapatay.
Josh TagAngBi 13:23  At ang hangganan ng mga anak ni Ruben ay ang Jordan, at ang hangganan niyaon. Ito ang mana ng mga anak ni Ruben ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayan at ang mga nayon niyaon.
Josh TagAngBi 13:24  At si Moises ay nagbigay sa lipi ni Gad, sa mga anak ni Gad, ng ayon sa kanilang mga angkan.
Josh TagAngBi 13:25  At ang kanilang hangganan ay ang Jacer, at ang lahat na bayan ng Galaad, at ang kalahati ng lupain ng mga anak ni Ammon hanggang sa Aroer na nasa tapat ng Rabba;
Josh TagAngBi 13:26  At mula sa Hesbon hanggang sa Ramathmizpe, at sa Betonim; at mula sa Mahanaim hanggang sa hangganan ng Debir.
Josh TagAngBi 13:27  At sa libis, ang Beth-aram, at ang Beth-nimra, at ang Sucoth, at ang Saphon, na labis ng kaharian ni Sehon na hari sa Hesbon, ang Jordan at ang hangganan niyaon, hanggang sa kaduluduluhang bahagi ng dagat ng Cinnereth, sa dako roon ng Jordan na dakong silanganan.
Josh TagAngBi 13:28  Ito ang mana ng mga anak ni Gad ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayan at ang mga nayon niyaon.
Josh TagAngBi 13:29  At si Moises ay nagbigay ng mana sa kalahating lipi ni Manases: at yao'y sa kalahating lipi ng mga anak ni Manases ayon sa kanilang mga angkan.
Josh TagAngBi 13:30  At ang kanilang hangganan ay mula sa Mahanaim, ang buong Basan, ang buong kaharian ni Og na hari sa Basan at ang lahat ng mga bayan ng Jair na nasa Basan, anim na pung bayan.
Josh TagAngBi 13:31  At ang kalahati ng Galaad at ang Astaroth at ang Edrei, ang mga bayan ng kaharian ni Og sa Basan, ay sa mga anak ni Machir na anak ni Manases, sa makatuwid baga'y sa kalahati ng mga anak ni Machir ayon sa kanilang mga angkan.
Josh TagAngBi 13:32  Ito ang mga mana na binahagi ni Moises sa mga kapatagan ng Moab, sa dako roon ng Jordan sa Jerico, na dakong silanganan.
Josh TagAngBi 13:33  Nguni't sa lipi ni Levi ay walang ibinigay si Moises na mana: ang Panginoon, ang Dios ng Israel ay siyang kanilang mana, gaya ng kaniyang sinalita sa kanila.
Chapter 14
Josh TagAngBi 14:1  At ito ang mga mana na sinakop ng mga anak ni Israel sa lupain ng Canaan, na binahagi sa kanila ni Eleazar na saserdote, at ni Josue na anak ni Nun, at ng mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng mga lipi ng mga anak ni Israel,
Josh TagAngBi 14:2  Sa pamamagitan ng sapalaran ng kanilang mana, gaya ng iniutos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises, sa siyam na lipi, at sa kalahating lipi.
Josh TagAngBi 14:3  Sapagka't nabigyan na ni Moises ng mana ang dalawang lipi at ang kalahating lipi sa dako roon ng Jordan: nguni't sa mga Levita ay wala siyang ibinigay na mana sa kanila.
Josh TagAngBi 14:4  Sapagka't ang mga anak ni Jose ay naging dalawang lipi ang Manases at ang Ephraim: at hindi sila nagbigay ng bahagi sa mga Levita sa lupain, liban ang mga bayan na matahanan, pati ng mga nayon niyaon sa kanilang hayop at sa kanilang pag-aari.
Josh TagAngBi 14:5  Kung paano iniutos ng Panginoon kay Moises, ay gayon ang ginawa ng mga anak ni Israel, at kanilang binahagi ang lupain.
Josh TagAngBi 14:6  Nang magkagayo'y lumapit ang mga anak ni Juda kay Josue sa Gilgal: at sinabi sa kaniya ni Caleb na anak ni Jephone na Cenezeo, Iyong talastas ang bagay na sinalita ng Panginoon kay Moises na lalake ng Dios, tungkol sa akin at tungkol sa iyo sa Cades-barnea.
Josh TagAngBi 14:7  Ako'y may apat na pung taon nang ako'y suguin ni Moises na lingkod ng Panginoon mula sa Cades-barnea upang tiktikan ang lupain; at aking dinalhan ng sagot siya ng gaya ng nasa aking puso.
Josh TagAngBi 14:8  Gayon ma'y pinapanglumo ng mga kapatid na kasama ko ang puso ng bayan: nguni't ako'y lubos na sumunod sa Panginoon kong Dios.
Josh TagAngBi 14:9  At si Moises ay sumumpa nang araw na yaon, na nagsasabi, Tunay na ang lupain na tinuntungan ng iyong paa ay magiging isang mana sa iyo at sa iyong mga anak magpakailan man, sapagka't sumunod kang lubos sa Panginoon kong Dios.
Josh TagAngBi 14:10  At ngayon, narito, iningatan akong buhay ng Panginoon, gaya ng kaniyang sinalita, nitong apat na pu't limang taon, mula nang panahon na salitain ng Panginoon ang salitang ito kay Moises, samantalang lumalakad ang Israel sa ilang; at ngayon, narito, sa araw na ito ako'y may walong pu't limang taon na.
Josh TagAngBi 14:11  Gayon ma'y malakas pa ako sa araw na ito na gaya nang araw na suguin ako ni Moises: kung paano nga ang lakas ko noon, ay gayon ang lakas ko ngayon, sa pakikidigma, at gayon din sa paglalabas pumasok.
Josh TagAngBi 14:12  Ngayon nga'y ibigay mo sa akin ang lupaing maburol na ito na sinalita ng Panginoon nang araw na yaon: sapagka't iyong nabalitaan nang araw na yaon kung paanong nariyan ang mga Anaceo, at mga bayang malalaki at nakukutaan: marahil ay sasa akin ang Panginoon, at akin silang maitataboy na gaya ng sinalita ng Panginoon.
Josh TagAngBi 14:13  At binasbasan siya ni Josue at kaniyang ibinigay ang Hebron kay Caleb na Anak ni Jephone, na pinakaari niya.
Josh TagAngBi 14:14  Kaya't ang Hebron ay naging mana ni Caleb na anak ni Jephone na Cenezeo hanggang sa araw na ito; sapagka't kaniyang lubos na sinunod ang Panginoon, ang Dios ng Israel.
Josh TagAngBi 14:15  Ang pangalan nga ng Hebron nang una ay Chiriath-arba; na siyang Arba na pinaka malaking lalake sa mga Anaceo. At ang lupain ay nagpahinga sa pakikidigma.
Chapter 15
Josh TagAngBi 15:1  At naging kapalaran ng lipi ng mga anak ni Juda ayon sa kanilang mga angkan ay hanggang sa hangganan ng Edom; hanggang sa ilang ng Zin na dakong timugan, sa kahulihulihang bahagi ng timugan.
Josh TagAngBi 15:2  At ang kanilang hangganang timugan ay mula sa kahulihulihang bahagi ng Dagat na Alat, mula sa dagat-dagatan na nakaharap sa dakong timugan:
Josh TagAngBi 15:3  At palabas sa dakong timugan ng pagsampa sa Acrabim, at patuloy sa Zin at pasampa sa timugan ng Cades-barnea, at patuloy sa Hezron, at pasampa sa Addar, at paliko sa Carca:
Josh TagAngBi 15:4  At patuloy sa Azmon, at palabas sa batis ng Egipto, at ang mga labasan ng hangganan ay sa dagat: ito ang magiging inyong hangganang timugan.
Josh TagAngBi 15:5  At ang hangganang silanganan ay ang Dagat na Alat, hanggang sa katapusan ng Jordan. At ang hangganan ng hilagaang dako ay mula sa dagat-dagatan ng dagat na nasa katapusan ng Jordan:
Josh TagAngBi 15:6  At pasampa ang hangganan sa Beth-hogla, at patuloy sa hilagaan ng Beth-araba; at ang hangganan ay pasampa sa bato ni Bohan na anak ni Ruben:
Josh TagAngBi 15:7  At ang hangganan ay pasampa sa Debir mula sa libis ng Achor, at gayon sa dakong hilagaang paharap sa dakong Gilgal, na nasa tapat ng pagsampa sa Adumin, na nasa dakong timugan ng ilog: at ang hangganan ay patuloy sa tubig ng En-semes, at ang mga labasan niyaon ay sa En-rogel:
Josh TagAngBi 15:8  At ang hangganan ay pasampa sa libis ng anak ni Hinnom hanggang sa dako ng Jebuseo na dakong timugan (na siya ring Jerusalem): at ang hangganan ay pasampa sa taluktok ng bundok na dumudoon sa harap ng libis ng Hinnom na dakong kalunuran, na sa kahulihulihang bahagi ng libis ng Rephaim na dakong hilagaan:
Josh TagAngBi 15:9  At ang hangganan ay paabot mula sa taluktok ng bundok hanggang sa bukal ng tubig ng Nephtoa, at palabas sa mga bayan ng bundok ng Ephron, at ang hangganan ay paabot sa Baala (na siya ring Chiriath-jearim):
Josh TagAngBi 15:10  At ang hangganan ay paliko mula sa Baala sa dakong kalunuran sa bundok ng Seir, at patuloy sa tabi ng bundok Jearim sa hilagaan (na siya ring Chesalon), at pababa sa Beth-semes at patuloy sa Timna.
Josh TagAngBi 15:11  At ang hangganan ay palabas sa siping ng Ecron na dakong hilagaan; at ang hangganan ay paabot sa Sicheron, at patuloy sa bundok ng Baala, at palabas sa Jabneel; at ang mga labasan ng hangganan ay sa dagat.
Josh TagAngBi 15:12  At ang hangganang kalunuran ay ang malaking dagat, at ang hangganan niyaon. Ito ang hangganan ng mga anak ni Juda sa palibot, ayon sa kanilang mga angkan.
Josh TagAngBi 15:13  At kay Caleb na anak ni Jephone ay nagbigay siya ng isang bahagi sa gitna ng mga anak ni Juda, ayon sa utos ng Panginoon kay Josue, sa makatuwid baga'y ang Chiriath-arba, na siyang Arba na ama ni Anac (na siya ring Hebron).
Josh TagAngBi 15:14  At pinalayas ni Caleb mula roon ang tatlong anak ni Anac: si Sesai, si Aiman at si Talmai, na mga anak ni Anac.
Josh TagAngBi 15:15  At siya'y sumampa mula roon laban sa mga taga Debir: ang pangalan nga ng Debir nang una ay Chiriath-sepher.
Josh TagAngBi 15:16  At sinabi ni Caleb, Ang sumakit sa Chiriath-sepher at sumakop, sa kaniya ko papagaasawahin si Axa na aking anak na babae.
Josh TagAngBi 15:17  At sinakop ni Othoniel na anak ni Cenez, na kapatid ni Caleb: at pinapagasawa niya sa kaniya si Axa na kaniyang anak na babae.
Josh TagAngBi 15:18  At nangyari, nang si Axa ay malakip sa kaniya, na kinilos nito siya na humingi sa kaniyang ama ng isang parang: at siya'y bumaba sa kaniyang asno, at sinabi ni Caleb sa kaniya, Anong ibig mo?
Josh TagAngBi 15:19  At kaniyang sinabi, Pagpalain mo ako; sapagka't inilagay mo ako sa lupaing Timugan, ay bigyan mo rin ako ng mga bukal ng tubig. At ibinigay niya sa kaniya ang mga bukal sa itaas at ang mga bukal sa ibaba.
Josh TagAngBi 15:20  Ito ang mana ng lipi ng mga anak ni Juda ayon sa kanilang mga angkan.
Josh TagAngBi 15:21  At ang mga kaduluduluhang bayan ng lipi ng mga anak ni Juda sa dako ng hangganan ng Edom sa timugan ay Cabseel, at Eder, at Jagur,
Josh TagAngBi 15:25  At Asor-hadatta, at Cheriothhesron (na siya ring Asor),
Josh TagAngBi 15:32  At Lebaoth at Silim, at Ain at Rimmon: lahat ng mga bayan ay dalawang pu't siyam, pati ng mga nayon ng mga yaon.
Josh TagAngBi 15:36  At Saraim at Adithaim, at Gedera at Gederothaim; labing apat na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
Josh TagAngBi 15:41  At Gederoth, at Beth-dagon, at Naama at Maceda: labing anim na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
Josh TagAngBi 15:44  At Ceila, at Achzib, at Maresa; siyam na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
Josh TagAngBi 15:45  Ecron at ang mga bayan niyaon, at ang mga nayon niyaon:
Josh TagAngBi 15:46  Mula sa Ecron hanggang sa dagat, lahat na nasa siping ng Asdod pati ng mga nayon ng mga yaon.
Josh TagAngBi 15:47  Asdod, ang mga bayan niyaon at ang mga nayon niyaon, Gaza, ang mga bayan niyaon at ang mga nayon niyaon; hanggang sa batis ng Egipto, at ang malaking dagat at ang hangganan niyaon.
Josh TagAngBi 15:48  At sa lupaing maburol, Samir, at Jattir, at Soco,
Josh TagAngBi 15:51  At Gosen, at Olon, at Gilo: labing isang bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
Josh TagAngBi 15:54  At Humta, at Chiriath-arba (na siyang Hebron), at Sior; siyam na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
Josh TagAngBi 15:57  Cain, Gibea, at Timna: sangpung bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
Josh TagAngBi 15:59  At Maarath, at Beth-anoth, at Eltecon; anim na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
Josh TagAngBi 15:60  Chiriath-baal (na siyang Chiriath-jearim), at Rabba: dalawang bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
Josh TagAngBi 15:62  At Nibsan, at ang Bayan ng Asin, at En-gedi: anim na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
Josh TagAngBi 15:63  At tungkol sa mga Jebuseo na mga taga Jerusalem ay hindi napalayas ng mga anak ni Juda: kundi ang mga Jebuseo ay nanahang kasama ng mga anak ni Juda sa Jerusalem hanggang sa araw na ito.
Chapter 16
Josh TagAngBi 16:1  At ang kapalaran ng mga anak ni Jose ay nagmula sa Jordan sa Jerico, sa tubig ng Jerico sa dakong silanganan, hanggang sa ilang na pasampa, mula sa Jerico at patuloy sa lupaing maburol hanggang sa Beth-el;
Josh TagAngBi 16:2  At palabas mula sa Beth-el na patungo sa Luz at patuloy sa hangganan ng mga Archita na patungo sa Ataroth;
Josh TagAngBi 16:3  At pababa sa dakong kalunuran sa hangganan ng mga Japhleteo, hanggang sa hangganan ng Beth-horon sa ibaba, hanggang sa Gezer: at ang mga labasan niyaon ay sa dagat.
Josh TagAngBi 16:4  At kinuha ang kanilang mana ng mga anak ni Jose, ng Manases, at ng Ephraim.
Josh TagAngBi 16:5  At ang hangganan ng mga anak ni Ephraim ayon sa kanilang mga angkan ay ito: ang hangganan ng kanilang mana na dakong silanganan ay Ataroth-addar, hanggang sa Beth-horon sa itaas:
Josh TagAngBi 16:6  At ang hangganan ay palabas sa dakong kalunuran sa Michmetat, sa hilagaan; at ang hangganan ay paliko sa dakong silanganan hanggang sa Tanath-silo at patuloy sa silanganan ng Janoa:
Josh TagAngBi 16:7  At pababa mula sa Janoa na patungo sa Ataroth at sa Naara, at abot hanggang sa Jerico, at palabas sa Jordan.
Josh TagAngBi 16:8  Mula sa Tappua ay patuloy ang hangganan sa dakong kalunuran sa batis ng Cana: at ang labasan niyaon ay sa dagat. Ito ang mana ng lipi ng mga anak ni Ephraim ayon sa kanilang mga angkan,
Josh TagAngBi 16:9  Pati ng mga bayan na inihiwalay sa mga anak ni Ephraim sa gitna ng mana ng mga anak ni Manases, lahat ng mga bayan na kalakip ng mga nayon ng mga yaon.
Josh TagAngBi 16:10  At hindi nila pinalayas ang mga Cananeo na nananahan sa Gezer: kundi ang mga Cananeo ay nanahan sa gitna ng Ephraim hanggang sa araw na ito, at naging mga alilang tagapagatag.
Chapter 17
Josh TagAngBi 17:1  At ito ang kapalaran ng lipi ni Manases; sapagka't siya ang panganay ni Jose. Tungkol kay Machir na panganay ni Manases, na ama ni Galaad, sapagka't siya'y lalaking mangdidigma, ay kaniya ngang tinangkilik ang Galaad at ang Basan.
Josh TagAngBi 17:2  At ang napasa ibang mga anak ni Manases ayon sa kanilang mga angkan, sa mga anak ng Abiezer, at sa mga anak ng Helec, at sa mga anak ng Esriel, at sa mga anak ng Sichem, at sa mga anak ng Hepher, at sa mga anak ng Semida; ang mga ito ang mga anak na lalake ni Manases na anak ni Jose, ayon sa kanilang mga angkan.
Josh TagAngBi 17:3  Nguni't si Salphaad na anak ni Hepher, na anak ni Galaad na anak ni Machir, na anak ni Manases, ay hindi nagkaroon ng mga anak na lalake kundi mga babae: at ito ang mga pangalan ng kaniyang mga anak: Maala, at Noa, Hogla, Milcha, at Tirsa.
Josh TagAngBi 17:4  At sila'y lumapit sa harap ni Eleazar na saserdote at sa harap ni Josue na anak ni Nun, at sa harap ng mga prinsipe, na sinasabi, Iniutos ng Panginoon kay Moises na bigyan kami ng mana sa gitna ng aming mga kapatid: kaya't ayon sa utos ng Panginoon ay binigyan niya sila ng mana sa gitna ng mga kapatid ng kanilang ama.
Josh TagAngBi 17:5  At nahulog ang sangpung bahagi kay Manases, bukod sa lupain ng Galaad at ang Basan, na nasa dako roon ng Jordan;
Josh TagAngBi 17:6  Sapagka't ang mga anak na babae ni Manases ay nagkaroon ng mana sa gitna ng kaniyang mga anak; at ang lupain ng Galaad ay ukol sa nalabi sa mga anak ni Manases.
Josh TagAngBi 17:7  At ang hangganan ng Manases ay mula sa Aser hanggang sa Michmetat, na nasa tapat ng Sichem; at ang hangganan ay patuloy sa kanan, hanggang sa mga taga En-tappua.
Josh TagAngBi 17:8  Ang lupain ng Tappua ay ukol sa Manases: nguni't ang Tappua sa hangganan ng Manases ay ukol sa mga anak ni Ephraim.
Josh TagAngBi 17:9  At ang hangganan ay pababa hanggang sa batis ng Cana, na dakong timugan ng batis: ang mga bayang ito ay ukol sa Ephraim sa gitna ng mga bayan ng Manases: at ang hangganan ng Manases ay nasa dakong hilagaan ng batis, at ang labasan niyaon ay sa dagat;
Josh TagAngBi 17:10  Ang dakong timugan ay ang sa Ephraim, at ang dakong hilagaan ay ang sa Manases, at ang dagat ay hangganan niyaon; at abot sa Aser sa hilagaan at sa Issachar sa silanganan.
Josh TagAngBi 17:11  At tinatangkilik ng Manases sa Issachar at sa Aser ang Beth-san at ang mga nayon niyaon, at ang Ibleam at ang mga nayon niyaon, at ang mga taga Dor, at ang mga nayon niyaon, at ang mga taga En-dor at ang mga nayon niyaon, at ang mga taga Taanach at ang mga nayon niyaon, at ang mga taga Megiddo, at ang mga nayon niyaon, ang tatlong kaitaasan.
Josh TagAngBi 17:12  Gayon ma'y hindi napalayas ng mga anak ni Manases ang mga taga-roon sa mga bayang yaon; kundi ang mga Cananeo ay nanahan sa lupaing yaon.
Josh TagAngBi 17:13  At nangyari, nang ang mga anak ni Israel ay lumakas, na kanilang inilagay ang mga Cananeo sa pagaatag, at hindi nila lubos na pinalayas.
Josh TagAngBi 17:14  At ang mga anak ni Jose ay nagsalita kay Josue, na sinasabi, Bakit ang ibinigay mo sa akin ay isang kapalaran at isang bahagi lamang na pinakamana, dangang malaking bayan ako, sapagka't pinagpala ako hanggang ngayon ng Panginoon?
Josh TagAngBi 17:15  At sinabi ni Josue sa kanila, Kung ikaw ay malaking bayan, sumampa ka sa gubat, at iyong malalawag doon sa iyong sarili ang lupain ng mga Pherezeo at ng mga Rephaim; yamang ang lupaing maburol ng Ephraim ay totoong makipot sa ganang iyo.
Josh TagAngBi 17:16  At sinabi ng mga anak ni Jose, Ang lupaing maburol ay hindi sukat sa amin; at ang lahat ng mga Cananeo na tumatahan sa lupain ng libis ay may mga karong bakal, sila na tumatahan sa Beth-san at sa mga nayon niyaon, at gayon din sila na nasa libis ng Jezreel.
Josh TagAngBi 17:17  At si Josue ay nagsalita sa sangbahayan ni Jose, ni Ephraim at ni Manases, na sinasabi, Ikaw ay malaking bayan, at may dakilang kapangyarihan: hindi marapat sa iyo ang isang kapalaran lamang:
Josh TagAngBi 17:18  Kundi ang lupaing maburol ay magiging iyo; sapagka't bagaman isang gubat ay iyong malalawag, at ang labasan niyaon ay magiging iyo, sapagka't iyong palalayasin ang mga Cananeo, bagaman sila'y may mga karong bakal, at bagaman sila'y matibay.
Chapter 18
Josh TagAngBi 18:1  At ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel ay nagpupulong sa Silo, at itinayo ang tabernakulo ng kapisanan doon: at ang lupain ay sumuko sa harap nila.
Josh TagAngBi 18:2  At nalabi sa mga anak ni Israel ay pitong lipi na hindi pa nababahaginan ng kanilang mana.
Josh TagAngBi 18:3  At sinabi ni Josue sa mga anak ni Israel, Hanggang kailan magpapakatamad kayo upang pasukin ninyong ariin ang lupain na ibinigay sa inyo ng Panginoon, ng Dios ng inyong mga magulang?
Josh TagAngBi 18:4  Maghalal kayo sa inyo ng tatlong lalake sa bawa't lipi: at aking susuguin, at sila'y babangon at lalakad sa lupain, at iguguhit ayon sa kanilang mana; at sila'y paririto sa akin.
Josh TagAngBi 18:5  At kanilang babahagihin ng pitong bahagi: ang Juda ay mananahan sa hangganan niyaon na dakong timugan, at ang sangbahayan ni Jose ay mananahan sa kanilang hangganan sa dakong hilagaan.
Josh TagAngBi 18:6  At inyong iguguhit ang lupain ng pitong bahagi, at inyong dadalhin ang pagkaguhit dito sa akin: at aking ipagsasapalaran dito sa inyo sa harap ng Panginoon natin Dios;
Josh TagAngBi 18:7  Sapagka't ang mga Levita ay walang bahagi sa gitna ninyo; sapagka't ang pagkasaserdote sa Panginoon ay siyang kanilang mana: at ang Gad, at ang Ruben at ang kalahating lipi ni Manases ay tumanggap na ng kanilang mana sa dako roon ng Jordan na dakong silanganan, na ibinigay sa kanila ni Moises na lingkod ng Panginoon.
Josh TagAngBi 18:8  At ang mga lalake ay tumindig at yumaon: at ibinilin sa kanila ni Josue na yumaong iguhit ang lupain, na sinasabi, Yumaon kayo at lakarin ninyo ang lupain at iguhit ninyo at bumalik kayo sa akin, at aking ipagsasapalaran sa inyo dito sa harap ng Panginoon sa Silo.
Josh TagAngBi 18:9  At ang mga lalake ay yumaon at nilakad ang lupain, at iginuhit sa isang aklat ayon sa mga bayan na pitong bahagi, at sila'y naparoon kay Josue sa kampamento sa Silo.
Josh TagAngBi 18:10  At ipinagsapalaran ni Josue sa kanila sa Silo sa harap ng Panginoon; at binahagi roon ni Josue ang lupain sa mga anak ni Israel ayon sa kanilang mga bahagi.
Josh TagAngBi 18:11  At ang kapalaran ng lipi ng mga anak ni Benjamin ay lumabas ayon sa kanilang mga angkan: at ang hangganan ng kanilang kapalaran ay palabas sa pagitan ng mga anak ni Juda at ng mga anak ni Jose.
Josh TagAngBi 18:12  At ang kanilang hangganan sa hilagaang sulok ay mula sa Jordan; at ang hangganan ay pasampa sa dako ng Jerico sa hilagaan, at pasampa sa lupaing maburol na dakong kalunuran; at ang labasan niyaon ay sa ilang ng Beth-aven.
Josh TagAngBi 18:13  At ang hangganan ay patuloy mula roon hanggang sa Luz, sa dako ng Luz (na siyang Beth-el), na dakong timugan; at ang hangganan ay pababa sa Ataroth-addar, sa tabi ng bundok na dumudoon sa timugan ng Beth-horon sa ibaba.
Josh TagAngBi 18:14  At ang hangganan ay patuloy at paliko sa kalunurang sulok na dakong timugan mula sa bundok na nakalatag sa harap ng Beth-horon na dakong timugan, at ang mga labasan niyaon ay sa Chiriath-baal (na siyang Chiriath-jearim), na bayan ng mga anak ni Juda: ito ang kalunurang sulok.
Josh TagAngBi 18:15  At ang timugang sulok ay mula sa kahulihulihang bahagi ng Chiriath-jearim at ang hangganan ay palabas sa dakong kalunuran, at palabas sa bukal ng tubig ng Nephtoa:
Josh TagAngBi 18:16  At ang hangganan ay pababa sa kahulihulihang bahagi ng bundok na nakalatag sa harap ng libis ng anak ni Hinnom, na nasa libis ng Rephaim na dakong hilagaan; at pababa sa libis ni Hinnom, sa dako ng Jebuseo na dakong timugan at pababa sa En-rogel;
Josh TagAngBi 18:17  At paabot sa hilagaan at palabas sa En-semes, at palabas sa Geliloth na nasa tapat ng pagsampa sa Adummim; at pababa sa bato ng Bohan na anak ni Ruben,
Josh TagAngBi 18:18  At patuloy sa tagiliran na tapat ng Araba sa dakong hilagaan, at pababa sa Araba;
Josh TagAngBi 18:19  At ang hangganan ay patuloy sa tabi ng Beth-hogla na dakong hilagaan, at ang labasan ng hangganan ay sa hilagaang dagat-dagatan ng Dagat na Alat, sa timugang dulo ng Jordan; ito ang timugang hangganan.
Josh TagAngBi 18:20  At ang Jordan ay hangganan niyaon sa sulok na silanganan. Ito ang mana ng mga anak ni Benjamin ayon sa mga hangganan niyaon sa palibot, ayon sa kanilang mga angkan.
Josh TagAngBi 18:21  Ang mga bayan nga ng lipi ng mga anak ni Benjamin ayon sa kanilang mga angkan ay Jerico, at Beth-hogla, at Emec-casis:
Josh TagAngBi 18:24  At Cephar-hammonai, at Ophni, at Gaba, labing dalawang bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
Josh TagAngBi 18:28  At Sela, Eleph, at Jebus (na siyang Jerusalem), Gibeath, at Chiriath; labing apat na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon. Ito ang mana ng mga anak ni Benjamin ayon sa kanilang mga angkan.
Chapter 19
Josh TagAngBi 19:1  At ang ikalawang kapalaran ay napasa Simeon, sa lipi ng mga anak ng Simeon ayon sa kanilang mga angkan: at ang kanilang mana ay nasa gitna ng mana ng mga anak ni Juda.
Josh TagAngBi 19:2  At kanilang tinamo na pinakamana ang Beerseba, o Seba, at Molada;
Josh TagAngBi 19:6  At Beth-lebaoth, at Saruhen: labing tatlong bayan pati ng mga nayon niyaon:
Josh TagAngBi 19:7  Ain, Rimmon, at Eter, at Asan, apat na bayan pati ng mga nayon niyaon:
Josh TagAngBi 19:8  At ang lahat ng mga nayon na nasa palibot ng mga bayang ito hanggang sa Baalathbeer, Ramat ng Timugan. Ito ang mana ng lipi ng mga anak ni Simeon ayon sa kanilang mga angkan.
Josh TagAngBi 19:9  Mula sa bahagi ng mga anak ni Juda ang mana ng mga anak ni Simeon: sapagka't ang bahagi ng mga anak ni Juda ay totoong marami sa ganang kanila; kaya't ang mga anak ni Simeon ay nagkaroon ng mana sa gitna ng kanilang mana.
Josh TagAngBi 19:10  At ang ikatlong kapalaran ay napasa mga anak ni Zabulon ayon sa kanilang mga angkan. At ang hangganan ng kanilang mana ay hanggang sa Sarid:
Josh TagAngBi 19:11  At ang kanilang hangganan ay pasampa sa dakong kalunuran sa Merala, at abot sa Dabbeseth at mula roo'y abot sa batis na nasa harap ng Jocneam,
Josh TagAngBi 19:12  At paliko mula sa Sarid sa dakong silanganan na dakong sinisikatan ng araw hanggang sa hangganan ng Chisiloth-tabor, at palabas sa Dabrath, at pasampa sa Japhia;
Josh TagAngBi 19:13  At mula roon ay patuloy sa dakong silanganan sa Gith-hepher, sa Ittakazin; at palabas sa Rimmon na luwal hanggang sa Nea:
Josh TagAngBi 19:14  At ang hangganan ay paliko sa hilagaan na patungo sa Hanaton: at ang labasan niyaon ay sa libis ng Iphta-el;
Josh TagAngBi 19:15  At sa Catah, at sa Naalal, at sa Simron, at sa Ideala, at sa Bethlehem: labing dalawang bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
Josh TagAngBi 19:16  Ito ang mana ng mga anak ni Zabulon ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayang ito pati ng mga nayon ng mga ito.
Josh TagAngBi 19:17  Ang ikaapat na kapalaran ay napasa Issachar, sa mga anak ni Issachar ayon sa kanilang mga angkan.
Josh TagAngBi 19:18  At ang kanilang hangganan ay hanggang sa Izreel, at Chesulloth, at Sunem,
Josh TagAngBi 19:21  At Rameth, at En-gannim, at En-hadda, at Beth-passes,
Josh TagAngBi 19:22  At ang hangganan ay abot sa Tabor, at Sahasim, at sa Beth-semes; at ang mga labasan ng hangganan ng mga yaon ay sa Jordan: labing anim na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
Josh TagAngBi 19:23  Ito ang mana ng lipi ng mga anak ni Issachar ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
Josh TagAngBi 19:24  At ang ikalimang kapalaran ay napasa lipi ng mga anak ni Aser ayon sa kanilang mga angkan.
Josh TagAngBi 19:25  At ang kanilang hangganan ay Helchat, at Hali, at Beten, at Axaph,
Josh TagAngBi 19:26  At Alammelec, at Amead, at Miseal; at abot sa Carmel na dakong kalunuran at sa Sihorlibnath;
Josh TagAngBi 19:27  At paliko sa dakong sinisikatan ng araw sa Beth-dagon, at abot sa Zabulon, at sa libis ng Iphta-el na dakong hilagaan sa Beth-emec at Nehiel; at palabas sa Cabul sa kaliwa.
Josh TagAngBi 19:28  At Hebron, at Rehob, at Hammon, at Cana, hanggang sa malaking Sidon,
Josh TagAngBi 19:29  At ang hangganan ay paliko sa Rama, at sa bayang nakukutaan ng Tiro; at ang hangganan ay paliko sa Hosa, at ang mga labasan niyaon ay sa dagat mula sa lupain ni Achzib;
Josh TagAngBi 19:30  Gayon din ang Umma, at Aphek, at Rehob: dalawang pu't dalawang bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
Josh TagAngBi 19:31  Ito ang mana ng lipi ng mga anak ni Aser ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayang ito pati ng mga nayon ng mga ito.
Josh TagAngBi 19:32  Ang ikaanim na kapalaran ay napasa mga anak ni Nephtali, sa mga anak ni Nephtali ayon sa kanilang mga angkan.
Josh TagAngBi 19:33  At ang kanilang hangganan ay mula sa Heleph, mula sa encina sa Saananim, at sa Adamineceb, at sa Jabneel, hanggang sa Lacum; at ang mga labasan niyaon ay sa Jordan;
Josh TagAngBi 19:34  At ang hangganan ay paliko sa dakong kalunuran sa Aznot-tabor, at palabas sa Hucuca mula roon; at abot sa Zabulon sa timugan, at abot sa Aser sa kalunuran, at sa Juda sa Jordan na dakong sinisikatan ng araw.
Josh TagAngBi 19:35  At ang mga bayang nakukutaan ay Siddim, Ser, at Hamath, Raccath, at Cinneret,
Josh TagAngBi 19:38  At Iron, at Migdalel, Horem, at Beth-anath, at Beth-semes: labing siyam na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
Josh TagAngBi 19:39  Ito ang mana ng lipi, ng mga anak ni Nephtali ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
Josh TagAngBi 19:40  Ang ikapitong kapalaran ay napasa lipi ng mga anak ni Dan ayon sa kanilang mga angkan.
Josh TagAngBi 19:41  At ang hangganan ng kanilang mana ay Sora, at Estaol, at Ir-semes,
Josh TagAngBi 19:46  At Me-jarcon, at Raccon pati ng hangganan sa tapat ng Joppa.
Josh TagAngBi 19:47  At ang hangganan ng mga anak ni Dan ay palabas sa dako roon ng mga yaon; sapagka't ang mga anak ni Dan ay sumampa at bumaka laban sa Lesem, at sinakop at sinugatan ng talim ng tabak, at inari at tumahan doon, at tinawag ang Lesem, na Dan, ayon sa pangalan ni Dan, na kanilang ama.
Josh TagAngBi 19:48  Ito ang mana ng lipi ng mga anak ni Dan ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayang ito pati ng mga nayon ng mga yaon.
Josh TagAngBi 19:49  Gayon kanilang tinapos ang pagbabahagi ng lupain na pinakamana ayon sa mga hangganan niyaon; at binigyan ng mga anak ni Israel ng mana si Josue na anak ni Nun sa gitna nila:
Josh TagAngBi 19:50  Ayon sa utos ng Panginoon ay kanilang ibinigay sa kaniya ang bayang kaniyang hiningi, ang Timnath-sera sa lupaing maburol ng Ephraim: at kaniyang itinayo ang bayan at tumahan doon.
Josh TagAngBi 19:51  Ito ang mga mana na binahagi ni Eleazar na saserdote at ni Josue na anak ni Nun, at ng mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng mga lipi ng mga anak ni Israel na pinakamana, sa pamamagitan ng pagsasapalaran sa Silo sa harap ng Panginoon sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan. Gayon nila niwakasan ang pagbabahagi ng lupain.
Chapter 20
Josh TagAngBi 20:1  At ang Panginoon ay nagsalita kay Josue, na sinasabi,
Josh TagAngBi 20:2  Magsalita ka sa mga anak ni Israel, na sabihin mo, Italaga ninyo sa inyo ang mga bayang ampunan, na aking sinalita sa inyo sa pamamagitan ni Moises:
Josh TagAngBi 20:3  Upang matakasan ng nakamatay, na nakapatay sa sinoman na hindi sinasadya at hindi kusa: at magiging ampunan ninyo laban sa manghihiganti sa dugo.
Josh TagAngBi 20:4  At siya'y tatakas sa isa sa mga bayang yaon, at tatayo sa pasukan ng pintuan ng bayan, at magsasaysay sa mga pakinig ng mga matanda sa bayang yaon; at kanilang kukunin siya sa bayan na ipagsasama nila, at bibigyan nila siya ng isang dako, upang siya'y tumahan sa gitna nila.
Josh TagAngBi 20:5  At kung siya'y habulin ng manghihiganti sa dugo, hindi nga nila ibibigay ang nakamatay sa kaniyang kamay; sapagka't kaniyang napatay ang kaniyang kapuwa na hindi sinasadya, at hindi niya kinapootan nang una.
Josh TagAngBi 20:6  At siya'y tatahan sa bayang yaon, hanggang sa siya'y tumayo sa harap ng kapisanan upang hatulan, hanggang sa pagkamatay ng pangulong saserdote, na nalalagay sa mga araw na yaon: kung magkagayo'y uuwi ang nakamatay, at paroroon sa kaniyang sariling bayan, at sa kaniyang sariling bahay, hanggang sa pinagmulan niyang bayan na tinakasan.
Josh TagAngBi 20:7  At kanilang ibinukod ang Cedes sa Galilea sa lupaing maburol ng Nepthali, at ang Sichem sa lupaing maburol ng Ephraim, at ang Chiriath-arba (na siyang Hebron) sa lupaing maburol ng Juda.
Josh TagAngBi 20:8  At sa dako roon ng Jordan sa Jerico na dakong silanganan, ay kaniyang itinalaga ang Beser sa ilang sa kapatagan, mula sa lipi ni Ruben, at ang Ramoth sa Galaad na mula sa lipi ni Gad, at ang Gaulon sa Basan na mula sa lipi ni Manases.
Josh TagAngBi 20:9  Ito ang mga itinalagang bayan sa lahat ng mga anak ni Israel, at sa taga ibang lupa na tumatahan sa gitna nila, na sinomang makamatay ng sinomang tao, na hindi sinasadya, ay makatakas doon, at huwag mapatay ng kamay ng manghihiganti sa dugo, hanggang hindi nahaharap sa kapisanan.
Chapter 21
Josh TagAngBi 21:1  Nang magkagayo'y lumapit ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng mga Levita kay Eleazar na saserdote, at kay Josue na anak ni Nun at sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng mga lipi ng mga anak ni Israel;
Josh TagAngBi 21:2  At sila'y nagsalita sa kanila sa Silo, sa lupain ng Canaan, na sinasabi, Ang Panginoon ay nagutos sa pamamagitan ni Moises, na bigyan kami ng mga bayan na matatahanan, pati ng mga nayon niyaon para sa aming hayop.
Josh TagAngBi 21:3  At sa kanilang mana ay ibinigay ng mga anak ni Israel sa mga Levita, ayon sa utos ng Panginoon, ang mga bayang ito pati ng mga nayon ng mga ito.
Josh TagAngBi 21:4  At ang kapalarang ukol sa mga angkan ng mga Coathita ay lumabas; at ang mga anak ni Aaron na saserdote, na kabilang sa mga Levita, ay nagtamo sa pamamagitan ng sapalaran sa lipi ni Juda, at sa lipi ng mga Simeonita, at sa lipi ni Benjamin, ng labing tatlong bayan.
Josh TagAngBi 21:5  At ang nalabi sa mga anak ni Coath ay nagtamo sa pamamagitan ng sapalaran sa mga angkan ng lipi ni Ephraim, at sa lipi ni Dan, at sa kalahating lipi ni Manases, ng sangpung bayan.
Josh TagAngBi 21:6  At ang mga anak ni Gerson ay nagtamo sa pamamagitan ng sapalaran sa mga angkan ng lipi ni Issachar, at sa lipi ni Aser, at sa lipi ni Nephtali, at sa kalahating lipi ni Manases sa Basan, ng labing tatlong bayan.
Josh TagAngBi 21:7  Ang mga anak ni Merari ayon sa kanilang mga angkan ay nagtamo sa lipi ni Ruben, at sa lipi ni Gad, at sa lipi ni Zabulon, ng labing dalawang bayan.
Josh TagAngBi 21:8  At ibinigay ng mga anak ni Israel sa mga Levita sa pamamagitan ng sapalaran ang mga bayang ito pati ng mga nayon nito, gaya ng iniutos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises.
Josh TagAngBi 21:9  At sa lipi ng mga anak ni Juda, at sa lipi ng mga anak ni Simeon, ay kanilang ibinigay ang mga bayang ito na nabanggit sa pangalan:
Josh TagAngBi 21:10  At pawang sa mga anak ni Aaron, sa mga angkan ng mga Coathita, na mga anak ni Levi: sapagka't sa kanila ang unang kapalaran.
Josh TagAngBi 21:11  At ibinigay nila sa kanila ang Chiriath-arba, na siyang Arba na ama ni Anac, (na siya ring Hebron,) sa lupaing maburol ng Juda, pati ng mga nayon niyaon sa palibot.
Josh TagAngBi 21:12  Nguni't ang mga parang ng bayan, at ang mga nayon, ay ibinigay nila kay Caleb na anak ni Jephone na pinakaari niya.
Josh TagAngBi 21:13  At sa mga anak ni Aaron na saserdote ay ibinigay nila ang Hebron pati ng mga nayon niyaon, ang bayang ampunan na ukol sa nakamatay, at ang Libna pati ng mga nayon niyaon;
Josh TagAngBi 21:14  At ang Jattir pati ng mga nayon niyaon, at ang Estemoa, pati ng mga nayon niyaon.
Josh TagAngBi 21:15  At ang Helon pati ng mga nayon niyaon, at ang Debir pati ng mga nayon niyaon;
Josh TagAngBi 21:16  At ang Ain pati ng mga nayon niyaon, at ang Jutta pati ng mga nayon niyaon, at ang Beth-semes pati ng mga nayon niyaon; siyam na bayan sa dalawang liping yaon.
Josh TagAngBi 21:17  At sa lipi ni Benjamin, ang Gabaon pati ng mga nayon niyaon, ang Geba pati ng mga nayon niyaon;
Josh TagAngBi 21:18  Ang Anathoth pati ng mga nayon niyaon, at ang Almon pati ng mga nayon niyaon; apat na bayan.
Josh TagAngBi 21:19  Lahat ng mga bayan ng mga anak ni Aaron na saserdote ay labing tatlong bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
Josh TagAngBi 21:20  At tinamo ng mga angkan ng mga anak ni Coath, na mga Levita, sa makatuwid baga'y ang nangalabi sa mga anak ni Coath, ang mga bayan na kanilang kapalaran sa lipi ni Ephraim.
Josh TagAngBi 21:21  At ibinigay nila sa kanila ang Sichem pati ng mga nayon niyaon sa lupaing maburol ng Ephraim, na bayang ampunan na ukol sa nakamatay, at ang Geser pati ng mga nayon niyaon.
Josh TagAngBi 21:22  At ang Kibsaim pati ng mga nayon niyaon, at ang Beth-horon pati ng mga nayon niyaon; apat na bayan.
Josh TagAngBi 21:23  At sa lipi ni Dan, ang Eltheco pati ng mga nayon niyaon, ang Gibbethon pati ng mga nayon niyaon;
Josh TagAngBi 21:24  Ang Ailon pati ng mga nayon niyaon; ang Gath-rimmon pati ng mga nayon niyaon; apat na bayan.
Josh TagAngBi 21:25  At sa kalahating lipi ni Manases, ang Taanach pati ng mga nayon niyaon; at ang Gath-rimmon pati ng mga nayon niyaon; dalawang bayan.
Josh TagAngBi 21:26  Lahat na bayan sa mga angkan ng nangalabi sa mga anak ni Coath ay sangpu pati ng mga nayon niyaon.
Josh TagAngBi 21:27  At sa mga anak ni Gerson, sa mga angkan ng mga Levita, ay ibinigay sa kanila sa kalahating lipi ni Manases ang Gaulon sa Basan pati ng mga nayon niyaon, ang bayang ampunan na ukol sa nakamatay; at ang Be-estera pati ng mga nayon niyaon; dalawang bayan.
Josh TagAngBi 21:28  At sa lipi ni Issachar, ang Cesion pati ng mga nayon niyaon, ang Dabereth pati ng mga nayon niyaon;
Josh TagAngBi 21:29  Ang Jarmuth pati ng mga nayon niyaon, ang En-gannim pati ng mga nayon niyaon: apat na bayan.
Josh TagAngBi 21:30  At sa lipi ni Aser, ang Miseal pati ng mga nayon niyaon, ang Abdon pati ng mga nayon niyaon;
Josh TagAngBi 21:31  Ang Helchath pati ng mga nayon niyaon, ang Rehob pati ng mga nayon niyaon; apat na bayan.
Josh TagAngBi 21:32  At sa lipi ni Nephtali ang bayang ampunan na ukol sa nakamatay, ang Cedes sa Galilea pati ng mga nayon niyaon, at ang Hammoth-dor pati ng mga nayon niyaon, at ang Cartan pati ng mga nayon niyaon; tatlong bayan.
Josh TagAngBi 21:33  Lahat na bayan ng mga Gersonita ayon sa kanilang mga angkan ay labing tatlong bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
Josh TagAngBi 21:34  At sa mga angkan ng mga anak ni Merari, na nalabi sa mga Levita, sa lipi ni Zabulon, ang Jocneam pati ng mga nayon niyaon, at ang Kartha pati ng mga nayon niyaon,
Josh TagAngBi 21:35  Ang Dimna pati ng mga nayon niyaon, ang Naalal pati ng mga nayon niyaon; apat na bayan.
Josh TagAngBi 21:36  At sa lipi ni Ruben; ang Beser pati ng mga nayon niyaon, at ang Jasa pati ng mga nayon niyaon.
Josh TagAngBi 21:37  Ang Cedemoth pati ng mga nayon niyaon, at ang Mephaat pati ng mga nayon niyaon; apat na bayan.
Josh TagAngBi 21:38  At sa lipi ni Gad ang bayang ampunan na ukol sa nakamatay, ang Ramoth sa Galaad pati ng mga nayon niyaon, ang Mahanaim pati ng mga nayon niyaon;
Josh TagAngBi 21:39  Ang Hesbon pati ng mga nayon niyaon, at ang Jacer pati ng mga nayon niyaon, apat na bayang lahat.
Josh TagAngBi 21:40  Lahat ng mga ito ay mga bayan ng mga anak ni Merari ayon sa kanilang mga angkan, sa makatuwid baga'y ang nalabi sa mga angkan ng mga Levita; at ang kanilang kapalaran ay labing dalawang bayan.
Josh TagAngBi 21:41  Lahat na bayan ng mga Levita sa gitna ng mga pag-aari ng mga anak ni Israel ay apat na pu't walong bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
Josh TagAngBi 21:42  Ang mga bayang ito ay kalakip bawa't isa ang mga nayon nito sa palibot ng mga yaon: gayon sa lahat ng mga bayang ito.
Josh TagAngBi 21:43  Sa gayo'y ibinigay ng Panginoon sa Israel ang boong lupain na kaniyang isinumpa na ibibigay sa kanilang mga magulang: at kanilang inari at tumahan doon.
Josh TagAngBi 21:44  At binigyan sila ng kapahingahan ng Panginoon sa palibot, ayon sa lahat ng kaniyang isinumpa sa kanilang mga magulang: at walang tumayong isang lalake sa lahat ng kanilang mga kaaway sa harap nila; ibinigay ng Panginoon ang lahat nilang mga kaaway sa kanilang kamay.
Josh TagAngBi 21:45  Walang nagkulang na isang mabuting bagay na sinalita ng Panginoon sa sangbahayan ng Israel, lahat ay nangyari.
Chapter 22
Josh TagAngBi 22:1  Tinawag nga ni Josue ang mga Rubenita, at ang mga Gadita, at ang kalahating lipi ni Manases,
Josh TagAngBi 22:2  At sinabi sa kanila, Inyong iningatan ang lahat na iniutos sa inyo ni Moises na lingkod ng Panginoon, at inyong dininig ang aking tinig sa lahat na aking iniutos sa inyo;
Josh TagAngBi 22:3  Hindi ninyo iniwan ang inyong mga kapatid na malaong panahon hanggang sa araw na ito, kundi inyong iningatan ang bilin na utos ng Panginoon ninyong Dios.
Josh TagAngBi 22:4  At ngayo'y binigyan ng kapahingahan ng Panginoon ninyong Dios ang inyong mga kapatid, gaya ng sinalita niya sa kanila: kaya't ngayo'y pumihit kayo at yumaon kayo sa inyong mga tolda sa lupain na inyong ari, na ibinigay sa inyo ni Moises na lingkod ng Panginoon sa dako roon ng Jordan.
Josh TagAngBi 22:5  Ingatan lamang ninyong mainam na gawin ang utos at ang kautusan na iniutos sa inyo ni Moises na lingkod ng Panginoon, na ibigin ang Panginoon ninyong Dios, at lumakad sa lahat niyang mga daan, at ingatan ang kaniyang mga utos, at lumakip sa kaniya, at maglingkod sa kaniya ng boo ninyong puso at ng boo ninyong kaluluwa.
Josh TagAngBi 22:6  Gayon sila binasbasan ni Josue at pinagpaalam sila: at sila'y umuwi sa kanilang mga tolda.
Josh TagAngBi 22:7  Ibinigay nga ni Moises sa kalahating lipi ni Manases ang mana sa Basan: nguni't ang kalahating lipi ay binigyan ni Josue sa gitna ng kanilang mga kapatid sa dako rito ng Jordan na dakong kalunuran. Bukod dito'y nang papagpaalamin sila ni Josue na pauwiin sa kanilang mga tolda, ay binasbasan sila,
Josh TagAngBi 22:8  At sinalita sa kanila, na sinasabi, Kayo'y bumalik na may maraming kayamanan sa inyong mga tolda, at may maraming hayop, may pilak, at may ginto, at may tanso, at may bakal, at may maraming kasuutan: magbahagi kayo sa inyong mga kapatid ng samsam sa inyong mga kaaway.
Josh TagAngBi 22:9  At ang mga anak ni Ruben, at ang mga anak ni Gad, at ang kalahating lipi ni Manases ay nagsibalik na humiwalay sa mga anak ni Israel mula sa Silo, na nasa lupain ng Canaan, upang pumaroon sa lupain ng Galaad, sa lupain ng kanilang ari na kanilang inari, ayon sa utos ng Panginoon, sa pamamagitan ni Moises.
Josh TagAngBi 22:10  At nang sila'y dumating sa may lupain ng Jordan, na nasa lupain ng Canaan, ang mga anak ni Ruben, at ang mga anak ni Gad, at ang kalahating lipi ni Manases ay nagtayo roon ng dambana sa tabi ng Jordan, isang malaking dambana na matatanaw.
Josh TagAngBi 22:11  At narinig ng mga anak ni Israel, na sinabi, Narito, ang mga anak ni Ruben, ang mga anak ni Gad, at ang kalahating lipi ni Manases ay nagtayo ng isang dambana sa tapat ng lupain ng Canaan sa may lupain ng Jordan, sa dako na nauukol sa mga anak ni Israel.
Josh TagAngBi 22:12  At nang marinig ng mga anak ni Israel, ay nagpipisan sa Silo ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel, upang sumampa laban sa kanila na makipagdigma.
Josh TagAngBi 22:13  At sinugo ng mga anak ni Israel sa mga anak ni Ruben, at sa mga anak ni Gad, at sa kalahating lipi ni Manases, sa lupain ng Galaad, si Phinees na anak ni Eleazar na saserdote;
Josh TagAngBi 22:14  At kasama niya ay sangpung prinsipe, na isang prinsipe sa sangbahayan ng mga magulang sa bawa't isa sa mga lipi ng Israel; at bawa't isa sa kanila'y pangulo sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang sa mga libolibo sa Israel.
Josh TagAngBi 22:15  At sila'y naparoon sa mga anak ni Ruben, at sa mga anak ni Gad, at sa kalahating lipi ni Manases sa lupain ng Galaad, at sinalita nila sa kanila na sinasabi,
Josh TagAngBi 22:16  Ganito ang sabi ng buong kapisanan ng Panginoon, Anong pagsalangsang ito na inyong ginawa laban sa Dios ng Israel, na humiwalay sa araw na ito sa pagsunod sa Panginoon, sa inyong pagtatayo para sa inyo ng isang dambana, upang manghimagsik sa araw na ito laban sa Panginoon?
Josh TagAngBi 22:17  Napakaliit ba sa ganang atin ang kasamaan ng Peor, na hindi natin nilinis hanggang sa araw na ito, bagaman dumating ang salot sa kapisanan ng Panginoon,
Josh TagAngBi 22:18  Upang kayo'y humiwalay sa araw na ito sa pagsunod sa Panginoon? at mangyayari na sapagka't kayo'y nanghihimagsik ngayon laban sa Panginoon ay magiinit siya bukas sa buong kapisanan ng Israel.
Josh TagAngBi 22:19  Gayon man, kung ang lupain na inyong ari ay maging marumi, lumipat nga kayo sa lupain na ari ng Panginoon, na kinatahanan ng tabernakulo ng Panginoon, at kumuha kayo ng ari sa gitna namin: nguni't huwag kayong manghimagsik laban sa Panginoon, ni manghimagsik laban sa amin, sa pagtatayo ng isang dambana bukod sa dambana ng Panginoon nating Dios.
Josh TagAngBi 22:20  Hindi ba si Achan na anak ni Zera ay nagkasala ng pagsalangsang sa itinalagang bagay, at ang pagiinit ay nahulog sa buong kapisanan ng Israel? at ang taong yaon ay hindi namatay na magisa sa kaniyang kasamaan.
Josh TagAngBi 22:21  Nang magkagayo'y sumagot ang mga anak ni Ruben, at ang mga anak ni Gad, at ang kalahating lipi ni Manases, at nagsalita sa mga pangulo ng mga libolibo sa Israel.
Josh TagAngBi 22:22  Ang Makapangyarihan, ang Dios, ang Panginoon, ang Makapangyarihan, ang Dios, ang Panginoon, ay siyang nakatatalastas; at matatalastas ng Israel; kung panghihimagsik nga o kung pagsalangsang laban sa Panginoon, (huwag mo kaming iligtas sa araw na ito,)
Josh TagAngBi 22:23  Na kami ay nagtayo para sa amin ng isang dambana upang humiwalay sa pagsunod sa Panginoon; o kung paghandugan ng mga handog na susunugin o ng handog na harina, o kung paghandugan ng mga hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, siyasatin nga ng Panginoon;
Josh TagAngBi 22:24  At kung hindi namin ginawang maingat ito, at inakala, na sabihin. Marahil sa panahong darating ay masasalita ng inyong mga anak, na sasabihin, Anong ipakikialam ninyo sa Panginoon, sa Dios ng Israel?
Josh TagAngBi 22:25  Sapagka't ginawang hangganan ng Panginoon ang Jordan sa pagitan namin at ninyo, ninyong mga anak ni Ruben at mga anak ni Gad: kayo'y walang bahagi sa Panginoon: sa gayo'y patitigilin ng inyong mga anak ang aming mga anak sa pagkatakot sa Panginoon.
Josh TagAngBi 22:26  Kaya't aming sinabi, Maghanda tayo na magtayo para sa atin ng isang dambana, hindi upang sa handog na susunugin, ni sa hain man:
Josh TagAngBi 22:27  Kundi magiging saksi sa pagitan namin at ninyo, at sa pagitan ng ating mga lahi pagkamatay natin, upang aming magawa ang paglilingkod sa Panginoon sa harap niya ng aming mga handog na susunugin at ng aming mga hain at ng aming mga handog tungkol sa kapayapaan; upang huwag masabi ng inyong mga anak sa aming mga anak sa panahong darating, Kayo'y walang bahagi sa Panginoon.
Josh TagAngBi 22:28  Kaya't sinabi namin, Mangyayari na pagka kanilang sasabihing gayon sa amin o sa aming lahi sa panahong darating, ay aming sasabihin, Narito ang anyo ng dambana ng Panginoon na ginawa ng aming mga magulang, hindi upang sa handog na susunugin, ni sa hain: kundi isang saksi sa pagitan namin at ninyo.
Josh TagAngBi 22:29  Malayo nawa sa amin na kami ay manghimagsik laban sa Panginoon, at humiwalay sa araw na ito sa pagsunod sa Panginoon sa pagtatayo ng isang dambana para sa handog na susunugin, para sa handog na harina, o para sa hain bukod sa dambana ng Panginoon nating Dios na nasa harap ng kaniyang tabernakulo.
Josh TagAngBi 22:30  At nang marinig ni Phinees na saserdote, at ng mga prinsipe ng kapisanan ng mga pangulo ng mga libolibo ng Israel na kasama niya, ang mga salita na sinalita ng mga anak ni Ruben, at ng mga anak ni Gad, at ng mga anak ni Manases, ay nakalugod na mabuti sa kanila.
Josh TagAngBi 22:31  At sinabi ni Phinees na anak ni Eleazar na saserdote sa mga anak ni Ruben, at sa mga anak ni Gad, at sa mga anak ni Manases, Sa araw na ito ay talastas namin, na ang Panginoon ay nasa gitna natin, sapagka't kayo'y hindi nagkasala ng pagsalangsang na ito laban sa Panginoon: inyo ngang iniligtas ang mga anak ni Israel sa kamay ng Panginoon.
Josh TagAngBi 22:32  At si Phinees na anak ni Eleazar na saserdote at ang mga prinsipe, ay nagsibalik na mula sa mga anak ni Ruben, at mula sa mga anak ni Gad, sa lupain ng Galaad, na tumungo sa lupain ng Canaan, sa mga anak ni Israel, at binigyan nilang sagot.
Josh TagAngBi 22:33  At ang bagay ay nakalugod sa mga anak ni Israel; at pinuri ng mga anak ni Israel ang Dios at hindi na nagsalita pa ng pagsampa laban sa kanila na bumaka na gibain ang lupain na kinatatahanan ng mga anak ni Ruben at ng mga anak ni Gad.
Josh TagAngBi 22:34  At ang dambana ay tinawag na Ed ng mga anak ni Ruben at ng mga anak ni Gad: Sapagka't anila, saksi sa pagitan natin, na ang Panginoon ay Dios.
Chapter 23
Josh TagAngBi 23:1  At nangyari pagkaraan ng maraming araw, nang mabigyan ng Panginoon ng kapahingahan ang Israel sa lahat nilang mga kaaway sa palibot, at si Josue ay matanda na at puspos ng mga taon;
Josh TagAngBi 23:2  Na tinawag ni Josue ang buong Israel, ang kanilang mga matanda, at ang kanilang mga pangulo, at ang kanilang mga hukom at ang kanilang mga pinuno, at sinabi sa kanila, Ako'y matanda na at puspos ng mga taon:
Josh TagAngBi 23:3  At inyong nakita ang lahat na ginawa ng Panginoon ninyong Dios sa lahat ng bansang ito dahil sa inyo; sapagka't ipinakipaglaban kayo ng Panginoon ninyong Dios.
Josh TagAngBi 23:4  Narito, aking binahagi sa inyo ang mga bansang ito na nangalabi, upang maging mana sa inyong mga lipi, mula sa Jordan pati ng lahat na bansa na aking inihiwalay, hanggang sa malaking dagat na dakong nilulubugan ng araw.
Josh TagAngBi 23:5  At itataboy sila ng Panginoon ninyong Dios mula sa harap ninyo, at palalayasin sila sa inyong paningin, at inyong aariin ang kanilang lupain na gaya ng sinalita ng Panginoon ninyong Dios sa inyo.
Josh TagAngBi 23:6  Kaya't kayo'y magpakatapang na mabuti na ingatan at gawin ang lahat na nakasulat sa aklat ng kautusan ni Moises na huwag kayong lumiko sa kanan o sa kaliwa;
Josh TagAngBi 23:7  Na huwag kayong pumasok sa mga bansang ito, sa mga ito na nangalalabi sa gitna ninyo; huwag din ninyong banggitin ang pangalan ng kanilang mga dios, ni magpasumpa sa pangalan ng mga yaon, ni maglingkod sa mga yaon, ni yumukod sa mga yaon:
Josh TagAngBi 23:8  Kundi lumakip kayo sa Panginoon ninyong Dios, na gaya ng inyong ginawa hanggang sa araw na ito.
Josh TagAngBi 23:9  Sapagka't pinalayas ng Panginoon sa harap ninyo ang mga malaking bansa at malakas: nguni't tungkol sa inyo, ay walang tao na tumayo sa harap ninyo hanggang sa araw na ito.
Josh TagAngBi 23:10  Isang lalake sa inyo ay hahabol sa isang libo: sapagka't ipinakikipaglaban kayo ng Panginoon ninyong Dios, gaya ng sinalita niya sa inyo.
Josh TagAngBi 23:11  Magpakaingat nga kayong mabuti sa inyong sarili, na inyong ibigin ang Panginoon ninyong Dios.
Josh TagAngBi 23:12  Kung inyo ngang tatalikuran sa anomang paraan at lalakip sa nangalabi sa mga bansang ito, sa mga ito na nangalabi sa gitna ninyo, at kayo'y magaasawa sa kanila, at kayo'y lalakip sa kanila, at sila sa inyo:
Josh TagAngBi 23:13  Ay tatalastasin ninyong lubos na hindi pa palalayasin ng Panginoon ninyong Dios ang mga bansang ito sa inyong paningin: kundi sila'y magiging silo at lalang sa inyo, at panghampas sa inyong tagiliran at mga tinik sa inyong mga mata hanggang sa kayo'y malipol dito sa mabuting lupain na ibinigay sa inyo ng Panginoon ninyong Dios.
Josh TagAngBi 23:14  At, narito, sa araw na ito ay yumayaon ako sa lakad ng buong lupa: at inyong talastas sa inyong buong puso at sa inyong buong kaluluwa na walang bagay na nagkulang sa lahat na mga mabuting bagay na sinalita ng Panginoon ninyong Dios tungkol sa inyo; lahat ay nangyari sa inyo, wala kahit isang bagay na nagkulang.
Josh TagAngBi 23:15  At mangyayari, na kung paanong ang lahat ng mga mabuting bagay ay nangyari sa inyo na sinalita sa inyo ng Panginoon ninyong Dios, ay gayon dadalhin ng Panginoon sa inyo ang lahat ng mga masamang bagay, hanggang sa kayo'y malipol niya dito sa mabuting lupain na ibinigay sa inyo ng Panginoon ninyong Dios.
Josh TagAngBi 23:16  Pagka inyong sinalangsang ang tipan ng Panginoon ninyong Dios, na kaniyang iniutos sa inyo, at yumaon at naglingkod sa ibang mga dios at yumukod sa mga yaon; ang galit nga ng Panginoon ay magaalab laban sa inyo, at kayo'y malilipol na madali sa mabuting lupain na kaniyang ibinigay sa inyo.
Chapter 24
Josh TagAngBi 24:1  At pinisan ni Josue ang lahat ng mga lipi ng Israel sa Sichem, at tinawag ang mga matanda ng Israel at ang kanilang mga pangulo, at ang kanilang mga hukom, at ang kanilang mga pinuno; at sila'y nagsiharap sa Dios.
Josh TagAngBi 24:2  At sinabi ni Josue sa buong bayan, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Ang inyong mga magulang ay tumahan nang unang panahon sa dako roon ng Ilog, na dili iba't si Thare, na ama ni Abraham at ama ni Nachor: at sila'y naglingkod sa ibang mga dios.
Josh TagAngBi 24:3  At kinuha ko ang inyong amang si Abraham mula sa dako roon ng Ilog at pinatnubayan ko siya sa buong lupain ng Canaan, at pinarami ko ang kaniyang binhi at ibinigay ko sa kaniya si Isaac.
Josh TagAngBi 24:4  At ibinigay ko kay Isaac si Jacob at si Esau: at ibinigay ko kay Esau ang bundok ng Seir upang ariin; at si Jacob at ang kaniyang mga anak ay bumabang pumasok sa Egipto.
Josh TagAngBi 24:5  At aking sinugo si Moises at si Aaron, at sinalot ko ang Egipto, ayon sa aking ginawa sa gitna niyaon: at pagkatapos ay inilabas ko kayo.
Josh TagAngBi 24:6  At inilabas ko ang inyong mga magulang sa Egipto: at kayo'y naparoon sa dagat; at hinabol ng mga taga Egipto ang inyong mga magulang, ng mga karo at ng mga nangangabayo hanggang sa Dagat na Mapula.
Josh TagAngBi 24:7  At nang sila'y dumaing sa Panginoon ay nilagyan niya ng kadiliman ang pagitan ninyo at ang mga taga Egipto, at itinabon ang dagat sa kanila, at tinakpan sila; at nakita ng inyong mga mata kung ano ang aking ginawa sa Egipto at kayo'y tumahan sa ilang na malaon.
Josh TagAngBi 24:8  At ipinasok ko kayo sa lupain ng mga Amorrheo, na tumatahan sa dako roon ng Jordan, at sila'y nakipagbaka sa inyo; at ibinigay ko sila sa inyong kamay, at inyong inari ang kanilang lupain: at nilipol ko sila sa harap ninyo.
Josh TagAngBi 24:9  Nang magkagayo'y tumindig si Balac na anak ni Zippor, na hari sa Moab, at dumigma laban sa Israel; at siya'y nagsugo at tinawag si Balaam na anak ni Beor, upang sumpain kayo:
Josh TagAngBi 24:10  Nguni't hindi ko dininig si Balaam; kaya't binasbasan nga niya kayo: gayon iniligtas ko kayo sa kaniyang kamay.
Josh TagAngBi 24:11  At kayo'y tumawid sa Jordan at dumating sa Jerico: at ang mga tao sa Jerico ay nakipaglaban sa inyo, ang Amorrheo, at ang Pherezeo, at ang Cananeo, at ang Hetheo, at ang Gergeseo, ang Heveo, at ang Jebuseo, at ibinigay ko sila sa inyong kamay.
Josh TagAngBi 24:12  At sinugo ko ang malalaking putakti sa unahan ninyo, na siyang nagtaboy sa kanila sa harap ninyo, sa makatuwid baga'y sa dalawang hari ng mga Amorrheo: hindi sa pamamagitan ng inyong tabak, ni ng inyong busog.
Josh TagAngBi 24:13  At aking binigyan kayo ng lupain na hindi ninyo binukid, at ng mga bayang hindi ninyo itinayo, at inyong tinatahanan; at mga ubasan at mga olibohan na hindi ninyo itinanim ay inyong kinakain.
Josh TagAngBi 24:14  Ngayon nga ay matakot kayo sa Panginoon, at paglingkuran ninyo siya sa pagtatapat at sa katotohanan: at inyong alisin ang mga dios na mga pinaglingkuran ng inyong mga magulang sa dako roon ng Ilog at sa Egipto; at inyong paglingkuran ang Panginoon.
Josh TagAngBi 24:15  At kung inaakala ninyong masama na maglingkod sa Panginoon, ay piliin ninyo sa araw na ito kung sino ang inyong paglilingkuran; kung ang mga dios ng inyong mga magulang na pinaglingkuran sa dako roon ng Ilog, o ang dios ng mga Amorrheo na ang lupain nila ay inyong tinatahanan: nguni't sa ganang akin at ng aking sangbahayan ay maglilingkod kami sa Panginoon.
Josh TagAngBi 24:16  At ang bayan ay sumagot at nagsabi, Malayo nawa sa amin na aming pabayaan ang Panginoon sa paglilingkod sa ibang mga dios:
Josh TagAngBi 24:17  Sapagka't ang Panginoon nating Dios ay siyang nagsampa sa atin at sa ating mga magulang mula sa lupain ng Egipto, mula sa bahay ng pagkaalipin, at siyang gumawa ng mga dakilang tandang yaon sa ating paningin, at iningatan tayo sa lahat ng daan na ating pinaroonan, at sa gitna ng lahat ng mga bayan na ating dinaanan:
Josh TagAngBi 24:18  At itinaboy ng Panginoon sa harap natin ang lahat ng mga bayan, ang mga Amorrheo na tumahan sa lupain: kaya't kami ay maglilingkod din sa Panginoon; sapagka't siya'y ating Dios.
Josh TagAngBi 24:19  At sinabi ni Josue sa bayan, Kayo'y hindi makapaglilingkod sa Panginoon; sapagka't siya'y isang banal na Dios; siya'y mapanibughuing Dios; hindi niya ipatatawad ang inyong pagsalangsang ni ang inyong mga kasalanan.
Josh TagAngBi 24:20  Kung inyong pabayaan ang Panginoon, at maglingkod sa ibang mga dios: ay hihiwalay nga siya at gagawan kayo ng kasamaan at lilipulin kayo pagkatapos na kaniyang nagawan kayo ng mabuti.
Josh TagAngBi 24:21  At sinabi ng bayan kay Josue, Hindi: kundi kami ay maglilingkod sa Panginoon.
Josh TagAngBi 24:22  At sinabi ni Josue sa bayan, Kayo'y mga saksi laban sa inyong sarili na inyong pinili sa inyo ang Panginoon, upang paglingkuran siya. At sinabi nila, Kami ay mga saksi.
Josh TagAngBi 24:23  Ngayon nga'y alisin ninyo, sabi niya, ang ibang mga dios na nasa gitna ninyo at ikiling ninyo ang inyong puso sa Panginoon, na Dios ng Israel.
Josh TagAngBi 24:24  At sinabi ng bayan kay Josue, Ang Panginoon nating Dios ay aming paglilingkuran, at ang kaniyang tinig ay aming didinggin.
Josh TagAngBi 24:25  Sa gayo'y nakipagtipan si Josue sa bayan nang araw na yaon, at nilagdaan niya sila ng palatuntunan at ng ayos sa Sichem.
Josh TagAngBi 24:26  At sinulat ni Josue ang mga salitang ito sa aklat ng kautusan ng Dios; at siya'y kumuha ng malaking bato, at inilagay sa lilim ng encina na nasa tabi ng santuario ng Panginoon.
Josh TagAngBi 24:27  At sinabi ni Josue sa buong bayan, Narito, ang batong ito ay magiging saksi laban sa atin, sapagka't narinig nito ang lahat ng mga salita ng Panginoon, na kaniyang sinalita sa atin: ito nga'y magiging saksi laban sa inyo, baka ninyo itakuwil ang inyong Dios.
Josh TagAngBi 24:28  Sa gayo'y pinapagpaalam ni Josue ang bayan, bawa't isa sa kaniyang mana.
Josh TagAngBi 24:29  At nangyari, pagkatapos ng mga bagay na ito, na si Josue, na anak ni Nun na lingkod ng Panginoon, ay namatay na may isang daan at sangpung taon ang gulang.
Josh TagAngBi 24:30  At inilibing nila siya sa hangganan ng kaniyang mana sa Timnath-sera, na nasa lupaing maburol ng Ephraim sa hilagaan ng bundok ng Gaas.
Josh TagAngBi 24:31  At naglingkod ang Israel sa Panginoon sa lahat ng mga araw ni Josue, at sa lahat ng mga araw ng mga matandang natirang nabuhay kay Josue at nakilala ang lahat na gawa ng Panginoon, na kaniyang ginawa sa Israel.
Josh TagAngBi 24:32  At ang mga buto ni Jose, na isinampa ng mga anak ni Israel mula sa Egipto ay inilibing nila sa Sichem, sa putol ng lupa na binili ni Jacob sa mga anak ni Hemor na ama ni Sichem ng isang daang putol na salapi: at mga naging mana ng mga anak ni Jose.
Josh TagAngBi 24:33  At namatay si Eleazar na anak ni Aaron; at inilibing nila siya sa burol ni Phinees na kaniyang anak na nabigay sa kaniya sa lupaing maburol ng Ephraim.