EZEKIEL
Up
Chapter 1
Ezek | TagAngBi | 1:1 | Nangyari nga nang ikatatlong pung taon, sa ikaapat na buwan, nang ikalimang araw ng buwan, samantalang ako'y kasama ng mga bihag sa pangpang ng ilog Chebar, na ang langit ay nabuksan, at ako'y nakakita ng mga pangitain mula sa Dios. | |
Ezek | TagAngBi | 1:2 | Nang ikalimang araw ng buwan, na siyang ikalimang taon ng pagkabihag ng haring Joacim, | |
Ezek | TagAngBi | 1:3 | Ang salita ng Panginoon ay dumating na maliwanag kay Ezekiel na saserdote, na anak ni Buzi, sa lupain ng mga Caldeo sa pangpang ng ilog Chebar: at ang kamay ng Panginoon, ay sumasa kaniya. | |
Ezek | TagAngBi | 1:4 | At ako'y tumingin, at, narito, isang unos na hangin ay lumabas na mula sa hilagaan, na isang malaking ulap, na may isang apoy na naglilikom sa sarili, at isang ningning sa palibot, at mula sa gitna niyao'y may parang metal na nagbabaga, mula sa gitna ng apoy. | |
Ezek | TagAngBi | 1:5 | At mula sa gitna niyao'y nanggaling ang kahawig ng apat na nilalang na may buhay. At ito ang kanilang anyo, Sila'y nakawangis ng isang tao; | |
Ezek | TagAngBi | 1:6 | At bawa't isa ay may apat na mukha, at bawa't isa sa kanila ay may apat na pakpak. | |
Ezek | TagAngBi | 1:7 | At ang kanilang mga paa ay mga matuwid na paa; at ang talampakan ng kanilang mga paa ay parang talampakan ng paa ng isang guya; at sila'y nagsisikinang na parang kulay ng tansong binuli. | |
Ezek | TagAngBi | 1:8 | At sila'y may mga kamay ng tao sa ilalim ng kanilang mga pakpak sa kanilang apat na tagiliran; at silang apat ay may kanilang mga mukha, at may kanilang mga pakpak na ganito: | |
Ezek | TagAngBi | 1:9 | Ang kanilang mga pakpak ay nagkakadaitan; sila'y hindi nagsisipihit nang sila'y yumaon; yumaon bawa't isa sa kanila na patuloy. | |
Ezek | TagAngBi | 1:10 | Tungkol sa anyo ng kanilang mga mukha, sila'y may mukhang tao; at silang apat ay may mukha ng leon sa kanang tagiliran; at silang apat ay may mukha ng baka sa kaliwang tagiliran; silang apat ay may mukha rin ng aguila. | |
Ezek | TagAngBi | 1:11 | At ang kanilang mga mukha at ang kanilang mga pakpak ay magkahiwalay sa itaas: dalawang pakpak ng bawa't isa ay nagkakadaitan at ang dalawa ay nagsisitakip ng kanilang mga katawan. | |
Ezek | TagAngBi | 1:12 | At yumaon bawa't isa sa kanila na patuloy; kung saan naparoroon ang espiritu, doon sila nangaparoroon; sila'y hindi nagsisipihit nang sila'y yumaon. | |
Ezek | TagAngBi | 1:13 | Tungkol sa anyo ng mga nilalang na may buhay, ang kanilang katulad ay parang mga bagang nagniningas; parang mga sulo: ang apoy ay tumataas at bumababa sa gitna ng mga nilalang na may buhay at ang apoy ay maningas, at mula sa apoy ay may lumabas na kidlat. | |
Ezek | TagAngBi | 1:14 | At ang mga nilalang na may buhay ay nagsitakbo at nagsibalik na parang kislap ng kidlat. | |
Ezek | TagAngBi | 1:15 | Samantala ngang minamasdan ko ang mga nilalang na may buhay, narito, ang isang gulong sa lupa sa siping ng mga nilalang na may buhay, sa bawa't isa ng apat na mukha ng mga yaon. | |
Ezek | TagAngBi | 1:16 | Ang anyo ng mga gulong at ng kanilang pagkayari ay parang kulay ng berilo: at ang apat na yaon ay may isang anyo: at ang kanilang anyo at ang kanilang pagkayari ay parang isang gulong sa loob ng isang gulong. | |
Ezek | TagAngBi | 1:17 | Pagka yumaon, nagsisiyaon sa kanilang apat na dako: hindi nagsisipihit nang sila'y yumaon. | |
Ezek | TagAngBi | 1:18 | Tungkol sa kanilang mga Rueda ay matataas at kakilakilabot; at itong apat ay may kanilang mga Ilanta na puno ng mga mata sa palibot. | |
Ezek | TagAngBi | 1:19 | At pagka ang mga nilalang na may buhay ay nagsisiyaon, ang mga gulong ay nagsisiyaon sa siping nila; at pagka ang mga nilalang na may buhay ay nangatataas mula sa lupa, ang mga gulong ay nangatataas. | |
Ezek | TagAngBi | 1:20 | Kung saan naparoroon ang espiritu ay nangaparoroon sila; doon pinaparoonan ng espiritu; at ang mga gulong ay nangatataas sa siping nila; sapagka't ang espiritu ng nilalang na may buhay ay nasa mga gulong. | |
Ezek | TagAngBi | 1:21 | Pagka ang mga yaon ay nagsisiyaon, ang mga ito'y nagsisiyaon; at pagka ang mga yaon ay nagsisitayo, ang mga ito ay nagsisitayo; at pagka ang mga yaon ay nangatataas mula sa lupa, ang mga gulong ay nangatataas sa siping nila; sapagka't ang espiritu ng nilalang na may buhay ay nasa mga gulong. | |
Ezek | TagAngBi | 1:22 | At sa ibabaw ng ulo ng nilalang na may buhay, may kawangis ng langit, na parang kulay ng kakilakilabot na bubog, na nakaunat sa itaas ng kanilang mga ulo. | |
Ezek | TagAngBi | 1:23 | At sa ilalim ng langit ay nakaunat ang kanilang mga pakpak, na ang isa ay sa gawi ng isa: bawa't isa'y may dalawa na tumatakip ng kaniyang katawan sa dakong ito, at bawa't isa'y may dalawa na tumatakip sa dakong yaon. | |
Ezek | TagAngBi | 1:24 | At nang sila'y magsiyaon, aking narinig ang pagaspas ng kanilang mga pakpak na parang hugong ng maraming tubig, parang tinig ng Makapangyarihan sa lahat, na hugong ng kagulo na gaya ng kaingay ng isang hukbo: pagka sila'y nagsisitayo, kanilang ibinababa ang kanilang mga pakpak. | |
Ezek | TagAngBi | 1:25 | At may tinig na nagmula sa itaas ng langit na nasa ibabaw ng kanilang mga ulo: pagka sila'y nagsisitayo, kanilang ibinababa ang kanilang mga pakpak. | |
Ezek | TagAngBi | 1:26 | At sa itaas ng langit na nasa itaas ng kanilang mga ulo ay may kawangis ng isang luklukan na parang anyo ng batong zafiro; at sa ibabaw ng kawangis ng luklukan ay may kawangis ng isang tao sa itaas niyaon. | |
Ezek | TagAngBi | 1:27 | At ako'y nakakita ng parang metal na nagbabaga, na parang anyo ng apoy sa loob niyaon, na nakikita mula sa kaniyang mga balakang na paitaas; at mula sa kaniyang mga balakang na paibaba ay nakakita ako ng parang anyo ng apoy, at may ningning sa palibot niyaon. | |
Chapter 2
Ezek | TagAngBi | 2:1 | At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, tumayo ka ng iyong mga paa, at ako'y makikipagsalitaan sa iyo. | |
Ezek | TagAngBi | 2:2 | At ang Espiritu ay sumaakin nang siya'y magsalita sa akin, at itinayo ako sa aking mga paa; at aking narinig siya na nagsasalita sa akin. | |
Ezek | TagAngBi | 2:3 | At kaniyang sinabi sa akin, Anak ng tao, sinusugo kita sa mga anak ni Israel, sa mga bansa na mapanghimagsik, na nanganghimagsik laban sa akin: sila at ang kanilang mga magulang ay nagsisalangsang laban sa akin, hanggang sa kaarawan ngang ito. | |
Ezek | TagAngBi | 2:4 | At ang mga anak ay walang galang at mapagmatigas na loob; sinusugo kita sa kanila: at iyong sasabihin sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios. | |
Ezek | TagAngBi | 2:5 | At sila sa didinggin man nila, o sa itatakuwil man nila (sapagka't sila'y mapanghimagsik na sangbahayan), gayon man ay matatalastas nila na nagkaroon ng propeta sa gitna nila. | |
Ezek | TagAngBi | 2:6 | At ikaw, anak ng tao, huwag matakot sa kanila, o matakot man sa kanilang mga salita, bagaman maging mga dawag at mga tinik ang kasama mo, at bagaman ikaw ay tumatahan sa gitna ng mga alakdan: huwag kang matakot sa kanilang mga salita, o manglupaypay man sa kanilang mga tingin, bagaman sila'y mapanghimagsik na sangbahayan. | |
Ezek | TagAngBi | 2:7 | At iyong sasalitain ang aking mga salita sa kanila, sa didinggin, o sa itatakuwil man; sapagka't sila'y totoong mapanghimagsik. | |
Ezek | TagAngBi | 2:8 | Nguni't ikaw, anak ng tao, dinggin mo kung ano ang sinasabi ko sa iyo; huwag kang mapanghimagsik na gaya niyaong mapanghimagsik na sangbahayan; ibuka mo ang iyong bibig, at iyong kanin ang ibinibigay ko sa iyo. | |
Ezek | TagAngBi | 2:9 | At nang ako'y tumingin, narito, isang kamay ay nakaunat sa akin; at narito, isang balumbon ay nandoon; | |
Chapter 3
Ezek | TagAngBi | 3:1 | At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, kanin mo ang iyong nasusumpungan; kanin mo ang balumbong ito, at ikaw ay yumaon, magsalita ka sa sangbahayan ni Israel. | |
Ezek | TagAngBi | 3:3 | At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, pakanin mo ang iyong tiyan, at busugin mo ang iyong bituka ng balumbong ito na aking ibinibigay sa iyo. Nang magkagayo'y kinain ko, at sa aking bibig ay naging parang pulot sa katamisan. | |
Ezek | TagAngBi | 3:4 | At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, yumaon ka, paroon ka sa sangbahayan ni Israel, at magsalita ka ng aking mga salita sa kanila. | |
Ezek | TagAngBi | 3:5 | Sapagka't ikaw ay hindi sinugo sa isang bayan na may ibang wika at may mahirap na salita, kundi sa sangbahayan ni Israel; | |
Ezek | TagAngBi | 3:6 | Hindi sa maraming bayan na may ibang wika at may mahirap na salita, na ang mga salita ay hindi mo nauunawa. Tunay na kung suguin kita sa mga yaon, didinggin ka ng mga yaon. | |
Ezek | TagAngBi | 3:7 | Nguni't hindi ka didinggin ng sangbahayan ni Israel; sapagka't hindi nila ako didinggin: sapagka't ang buong sangbahayan ni Israel ay may matigas na ulo, at may mapagmatigas na loob. | |
Ezek | TagAngBi | 3:8 | Narito, aking pinapagmatigas ang iyong mukha laban sa kanilang mga mukha, at pinatigas ko ang iyong ulo laban sa kanilang mga ulo. | |
Ezek | TagAngBi | 3:9 | Ginawa kong parang isang diamante na lalong matigas kay sa pingkiang bato ang iyong ulo: huwag mo silang katakutan, o manglupaypay man sa kanilang tingin, bagaman sila'y mapanghimagsik na sangbahayan. | |
Ezek | TagAngBi | 3:10 | Bukod dito'y sinabi niya sa akin, Anak ng tao, lahat ng aking mga salita na aking sasalitain sa iyo ay tanggapin mo sa iyong puso, at dinggin mo ng iyong mga pakinig. | |
Ezek | TagAngBi | 3:11 | At yumaon ka, pumaroon ka sa mga bihag, na mga anak ng iyong bayan at magsalita ka sa kanila, at saysayin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios; sa didinggin man nila, o sa itatakuwil man nila. | |
Ezek | TagAngBi | 3:12 | Nang magkagayo'y itinaas ako ng Espiritu, at aking narinig sa likuran ko ang tinig ng malaking hugong, na nagsasabi; Purihin ang kaluwalhatian ng Panginoon mula sa kaniyang dako. | |
Ezek | TagAngBi | 3:13 | At aking narinig ang pagaspas ng mga pakpak ng mga nilalang na may buhay na nagkakadagisdisan, at ang hugong ng mga gulong sa siping nila, sa makatuwid baga'y ang ingay ng malaking hugong. | |
Ezek | TagAngBi | 3:14 | Sa gayo'y itinaas ako ng Espiritu, at ako'y dinala; at ako'y yumaong namamanglaw, sa pagiinit ng aking kalooban; at ang kamay ng Panginoon ay naging malakas sa akin. | |
Ezek | TagAngBi | 3:15 | Nang magkagayo'y naparoon ako sa mga bihag sa Tel-abib, na nagsisitahan sa pangpang ng ilog Chebar, at sa kanikanilang kinatatahanan; at ako'y umupo roong natitigilan sa gitna nila na pitong araw. | |
Ezek | TagAngBi | 3:16 | At nangyari, sa katapusan ng pitong araw, na ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi, | |
Ezek | TagAngBi | 3:17 | Anak ng tao, ginawa kitang bantay sa sangbahayan ni Israel: kaya't pakinggan mo ang salita sa aking bibig, at ipanguna mo sa kanila sa ganang akin. | |
Ezek | TagAngBi | 3:18 | Pagka aking sinabi sa masama, Ikaw ay walang pagsalang mamamatay; at hindi mo pinagpaunahan siya, o nagsasalita ka man upang hikayatin ang masama mula sa kaniyang masamang lakad, upang iligtas ang kaniyang buhay; ang gayong masamang tao ay mamamatay sa kaniyang kasamaan; nguni't ang kaniyang dugo ay aking sisiyasatin sa iyong kamay. | |
Ezek | TagAngBi | 3:19 | Gayon ma'y kung iyong pagpaunahan ang masama, at siya'y hindi humiwalay sa kaniyang kasamaan, o sa kaniyang masamang lakad man, siya'y mamamatay sa kaniyang kasamaan; nguni't iyong iniligtas ang iyong kaluluwa. | |
Ezek | TagAngBi | 3:20 | Muli, pagka ang isang taong matuwid ay lumilihis sa kaniyang katuwiran, at gumawa ng kasamaan, at ako'y naglalagay ng katitisuran sa harap niya, siya'y mamamatay; sapagka't hindi mo siya pinagpaunahan, siya'y mamamatay sa kaniyang kasalanan, at ang kaniyang mga matuwid na gawa na kaniyang ginawa ay hindi aalalahanin; nguni't ang kaniyang dugo ay aking sisiyasatin sa iyong kamay. | |
Ezek | TagAngBi | 3:21 | Gayon ma'y kung iyong pinagpaunahan ang taong matuwid, upang ang matuwid ay huwag magkasala, at siya'y hindi nagkakasala, siya'y walang pagsalang mabubuhay, sapagka't siya'y nahikayat; at iyong iniligtas ang iyong kaluluwa. | |
Ezek | TagAngBi | 3:22 | At ang kamay ng Panginoon ay sumasa akin, at sinabi niya sa akin, Bumangon ka, lumabas ka sa kapatagan at doo'y makikipagusap ako sa iyo. | |
Ezek | TagAngBi | 3:23 | Nang magkagayo'y bumangon ako, at ako'y lumabas sa kapatagan; at, narito, ang kaluwalhatian ng Panginoon ay dumoon, na gaya ng kaluwalhatian na aking nakita sa pangpang ng ilog Chebar; at ako'y napasubasob. | |
Ezek | TagAngBi | 3:24 | Nang magkagayo'y suma akin ang Espiritu, at itinayo ako sa aking mga paa; at siya'y nakipagsalitaan sa akin, at nagsabi sa akin, Yumaon ka, magsara ka sa loob ng iyong bahay. | |
Ezek | TagAngBi | 3:25 | Nguni't ikaw, anak ng tao, narito, sila'y mangaglalagay ng mga lubid sa iyo, at itatali sa iyo, at ikaw ay hindi lalabas sa gitna nila. | |
Ezek | TagAngBi | 3:26 | At aking paninikitin ang iyong dila sa ngalangala ng iyong bibig, upang ikaw ay mapipi, at huwag maging mananaway sa kanila: sapagka't sila'y mapanghimagsik na sangbahayan. | |
Chapter 4
Ezek | TagAngBi | 4:1 | Ikaw naman, anak ng tao, kumuha ka ng isang losa, at ilagay mo sa harap mo, at gumuhit ka sa ibabaw ng isang bayan, sa makatuwid baga'y ng Jerusalem. | |
Ezek | TagAngBi | 4:2 | At kubkubin mo, at magtayo ka ng mga katibayan sa tapat noon, at maglagay ka ng bunton sa tapat noon; maglagay ka rin ng mga kampamento sa tapat noon; at magumang ka ng mga pangsaksak sa tapat noon sa palibot. | |
Ezek | TagAngBi | 4:3 | At magdala ka ng kawaling bakal, at ilagay mo na pinakakutang bakal sa pagitan mo at ng bayan: at iharap mo ang iyong mukha sa dako niyaon, at makukubkob, at iyong kukubkubin. Ito ang magiging tanda sa sangbahayan ni Israel. | |
Ezek | TagAngBi | 4:4 | Bukod dito'y humiga ka ng patagilid sa iyong kaliwa at ilagay mo ang kasamaan ng sangbahayan ni Israel doon; ayon sa bilang ng mga araw na iyong ihihiga roon, magdadanas ka ng kanilang kasamaan. | |
Ezek | TagAngBi | 4:5 | Sapagka't aking itinakda ang mga taon ng kanilang kasamaan upang maging sa iyo'y isang bilang ng mga araw, sa makatuwid baga'y tatlong daan at siyam na pung araw: gayon mo dadanasin ang kasamaan ng sangbahayan ni Israel. | |
Ezek | TagAngBi | 4:6 | At muli, pagka iyong natapos ang mga ito, ikaw ay hihiga sa iyong tagilirang kanan, at iyong dadanasin ang kasamaan ng sangbahayan ni Juda; apat na pung araw, bawa't araw ay pinaka isang taon, aking itinakda sa iyo. | |
Ezek | TagAngBi | 4:7 | At iyong ihaharap ang iyong mukha sa pagkubkob ng Jerusalem na may lilis kang manggas; at ikaw ay manghuhula laban doon. | |
Ezek | TagAngBi | 4:8 | At, narito, ipinaglalagay kita ng lubid, at ikaw ay huwag magpapalikoliko mula sa isang dako hanggang sa kabila, hanggang sa matupad mo ang mga kaarawan ng iyong pagkubkob. | |
Ezek | TagAngBi | 4:9 | Magdala ka rin ng trigo, at ng cebada, at ng habas, at ng lentejas, at ng mijo, at ng espelta, at ilagay mo sa isang sisidlan, at gawin mong tinapay; ayon sa bilang ng mga araw na iyong ihihiga sa iyong tagiliran, sa makatuwid baga'y tatlong daan at siyam na pung araw, iyong kakanin yaon. | |
Ezek | TagAngBi | 4:10 | At ang iyong pagkain na iyong kakanin ay magiging ayon sa timbang, dalawang pung siklo isang araw: araw-araw ay iyong kakanin. | |
Ezek | TagAngBi | 4:11 | At ikaw ay iinom ng tubig ayon sa takal, na ikaanim na bahagi ng isang hin: araw-araw ikaw ay iinom. | |
Ezek | TagAngBi | 4:12 | At iyong kakaning parang mga munting tinapay na cebada, at iyong lulutuin sa dumi na galing sa tao sa kanilang paningin. | |
Ezek | TagAngBi | 4:13 | At sinabi ng Panginoon, Ganito kakanin ng mga anak ni Israel ang kanilang maruming tinapay, sa gitna ng mga bansa na aking pagtatabuyan sa kanila. | |
Ezek | TagAngBi | 4:14 | Nang magkagayo'y sinabi ko, Ah Panginoong Dios! narito, ang aking kaluluwa ay hindi nadumhan, sapagka't mula sa aking kabataan hanggang ngayon ay hindi ako kumain ng namamatay sa sarili, o nilapa ng mga hayop; o pumasok man ang kasuklamsuklam na karne sa aking bibig. | |
Ezek | TagAngBi | 4:15 | Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Tingnan mo, ibinigay ko sa iyo'y dumi ng baka na kahalili ng dumi ng tao, at iyong ihahanda ang iyong tinapay sa ibabaw niyaon. | |
Ezek | TagAngBi | 4:16 | Bukod dito'y sinabi niya sa akin, Anak ng tao, narito, aking babaliin ang tungkod ng tinapay sa Jerusalem: at sila'y magsisikain ng tinapay ayon sa timbang, at may pagkatakot; at magsisiinom sila ng tubig ayon sa takal, at manglulupaypay: | |
Chapter 5
Ezek | TagAngBi | 5:1 | At ikaw, anak ng tao, magdala ka ng matalas na tabak; na parang pangahit ng manggugupit ang iyong dadalhin, at iyong pararaanin sa iyong ulo at sa iyong balbas: kung magkagayo'y kumuha ka ng timbangang panimbang, at bahagihin mo ang buhok. | |
Ezek | TagAngBi | 5:2 | Ang ikatlong bahagi ay iyong susunugin sa apoy sa gitna ng bayan, pagka ang mga araw ng pagkubkob ay naganap; at iyong kukunin ang ikatlong bahagi, at susugatan mo ng tabak sa palibot; at ang ikatlong bahagi ay iyong pangangalatin sa hangin, at ako'y magbubunot ng tabak sa likuran nila. | |
Ezek | TagAngBi | 5:3 | At kukuha ka sa mga yaon ng kaunti sa bilang, at ipagtatali mo sa iyong mga tunika. | |
Ezek | TagAngBi | 5:4 | At sa mga ito'y kukuha ka uli, at ihahagis mo sa gitna ng apoy, at susunugin mo sa apoy; siyang panggagalingan ng apoy sa buong sangbahayan ni Israel. | |
Ezek | TagAngBi | 5:5 | Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Ito ay Jerusalem; inilagay ko siya sa gitna ng mga bansa, at mga lupain ay nangasa palibot niya. | |
Ezek | TagAngBi | 5:6 | At siya'y nanghimagsik laban sa aking mga kahatulan sa paggawa ng kasamaan na higit kay sa ginawa ng mga bansa, at laban sa aking mga palatuntunan na higit kay sa mga lupain na nangasa palibot niya; sapagka't kanilang itinakuwil ang aking mga kahatulan, at tungkol sa aking mga palatuntunan, hindi nila nilakaran. | |
Ezek | TagAngBi | 5:7 | Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Sapagka't kayo'y manggugulo na higit kay sa mga bansa na nangasa palibot ninyo, at hindi nagsilakad sa aking mga palatuntunan, o iningatan man ang aking mga kahatulan, o nagsigawa man ng ayon sa mga ayos sa mga bansa na nangasa palibot ninyo; | |
Ezek | TagAngBi | 5:8 | Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako, sa makatuwid baga'y ako, ay laban sa iyo; at ako'y maglalapat ng mga kahatulan sa gitna mo sa paningin ng mga bansa. | |
Ezek | TagAngBi | 5:9 | At aking gagawin sa iyo ang hindi ko ginawa, at hindi ko na gagawin pa ang kaparis, dahil sa iyong lahat na kasuklamsuklam. | |
Ezek | TagAngBi | 5:10 | Kaya't kakanin ng mga magulang ang mga anak sa gitna mo, at kakanin ng mga anak ang kanilang mga magulang; at ako'y maglalapat ng mga kahatulan sa iyo; at ang buong nalabi sa iyo ay aking pangangalatin sa lahat ng dako. | |
Ezek | TagAngBi | 5:11 | Kaya't buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, walang pagsala, na sapagka't iyong nilapastangan ang aking santuario ng lahat mong kasuklamsuklam na bagay, at ng lahat mong karumaldumal, kaya't akin namang babawasan ka; ni hindi magpapatawad ang aking mata, at ako nama'y hindi mahahabag. | |
Ezek | TagAngBi | 5:12 | Ang ikatlong bahagi mo ay mamamatay sa pamamagitan ng salot, at sa pamamagitan ng kagutom ay mauubos sila sa gitna mo; at ang isang ikatlong bahagi ay mabubuwal sa pamamagitan ng tabak sa palibot mo; at ang ikatlong bahagi ay aking pangangalatin sa lahat ng dako, at magbubunot ako ng tabak sa likuran. | |
Ezek | TagAngBi | 5:13 | Ganito magaganap ang aking galit, at aking lulubusin ang aking kapusukan sa kanila, at ako'y maaaliw: at kanilang malalaman na akong Panginoon ay nagsalita sa aking pagsisikap, pagka aking naganap ang aking kapusukan sa kanila. | |
Ezek | TagAngBi | 5:14 | Bukod dito'y gagawin kitang kasiraan at kapulaan, sa gitna ng mga bansa na nangasa palibot mo, sa paningin ng lahat na nagsisidaan. | |
Ezek | TagAngBi | 5:15 | Sa gayo'y magiging kadustaan at kapulaan, aral at katigilan sa mga bansang nangasa palibot mo, pagka ako'y maglalapat ng mga kahatulan sa iyo sa galit at sa kapusukan, at sa mababagsik na pagsaway (akong Panginoon ang nagsalita); | |
Ezek | TagAngBi | 5:16 | Pagka ako'y magpapasapit sa kanila ng mga masamang pana ng kagutom na ikasisira nila, na siyang aking pasasapitin upang sirain kayo. At aking palalalain ang kagutom sa inyo, at aking babaliin ang inyong tungkod ng tinapay; | |
Chapter 6
Ezek | TagAngBi | 6:2 | Anak ng tao, itingin mo ang iyong mukha sa mga bundok ng Israel, at ikaw ay manghula tungkol sa mga yaon. | |
Ezek | TagAngBi | 6:3 | At magsabi, Kayong mga bundok ng Israel, pakinggan ang salita ng Panginoong Dios. Ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa mga bundok at sa mga burol, sa mga batis at sa mga libis: Narito, ako sa makatuwid baga'y ako, magpaparating ng tabak sa inyo, at aking sisirain ang inyong mga mataas na dako. | |
Ezek | TagAngBi | 6:4 | At ang inyong mga dambana ay masisira, at ang inyong mga larawang araw ay mababasag; at aking ibubulagta ang inyong mga patay na tao sa harap ng inyong mga diosdiosan. | |
Ezek | TagAngBi | 6:5 | At aking ilalapag ang mga bangkay ng mga anak ni Israel sa harap ng kanilang mga diosdiosan; at aking ikakalat ang inyong mga buto sa palibot ng inyong mga dambana. | |
Ezek | TagAngBi | 6:6 | Sa lahat ng inyong mga tahanang dako ay mawawasak ang mga bayan, at ang mga mataas na dako ay mangasisira; upang ang inyong mga dambana ay mangawasak at mangagiba, at ang inyong mga diosdiosan ay mangabasag at mangaglikat, at ang inyong mga larawang araw ay mangabagsak, at ang inyong mga gawa ay mangawawala. | |
Ezek | TagAngBi | 6:7 | At ang mga patay ay mangabubuwal sa gitna ninyo, at inyong malalaman na ako ang Panginoon. | |
Ezek | TagAngBi | 6:8 | Gayon ma'y magiiwan ako ng nalabi, upang magkaroon sa inyo ng ilan na nakatanan sa tabak sa gitna ng mga bansa, pagka kayo'y mangangalat sa mga lupain. | |
Ezek | TagAngBi | 6:9 | At silang nangakatanan sa inyo ay aalalahanin ako sa gitna ng mga bansa na pagdadalhan sa kanilang bihag, kung paanong ako'y nakipagkasira sa kanilang masamang kalooban na humiwalay sa akin, at sa kanilang mga mata, na yumaong sumamba sa kanilang mga diosdiosan; at sila'y magiging kasuklamsuklam sa kanilang sariling paningin dahil sa mga kasamaan na kanilang nagawa sa lahat nilang kasuklamsuklam. | |
Ezek | TagAngBi | 6:10 | At kanilang malalaman na ako ang Panginoon: hindi ako nagsalita ng walang kabuluhan na aking gagawin ang kasamaang ito sa kanila. | |
Ezek | TagAngBi | 6:11 | Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Saktan mo ng iyong kamay, at sikaran mo ng iyong paa, at iyong sabihin, Sa aba nila! dahil sa lahat na masamang kasuklamsuklam ng sangbahayan ni Israel; sapagka't sila'y mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak, ng kagutom, at ng salot. | |
Ezek | TagAngBi | 6:12 | Ang malayo ay mamamatay sa salot; at ang malapit ay mabubuwal sa pamamagitan ng tabak; at ang malabi at makubkob ay mamamatay sa pamamagitan ng kagutom: ganito ko gaganapin ang aking kapusukan sa kanila. | |
Ezek | TagAngBi | 6:13 | At inyong malalaman na ako ang Panginoon, pagka ang kanilang mga patay na tao ay mangalalagay sa gitna ng kanilang mga diosdiosan sa palibot ng kanilang mga dambana, sa ibabaw ng bawa't mataas na burol, sa lahat na taluktok ng mga bundok, at sa ilalim ng bawa't sariwang punong kahoy, at sa ilalim ng bawa't mayabong na encina, na kanilang pinaghandugan ng masarap na amoy sa lahat nilang diosdiosan. | |
Chapter 7
Ezek | TagAngBi | 7:2 | At ikaw, anak ng tao, ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa lupain ng Israel, May wakas: ang wakas ay dumating sa apat na sulok ng lupain. | |
Ezek | TagAngBi | 7:3 | Ngayon ang wakas ay sumasaiyo at aking pararatingin ang aking galit sa iyo, at hahatulan ka ayon sa iyong mga lakad; at ipadadanas ko sa iyo ang lahat ng iyong kasuklamsuklam. | |
Ezek | TagAngBi | 7:4 | At hindi ka patatawarin ng aking mata, o kahahabagan man kita; kundi aking parurusahan ang iyong mga lakad, at ang iyong mga kasuklamsuklam na gawa ay malilitaw; at inyong malalaman na ako ang Panginoon. | |
Ezek | TagAngBi | 7:5 | Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Ang kasamaan, ang tanging kasamaan; narito, dumarating. | |
Ezek | TagAngBi | 7:6 | Ang wakas ay dumating, ang wakas ay dumating; ito'y gumigising laban sa iyo; narito, dumarating. | |
Ezek | TagAngBi | 7:7 | Ang parusa sa iyo ay dumarating, Oh mananahan sa lupain: ang panahon ay dumarating, ang kaarawan ay malapit na, kaarawan ng pagkakagulo, at hindi ng kagalakang may hiyawan, sa ibabaw ng mga bundok. | |
Ezek | TagAngBi | 7:8 | Bigla ko ngang ibubugso sa iyo ang aking kapusukan, at aking gaganapin ang aking galit laban sa iyo, at hahatulan kita ayon sa iyong mga lakad; at ipadadanas ko sa iyo ang lahat ng iyong kasuklamsuklam. | |
Ezek | TagAngBi | 7:9 | At ang aking mata ay hindi magpapatawad, o mahahabag man ako: padadatnin ko sa iyo ang ayon sa iyong mga lakad; at ang iyong mga kasuklamsuklam ay dadanasin mo; at inyong malalaman na ako ang Panginoon na nananakit. | |
Ezek | TagAngBi | 7:10 | Narito, ang kaarawan, narito, dumarating; ang hatol sa iyo ay ipinasiya; ang tungkod ay namulaklak, ang kapalaluan ay namuko. | |
Ezek | TagAngBi | 7:11 | Pangdadahas ay bumangon na naging pamalo ng kasamaan; walang malalabi sa kanila, o sa kanilang karamihan man, o sa kanilang kayamanan man: at hindi magkakaroon ng kahit karangalan sa kanila. | |
Ezek | TagAngBi | 7:12 | Ang panahon ay dumarating, ang kaarawan ay nalalapit: huwag magalak ang mamimili, o tumangis man ang manininda: sapagka't ang poot ay nasa lahat ng karamihan niyaon. | |
Ezek | TagAngBi | 7:13 | Sapagka't hindi na pagbabalikan ng manininda ang ipinagbili, bagaman sila'y buhay pa: sapagka't ang pangitain ay tungkol sa buong karamihan niyaon, walang babalik; at sinoman ay hindi magpapakalakas pa sa kasamaan ng kaniyang buhay. | |
Ezek | TagAngBi | 7:14 | Nagsihihip sila ng pakakak, at nagsihanda; nguni't walang naparoroon sa pagbabaka; sapagka't ang aking poot ay nasa buong karamihan niyaon. | |
Ezek | TagAngBi | 7:15 | Ang tabak ay nasa labas, at ang salot at ang kagutom ay nasa loob: siyang nasa parang ay mamamatay sa tabak; at siyang nasa bayan, kagutom at salot ay lalamon sa kaniya. | |
Ezek | TagAngBi | 7:16 | Nguni't silang nagsisitanan sa mga yaon ay tatanan, at mangapapasa mga bundok, na parang mga kalapati sa mga libis, silang lahat ay nagsisitangis, bawa't isa'y dahil sa kaniyang kasamaan. | |
Ezek | TagAngBi | 7:18 | Sila'y mangagbibigkis din naman ng kayong magaspang, at pangingilabot ay sasa kanila; at kahihiyan ay sasa lahat ng mukha, at pagkakalbo sa lahat nilang ulo. | |
Ezek | TagAngBi | 7:19 | Kanilang ihahagis ang kanilang pilak sa mga lansangan, at ang kanilang ginto ay magiging parang isang maruming bagay; ang kanilang pilak at ang kanilang ginto ay hindi makapagliligtas sa kanila sa kaarawan ng poot ng Panginoon: hindi nila maaaliw ang kanilang mga kaluluwa, o mabubusog man ang kanilang mga tiyan; sapagka't naging katitisuran ng kanilang kasamaan. | |
Ezek | TagAngBi | 7:20 | Tungkol sa ganda ng kaniyang gayak, inilagay niya sa kamahalan; nguni't kanilang ginawang mga larawan ang kanilang mga kasuklamsuklam at karumaldumal na mga bagay: kaya't ginawa ko sa kanila na parang maruming bagay. | |
Ezek | TagAngBi | 7:21 | At aking ibibigay sa mga kamay ng mga taga ibang lupa na pinakahuli, at sa mga masama sa lupa na pinakasamsam; at kanilang lalapastanganin. | |
Ezek | TagAngBi | 7:22 | Ang aking mukha ay aking itatalikod naman sa kanila, at kanilang lalapastanganin ang aking lihim na dako: at mga magnanakaw ay magsisipasok doon, at lalapastangan. | |
Ezek | TagAngBi | 7:23 | Gumawa ka ng tanikala; sapagka't ang lupain ay puno ng mga sala sa pagbububo ng dugo, at ang bayan ay puno ng pangdadahas. | |
Ezek | TagAngBi | 7:24 | Kaya't aking dadalhin ang mga pinakamasama ng mga bansa, at aariin nila ang kanilang mga bahay: akin namang patitigilin ang kapalaluan ng malakas, at ang kanilang mga dakong banal ay lalapastanganin. | |
Ezek | TagAngBi | 7:26 | Kapanglawan at kapanglawan ay darating, at balita at balita ay darating; at sila'y magsisihanap ng pangitain ng propeta; nguni't ang kautusa'y mawawala sa saserdote, at ang payo'y mawawala sa mga matanda. | |
Chapter 8
Ezek | TagAngBi | 8:1 | At nangyari nang ikaanim na taon, nang ikaanim na buwan, nang ikalima ng buwan, ako'y nakaupo sa aking bahay, at ang mga matanda sa Juda ay nangakaupo sa harap ko, na ang kamay ng Panginoong Dios ay dumating sa akin doon. | |
Ezek | TagAngBi | 8:2 | Nang magkagayo'y tumingin ako, at, narito, may isang anyo na parang apoy; mula sa anyo ng kaniyang mga balakang at paibaba, ay apoy; at mula sa kaniyang mga balakang at paitaas, parang anyo ng kinang, na parang metal na nagbabaga. | |
Ezek | TagAngBi | 8:3 | At kaniyang inilabas ang anyo ng isang kamay, at hinawakan ako sa buhok ng aking ulo; at itinaas ako ng Espiritu sa pagitan ng lupa at ng langit, at dinala ako sa pangitain na mula sa Dios sa Jerusalem, sa pintuan ng pintuang-daan ng pinakaloob na looban na nakaharap sa dakong hilagaan; na kinaroroonan ng upuan ng larawan ng panibugho, na namumungkahi sa paninibugho. | |
Ezek | TagAngBi | 8:4 | At, narito, ang kaluwalhatian ng Dios ng Israel ay nandoon, gaya ng anyo na aking nakita sa kapatagan. | |
Ezek | TagAngBi | 8:5 | Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Anak ng tao, itingin mo ang iyong mga mata ngayon sa daan na dakong hilagaan. Sa gayo'y itiningin ko ang aking mga mata sa daan na dakong hilagaan, at narito, nasa dakong hilagaan ng pintuang-daan ng dambana ang larawang ito ng panibugho sa pasukan. | |
Ezek | TagAngBi | 8:6 | At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, nakikita mo baga ang kanilang ginagawa? ang malaking kasuklamsuklam na ginagawa ng sangbahayan ni Israel dito, upang ako'y lumayo sa aking santuario? Nguni't iyo muling makikita pa ang ibang mga malalaking kasuklamsuklam. | |
Ezek | TagAngBi | 8:7 | At dinala niya ako sa pintuan ng looban; at nang ako'y tumingin, narito, ang isang butas sa pader. | |
Ezek | TagAngBi | 8:8 | Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Anak ng tao, humukay ka ngayon sa pader: at nang ako'y humukay sa pader, narito, ang isang pintuan. | |
Ezek | TagAngBi | 8:9 | At sinabi niya sa akin, Ikaw ay pumasok, at tingnan mo ang mga masamang kasuklamsuklam na kanilang ginagawa rito. | |
Ezek | TagAngBi | 8:10 | Sa gayo'y pumasok ako at nakita ko; at narito, ang bawa't anyo ng nagsisiusad na mga bagay, at kasuklamsuklam na mga hayop, at lahat ng mga diosdiosan ng sangbahayan ni Israel, na nakaguhit sa pader sa palibot. | |
Ezek | TagAngBi | 8:11 | At nagsitayo sa harap nila ang pitong pung lalake sa mga matanda ng sangbahayan ni Israel; at sa gitna nila ay tumayo si Jaazanias na anak ni Saphan, bawa't lalake ay may kaniyang pangsuub sa kaniyang kamay; at ang amoy ng usok ng kamangyan ay napailanglang. | |
Ezek | TagAngBi | 8:12 | Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Anak ng tao, nakikita mo baga kung anong ginagawa ng mga matanda ng sangbahayan ni Israel sa kadiliman, bawa't isa'y sa kaniyang mga silid na nilarawanan? sapagka't kanilang sinasabi, Hindi tayo nakikita ng Panginoon; pinabayaan ng Panginoon ang lupa. | |
Ezek | TagAngBi | 8:13 | Sinabi rin niya sa akin, Iyong muling makikita pa ang mga ibang malaking kasuklamsuklam na kanilang ginagawa. | |
Ezek | TagAngBi | 8:14 | Nang magkagayo'y dinala niya ako sa pintuan ng pintuang-daan ng bahay ng Panginoon na nasa dakong hilagaan; at, narito, doo'y nangaupo ang mga babae na iniiyakan si Tammuz. | |
Ezek | TagAngBi | 8:15 | Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Nakita mo baga ito, Oh anak ng tao? iyo pa muling makikita ang lalong malaking mga kasuklamsuklam kay sa mga ito. | |
Ezek | TagAngBi | 8:16 | At dinala niya ako sa pinakaloob na looban ng bahay ng Panginoon, at, narito, sa pintuan ng templo ng Panginoon sa pagitan ng malaking pintuan at ng dambana, ay may dalawang pu't limang lalake, na sila'y nakatalikod sa dako ng templo ng Panginoon, at nakaharap sa dakong silanganan; at kanilang sinasamba ang araw sa dakong silanganan. | |
Ezek | TagAngBi | 8:17 | Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Nakita mo baga ito, Oh anak ng tao? Magaan bagang bagay sa sangbahayan ni Juda, na sila'y nagsisigawa ng mga kasuklamsuklam na kanilang ginagawa dito? sapagka't kanilang pinuno ng karahasan ang lupa, at sila'y nangagbalik uli upang mungkahiin ako sa galit: at, narito, kanilang inilalagay ang sanga sa kanilang ilong. | |
Chapter 9
Ezek | TagAngBi | 9:1 | Nang magkagayo'y sumigaw siya sa aking pakinig ng malakas na tinig, na nagsasabi, Magsilapit yaong mga may katungkulan sa bayan, na bawa't isa'y may kaniyang pangpatay na almas sa kaniyang kamay. | |
Ezek | TagAngBi | 9:2 | At narito, anim na lalake ay nagsipanggaling sa daan ng mataas na pintuang-daan, na nalalagay sa dako ng hilagaan, na bawa't isa'y may kaniyang pangpatay na almas sa kaniyang kamay; at isang lalake ay nasa gitna nila na nakapanamit ng kayong lino, na may tintero ng manunulat sa kaniyang tagiliran. At sila'y nagsipasok, at nagsitayo sa siping ng tansong dambana. | |
Ezek | TagAngBi | 9:3 | At ang kaluwalhatian ng Dios ng Israel ay umilanglang mula sa kerubin, na kinapapatungan, hanggang sa pintuan ng bahay: at kaniyang tinawag ang lalaking nakapanamit ng kayong lino, na may tintero ng manunulat sa kaniyang tagiliran. | |
Ezek | TagAngBi | 9:4 | At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Pumaroon ka sa gitna ng bayan, sa gitna ng Jerusalem, at maglagay ka ng mga tanda sa mga noo ng mga taong nangagbubuntong-hininga at nagsidaing dahil sa lahat na kasuklamsuklam na nagawa sa gitna niyaon. | |
Ezek | TagAngBi | 9:5 | At sa mga iba ay sinabi niya sa aking pakinig, Magsiparoon kayo sa bayan na magsisunod sa kaniya, at manakit kayo: huwag magpatawad ang inyong mata, o kayo man ay mahabag; | |
Ezek | TagAngBi | 9:6 | Lipulin ninyong lubos ang matanda, ang binata at ang dalaga, at ang mga bata at ang mga babae; nguni't huwag lumapit sa sinomang lalake na tinandaan; at inyong pasimulan sa aking santuario. Nang magkagayo'y kanilang pinasimulan sa mga matandang lalake na nangasa harap ng bahay. | |
Ezek | TagAngBi | 9:7 | At sinabi niya sa kanila, Lapastanganin ninyo ang bahay, at punuin ninyo ng patay ang mga looban: magsilabas kayo. At sila'y nagsilabas, at nanakit sa bayan. | |
Ezek | TagAngBi | 9:8 | At nangyari, habang sila'y nananakit, at ako'y naiwan, na ako'y nasubasob, at sumigaw ako, at aking sinabi, Ah Panginoong Dios! iyo bagang lilipulin ang buong nalabi sa Israel, sa iyong pagbubugso ng iyong kapusukan sa Jerusalem? | |
Ezek | TagAngBi | 9:9 | Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Ang kasamaan ng sangbahayan ni Israel at ni Juda ay totoong malaki, at ang lupain ay puno ng dugo, at ang bayan ay puno ng kasuwailan: sapagka't kanilang sinasabi, Pinabayaan ng Panginoon ang lupa, at hindi nakikita ng Panginoon. | |
Ezek | TagAngBi | 9:10 | At tungkol sa akin naman, ang aking mata ay hindi magpapatawad, o mahahabag man ako, kundi aking ipadadanas ang kanilang lakad sa kanilang ulo. | |
Chapter 10
Ezek | TagAngBi | 10:1 | Nang magkagayo'y tumingin ako, at, narito, sa langit na nasa ulunan ng mga kerubin, may nakita na parang isang batong zafiro, na parang isang luklukan. | |
Ezek | TagAngBi | 10:2 | At siya'y nagsalita sa lalake na nakapanamit ng kayong lino, at kaniyang sinabi, Pumasok ka sa pagitan ng nagsisiikot na mga gulong, sa ilalim ng kerubin, at punuin mo kapuwa ang iyong mga kamay ng mga bagang nagbabaga mula sa pagitan ng mga kerubin, at ikalat mo sa bayan. At sa aking paningin ay pumasok siya. | |
Ezek | TagAngBi | 10:3 | Ang mga kerubin nga ay nagsitayo sa dakong kanan ng bahay, nang ang lalake ay pumasok; at pinuno ng ulap ang pinakaloob na looban. | |
Ezek | TagAngBi | 10:4 | At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay napailanglang mula sa kerubin, at tumayo sa itaas ng pintuan ng bahay; at ang bahay ay napuno ng ulap, at ang looban ay napuno ng ningning ng kaluwalhatian ng Panginoon. | |
Ezek | TagAngBi | 10:5 | At ang pagaspas ng mga pakpak ng mga kerubin ay narinig hanggang sa looban sa labas, na gaya ng tinig ng Dios na Makapangyarihan sa lahat, pagka siya'y nagsasalita. | |
Ezek | TagAngBi | 10:6 | At nangyari, nang kaniyang utusan ang lalake na nakapanamit ng kayong lino, na sabihin, Kumuha ka ng apoy sa loob ng nagsisiikot na mga gulong mula sa pagitan ng mga kerubin, na siya'y pumasok, at tumayo sa tabi ng isang gulong. | |
Ezek | TagAngBi | 10:7 | At iniunat ng kerubin ang kaniyang kamay mula sa gitna ng mga kerubin sa apoy na nasa gitna ng mga kerubin, at kumuha niyaon, at inilagay sa mga kamay ng nakapanamit ng kayong lino, na siyang kumuha at lumabas. | |
Ezek | TagAngBi | 10:8 | At lumitaw sa gitna ng mga kerubin ang anyo ng kamay ng isang tao sa ilalim ng kanilang mga pakpak. | |
Ezek | TagAngBi | 10:9 | At ako'y tumingin, at narito, apat na gulong ay nangasa tabi ng mga kerubin, isang gulong ay nasa tabi ng isang kerubin, at ang ibang gulong ay nasa tabi ng ibang kerubin; at ang anyo ng mga gulong ay gaya ng kulay ng batong berila. | |
Ezek | TagAngBi | 10:10 | At tungkol sa kanilang anyo, silang apat ay may isang pagkakawangis, na para bagang isang gulong na napasa loob ng isang gulong. | |
Ezek | TagAngBi | 10:11 | Pagka nagsisiyaon, ay nagsisiyaon sa kanilang apat na dako: hindi nagsisipihit habang nagsisiyaon, kundi ang kinahaharapan ng ulo ay siyang sinusundan nila: hindi nagsisipihit habang nagsisiyaon. | |
Ezek | TagAngBi | 10:12 | At ang kanilang buong katawan, at ang kanilang mga likod, at ang kanilang mga kamay, at ang kanilang mga pakpak, at ang mga gulong ay puno ng mga mata sa palibot, sa makatuwid baga'y ang mga gulong na tinatangkilik ng apat. | |
Ezek | TagAngBi | 10:14 | At bawa't isa'y may apat na mukha: ang unang mukha ay mukha ng kerubin, at ang ikalawang mukha ay mukha ng tao, at ang ikatlo ay mukha ng leon, at ang ikaapat ay mukha ng isang aguila. | |
Ezek | TagAngBi | 10:15 | At ang mga kerubin ay napaitaas: ito ang nilalang na may buhay na aking nakita sa pangpang ng ilog Chebar. | |
Ezek | TagAngBi | 10:16 | At nang magsiyaon ang mga kerubin, ang mga gulong ay nagsiyaong kasiping nila: at nang itaas ng mga kerubin ang kanilang mga pakpak upang paitaas mula sa lupa, ang mga gulong naman ay hindi nagsihiwalay sa siping nila. | |
Ezek | TagAngBi | 10:17 | Pagka sila'y nagsisitayo, ang mga ito ay nagsisitayo; at pagka sila'y nangapaiitaas, ang mga ito'y nangapaiitaas na kasama nila: sapagka't ang espiritu ng nilalang na may buhay ay nasa mga yaon. | |
Ezek | TagAngBi | 10:18 | At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay lumabas mula sa pintuan ng bahay, at lumagay sa ibabaw ng mga kerubin. | |
Ezek | TagAngBi | 10:19 | At itinaas ng mga kerubin ang kanilang mga pakpak, at nangapaitaas mula sa lupa sa aking paningin, nang sila'y magsilabas, at ang mga gulong ay sa siping nila: at sila'y nagsitayo sa pintuan ng pintuang-daang silanganan ng bahay ng Panginoon; at ang kaluwalhatian ng Dios ng Israel ay nasa itaas nila. | |
Ezek | TagAngBi | 10:20 | Ito ang nilalang na may buhay na aking nakita sa ilalim ng Dios ng Israel sa pangpang ng ilog Chebar; at naalaman ko na sila'y mga kerubin. | |
Ezek | TagAngBi | 10:21 | Bawa't isa'y may apat na mukha, at bawa't isa'y may apat na pakpak; at ang anyo ng mga kamay ng tao ay nasa ilalim ng kanilang mga pakpak. | |
Chapter 11
Ezek | TagAngBi | 11:1 | Bukod dito'y itinaas ako ng Espiritu, at dinala ako sa pintuang-daang silanganan ng bahay ng Panginoon, na nakaharap sa dakong silanganan: at narito, nasa pinto ng pintuang-daan ang dalawang pu't limang lalake; at nakita ko sa gitna nila si Jaazanias na anak ni Azur, at si Pelatias na anak ni Benaias, na mga prinsipe ng bayan. | |
Ezek | TagAngBi | 11:2 | At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, ito ang mga lalake na nagsisikatha ng kasamaan, at nagbibigay ng masamang payo sa bayang ito; | |
Ezek | TagAngBi | 11:3 | Na nagsasabi, Hindi malapit ang panahon ng pagtatayo ng mga bahay; ang bayang ito ang caldera, at tayo ang karne. | |
Ezek | TagAngBi | 11:5 | At ang Espiritu ng Panginoon ay dumating sa akin, at sinabi niya sa akin, Salitain mo, Ganito ang sabi ng Panginoon: Ganito ang inyong sinabi, Oh sangbahayan ni Israel; sapagka't nalalaman ko ang mga bagay na pumasok sa inyong pag-iisip. | |
Ezek | TagAngBi | 11:6 | Inyong pinarami ang inyong pinatay sa bayang ito, at inyong pinuno ang mga lansangan nito ng mga patay. | |
Ezek | TagAngBi | 11:7 | Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Ang inyong mga patay na inyong ibinulagta sa gitna nito, ay karne, at ang bayang ito ay siyang caldera: nguni't kayo'y ilalabas sa gitna nito. | |
Ezek | TagAngBi | 11:8 | Kayo'y nangatakot sa tabak; at aking pararatingin ang tabak sa inyo, sabi ng Panginoong Dios. | |
Ezek | TagAngBi | 11:9 | At aking ilalabas kayo sa gitna nito, at ibibigay ko kayo sa mga kamay ng mga taga ibang lupa, at maglalapat ako ng mga kahatulan sa inyo. | |
Ezek | TagAngBi | 11:10 | Kayo'y mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak; aking hahatulan kayo sa hangganan ng Israel; at inyong malalaman na ako ang Panginoon. | |
Ezek | TagAngBi | 11:11 | Ang bayang ito ay hindi magiging inyong caldera, o kayo man ay magiging karne sa gitna nito, aking hahatulan kayo sa hangganan ng Israel; | |
Ezek | TagAngBi | 11:12 | At inyong malalaman na ako ang Panginoon: sapagka't kayo'y hindi nagsilakad ng ayon sa aking mga palatuntunan, o inyo mang isinagawa ang aking mga kahatulan, kundi kayo'y nagsigawa ng ayon sa mga kaugalian ng mga bansa na nangasa palibot ninyo. | |
Ezek | TagAngBi | 11:13 | At nangyari, nang ako'y nanghuhula, na si Pelatias na anak ni Benaias ay namatay. Nang magkagayo'y nasubasob ako, at ako'y sumigaw ng malakas, at aking sinabi, Ah Panginoong Dios! gagawa ka baga ng lubos na wakas sa nalabi sa Israel? | |
Ezek | TagAngBi | 11:15 | Anak ng tao, ang iyong mga kapatid, sa makatuwid baga'y ang iyong mga kapatid, na mga lalake sa iyong kamaganakan, at ang buong sangbahayan ni Israel, silang lahat, siyang mga pinagsabihan ng mga nananahan sa Jerusalem. Magsilayo kayo sa Panginoon; sa amin ay ibinigay ang lupaing ito na pinakaari. | |
Ezek | TagAngBi | 11:16 | Kaya't iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Bagaman sila'y aking inilayo sa gitna ng mga bansa, at bagaman aking pinangalat sila sa gitna ng mga lupain, gayon ma'y ako'y magiging pinaka santuario sa kanila sa sandaling panahon sa mga lupain na kanilang kapaparunan. | |
Ezek | TagAngBi | 11:17 | Kaya't iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Aking pipisanin kayo mula sa mga bayan, at titipunin ko kayo sa mga lupain na inyong pinangalatan, at aking ibibigay sa inyo ang lupain ng Israel. | |
Ezek | TagAngBi | 11:18 | At sila'y magsisiparoon, at kanilang aalisin ang lahat na karumaldumal na bagay niyaon, at ang lahat ng kasuklamsuklam niyaon, mula roon. | |
Ezek | TagAngBi | 11:19 | At aking bibigyan sila ng isang puso, at aking lalagyan ng bagong diwa ang loob ninyo; at aking aalisin ang batong puso sa kanilang laman, at aking bibigyan sila ng pusong laman; | |
Ezek | TagAngBi | 11:20 | Upang sila'y magsilakad sa aking mga palatuntunan, at ganapin ang aking mga kahatulan at isagawa: at sila'y magiging aking bayan, at ako'y magiging kanilang Dios. | |
Ezek | TagAngBi | 11:21 | Nguni't tungkol sa kanila na ang puso ay nagsisunod ayon sa kanilang mga karumaldumal na bagay, at sa kanilang mga kasuklamsuklam, aking pararatingin ang kanilang lakad sa kanilang sariling mga ulo, sabi ng Panginoong Dios. | |
Ezek | TagAngBi | 11:22 | Nang magkagayo'y itinaas ng mga kerubin ang kanilang mga pakpak, at ang mga gulong ay nangasa siping nila; at ang kaluwalhatian ng Dios ng Israel ay nasa itaas ng mga yaon. | |
Ezek | TagAngBi | 11:23 | At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay napailanglang mula sa pinakaloob ng bayan, lumagay sa ibabaw ng bundok na nasa dakong silanganan ng bayan. | |
Ezek | TagAngBi | 11:24 | At itinaas ako ng Espiritu, at dinala ako sa pangitain sa Caldea sa pamamagitan ng Espiritu ng Dios, sa kanila na mga bihag. Sa gayo'y ang pangitain na aking nakita ay napaitaas mula sa akin. | |
Chapter 12
Ezek | TagAngBi | 12:2 | Anak ng tao, ikaw ay tumatahan sa gitna ng mapanghimagsik na sangbahayan, na may mga mata na maititingin, at hindi nagsisitingin, na may mga pakinig na maipakikinig, at hindi nangakikinig; sapagka't sila'y isang mapanghimagsik na sangbahayan. | |
Ezek | TagAngBi | 12:3 | Kaya't ikaw na anak ng tao, maghanda ka ng daladalahan sa paglipat, at ikaw ay lumipat sa araw sa kanilang paningin; at ikaw ay lumipat mula sa iyong dako hanggang sa ibang dako sa kanilang paningin: baka sakaling sila'y magbulay, bagaman sila'y mapanghimagsik na sangbahayan. | |
Ezek | TagAngBi | 12:4 | At iyong ilalabas ang iyong daladalahan sa araw sa kanilang paningin, na parang daladalahan sa paglipat; at ikaw ay lalabas sa hapon sa kanilang paningin, na gaya ng kung ang mga tao ay nangapasasa pagkatapon. | |
Ezek | TagAngBi | 12:6 | Sa kanilang paningin ay iyong papasanin sa iyong balikat, at ilalabas sa pagdilim; iyong tatakpan ang iyong mukha, upang huwag mong makita ang lupa: sapagka't inilagay kita na pinakatanda sa sangbahayan ni Israel. | |
Ezek | TagAngBi | 12:7 | At aking ginawang gayon na gaya ng iniutos sa akin: aking inilabas ang aking daladalahan sa araw, na gaya ng daladalahan sa paglipat, at sa hapon ay bumutas ako ng aking kamay sa pader; aking inilabas sa dilim, at pinasan ko sa aking balikat sa kanilang paningin. | |
Ezek | TagAngBi | 12:9 | Anak ng tao, hindi baga ang sangbahayan ni Israel na mapanghimagsik na sangbahayan, ay nagsabi sa iyo, Anong ginagawa mo? | |
Ezek | TagAngBi | 12:10 | Sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Ang hulang ito ay tungkol sa prinsipe sa Jerusalem, at sa buong sangbahayan ni Israel na kinalalakipan nila. | |
Ezek | TagAngBi | 12:11 | Sabihin mo, Ako'y inyong tanda: kung ano ang aking ginawa, gayon ang gagawin sa kanila: sila'y mapapasa pagkatapon, sa pagkabihag. | |
Ezek | TagAngBi | 12:12 | At ang prinsipe na nasa gitna nila ay magpapasan sa kaniyang balikat sa pagdilim, at lalabas: sila'y magsisibutas sa pader upang ilabas doon: siya'y magtatakip ng kaniyang mukha, sapagka't hindi niya makikita ang lupa ng kaniyang mga mata. | |
Ezek | TagAngBi | 12:13 | Ang akin namang panilo ay aking ilaladlad sa kaniya, at siya'y mahuhuli sa aking silo; at aking dadalhin siya sa Babilonia sa lupain ng mga Caldeo; gayon ma'y hindi niya makikita, bagaman siya'y mamamatay roon. | |
Ezek | TagAngBi | 12:14 | At aking pangangalatin sa bawa't dako ang lahat na nangasa palibot niya na nagsisitulong sa kaniya, at ang lahat niyang mga pulutong; at aking huhugutin ang tabak sa likuran nila. | |
Ezek | TagAngBi | 12:15 | At kanilang malalaman na ako ang Panginoon, pagka sila'y aking pinanabog sa gitna ng mga bansa, at aking pinangalat sa mga lupain. | |
Ezek | TagAngBi | 12:16 | Nguni't magiiwan ako ng kaunting lalake sa kanila, na maiiwan ng tabak, ng kagutom, at ng salot, upang kanilang maipahayag ang lahat na kanilang kasuklamsuklam sa gitna ng mga bansa na kanilang pinaroroonan; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon. | |
Ezek | TagAngBi | 12:18 | Anak ng tao, kanin mo ang iyong tinapay na may panginginig, at inumin mo ang iyong tubig na may pangangatal at may pagkatakot; | |
Ezek | TagAngBi | 12:19 | At sabihin mo sa bayan ng lupain, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios tungkol sa mga nananahan sa Jerusalem, at sa lupain ng Israel. Sila'y magsisikain ng kanilang tinapay na may pagkatakot, at nanglulupaypay na iinom ng tubig, upang ang kaniyang lupain ay masira na mawawalan ng lahat na nandoon, dahil sa pangdadahas nilang lahat na nagsisitahan doon. | |
Ezek | TagAngBi | 12:20 | At ang mga bayan na tinatahanan ay mawawasak, at ang lupain ay masisira; at inyong malalaman na ako ang Panginoon. | |
Ezek | TagAngBi | 12:22 | Anak ng tao, ano ang kawikaang ito na sinasambit ninyo sa lupain ng Israel, na sinasabi, Ang mga kaarawan ay tumatagal, at ang bawa't pangitain ay nabubulaanan? | |
Ezek | TagAngBi | 12:23 | Saysayin mo nga sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Aking papaglilikatin ang kawikaang ito, at hindi na sasambitin pang parang kawikaan sa Israel; kundi sabihin mo nga sa kanila, Ang mga kaarawan ay malapit na, at ang pagtupad ng lahat na pangitain. | |
Ezek | TagAngBi | 12:24 | Sapagka't hindi na magkakaroon pa ng walang kabuluhang pangitain o ng di tunay na panghuhula sa loob ng sangbahayan ni Israel. | |
Ezek | TagAngBi | 12:25 | Sapagka't ako ang Panginoon: ako'y magsasalita, at ang salita na aking sasalitain ay matutupad: hindi na magluluwat pa: sapagka't sa inyong mga kaarawan, Oh mapanghimagsik na sangbahayan, aking sasalitain ang salita, at aking tutuparin, sabi ng Panginoong Dios. | |
Ezek | TagAngBi | 12:27 | Anak ng tao, narito, silang nasa sangbahayan ni Israel ay nagsasabi, Ang pangitain na kaniyang nakikita ay sa malaong mga araw na darating, at nanghuhula ng mga panahong malayo. | |
Chapter 13
Ezek | TagAngBi | 13:2 | Anak ng tao, manghula ka laban sa mga propeta ng Israel na nanganghuhula, at sabihin mo sa kanila na nanganghuhula ng mula sa kanilang sariling puso, Pakinggan ninyo ang salita ng Panginoon: | |
Ezek | TagAngBi | 13:3 | Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Sa aba ng mga hangal na mga propeta, na nagsisisunod sa kanilang sariling diwa, at walang nakitang anoman! | |
Ezek | TagAngBi | 13:5 | Kayo'y hindi sumampa sa mga sira, o iginawa man ninyo ng kuta ang sangbahayan ni Israel, upang siya'y makatayo sa pakikipagbaka sa kaarawan ng Panginoon. | |
Ezek | TagAngBi | 13:6 | Sila'y nangakakita ng walang kabuluhan, at sinungaling na panghuhula, na nagsasabi, Sabi ng Panginoon; at hindi sila sinugo ng Panginoon; at kanilang pinaasa ang mga tao na ang salita ay magiging totoo. | |
Ezek | TagAngBi | 13:7 | Hindi baga kayo nakakita ng walang kabuluhang pangitain, at hindi baga kayo nagsalita ng kasinungalingang panghuhula, sa inyong pagsasabi, Sabi ng Panginoon; yamang hindi ko sinalita? | |
Ezek | TagAngBi | 13:8 | Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Sapagka't kayo'y nangagsasalita ng walang kabuluhan, at nangakakita ng mga kasinungalingan, kaya't, narito, ako'y laban sa inyo, sabi ng Panginoong Dios. | |
Ezek | TagAngBi | 13:9 | At ang aking kamay ay magiging laban sa mga propeta na nangakakakita ng walang kabuluhan, at nanganghuhula ng mga kasinungalingan: sila'y hindi mapapasa kapulungan ng aking bayan, o masusulat man sa pasulatan ng sangbahayan ni Israel, o sila man ay magsisipasok sa lupain ng Israel; at inyong malalaman na ako ang Panginoong Dios. | |
Ezek | TagAngBi | 13:10 | Sapagka't, sa makatuwid baga'y sapagka't kanilang hinikayat ang aking bayan, na nangagsabi, Kapayapaan; at walang kapayapaan; at pagka ang isa ay nagtatayo ng isang kuta, narito, kanilang tinatapalan ng masamang argamasa: | |
Ezek | TagAngBi | 13:11 | Sabihin mo sa kanila na nangagtatapal ng masamang argamasa, na yao'y mababagsak: magkakaroon ng bugso ng ulan; at kayo. Oh malalaking granizo, ay babagsak; at isang unos na hangin ay titibag niyaon. | |
Ezek | TagAngBi | 13:12 | Narito, pagka ang kuta ay nabagsak, hindi baga sasabihin sa inyo: Saan nandoon ang tapal na inyong itinapal? | |
Ezek | TagAngBi | 13:13 | Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Akin ngang titibagin ng unos na hangin sa aking kapusukan; at magkakaroon ng bugso ng ulan sa aking pagkagalit, at malalaking mga granizo sa kapusukan upang tunawin. | |
Ezek | TagAngBi | 13:14 | Gayon ko ibabagsak ang kuta na inyong tinapalan ng masamang argamasa, at aking ilalagpak sa lupa, na anopa't ang pinagsasaligan niyaon ay malilitaw: at mababagsak, at kayo'y malilipol sa gitna niyaon; at inyong malalaman na ako ang Panginoon. | |
Ezek | TagAngBi | 13:15 | Ganito ko wawakasan ang aking kapusukan sa kuta, at sa nangagtapal ng masamang argamasa; at sasabihin ko sa iyo, Ang kuta ay wala na, o ang nangagtatapal man; | |
Ezek | TagAngBi | 13:16 | Sa makatuwid baga'y ang mga propeta ng Israel, na nanganghuhula tungkol sa Jerusalem, at nangakakakita ng pangitaing kapayapaan para sa bayan, at walang kapayapaan, sabi ng Panginoong Dios. | |
Ezek | TagAngBi | 13:17 | At ikaw, anak ng tao, itingin mo ang iyong mukha laban sa mga anak na babae ng iyong bayan, na nanganghuhula ng mula sa kanilang sariling puso; at manghula ka laban sa kanila, | |
Ezek | TagAngBi | 13:18 | At iyong sabihin, ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Sa aba ng mga babae na nangananahi ng mga unan sa lahat ng siko, at nagsisigawa ng mga lambong na ukol sa ulo ng iba't ibang sukat upang manghuli ng mga kaluluwa! Hahanapin baga ninyo ang mga kaluluwa ng aking bayan, at mangagliligtas na buhay ng mga kaluluwa sa ganang inyong sarili? | |
Ezek | TagAngBi | 13:19 | At inyong nilapastangan ako sa gitna ng aking bayan dahil sa mga dakot na cebada, at dahil sa mga putol ng tinapay, upang ipahamak ang mga kaluluwa na hindi marapat mamatay, at upang iligtas na buhay ang mga kaluluwa na hindi marapat mabuhay, sa pamamagitan ng inyong pagbubulaan sa aking bayan na nakikinig sa mga kasinungalingan. | |
Ezek | TagAngBi | 13:20 | Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, ako'y laban sa inyong mga unan, na inyong ipinanghahanap ng mga kaluluwa, na paliparin sila, at aking mga lalabnutin sa inyong mga kamay; at aking pawawalan ang mga kaluluwa, sa makatuwid baga'y ang mga kaluluwa na inyong hinahanap upang paliparin. | |
Ezek | TagAngBi | 13:21 | Ang inyo namang mga lambong ay aking lalabnutin, at ililigtas ko ang aking bayan sa inyong kamay, at hindi na sila mangapapasa inyong kamay na mahanap; at inyong malalaman na ako ang Panginoon. | |
Ezek | TagAngBi | 13:22 | Sapagka't sa pamamagitan ng kasinungalingan ay inyong pinighati ang puso ng matuwid, na hindi ko pinalungkot, at inyong pinalakas ang kamay ng masama, upang huwag humiwalay sa kaniyang masamang lakad, at maligtas na buhay; | |
Chapter 14
Ezek | TagAngBi | 14:1 | Nang magkagayo'y lumapit sa akin ang ilan sa mga matanda sa Israel, at nangaupo sa harap ko. | |
Ezek | TagAngBi | 14:3 | Anak ng tao, tinaglay ng mga lalaking ito ang kanilang mga diosdiosan sa kanilang puso, at inilagay ang katitisuran ng kanilang kasamaan sa harap ng kanilang mukha: dapat bagang sanggunian nila ako? | |
Ezek | TagAngBi | 14:4 | Kaya't salitain mo sa kanila, at sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Bawa't tao sa sangbahayan ni Israel na nagtataglay ng kaniyang mga diosdiosan sa kaniyang puso, at naglalagay ng katitisuran ng kaniyang kasamaan sa harap ng kaniyang mukha, at naparoroon sa propeta; akong Panginoon ay sasagot sa kaniya roon ng ayon sa karamihan ng kaniyang mga diosdiosan; | |
Ezek | TagAngBi | 14:5 | Upang aking makuha ang sangbahayan ni Israel sa kanilang sariling puso sapagka't silang lahat ay nagsilayo sa akin dahil sa kanilang mga diosdiosan. | |
Ezek | TagAngBi | 14:6 | Kaya't sabihin mo sa sangbahayan ni Israel, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Mangagbalik-loob kayo, at kayo'y magsitalikod sa inyong mga diosdiosan; at ihiwalay ninyo ang inyong mga mukha sa lahat ninyong kasuklamsuklam. | |
Ezek | TagAngBi | 14:7 | Sapagka't bawa't tao sa sangbahayan ni Israel, o sa mga taga ibang lupa na nangananahan sa Israel, na humihiwalay ng kaniyang sarili sa akin, at nagtataglay ng kaniyang mga diosdiosan sa kaniyang puso, at naglalagay ng katitisuran ng kaniyang kasamaan sa harap ng kaniyang mukha, at naparoroon sa propeta upang magusisa sa akin tungkol sa kaniyang sarili; akong Panginoon ang sasagot sa kaniya: | |
Ezek | TagAngBi | 14:8 | At aking ititingin ang aking mukha laban sa taong yaon, at aking gagawin siyang katigilan, na pinakatanda at pinaka kawikaan, at aking ihihiwalay siya sa gitna ng aking bayan; at inyong malalaman na ako ang Panginoon. | |
Ezek | TagAngBi | 14:9 | At kung ang propeta ay madaya at magsalita ng isang salita, akong Panginoon ang dumaya sa propetang yaon, at aking iuunat ang aking kamay sa kaniya, at papatayin ko siya mula sa gitna ng aking bayang Israel. | |
Ezek | TagAngBi | 14:10 | At kanilang dadanasin ang kanilang kasamaan: ang kasamaan ng propeta ay magiging gaya nga ng kasamaan niya na humahanap sa kaniya; | |
Ezek | TagAngBi | 14:11 | Upang ang sangbahayan ni Israel ay huwag nang maligaw pa sa akin, o mahawa pa man sa lahat nilang pagsalangsang; kundi upang sila'y maging aking bayan, at ako'y maging kanilang Dios, sabi ng Panginoong Dios. | |
Ezek | TagAngBi | 14:13 | Anak ng tao, pagka ang isang lupain ay nagkasala laban sa akin ng pagsalangsang, at aking iniunat ang aking kamay roon, at aking binali ang tungkod ng tinapay niyaon, at nagsugo ako ng kagutom doon, at aking inihiwalay roon ang tao at hayop; | |
Ezek | TagAngBi | 14:14 | Bagaman ang tatlong lalaking ito, na si Noe, si Daniel at si Job, ay nangandoon, ang kanila lamang ililigtas ay ang kanilang sariling mga kaluluwa, sa pamamagitan ng kanilang katuwiran, sabi ng Panginoong Dios. | |
Ezek | TagAngBi | 14:15 | Kung aking paraanin ang mga mabangis na hayop sa lupain, at kanilang sirain, at ito'y magiba na anopa't walang taong makadaan dahil sa mga hayop; | |
Ezek | TagAngBi | 14:16 | Bagaman ang tatlong lalaking ito ay nangandoon, buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, hindi sila mangagliligtas ng mga anak na lalake o babae man; sila lamang ang maliligtas, nguni't ang lupain ay masisira. | |
Ezek | TagAngBi | 14:17 | O kung ako'y magpasapit ng tabak sa lupaing yaon, at aking sabihin, Tabak, dumaan ka sa lupain; na anopa't aking ihiwalay roon ang tao at hayop; | |
Ezek | TagAngBi | 14:18 | Bagaman ang tatlong lalaking ito ay nangandoon, buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, sila'y hindi mangagliligtas ng mga anak na lalake o babae man, kundi sila lamang ang maliligtas. | |
Ezek | TagAngBi | 14:19 | O kung ako'y magsugo ng salot sa lupaing yaon, at aking ibugso ang aking kapusukan sa kaniya na may kabagsikan, upang ihiwalay ang tao't hayop; | |
Ezek | TagAngBi | 14:20 | Bagaman si Noe, si Daniel, at si Job, ay nangandoon, buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, hindi sila mangagliligtas ng mga anak na lalake o babae man; ang kanila lamang ililigtas ay ang kanilang sariling kaluluwa sa pamamagitan ng kanilang katuwiran. | |
Ezek | TagAngBi | 14:21 | Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Gaano pa nga kaya kung aking pasapitin ang aking apat na mahigpit na kahatulan sa Jerusalem, ang tabak, at ang kagutom, at ang mabangis na hayop, at ang salot, upang ihiwalay roon ang tao at hayop? | |
Ezek | TagAngBi | 14:22 | Gayon ma'y, narito, doo'y maiiwan ang isang nalabi na ilalabas, mga anak na lalake at sangpu ng babae: narito, kanilang lalabasin kayo, at inyong makikita ang kanilang mga lakad at ang kanilang mga gawa; at kayo'y mangaaaliw tungkol sa kasamaan na aking pinasapit sa Jerusalem, tungkol sa lahat na aking pinasapit doon. | |
Chapter 15
Ezek | TagAngBi | 15:2 | Anak ng tao, ano ang higit ng puno ng baging kay sa alin mang puno ng kahoy, ng sanga ng puno ng baging na nasa gitna ng mga punong kahoy sa gubat? | |
Ezek | TagAngBi | 15:3 | Makakakuha baga ng kahoy doon upang gawing anomang kayarian? o makakakuha baga roon ang mga tao ng tulos upang mapagsabitan ng anomang kasangkapan? | |
Ezek | TagAngBi | 15:4 | Narito, inihahagis sa apoy na parang panggatong; sinusupok ng apoy ang dalawang dulo niyaon, at ang gitna niyao'y nasusunog; magagamit baga sa anomang gawain? | |
Ezek | TagAngBi | 15:5 | Narito, ng buo pa, hindi nagagamit sa anomang gawain: gaano pa nga kaya, pagka nasupok ng apoy, at nasunog, magagamit pa baga sa anomang gawain? | |
Ezek | TagAngBi | 15:6 | Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Kung paano ang puno ng baging sa gitna ng mga puno ng kahoy sa gubat, na aking ibinigay sa apoy na panggatong, gayon ko ibibigay ang mga nananahan sa Jerusalem. | |
Ezek | TagAngBi | 15:7 | At aking ititingin ang aking mukha laban sa kanila: sila'y magsisilabas sa apoy, nguni't susupukin sila ng apoy; at inyong malalaman na ako ang Panginoon, pagka aking itiningin ang aking mukha laban sa kanila. | |
Chapter 16
Ezek | TagAngBi | 16:3 | At sabihin mo, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa Jerusalem: Ang iyong pinagmulan at ang iyong kapanganakan ay ang lupain ng Cananeo; ang Amorrheo ay iyong Ama, at ang iyong ina ay Hethea. | |
Ezek | TagAngBi | 16:4 | At tungkol sa iyong kapanganakan, nang araw na ikaw ay ipanganak ay hindi naputol ang iyong pusod, o napaliguan ka man sa tubig upang linisin ka; ikaw ay hindi pinahiran ng asin, o nabalot man. | |
Ezek | TagAngBi | 16:5 | Walang matang nahabag sa iyo; upang gawin ang anoman sa mga ito sa iyo, na maawa sa iyo; kundi ikaw ay nahagis sa luwal na parang, sapagka't ang iyong pagkatao ay itinakuwil, nang araw na ikaw ay ipanganak. | |
Ezek | TagAngBi | 16:6 | At nang ako'y dumaan sa tabi mo, at makita kita na nagugumon sa iyong dugo, sinabi ko sa iyo, Bagaman ikaw ay nagugumon sa iyong dugo, mabuhay ka: oo, sinabi ko sa iyo, Bagaman ikaw ay nagugumon sa iyong dugo, mabuhay ka. | |
Ezek | TagAngBi | 16:7 | Pinarami kita na parang damo sa parang, at ikaw ay kumapal at dumakilang mainam, at ikaw ay nagtamo ng mainam na kagayakan: ang iyong dibdib ay naganyo, at ang iyong buhok ay lumago; gayon ma'y ikaw ay hubo at hubad. | |
Ezek | TagAngBi | 16:8 | Nang ako nga'y magdaan sa tabi mo, at tumingin sa iyo, narito, ang iyong panahon ay panahon ng pagibig; at aking iniladlad ang aking balabal sa iyo, at tinakpan ko ang iyong kahubaran: oo, ako'y sumumpa sa iyo, at nakipagtipan sa iyo, sabi ng Panginoong Dios, at ikaw ay naging akin. | |
Ezek | TagAngBi | 16:9 | Nang magkagayo'y pinaliguan kita ng tubig; oo, aking nilinis na mainam ang iyong dugo, at pinahiran kita ng langis. | |
Ezek | TagAngBi | 16:10 | Binihisan din naman kita ng yaring may burda, at sinapatusan kita ng balat ng foka, at binigkisan kita sa palibot ng mainam na kayong lino, at binalot kita ng sutla. | |
Ezek | TagAngBi | 16:11 | Ginayakan din naman kita ng hiyas, at nilagyan ko ng mga pulsera ang iyong mga kamay, at ng isang kuwintas ang iyong leeg. | |
Ezek | TagAngBi | 16:12 | At nilagyan ko ng hikaw ang iyong ilong, at ng mga hikaw ang iyong mga tainga, at isang magandang putong ang iyong ulo. | |
Ezek | TagAngBi | 16:13 | Ganito ka nagayakan ng ginto at pilak; at ang iyong damit ay mainam na kayong lino, at sutla at yaring may burda; ikaw ay kumain ng mainam na harina, at ng pulot, at ng langis; at ikaw ay lubhang maganda, at ikaw ay guminhawa sa kalagayang pagkahari. | |
Ezek | TagAngBi | 16:14 | At ang iyong kabantugan ay nangalat sa gitna ng mga bansa dahil sa iyong kagandahan; sapagka't naging sakdal dahil sa aking kamahalan na aking inilagay sa iyo, sabi ng Panginoong Dios. | |
Ezek | TagAngBi | 16:15 | Nguni't ikaw ay tumiwala sa iyong kagandahan, at nagpatutot dahil sa iyong kabantugan, at ikinalat mo ang iyong mga pakikiapid sa bawa't nagdaraan; yao'y kaniya nga. | |
Ezek | TagAngBi | 16:16 | At kinuha mo ang iyong mga suot, at ginawa mo para sa iyo ang mga mataas na dako na kagayakan na may sarisaring kulay, at nagpatutot sa kanila: ang gayong mga bagay ay hindi na darating, o mangyayari pa man. | |
Ezek | TagAngBi | 16:17 | Kinuha mo naman ang iyong mga magandang hiyas na ginto at pilak, na aking ibinigay sa iyo, at ginawa mo sa iyo ng mga larawan ng mga tao, at iyong ipinagpatutot sa kanila; | |
Ezek | TagAngBi | 16:18 | At iyong kinuha ang iyong mga bihisang may burda, at ibinalot mo sa kanila, at inilagay mo ang aking langis at ang aking kamangyan sa harap nila. | |
Ezek | TagAngBi | 16:19 | Ang aking tinapay naman na aking ibinigay sa iyo, mainam na harina, at langis, pulot, na aking ipinakain sa iyo, iyong inilagay nga sa harap nila na pinakamasarap na amoy; at ganito nangyari, sabi ng Panginoong Dios. | |
Ezek | TagAngBi | 16:20 | Bukod dito'y kinuha mo ang iyong mga anak na lalake at babae, na iyong ipinanganak sa akin, at ang mga ito ay iyong inihain sa kanila upang lamunin. Ang iyo bagang mga pakikiapid ay maliit na bagay. | |
Ezek | TagAngBi | 16:21 | Na iyong pinatay ang aking mga anak, at iyong ibinigay sila na pinararaan sila sa apoy? | |
Ezek | TagAngBi | 16:22 | At sa lahat ng iyong mga kasuklamsuklam, at ng iyong mga pakikiapid hindi mo inalaala ang mga kaarawan ng iyong kabataan, nang ikaw ay hubo at hubad, at nagugumon sa iyong dugo. | |
Ezek | TagAngBi | 16:23 | At nangyari, pagkatapos ng iyong buong kasamaan (sa aba, sa aba mo! sabi ng Panginoong Dios), | |
Ezek | TagAngBi | 16:24 | Na ikaw ay nagtayo para sa iyo ng isang matayog na dako, at gumawa ka para sa iyo ng mataas na dako sa bawa't lansangan. | |
Ezek | TagAngBi | 16:25 | Itinayo mo ang iyong mataas na dako sa bawa't bukana ng daan, at ginawa mong kasuklamsuklam ang iyong kagandahan, at ibinuka mo ang iyong mga paa sa bawa't nagdaraan, at pinarami mo ang iyong pakikiapid. | |
Ezek | TagAngBi | 16:26 | Ikaw naman ay nakiapid din sa mga taga Egipto, na iyong mga kalapit bayan, na malaki sa pangangatawan; at iyong pinarami ang iyong pakikiapid upang mungkahiin mo ako sa galit. | |
Ezek | TagAngBi | 16:27 | Narito nga, iniunat ko ang aking kamay sa iyo, at binawasan ko ang iyong karaniwang pagkain, at ibinigay kita sa balang maibigan ng nangagtatanim sa iyo, na mga anak na babae ng mga Filisteo, na nangapapahiya sa iyong kalibugan. | |
Ezek | TagAngBi | 16:28 | Ikaw naman ay nagpatutot din sa mga taga Asiria, sapagka't ikaw ay hindi nasisiyahan: oo, ikaw ay nagpatutot sa kanila, at gayon ma'y hindi ka nasisiyahan. | |
Ezek | TagAngBi | 16:29 | Bukod dito'y iyong pinarami ang iyong pakikiapid sa lupain ng Canaan, hanggang sa Caldea; at gayon ma'y hindi ka nasisiyahan. | |
Ezek | TagAngBi | 16:30 | Pagkahinahina ng iyong loob, sabi ng Panginoong Dios, palibhasa'y iyong ginagawa ang lahat na bagay na ito, na gawa ng isang hambog na patutot: | |
Ezek | TagAngBi | 16:31 | Sa iyong pagtatayo ng iyong matayog na dako sa bukana ng bawa't daan, at ginagawa mo ang iyong mataas na dako sa bawa't lansangan; at hindi ka naging gaya ng isang patutot sa iyong pagwawalang kabuluhan ng upa. | |
Ezek | TagAngBi | 16:32 | Isang babae na napakakalunya! na tumatanggap sa iba na kahalili ng kaniyang asawa! | |
Ezek | TagAngBi | 16:33 | Sila'y nagbibigay ng mga kaloob sa lahat ng mga patutot: nguni't ikaw ay nagbibigay ng iyong mga kaloob sa lahat na mangliligaw sa iyo, at iyong sinusuhulan sila, upang sila'y magsilapit sa iyo sa bawa't dako, dahil sa iyong mga pakikiapid. | |
Ezek | TagAngBi | 16:34 | At ang kaibahan ng ibang mga babae ay nasa iyo sa iyong mga pakikiapid, sa paraang walang sumusunod sa iyo upang makiapid: at sa iyong pagbibigay ng upa, at walang upa na ibinibigay sa iyo, kaya't ikaw ay kaiba. | |
Ezek | TagAngBi | 16:36 | Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Sapagka't ang iyong karumihan ay nahayag, at ang iyong kahubaran ay nalitaw sa iyong mga pakikiapid sa mga mangliligaw sa iyo; at dahil sa lahat ng diosdiosan na iyong mga kasuklamsuklam, at dahil sa dugo ng iyong mga anak, na iyong ibinigay sa kanila; | |
Ezek | TagAngBi | 16:37 | Kaya't, narito, aking pipisanin ang lahat na mangingibig sa iyo, na iyong pinagkaroonan ng kalayawan, at lahat ng iyong inibig, sangpu ng lahat na iyong kinapuotan; akin ngang pipisanin sila laban sa iyo sa bawa't dako, at aking ililitaw ang iyong kahubaran sa kanila, upang kanilang makita ang iyong buong kahubaran. | |
Ezek | TagAngBi | 16:38 | At aking hahatulan ka na gaya ng hatol sa mga babaing nangangalunya at nagbububo ng dugo; at aking dadalhin sa iyo ang dugo ng kapusukan at ng paninibugho. | |
Ezek | TagAngBi | 16:39 | Ikaw ay ibibigay ko rin sa kanilang kamay, at kanilang ibabagsak ang iyong matayog na dako, at igigiba ang iyong mga mataas na dako, at kanilang huhubaran ka ng iyong mga suot, at kukunin ang iyong magandang mga hiyas; at kanilang iiwan ka na hubo at hubad. | |
Ezek | TagAngBi | 16:40 | Sila naman ay mangagaahon ng isang pulutong laban sa iyo, at babatuhin ka nila ng mga bato, at palalagpasan ka ng kanilang mga tabak. | |
Ezek | TagAngBi | 16:41 | At susunugin nila ng apoy ang iyong mga bahay, at maglalapat ng mga kahatulan sa iyo sa paningin ng maraming babae; at aking patitigilin ka sa pagpapapatutot, at ikaw naman ay hindi na magbibigay pa ng upa. | |
Ezek | TagAngBi | 16:42 | Sa gayo'y aking papawiin ang aking kapusukan sa iyo, at ang aking paninibugho ay hihiwalay sa iyo, at ako'y matatahimik, at hindi na magagalit pa. | |
Ezek | TagAngBi | 16:43 | Sapagka't hindi mo naalaala ang mga kaarawan ng iyong kabataan, kundi ako'y pinapagiinit mo sa lahat ng mga bagay na ito; kaya't, narito, akin namang pararatingin ang iyong lakad sa iyong ulo, sabi ng Panginoong Dios: at hindi ka na gagawa ng kahalayang ito, na higit kay sa lahat ng iyong mga kasuklamsuklam. | |
Ezek | TagAngBi | 16:44 | Narito, bawa't sumasambit ng mga kawikaan ay sasambitin ang kawikaang ito laban sa iyo, na sasabihin, Kung ano ang ina, gayon ang kaniyang anak na babae. | |
Ezek | TagAngBi | 16:45 | Ikaw ang anak na babae ng iyong ina, na nagtakuwil ng kaniyang asawa at ng kaniyang mga anak; at ikaw ang kapatid ng iyong mga kapatid, na nagtakuwil ng kanilang mga asawa at ng kanilang mga anak: ang inyong ina ay Hetea, at ang inyong ama ay Amorrheo. | |
Ezek | TagAngBi | 16:46 | At ang iyong panganay na kapatid na babae ay ang Samaria na tumatahan sa iyong kaliwa, siya at ang kaniyang mga anak na babae; at ang iyong bunsong kapatid na babae na tumatahan sa iyong kanan ay Sodoma at ang kaniyang mga anak. | |
Ezek | TagAngBi | 16:47 | Gayon ma'y hindi ka lumakad sa kanilang mga lakad, o gumawa man ng ayon sa kanilang kasuklamsuklam, kundi wari napakaliit na bagay, ikaw ay hamak na higit kay sa kanila sa lahat ng iyong mga lakad. | |
Ezek | TagAngBi | 16:48 | Buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, ang Sodoma na iyong kapatid na babae ay hindi gumawa, siya o ang kaniyang mga anak na babae man, na gaya ng iyong ginawa, ng ginawa mo, at ng iyong mga anak na babae. | |
Ezek | TagAngBi | 16:49 | Narito, ito ang kasamaan ng iyong kapatid na babae na Sodoma; kapalaluan, kayamuan sa tinapay, at ang malabis na kapahingahan ay nasa kaniya at sa kaniyang mga anak na babae; at hindi man niya pinalakas ang kamay ng dukha at mapagkailangan. | |
Ezek | TagAngBi | 16:50 | At sila'y palalo at gumawa ng kasuklamsuklam sa harap ko: kaya't aking inalis sila, ayon sa aking minagaling. | |
Ezek | TagAngBi | 16:51 | Kahit ang Samaria ay hindi nakagawa ng kalahati ng iyong mga kasalanan, nguni't pinarami mo ang iyong mga kasuklamsuklam na higit kay sa kanila, at iyong pinabuti ang iyong mga kapatid na babae sa pamamagitan ng lahat mong mga kasuklamsuklam na iyong ginawa. | |
Ezek | TagAngBi | 16:52 | Ikaw rin naman, taglayin mo ang iyong sariling kahihiyan, sa iyong paglalapat ng kahatulan sa iyong mga kapatid na babae; sa iyong mga kasalanan na iyong nagawa na higit na kasuklamsuklam kay sa kanila, sila'y lalong matuwid kay sa iyo: oo, malito ka, at taglayin mo ang iyong kahihiyan, sa iyong pagpapabuti sa iyong mga kapatid na babae. | |
Ezek | TagAngBi | 16:53 | At aking panunumbalikin uli sila mula sa kanilang pagkabihag, sa pagkabihag ng Sodoma at ng kaniyang mga anak na babae, at sa pagkabihag ng Samaria at ng kaniyang mga anak na babae, at sa pagkabihag ng iyong mga bihag sa gitna nila. | |
Ezek | TagAngBi | 16:54 | Upang iyong taglayin ang iyong sariling kahihiyan, at ikaw ay mapahiya dahil sa lahat na iyong ginawa sa iyong pagaliw sa kanila. | |
Ezek | TagAngBi | 16:55 | At ang iyong mga kapatid na babae ang Sodoma at ang kaniyang mga anak na babae mangagbabalik sa kanilang dating kalagayan; at ang Samaria at ang kaniyang mga anak na babae ay mangagbabalik sa kanilang dating kalagayan; at ikaw at ang iyong mga anak ay mangagbabalik sa inyong dating kalagayan. | |
Ezek | TagAngBi | 16:56 | Sapagka't ang iyong kapatid na babae na Sodoma ay hindi nabanggit ng iyong bibig sa kaarawan ng iyong kapalaluan; | |
Ezek | TagAngBi | 16:57 | Bago nalitaw ang iyong kasamaan, gaya sa panahon ng kapulaan sa mga anak na babae ng Siria, at sa lahat na nangasa palibot niya, na mga anak na babae ng mga Filisteo, na siyang kumukutya sa iyo sa palibot. | |
Ezek | TagAngBi | 16:58 | Iyong isinagawa ang iyong kahalayan at ang iyong mga kasuklamsuklam, sabi ng Panginoon. | |
Ezek | TagAngBi | 16:59 | Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Akin namang gagawin sa iyo na gaya ng iyong ginawa, na iyong hinamak ang sumpa sa pagsira ng tipan. | |
Ezek | TagAngBi | 16:60 | Gayon ma'y aalalahanin ko ang aking tipan sa iyo nang mga kaarawan ng iyong kabataan, at aking itatatag sa iyo ang isang walang hanggang tipan. | |
Ezek | TagAngBi | 16:61 | Kung magkagayo'y aalalahanin mo ang iyong mga lakad, at mapapahiya ka, pagka iyong tatanggapin ang iyong mga kapatid na babae, ang iyong mga matandang kapatid at ang iyong batang kapatid: at aking ibibigay sila sa iyo na mga pinakaanak na babae, nguni't hindi sa pamamagitan ng iyong tipan. | |
Ezek | TagAngBi | 16:62 | At aking itatatag ang aking tipan sa iyo; at iyong malalaman na ako ang Panginoon; | |
Chapter 17
Ezek | TagAngBi | 17:2 | Anak ng tao, magbugtong ka, at magsalita ka ng talinhaga sa sangbahayan ni Israel; | |
Ezek | TagAngBi | 17:3 | At iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Isang malaking aguila na may mga malaki at mahabang pakpak na puno ng mga balahibo, na may sarisaring kulay, naparoon sa Libano, at kinuha ang dulo ng cedro: | |
Ezek | TagAngBi | 17:4 | Kaniyang binali ang pinakamataas na sariwang mga sanga niyaon, at dinala sa isang lupain na kalakalan; inilagay niya sa isang bayan ng mga mangangalakal. | |
Ezek | TagAngBi | 17:5 | Kumuha rin siya sa binhi ng lupain, at itinanim sa isang mainam na lupa; itinanim niya sa tabi ng maraming tubig; kaniyang itinanim na parang puno ng kahoy na sauce. | |
Ezek | TagAngBi | 17:6 | At tumubo, at naging mayabong, na puno ng baging na mababa, na ang mga sanga ay patungo sa dako niya, at ang mga ugat niyao'y nasa ilalim niya; sa gayo'y naging isang puno ng baging, at nagsanga, at nagsupling. | |
Ezek | TagAngBi | 17:7 | May iba namang malaking aguila na may mga malaking pakpak at maraming balahibo: at, narito, ang puno ng baging na ito ay pumihit ang mga ugat niyaon, sa dako niya, at isinupling ang kaniyang mga sanga sa dako niya mula sa mga pitak na kinatatamanan, upang kaniyang madilig. | |
Ezek | TagAngBi | 17:8 | Natanim sa isang mabuting lupa sa siping ng maraming tubig, upang makapagsanga, at makapagbunga, upang maging mabuting puno ng baging. | |
Ezek | TagAngBi | 17:9 | Sabihin mo, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Giginhawa baga yaon? hindi baga niya bubunutin ang mga ugat niyaon, at kikitlin ang bunga niyaon, upang matuyo; upang ang lahat na sariwang ladlad na mga dahon niyaon ay mangatuyo? at hindi sa pamamagitan ng malakas na bisig o maraming tao ay ito'y mabubunot sa mga ugat. | |
Ezek | TagAngBi | 17:10 | Oo, narito, yamang natanim ay giginhawa baga? hindi baga lubos na matutuyo pagka nahipan siya ng hanging silanganan? matutuyo sa mga pitak na tinubuan niya. | |
Ezek | TagAngBi | 17:12 | Sabihin mo nga sa mapanghimagsik na sangbahayan, Hindi baga ninyo nalalaman ang kahulugan ng mga bagay na ito? saysayin mo sa kanila, Narito, ang hari sa Babilonia ay dumating sa Jerusalem, at kinuha ang hari niyaon, at ang mga prinsipe niyaon, at dinala niya sa Babilonia. | |
Ezek | TagAngBi | 17:13 | At siya'y kumuha sa lahing hari, at nakipagtipan siya sa kaniya: isinailalim din niya siya sa panunumpa, at dinala ang mga dakila sa lupain; | |
Ezek | TagAngBi | 17:14 | Upang ang kaharian ay mababa, upang huwag makataas, kundi sa pagiingat ng kaniyang tipan ay mapatayo. | |
Ezek | TagAngBi | 17:15 | Nguni't siya'y nanghimagsik laban sa kaniya sa pagpapadala ng kaniyang mga sugo sa Egipto, upang mabigyan nila siya ng mga kabayo at maraming tao. Giginhawa baga siya? makatatanan baga siya na gumagawa ng ganyang mga bagay? makatatahan kaya siya na sumira ng tipan? | |
Ezek | TagAngBi | 17:16 | Buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, tunay na sa dakong tinatahanan ng hari na pinaggawaan sa kaniyang hari, na ang sumpa ay hinamak niya, at ang tipan ay sinira niya, siya nga'y mamamatay sa gitna ng Babilonia na kasama niya. | |
Ezek | TagAngBi | 17:17 | Kahit si Faraon man sangpu ng kaniyang makapangyarihang hukbo at malaking pulutong sa pakikidigma ay walang magagawa, pagka sila'y mangagtitindig ng mga bunton; at mangagtatayo ng mga katibayan, upang pumatay ng maraming mga tao. | |
Ezek | TagAngBi | 17:18 | Sapagka't kaniyang hinamak ang sumpa sa pagsira ng tipan; at narito, naiabot na niya ang kaniyang kamay, at gayon ma'y ginawa ang lahat na bagay na ito; siya'y hindi makatatanan. | |
Ezek | TagAngBi | 17:19 | Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Buhay ako, walang pagsalang ang panunumpa sa akin na kaniyang hinamak, at ang tipan sa akin na kaniyang sinira, aking pararatingin sa kaniyang sariling ulo. | |
Ezek | TagAngBi | 17:20 | At aking ilalagay ang aking panilo sa kaniya, at siya'y mahuhuli sa aking silo, at dadalhin ko siya sa Babilonia, at siya'y aking hahatulan doon dahil sa kaniyang pagsalangsang na kaniyang isinalangsang laban sa akin. | |
Ezek | TagAngBi | 17:21 | At ang lahat niyang mga tanan sa lahat niyang pulutong ay mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak, at ang nalabi ay mangangalat sa bawa't dako: at inyong malalaman na akong Panginoon ang nagsalita niyaon. | |
Ezek | TagAngBi | 17:22 | Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Kukuha naman ako sa dulo ng mataas na cedro, at aking itatanim; sa pinakamataas ng kaniyang sariwang sanga ay puputol ako ng supling, at aking itatanim sa isang mataas na bundok at matayog: | |
Ezek | TagAngBi | 17:23 | Sa bundok na kaitaasan ng Israel ay aking itatanim: at magsasanga at magbubunga, at magiging mainam na cedro: at sa lilim niyao'y tatahan ang lahat na ibon na ma'y iba't ibang uri; sa lilim ng mga sanga niyaon magsisitahan sila. | |
Chapter 18
Ezek | TagAngBi | 18:2 | Anong ibig ninyong sabihin na inyong sinasambit ang kawikaang ito tungkol sa lupain ng Israel, na sinasabi, Kinain ng mga magulang ang mga maasim na ubas, at ang mga ngipin ng mga anak ay nagsisipangilo? | |
Ezek | TagAngBi | 18:3 | Buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, hindi na ninyo sasambitin pa ang kawikaang ito sa Israel. | |
Ezek | TagAngBi | 18:4 | Narito, lahat ng kaluluwa ay akin; kung paano ang kaluluwa ng ama, gayon din ang kaluluwa ng anak ay akin: ang kaluluwa na nagkakasala ay mamamatay. | |
Ezek | TagAngBi | 18:6 | At hindi kumain sa mga bundok, o itinaas man ang kaniyang mga mata sa mga diosdiosan ng sangbahayan ni Israel, o nadumhan man ang asawa ng kaniyang kapuwa, o lumapit man sa isang babae na may kapanahunan: | |
Ezek | TagAngBi | 18:7 | At hindi pumighati sa kanino man, kundi nagsauli ng sangla sa mangungutang sa kaniya, hindi sumamsam ng anoman sa pamamagitan ng pangdadahas nagbigay ng kaniyang tinapay sa gutom, at nagbalot ng kasuutan sa hubad; | |
Ezek | TagAngBi | 18:8 | Siya na hindi nagbigay na may patubo, o kumuha man ng anomang pakinabang, na iniurong ang kaniyang kamay sa kasamaan, gumawa ng tunay na kahatulan sa tao't tao, | |
Ezek | TagAngBi | 18:9 | Lumakad ng ayon sa aking mga palatuntunan, at nagingat ng aking mga kahatulan upang gawing may katotohanan; siya'y ganap, siya'y walang pagsalang mabubuhay, sabi ng Panginoong Dios. | |
Ezek | TagAngBi | 18:10 | Kung siya'y magkaanak ng isang lalake na tulisan, mangbububo ng dugo, at gumagawa ng alin man sa mga ganitong bagay, | |
Ezek | TagAngBi | 18:11 | At hindi gumagawa ng alin man sa mga katungkulang yaon, kundi kumain nga sa mga bundok, at nadumhan ang asawa ng kaniyang kapuwa, | |
Ezek | TagAngBi | 18:12 | Pumighati ng dukha at mapagkailangan, sumamsam sa pamamagitan ng pangdadahas, hindi nagsauli ng sangla, at itinaas ang kaniyang mga mata sa mga diosdiosan, gumawa ng kasuklamsuklam. | |
Ezek | TagAngBi | 18:13 | Nagbigay na may patubo, at tumanggap ng pakinabang; mabubuhay nga baga siya? siya'y hindi mabubuhay: kaniyang ginawa ang lahat na kasuklamsuklam na ito: siya'y walang pagsalang mamamatay; ang kaniyang dugo ay sasa kaniya. | |
Ezek | TagAngBi | 18:14 | Ngayon, narito, kung siya'y magkaanak ng isang lalake, na nakikita ang lahat na kasalanan ng kaniyang ama na ginawa, at natatakot, at hindi gumagawa ng gayon; | |
Ezek | TagAngBi | 18:15 | Na hindi kumain sa mga bundok, o itinaas man ang kaniyang mga mata sa mga diosdiosan ng sangbahayan ni Israel; hindi nadumhan ang asawa ng kaniyang kapuwa, | |
Ezek | TagAngBi | 18:16 | O pumighati man sa kanino man, hindi tumanggap ng anomang sangla, o sumamsam man sa pamamagitan ng pangdadahas, kundi nagbigay ng kaniyang tinapay sa gutom, at nagbalot ng kasuutan sa hubad; | |
Ezek | TagAngBi | 18:17 | Na iniurong ang kaniyang kamay sa dukha, na hindi tumanggap ng patubo o ng pakinabang man, ginawa ang aking mga kahatulan, lumakad sa aking mga palatuntunan, hindi siya mamamatay, ng dahil sa kasamaan ng kaniyang ama, siya'y walang pagsalang mabubuhay. | |
Ezek | TagAngBi | 18:18 | Tungkol sa kaniyang ama, sapagka't siya'y pumighating may kabagsikan, sumamsam sa kaniyang kapatid sa pamamagitan ng pangdadahas, at gumawa ng hindi mabuti sa gitna ng kaniyang bayan, narito siya'y mamamatay sa kaniyang kasamaan. | |
Ezek | TagAngBi | 18:19 | Gayon ma'y sinasabi ninyo, Bakit hindi dinadala ng anak ang kasamaan ng ama? Pagka ginawa ng anak ang tapat at matuwid, at nag-ingat ng lahat na aking palatuntunan, at isinagawa, siya'y walang pagsalang mabubuhay. | |
Ezek | TagAngBi | 18:20 | Ang kaluluwa na nagkakasala, mamamatay: ang anak ay hindi magdadanas ng kasamaan ng ama, o magdadanas man ang ama ng kasamaan ng anak; ang katuwiran ng matuwid ay sasa kaniya, at ang kasamaan ng masama ay sasa kaniya. | |
Ezek | TagAngBi | 18:21 | Nguni't kung ang masama ay humiwalay sa kaniyang lahat na kasalanan na kaniyang nagawa, at ingatan ang lahat na aking mga palatuntunan, at gumawa ng tapat at matuwid, siya'y walang pagsalang mabubuhay, siya'y hindi mamamatay. | |
Ezek | TagAngBi | 18:22 | Wala sa kaniyang mga pagsalangsang na nagawa niya na aalalahanin laban sa kaniya: sa kaniyang katuwiran na kaniyang ginawa ay mabubuhay siya. | |
Ezek | TagAngBi | 18:23 | Mayroon baga akong anomang kasayahan sa kamatayan ng masama? sabi ng Panginoong Dios: at hindi baga mabuti na siya'y humiwalay sa kaniyang lakad, at mabuhay? | |
Ezek | TagAngBi | 18:24 | Nguni't pagka ang matuwid ay humiwalay sa kaniyang katuwiran, at gumagawa ng kasamaan, at gumagawa ng ayon sa lahat na kasuklamsuklam na ginagawa ng masamang tao, mabubuhay baga siya? Walang aalalahanin sa kaniyang mga matuwid na gawa na kaniyang ginawa: sa kaniyang pagsalangsang na kaniyang isinalangsang, at sa kaniyang kasalanan na kaniyang ipinagkasala, sa mga yaon mamamatay siya. | |
Ezek | TagAngBi | 18:25 | Gayon ma'y inyong sinasabi, Ang daan ng Panginoon ay hindi matuwid. Pakinggan mo ngayon, Oh sangbahayan ni Israel, Hindi baga ang aking daan ay matuwid? hindi baga ang iyong mga lakad ang di matuwid? | |
Ezek | TagAngBi | 18:26 | Pagka ang matuwid ay humihiwalay sa kaniyang katuwiran, at gumagawa ng kasamaan, at kinamamatayan; sa kasamaan na kaniyang nagawa ay mamamatay siya. | |
Ezek | TagAngBi | 18:27 | Muli, pagka ang masama ay humihiwalay sa kaniyang kasamaan na kaniyang nagawa, at gumawa ng tapat at matuwid, kaniyang ililigtas na buhay ang kaniyang kaluluwa. | |
Ezek | TagAngBi | 18:28 | Sapagka't siya'y nagmunimuni, at humiwalay sa lahat niyang pagsalangsang na kaniyang nagawa, siya'y walang pagsalang mabubuhay, siya'y hindi mamamatay. | |
Ezek | TagAngBi | 18:29 | Gayon ma'y sabi ng sangbahayan ni Israel, Ang daan ng Panginoon ay hindi matuwid. Oh sangbahayan ni Israel, hindi baga ang aking mga daan ay matuwid? hindi baga ang iyong mga lakad ay ang di matuwid? | |
Ezek | TagAngBi | 18:30 | Kaya't hahatulan ko kayo, Oh sangbahayan ni Israel, bawa't isa'y ayon sa kaniyang mga lakad, sabi ng Panginoong Dios. Kayo'y mangagbalik-loob, at magsihiwalay kayo sa lahat ninyong pagsalangsang; sa gayo'y ang kasamaan ay hindi magiging inyong kapahamakan. | |
Ezek | TagAngBi | 18:31 | Inyong iwaksi ang lahat ninyong pagsalangsang, na inyong isinalangsang: at kayo'y magbagong loob at magbagong diwa: sapagka't bakit kayo mamamatay, Oh angkan ni Israel? | |
Chapter 19
Ezek | TagAngBi | 19:2 | At iyong sabihin, naging ano baga ang iyong ina? Isang leona: siya'y humiga sa gitna ng mga leon, sa gitna ng mga batang leon, pinakain niya ang kaniyang mga anak. | |
Ezek | TagAngBi | 19:3 | At pinalaki niya ang isa sa kaniyang mga anak: yao'y naging isang batang leon, at yao'y natuto na manghuli at lumamon ng mga tao. | |
Ezek | TagAngBi | 19:4 | Narinig naman yaon ng mga bansa; yao'y nahuli sa kanilang hukay; at dinala nila yaon na natatanikalaan sa lupain ng Egipto. | |
Ezek | TagAngBi | 19:5 | Nang makita nga niya na siya'y naghintay, at ang kaniyang pagasa ay nawala, kumuha nga siya ng iba sa kaniyang mga anak, at ginawang batang leon. | |
Ezek | TagAngBi | 19:6 | At yao'y nagpanhik manaog sa gitna ng mga leon, yao'y naging batang leon; at yao'y natuto na manghuli, at lumamon ng mga tao. | |
Ezek | TagAngBi | 19:7 | At naalaman niya ang kanilang mga palacio, at sinira ang kanilang mga bayan; at ang lupain ay nagiba, at ang lahat na nangandoon, dahil sa hugong ng kaniyang angal. | |
Ezek | TagAngBi | 19:8 | Nang magkagayo'y nagsilagay ang mga bansa laban sa kaniya sa bawa't dako na mula sa mga lalawigan; at ipinaglagay nila siya ng panilo; nahuli siya sa kanilang hukay. | |
Ezek | TagAngBi | 19:9 | At may tanikalang inilagay siya nila sa isang kulungan, at dinala nila siya sa hari sa Babilonia; ipinasok nila siya sa katibayan, upang ang kaniyang tinig ay huwag nang marinig sa mga bundok ng Israel. | |
Ezek | TagAngBi | 19:10 | Ang inyong ina ay parang puno ng ubas sa iyong dugo, na natanim sa tabi ng tubig: siya'y mabunga at puno ng mga sanga, dahil sa maraming tubig. | |
Ezek | TagAngBi | 19:11 | At siya'y nagkaroon ng mga matibay na tutungkurin na magagawang mga cetro nila na nagpupuno, at ang kanilang taas ay nataas sa mga masinsing sanga, at nangakita sa kanilang taas dahil sa karamihan ng kanilang mga sanga. | |
Ezek | TagAngBi | 19:12 | Nguni't siya'y nabunot sa pag-aalab ng loob, siya'y nahagis sa lupa, at tinuyo ng hanging silanganan ang bunga niya: ang kaniyang mga matibay na tutungkurin ay nangabali at nagsidupok; pinagsupok sa apoy. | |
Chapter 20
Ezek | TagAngBi | 20:1 | At nangyari nang ikapitong taon, nang ikalimang buwan, nang ikasangpu ng buwan, na ang ilan sa mga matanda ng Israel ay nagsiparoon na sumangguni sa Panginoon, at nagsiupo sa harap ko. | |
Ezek | TagAngBi | 20:3 | Anak ng tao, salitain mo sa mga matanda ng Israel, at sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Kayo baga'y naparito upang sumangguni sa akin? Buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, hindi ako mapagsasanggunian ninyo. | |
Ezek | TagAngBi | 20:4 | Hahatulan mo baga sila, anak ng tao, hahatulan mo baga sila? Ipakilala mo sa kanila ang mga kasuklamsuklam ng kanilang mga magulang; | |
Ezek | TagAngBi | 20:5 | At sabihin mo sa kanila; Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Nang araw na aking piliin ang Israel, at itaas ko ang aking kamay sa lahi ng sangbahayan ni Jacob, at pakilala ako sa kanila sa lupain ng Egipto, na iginawad ko ang aking kamay sa kanila na sinabi, Ako ang Panginoon ninyong Dios; | |
Ezek | TagAngBi | 20:6 | Nang araw na yaon ay iginawad ko ang aking kamay sa kanila, upang ilabas ko sila sa lupain ng Egipto, na dalhin sa lupain na aking itinaan sa kanila na binubukalan ng gatas at pulot, na siyang pinakamainam kay sa lahat ng lupain. | |
Ezek | TagAngBi | 20:7 | At sinabi ko sa kanila, Itakuwil ng bawa't isa sa inyo ang mga bagay na kasuklamsuklam sa kaniyang mga mata, at huwag kayong mangahawa sa mga diosdiosan ng Egipto; ako ang Panginoon ninyong Dios. | |
Ezek | TagAngBi | 20:8 | Nguni't sila'y nanghimagsik laban sa akin, at hindi nakinig sa akin; hindi itinakuwil ng bawa't isa sa kanila ang mga kasuklamsuklam ng kanilang mga mata, o nilimot man nila ang mga diosdiosan sa Egipto. Nang magkagayo'y sinabi kong aking ibubuhos sa kanila ang aking kapusukan, upang ganapin ko ang aking galit laban sa kanila, sa gitna ng lupain ng Egipto. | |
Ezek | TagAngBi | 20:9 | Nguni't ako'y gumawa alangalang sa aking pangalan, upang huwag malapastangan sa paningin ng mga bansa, na kinaroroonan nila, na sa mga paningin nila ay napakilala ako sa kanila, sa paglalabas ko sa kanila sa lupain ng Egipto. | |
Ezek | TagAngBi | 20:10 | Sa gayo'y pinalabas ko sila mula sa lupain ng Egipto, at dinala ko sila sa ilang. | |
Ezek | TagAngBi | 20:11 | At ibinigay ko sa kanila ang aking mga palatuntunan, at itinuro ko sa kanila ang aking mga kahatulan, na kung isagawa ng tao ay mabubuhay sa mga yaon. | |
Ezek | TagAngBi | 20:12 | Bukod dito'y ibinigay ko rin naman sa kanila ang aking mga sabbath, upang maging tanda sa akin at sa kanila, upang kanilang makilala na ako ang Panginoon na nagpapaging banal sa kanila. | |
Ezek | TagAngBi | 20:13 | Nguni't ang sangbahayan ni Israel ay nanghimagsik laban sa akin sa ilang: sila'y hindi nagsilakad ng ayon sa aking mga palatuntunan, at kanilang itinakuwil ang aking mga kahatulan, na kung gawin ng tao, ay mabubuhay sa mga yaon; at ang aking mga sabbath ay kanilang nilapastangang mainam. Nang magkagayo'y sinabi ko na aking ibubuhos ang aking kapusukan sa kanila sa ilang, upang lipulin sila. | |
Ezek | TagAngBi | 20:14 | Nguni't ako'y gumawa alangalang sa aking pangalan, upang huwag malapastangan sa paningin ng mga bansa, na sa paningin ng mga yaon ay aking inilabas sila. | |
Ezek | TagAngBi | 20:15 | Bukod dito'y iginawad ko naman ang aking kamay sa kanila sa ilang, upang huwag ko silang dalhin sa lupain na aking ibinigay sa kanila, na binubukalan ng gatas at pulot, na siyang pinakamainam kay sa lahat ng lupain; | |
Ezek | TagAngBi | 20:16 | Sapagka't kanilang itinakuwil ang aking mga kahatulan, at hindi nagsilakad ng gayon sa aking mga palatuntunan, at nilapastangan ang aking mga sabbath: sapagka't ang kanilang puso ay nagsisunod sa kanilang mga diosdiosan. | |
Ezek | TagAngBi | 20:17 | Gayon ma'y ang aking mata ay nagpatawad sa kanila at hindi ko sila nilipol, o ginawan ko man sila ng lubos na kawakasan sa ilang. | |
Ezek | TagAngBi | 20:18 | At sinabi ko sa kanilang mga anak sa ilang, Huwag kayong magsilakad ng ayon sa mga palatuntunan ng inyong mga magulang, o ingatan man ang kanilang mga kahatulan, o magpakahawa man sa kanilang mga diosdiosan: | |
Ezek | TagAngBi | 20:19 | Ako ang Panginoon ninyong Dios: magsilakad kayo ng ayon sa aking mga palatuntunan, at ingatan ninyo ang aking mga kahatulan, at inyong isagawa; | |
Ezek | TagAngBi | 20:20 | At inyong ipangilin ang aking mga sabbath; at mga magiging tanda sa akin at sa inyo, upang inyong maalaman na ako ang Panginoon ninyong Dios. | |
Ezek | TagAngBi | 20:21 | Nguni't ang mga anak ay nanganghimagsik laban sa akin; sila'y hindi nagsilakad ng ayon sa aking mga palatuntunan, o nangagingat man ng aking mga kahatulan upang isagawa, na kung gawin ng tao ay mabubuhay sa mga yaon: kanilang nilapastangan ang aking mga sabbath. Nang magkagayo'y sinabi ko na aking ibubuhos ang aking kapusukan sa kanila, upang ganapin ang aking galit sa kanila sa ilang. | |
Ezek | TagAngBi | 20:22 | Gayon ma'y iniurong ko ang aking kamay, gumawa ako alang-alang sa aking pangalan, upang huwag malapastangan sa paningin ng mga bansa, na sa paningin ng mga yaon ay inilabas ko sila. | |
Ezek | TagAngBi | 20:23 | Bukod dito'y itinaas ko ang aking kamay sa kanila sa ilang, upang pangalatin ko sila sa gitna ng mga bansa, at panabugin sila sa mga lupain; | |
Ezek | TagAngBi | 20:24 | Sapagka't hindi nila isinagawa ang aking mga kahatulan, kundi itinakuwil ang aking mga palatuntunan, at nilapastangan ang aking mga sabbath, at ang kanilang mga mata'y nakasunod sa mga diosdiosan ng kanilang mga magulang. | |
Ezek | TagAngBi | 20:25 | Bukod dito'y binigyan ko sila ng mga palatuntunan na hindi mabuti, at ng mga kahatulan na hindi nila kabubuhayan; | |
Ezek | TagAngBi | 20:26 | At ipinariwara ko sila sa kanilang sariling mga kaloob, sa kanilang pagpaparaan sa apoy ng lahat na nangagbubukas ng bahay-bata, upang aking ipahamak sila, upang kanilang maalaman na ako ang Panginoon. | |
Ezek | TagAngBi | 20:27 | Kaya't, anak ng tao, salitain mo sa sangbahayan ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sa ganito ma'y nilapastangan ako ng inyong mga magulang, sa kanilang pagsalangsang laban sa akin. | |
Ezek | TagAngBi | 20:28 | Sapagka't nang dalhin ko sila sa lupain, na aking pinaggawaran ng aking kamay upang ibigay ko sa kanila, kanila ngang nakita ang lahat na mataas na burol, at lahat na mayabong na punong kahoy, at inihandog nila roon ang kanilang mga hain, at doo'y kanilang iniharap ang nakagagalit nilang handog; nagsuob rin sila roon ng kanilang pabango, at ibinuhos nila roon ang kanilang mga inuming handog. | |
Ezek | TagAngBi | 20:29 | Nang magkagayo'y sinabi ko sa kanila, Anong kahulugan ng mataas na dako na inyong pinaroroonan? Sa gayo'y ang pangalan niyaon ay tinawag na Bama hanggang sa araw na ito. | |
Ezek | TagAngBi | 20:30 | Kaya't sabihin mo sa sangbahayan ni Israel, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Nangagpakarumi baga kayo ng ayon sa paraan ng inyong mga magulang? at kayo baga'y nagpatutot ng ayon sa kanilang mga kasuklamsuklam? | |
Ezek | TagAngBi | 20:31 | At pagka inyong inihahandog ang inyong mga kaloob, pagka, inyong pinararaan sa apoy ang inyong mga anak, nangagpapakarumi baga kayo sa lahat ninyong diosdiosan hanggang sa araw na ito? at ako baga'y mapagsasanggunian ninyo, Oh sangbahayan ni Israel? Buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, hindi ninyo ako mapagsasanggunian; | |
Ezek | TagAngBi | 20:32 | At ang nagmumula sa inyong pagiisip ay hindi mangyayari sa anomang paraan, sa inyong sinasabi, Kami ay magiging gaya ng mga bansa; na gaya ng mga angkan ng mga lupain upang mangaglingkod sa kahoy at bato. | |
Ezek | TagAngBi | 20:33 | Buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, walang pagsalang sa pamamagitan ng makapangyarihang kamay, at ng unat na bisig, at ng kapusukan na ibinubugso, ay maghahari ako sa inyo. | |
Ezek | TagAngBi | 20:34 | At ilalabas ko kayo na mula sa mga bayan, at pipisanin ko kayo na mula sa mga lupain, na inyong pinangalatan, sa pamamagitan ng makapangyarihang kamay, at ng unat na bisig, at ng kapusukan na ibinubuhos; | |
Ezek | TagAngBi | 20:35 | At aking dadalhin kayo sa ilang ng mga bayan, at doo'y makikipagkatuwiranan ako sa inyo ng harapan. | |
Ezek | TagAngBi | 20:36 | Kung paanong ako'y nakipagkatuwiranan sa inyong mga magulang sa ilang ng lupain ng Egipto, gayon ako makikipagkatuwiranan sa inyo, sabi ng Panginoong Dios. | |
Ezek | TagAngBi | 20:37 | At pararaanin ko kayo sa ilalim ng tungkod, at dadalhin ko kayo sa pakikipagkasundo ng tipan; | |
Ezek | TagAngBi | 20:38 | At aking lilinisin sa gitna ninyo ang mga mapanghimagsik, at ang mga nagsisisalangsang laban sa akin; aking ilalabas sila sa lupaing kanilang pinangingibahang bayan, nguni't hindi sila magsisipasok sa lupain ng Israel: at inyong malalaman na ako ang Panginoon. | |
Ezek | TagAngBi | 20:39 | Tungkol sa inyo, Oh sangbahayan ni Israel, ganito ang sabi ng Panginoong Dios; magsiyaon kayo, maglingkod bawa't isa sa kaniyang mga diosdiosan, at sa haharapin man, kung hindi ninyo ako didinggin; nguni't ang aking banal na pangalan ay hindi na ninyo lalapastanganin ng inyong mga kaloob, at ng inyong mga diosdiosan. | |
Ezek | TagAngBi | 20:40 | Sapagka't sa aking banal na bundok, sa bundok na kaitaasan ng Israel, sabi ng Panginoong Dios, doon ako paglilingkuran sa lupain ng buong sangbahayan ni Israel, nilang lahat: doo'y tatanggapin ko sila, at doon ko hihingin ang inyong mga handog, at ang mga unang bunga na inyong mga alay, sangpu ng lahat ninyong banal na bagay. | |
Ezek | TagAngBi | 20:41 | Parang masarap na amoy na tatanggapin ko kayo, pagka kayo'y aking naihiwalay sa mga bayan, at napisan ko kayo mula sa mga lupain na inyong pinangalatan; at ako'y ipaari ninyong banal sa paningin ng mga bansa. | |
Ezek | TagAngBi | 20:42 | At inyong malalaman na ako ang Panginoon, pagka kayo'y aking ipapasok sa lupain ng Israel, sa lupain na aking pinagtaasan ng aking kamay upang ibigay sa inyong mga magulang. | |
Ezek | TagAngBi | 20:43 | At doo'y maaalaala ninyo ang inyong mga lakad, at lahat ng inyong gawa, na inyong pinagpakadumhan; at inyong kayayamutan ang inyong sarili sa inyong sariling paningin dahil sa lahat ninyong kasamaan na inyong ginawa. | |
Ezek | TagAngBi | 20:44 | At inyong malalaman na ako ang Panginoon, pagka ako'y nakagawa na sa inyo alangalang sa aking pangalan, hindi ayon sa inyong mga masamang lakad, o ayon sa inyong mga masamang gawa man, Oh ninyong sangbahayan ni Israel, sabi ng Panginoong Dios. | |
Ezek | TagAngBi | 20:46 | Anak ng tao, itingin mo ang iyong mukha sa dakong timugan, at magbadya ka ng iyong salita sa dakong timugan, at manghula ka laban sa gubat ng parang sa Timugan; | |
Ezek | TagAngBi | 20:47 | At sabihin mo sa gubat ng Timugan, Iyong pakinggan ang salita ng Panginoon: Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, aking papagniningasin ang isang apoy sa iyo, at susupukin ang bawa't sariwang punong kahoy sa iyo, at ang bawa't tuyong punong kahoy: ang maalab na liyab at hindi mapapatay, at ang lahat na mukha na mula sa timugan hanggang sa hilagaan ay masusunog sa liyab. | |
Ezek | TagAngBi | 20:48 | At malalaman ng lahat ng tao na akong Panginoon ang nagpaalab niyaon; hindi mapapatay. | |
Chapter 21
Ezek | TagAngBi | 21:2 | Anak ng tao, itingin mo ang iyong mukha sa dakong Jerusalem, at magbadya ka ng iyong salita sa dako ng mga santuario, at manghula ka laban sa lupain ng Israel; | |
Ezek | TagAngBi | 21:3 | At sabihin mo sa lupain ng Israel, Ganito ang sabi ng Panginoon: Narito, ako'y laban sa iyo, at aking bubunutin ang aking tabak sa kaloban, at ihihiwalay ko sa iyo ang matuwid at ang masama. | |
Ezek | TagAngBi | 21:4 | Yaman nga na aking ihihiwalay sa iyo ang matuwid at ang masama, kaya't aking bubunutin ang aking tabak sa kaloban na laban sa lahat na tao na mula sa timugan hanggang sa hilagaan: | |
Ezek | TagAngBi | 21:5 | At malalaman ng lahat na tao na akong Panginoon ay bumunot ng aking tabak sa kaloban; hindi na isusuksok pa. | |
Ezek | TagAngBi | 21:6 | Magbuntong-hininga ka nga, ikaw na anak ng tao; na may pagkasira ng iyong mga balakang at may kapanglawang magbubuntong-hininga ka sa harap ng kanilang mga mata. | |
Ezek | TagAngBi | 21:7 | At mangyayari, pagka kanilang sinasabi sa iyo, Bakit ka nagbubuntong-hininga? na iyong sasabihin, Dahil sa mga balita, sapagka't dumarating; at ang bawa't puso ay manglulumo, at ang lahat na kamay ay manghihina, at ang bawa't espiritu ay manglulupaypay, at ang lahat na tuhod ay manglalambot na parang tubig: narito, dumarating, at mangyayari, sabi ng Panginoong Dios. | |
Ezek | TagAngBi | 21:9 | Anak ng tao, manghula ka, at sabihin mo, Ganito ang sabi ng Panginoon: Sabihin mo, Isang tabak, isang tabak ay nahasa, at kuminang din naman; | |
Ezek | TagAngBi | 21:10 | Nahasa upang manglipol; kuminang upang maging parang kidlat: gagawa nga baga tayo ng mga kasayahan? ang tungkod ng aking anak ay humahamak sa bawa't punong kahoy. | |
Ezek | TagAngBi | 21:11 | At pinakikinang, upang hawakan: ang tabak, ito'y nahasa, oo, pinakinang, upang ibigay sa kamay ng manglilipol. | |
Ezek | TagAngBi | 21:12 | Humiyaw ka at manambitan ka, anak ng tao; sapagka't nauumang sa aking bayan, nauumang sa lahat ng mga prinsipe sa Israel: sila'y nangabigay sa tabak na kasama ng aking bayan; tampalin mo nga ang iyong hita. | |
Ezek | TagAngBi | 21:13 | Sapagka't may paglilitis; at paano kung pati ng tungkod na humahamak ay mawala? sabi ng Panginoong Dios. | |
Ezek | TagAngBi | 21:14 | Ikaw nga, anak ng tao, manghula ka, at ipakpak mo kapuwa ang iyong mga kamay; at ang tabak ay malupi sa ikatlo, ang tabak ng nasugatan sa ikamamatay: siyang tabak ng dakilang nasugatan sa ikamamatay na pumasok sa kanilang mga silid. | |
Ezek | TagAngBi | 21:15 | Aking iniumang ang kumikinang na tabak laban sa lahat nilang pintuang-bayan, upang ang kanilang puso ay manglumo, at ang kanilang mga pagkatisod ay dumami: ah! ang pagkayari ay parang kidlat, na inihasa upang ipangpatay. | |
Ezek | TagAngBi | 21:16 | Humayo ka sa isang dako, lumagay ka sa kanan, o lumagay ka sa kaliwa, saan man mapaharap ang iyong mukha. | |
Ezek | TagAngBi | 21:17 | Akin din namang ipapakpak kapuwa ang aking mga kamay, at aking lulubusin ang aking kapusukan: ako ang Panginoon, ang nagsalita. | |
Ezek | TagAngBi | 21:19 | Gayon din, ikaw na anak ng tao, magtakda ka sa iyo ng dalawang daan, na mapanggagalingan ng tabak ng hari sa Babilonia; silang dalawa ay kapuwa lalabas sa isang lupain: at landasan mo ng dako, landasan mo sa bukana ng daang patungo sa bayan. | |
Ezek | TagAngBi | 21:20 | Ikaw ay magtatakda ng daan para sa tabak na paroon sa Raba ng mga anak ni Ammon, at sa Juda sa Jerusalem na nakukutaan. | |
Ezek | TagAngBi | 21:21 | Sapagka't ang hari sa Babilonia ay tumayo sa pinagkakahiwalayan ng daan, sa bukana ng dalawang daan, upang magbadya ng panghuhula: kaniyang iniwasiwas ang mga pana na paroo't parito, siya'y sumangguni sa mga diosdiosan, siya'y nagsiyasat sa atay. | |
Ezek | TagAngBi | 21:22 | Nasa kanang kamay niya ang panghuhula sa Jerusalem, upang mag-umang ng mga pangsaksak, upang bukahin ang bibig sa pagpatay, upang itaas ang tinig sa paghiyaw, upang mag-umang ng mga pangsaksak laban sa mga pintuang-bayan, upang maglagay ng mga bunton upang magtayo ng mga katibayan. | |
Ezek | TagAngBi | 21:23 | At sa kanila ay magiging parang panghuhulang walang kabuluhan sa kanilang paningin, na nanumpa sa kanila; nguni't ipinaa-alaala niya sa kanilang kasamaan, upang sila'y mangahuli. | |
Ezek | TagAngBi | 21:24 | Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Sapagka't inyong ipinaalaala ang inyong kasamaan, palibhasa'y ang inyong mga pagsalangsang ay nalitaw, na anopa't sa lahat ninyong gawa ay nagsilitaw ang inyong mga kasalanan; sapagka't dumating ang pagkaalaala sa inyo, kayo'y huhulihin ng kamay. | |
Ezek | TagAngBi | 21:25 | At ikaw, Oh masama na nasugatan ng ikamamatay, na prinsipe sa Israel, na ang kaarawan ay dumating, sa panahon ng parusang pinaka wakas; | |
Ezek | TagAngBi | 21:26 | Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Ilapag mo ang tiara, at alisin mo ang putong; ito'y hindi na mangyayari pa uli; itaas mo ang mababa at ibaba mo ang mataas. | |
Ezek | TagAngBi | 21:27 | Aking ititiwarik, ititiwarik, ititiwarik: ito rin nama'y hindi na mangyayari uli, hanggang sa dumating yaong may matuwid na kaniya; at aking ibibigay sa kaniya. | |
Ezek | TagAngBi | 21:28 | At ikaw, anak ng tao, manghula ka, at iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios tungkol sa mga anak ni Ammon, at tungkol sa kanilang kapulaan; at sabihin mo, Isang tabak, isang tabak ay binunot, na ukol sa pagpatay ay kuminang upang papanglipulin, upang maging parang kidlat; | |
Ezek | TagAngBi | 21:29 | Samantalang sila'y nangakakakita sa iyo ng walang kabuluhan, samantalang sila'y nanganghuhula sa iyo ng mga kabulaanan, upang ipasan ka sa mga leeg ng masama na sinugatan ng ikamamatay, na ang kaarawan ay dumating, sa panahon ng parusang pinaka wakas. | |
Ezek | TagAngBi | 21:30 | Isuksok mo iyan sa kaniyang kaloban. Sa dakong pinaglalangan sa iyo, sa lupain ng kapanganakan mo, hahatulan kita. | |
Ezek | TagAngBi | 21:31 | At aking ibubuhos ang aking galit sa iyo; aking hihipan ka sa pamamagitan ng apoy ng aking poot: at aking ibibigay ka sa kamay ng mga tampalasang tao na bihasang pumatay. | |
Chapter 22
Ezek | TagAngBi | 22:2 | At Ikaw, anak ng tao, hahatulan mo baga, hahatulan mo baga ang bayang mabagsik? ipakilala mo nga sa kaniya ang lahat niyang kasuklamsuklam. | |
Ezek | TagAngBi | 22:3 | At iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Bayang nagbububo ng dugo sa gitna niya, na ang kaniyang panahon ay darating, at gumagawa ng mga diosdiosan laban sa kaniyang sarili, upang mapahamak siya! | |
Ezek | TagAngBi | 22:4 | Ikaw ay naging salarin dahil sa iyong dugo na iyong ibinubo, at ikaw ay napahamak sa iyong mga diosdiosan na iyong ginawa; at iyong pinalapit ang iyong mga kaarawan, at ikaw ay dumating hanggang sa iyong mga taon; kaya't ginawa kitang isang kapulaan sa mga bansa, at isang katuyaan sa lahat na lupain. | |
Ezek | TagAngBi | 22:5 | Yaong mga malapit, at yaong mga malayo, ay magsisituya sa iyo, ikaw na napahamak at puno ng kagulo. | |
Ezek | TagAngBi | 22:6 | Narito, ang mga prinsipe sa Israel, na bawa't isa'y ayon sa kaniyang kapangyarihan, napasa iyo upang magbubo ng dugo. | |
Ezek | TagAngBi | 22:7 | Sa iyo'y kanilang niwalang kabuluhan ang ama't ina; sa gitna mo ay pinahirapan nila ang taga ibang lupa; sa iyo'y kanilang pinighati ang ulila at ang babaing bao. | |
Ezek | TagAngBi | 22:8 | Iyong hinamak ang aking mga banal na bagay, at iyong nilapastangan ang aking mga sabbath. | |
Ezek | TagAngBi | 22:9 | Mga maninirang puri ay napasa iyo upang magbubo ng dugo: at sa iyo'y nagsikain sila sa mga bundok: sa gitna mo ay nagkasala sila ng kahalayan. | |
Ezek | TagAngBi | 22:10 | Sa iyo'y kanilang inilitaw ang kahubaran ng kanilang mga magulang; sa iyo'y pinapakumbaba niya siya na marumi sa kaniyang pagkahiwalay. | |
Ezek | TagAngBi | 22:11 | At ang isa'y gumawa ng kasuklamsuklam sa asawa ng kaniyang kapuwa; at ang isa'y gumawa ng kahalayhalay sa kaniyang manugang na babae; at sa iyo'y sinipingan ng isa ang kaniyang kapatid na babae na anak ng kaniyang ama. | |
Ezek | TagAngBi | 22:12 | Sa iyo ay nagsitanggap sila ng suhol upang magbubo ng dugo; ikaw ay kumuha ng patubo't pakinabang, at ikaw ay nakinabang ng malabis sa iyong kapuwa sa pamamagitan ng pagpighati, at nilimot mo ako, sabi ng Panginoong Dios. | |
Ezek | TagAngBi | 22:13 | Narito nga, aking ipinakpak ang aking kamay dahil sa iyong masamang pakinabang na iyong ginawa, at sa iyong dugo na iyong ibinubo sa gitna mo. | |
Ezek | TagAngBi | 22:14 | Makapagmamatigas baga ang iyong puso, o makapagmamalakas baga ang iyong mga kamay sa mga araw na parurusahan kita? Akong Panginoon ang nagsalita, at gagawa niyaon. | |
Ezek | TagAngBi | 22:15 | At aking pangangalatin ka sa gitna ng mga bansa, at pananabugin kita sa mga lupain; at aking papawiin ang iyong karumihan sa gitna mo. | |
Ezek | TagAngBi | 22:16 | At ikaw ay malalapastangan sa iyong sarili, sa paningin ng mga bansa; at iyong malalaman na ako ang Panginoon. | |
Ezek | TagAngBi | 22:18 | Anak ng tao, ang sangbahayan ni Israel ay naging dumi ng bakal sa akin: silang lahat ay tanso at lata at bakal at tingga, sa gitna ng hurno; sila ay naging dumi ng pilak. | |
Ezek | TagAngBi | 22:19 | Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Sapagka't kayong lahat ay naging dumi ng bakal, kaya't narito, aking pipisanin kayo sa gitna ng Jerusalem. | |
Ezek | TagAngBi | 22:20 | Kung paanong kanilang pinipisan ang pilak at ang tanso at ang bakal at ang tingga at ang lata sa gitna ng hurno, upang hipan ng apoy, upang tunawin; gayon ko kayo pipisanin sa aking galit at sa aking kapusukan, at aking ilalapag kayo roon, at pupugnawin ko kayo. | |
Ezek | TagAngBi | 22:21 | Oo, aking pipisanin kayo, at hihipan ko kayo sa pamamagitan ng apoy ng aking poot, at kayo'y mangapupugnaw sa gitna niyaon. | |
Ezek | TagAngBi | 22:22 | Kung paanong ang pilak ay natutunaw sa gitna ng hurno, gayon kayo mangatutunaw sa gitna niyaon; at inyong malalaman na akong Panginoon ang nagbububos ng aking kapusukan sa inyo. | |
Ezek | TagAngBi | 22:24 | Anak ng tao, sabihin mo sa kaniya, Ikaw ay isang lupain na hindi nilinis, o naulanan man sa kaarawan ng pagkagalit. | |
Ezek | TagAngBi | 22:25 | May panghihimagsik ng kaniyang mga propeta sa gitna niyaon, gaya ng leong umuungal na umaagaw ng huli: sila'y nanganakmal ng mga tao; sila'y nagsikuha ng kayamanan at ng mga mahalagang bagay; pinarami nila ang kanilang babaing bao sa gitna niyaon, | |
Ezek | TagAngBi | 22:26 | Ang mga saserdote niyaon ay nagsigawa ng pangdadahas sa aking kautusan, at nilapastangan ang aking mga banal na bagay: sila'y hindi nangaglagay ng pagkakaiba sa banal at sa karaniwan, o kanila mang pinapagmunimuni ang mga tao sa marumi at sa malinis, at ikinubli ang kanilang mga mata sa aking mga sabbath, at ako'y nalapastangan sa gitna nila. | |
Ezek | TagAngBi | 22:27 | Ang mga prinsipe sa gitna niyaon ay parang mga lobo na nangangagaw ng huli, upang mangagbubo ng dugo, at upang magpahamak ng mga tao, upang sila'y mangagkaroon ng mahalay na pakinabang. | |
Ezek | TagAngBi | 22:28 | At itinapal ng mga propeta niyaon ang masamang argamasa para sa kanila, na nakakita ng walang kabuluhan, at nanganghuhula ng mga kabulaanan sa kanila, na nangagsabi, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, dangang hindi sinalita ng Panginoon. | |
Ezek | TagAngBi | 22:29 | Ang bayan ng lupain ay gumawa ng pagpighati, at nagnakaw; oo, kanilang pinagdalamhati ang dukha at mapagkailangan, at pinighati ng wala sa katuwiran ang taga ibang lupa. | |
Ezek | TagAngBi | 22:30 | At ako'y humanap ng lalake sa gitna nila, na makakagawa ng bakod, at makatatayo sa sira sa harap ko dahil sa lupain, upang huwag kong ipahamak; nguni't wala akong nasumpungan. | |
Chapter 23
Ezek | TagAngBi | 23:3 | At sila'y nagpatutot sa Egipto; sila'y nagpatutot sa kanilang kadalagahan: doo'y nangahigpit ang kanilang mga dibdib, at doo'y nangahipo ang mga suso ng kanilang pagkadalaga. | |
Ezek | TagAngBi | 23:4 | At ang mga pangalan nila ay Ohola ang matanda, at Oholiba ang kapatid niya: at sila'y naging akin at nanganak ng mga lalake at babae. At tungkol sa kanilang mga pangalan, Samaria ay Ohola, at Jerusalem ay Oholiba. | |
Ezek | TagAngBi | 23:5 | At si Ohola ay nagpatutot nang siya'y akin; at siya'y suminta sa mga mangingibig sa kaniya, sa mga taga Asiria na kaniyang mga kalapit bayan. | |
Ezek | TagAngBi | 23:6 | Na nananamit ng kulay asul, ang mga tagapamahala at ang mga pinuno, silang lahat na binatang makisig, mga mangangabayo na nangakasakay sa mga kabayo. | |
Ezek | TagAngBi | 23:7 | At ipinagkaloob niya sa kanila ang kaniyang pakikiapid, sa mga pinaka piling lalake sa Asiria sa kanilang lahat; at sa sino man na inibig niya, sa lahat nilang diosdiosan, ay nadumhan siya. | |
Ezek | TagAngBi | 23:8 | Ni hindi man niya iniwan ang kaniyang mga pagpapatutot mula sa mga kaarawan ng Egipto, sapagka't sa kaniyang kadalagahan, sila'y sumisiping sa kaniya, at nangahipo nila ang mga suso ng kaniyang pagkadalaga; at kanilang ibinuhos ang kanilang pagpapatutot sa kaniya. | |
Ezek | TagAngBi | 23:9 | Kaya't ibinigay ko siya sa kamay ng mga mangingibig sa kaniya, sa kamay ng mga taga Asiria, na siya niyang mga inibig. | |
Ezek | TagAngBi | 23:10 | Ang mga ito ang nangaglitaw ng kaniyang kahubaran; kinuha nila ang kaniyang mga anak na lalake at babae; at siya'y pinatay nila ng tabak: at siya'y naging kakutyaan sa mga babae; sapagka't sila'y naglapat ng mga kahatulan sa kaniya. | |
Ezek | TagAngBi | 23:11 | At nakita ito ng kaniyang kapatid na si Oholiba, gayon ma'y siya'y higit na napahamak sa kaniyang pagibig kay sa kaniya, at sa kaniyang mga pagpapatutot na higit kay sa mga pagpapatutot ng kaniyang kapatid. | |
Ezek | TagAngBi | 23:12 | Siya'y umibig sa mga taga Asiria, sa mga tagapamahala at mga pinuno, sa kaniyang mga kalapit bayan, na nararamtan ng mga pinakamahusay, sa mga nangangabayo na nakasakay sa mga kabayo, silang lahat ay mga binatang makisig. | |
Ezek | TagAngBi | 23:14 | At kaniyang pinalago ang kaniyang mga pagpapatutot; sapagka't siya'y nakakita ng mga lalaking nakalarawan sa mga panig, na mga larawan ng mga Caldeo na nakalarawan ng bermillon, | |
Ezek | TagAngBi | 23:15 | Na nangabibigkisan sa kanilang mga balakang, na mga may lumilipad na turbante sa kanilang mga ulo, silang lahat ay parang mga prinsipe ayon sa wangis ng mga taga Babilonia sa Caldea, na lupain na kanilang kinapanganakan. | |
Ezek | TagAngBi | 23:16 | At pagkakita niya sa kanila ay inibig niya agad sila, at nagsugo ng mga sugo sa kanila sa Caldea. | |
Ezek | TagAngBi | 23:17 | At sinipingan siya ng mga taga Babilonia sa higaan ng pagibig, at kanilang dinumhan siya ng kanilang pagpapatutot, at siya'y nahawa sa kanila, at ang kaniyang kalooban ay tinabangan sa kanila. | |
Ezek | TagAngBi | 23:18 | Sa gayo'y inilitaw niya ang kaniyang mga pagpapatutot, at inilitaw niya ang kaniyang kahubaran: nang magkagayo'y tinabangan ang aking kalooban sa kaniya, na gaya ng pagkatabang ng aking kalooban sa kaniyang kapatid. | |
Ezek | TagAngBi | 23:19 | Gayon ma'y kaniyang pinarami ang kaniyang mga pakikiapid, na inalaala ang mga kaarawan ng kaniyang kadalagahan, na kaniyang ipinagpatutot sa lupain ng Egipto, | |
Ezek | TagAngBi | 23:20 | At siya'y umibig sa mga nagsisiagulo sa kaniya, na ang laman ay parang laman ng mga asno, at ang lumalabas sa kanila ay parang lumalabas sa mga kabayo. | |
Ezek | TagAngBi | 23:21 | Ganito mo inalaala ang kahalayan ng iyong kadalagahan, sa pagkahipo ng iyong mga suso ng mga taga Egipto dahil sa mga suso ng iyong kadalagahan. | |
Ezek | TagAngBi | 23:22 | Kaya, Oh Oholiba, ganito ang sabi ng Panginoong Dios; Narito, aking ibabangon ang mga mangingibig sa iyo laban sa iyo, na siyang pinagsawaan ng iyong kalooban, at aking dadalhin sila laban sa iyo sa lahat ng dako: | |
Ezek | TagAngBi | 23:23 | Ang mga taga Babilonia at lahat ng Caldeo, ang Pekod, at ang Soa, at ang Coa, at lahat ng taga Asiria na kasama nila; na mga binatang makisig, mga tagapamahala at mga pinuno silang lahat, mga prinsipe, at mga lalaking bantog, silang lahat ay nagsisisakay sa mga kabayo. | |
Ezek | TagAngBi | 23:24 | At sila'y magsisiparitong laban sa iyo na ma'y mga almas, mga karo, at mga kariton, at may kapulungan ng mga tao; sila'y magsisilagay laban sa iyo sa palibot na may longki, at kalasag at turbante; at aking ipauubaya ang kahatulan sa kanila, at sila'y magsisihatol sa iyo ayon sa kanilang mga kahatulan. | |
Ezek | TagAngBi | 23:25 | At aking ilalagak ang aking paninibugho laban sa iyo, at sila'y magsisigawa sa iyo sa kapusukan; kanilang pipingusin ang iyong ilong at ang iyong mga tainga; at ang nalabi sa iyo ay mabubuwal sa pamamagitan ng tabak: kanilang kukunin ang iyong mga anak na lalake at babae; at ang nalabi sa iyo ay susupukin sa apoy, | |
Ezek | TagAngBi | 23:26 | Kanila rin namang huhubaran ka ng iyong mga suot, at dadalhin ang iyong mga magandang hiyas. | |
Ezek | TagAngBi | 23:27 | Ganito ko patitigilin sa iyo ang iyong kahalayan, at ang iyong pagpapatutot na dinala mula sa lupain ng Egipto: na anopa't hindi mo ididilat ang iyong mga mata sa kanila, o aalalahanin mo pa man ang Egipto kailan man. | |
Ezek | TagAngBi | 23:28 | Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, ibibigay kita sa kamay ng mga ipinagtatanim mo, sa kamay ng mga pinagsawaan ng iyong kalooban; | |
Ezek | TagAngBi | 23:29 | At hahatulan ka nila na may pagtatanim, at aalisin ang lahat ng iyong kayamanan, at iiwan kang hubad at hubo: at ang sala mong pagpapatutot ay malilitaw, ang iyong kahalayan at gayon din ang iyong mga pagpapatutot. | |
Ezek | TagAngBi | 23:30 | Ang mga bagay na ito ay gagawin sa iyo, sapagka't ikaw ay nagpatutot sa mga bansa, at sapagka't ikaw ay nadumhan sa kanilang mga diosdiosan. | |
Ezek | TagAngBi | 23:31 | Ikaw ay lumakad sa lakad ng iyong kapatid; kaya't ibibigay ko ang kaniyang saro sa iyong kamay. | |
Ezek | TagAngBi | 23:32 | Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Ikaw ay iinom sa saro ng iyong kapatid, na malalim at malaki: ikaw ay tatawanan na pinakatuya at pinaka kadustaan; maraming laman. | |
Ezek | TagAngBi | 23:33 | Ikaw ay lubhang malalasing at mamamanglaw, sa pamamagitan ng sarong katigilan at kapahamakan, sa pamamagitan ng saro ng iyong kapatid na Samaria. | |
Ezek | TagAngBi | 23:34 | Iyo ngang iinumin at tutunggain, at iyong hahaluin ang labo niyaon, at sasaktan ang iyong dibdib; sapagka't aking sinalita, sabi ng Panginoong Dios. | |
Ezek | TagAngBi | 23:35 | Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't ako'y iyong nilimot, at tinalikdan mo ako, taglayin mo nga rin ang iyong kahalayan at ang iyong mga pakikiapid. | |
Ezek | TagAngBi | 23:36 | Sinabi ng Panginoon sa akin bukod dito: Anak ng tao: hahatulan mo baga si Ohola at si Oholiba? ipakilala mo sa kanila ang kanilang mga kasuklamsuklam. | |
Ezek | TagAngBi | 23:37 | Sapagka't sila'y nagkasala ng pangangalunya, at dugo ay nasa kanilang mga kamay; at sa kanilang mga diosdiosan ay nagsisamba; at kanila namang pinaraan sa apoy upang masupok ang kanilang mga anak, na kanilang ipinanganak sa akin. | |
Ezek | TagAngBi | 23:38 | Bukod dito'y ginawa nila ito sa akin: kanilang nilapastangan ang aking santuario sa araw ding yaon, at nilapastangan ang aking mga sabbath. | |
Ezek | TagAngBi | 23:39 | Sapagka't nang kanilang patayin ang kanilang mga anak para sa kanilang mga diosdiosan, nagsiparoon nga sila nang araw ding yaon sa aking santuario upang lapastanganin; at, narito, ganito ang kanilang ginawa sa gitna ng aking bahay. | |
Ezek | TagAngBi | 23:40 | At bukod dito ay inyong ipinasundo ang mga taong nangagmumula sa malayo, na siyang mga ipinasundo sa sugo, at, narito, sila'y nagsisidating; na siyang dahil ng iyong ipinaligo, at ipinagkulay mo ng iyong mga mata, at pinaggayakan mo ng mga gayak; | |
Ezek | TagAngBi | 23:41 | At naupo ka sa isang mainam na higaan, na may dulang na nakahanda sa harap niyaon, na siya mong pinaglapagan ng aking kamangyan at aking langis. | |
Ezek | TagAngBi | 23:42 | At ang tinig ng pulutong na tiwasay ay nasa kaniya: at nadala na kasama ng mga lalake sa mga karaniwan ang mga manglalasing na mula sa ilang; at sila'y nangaglagay ng mga pulsera sa mga kamay nila, at mga magandang putong sa kanilang mga ulo. | |
Ezek | TagAngBi | 23:43 | Nang magkagayo'y sinabi ko sa kaniya na tumanda sa mga pangangalunya, Ngayon mangakikiapid pa sila sa kaniya, at siya sa kanila. | |
Ezek | TagAngBi | 23:44 | At sinipingan nila siya, na parang sumiping sa isang patutot: gayon nila sinipingan si Ohola at si Oholiba, na malibog na mga babae. | |
Ezek | TagAngBi | 23:45 | At mga matuwid na tao ang hahatol sa kanila ng kahatulan sa mangangalunya, at ng kahatulan sa mga babae na nagbubo ng dugo; sapagka't sila'y mangangalunya, at dugo ang nasa kanilang mga kamay. | |
Ezek | TagAngBi | 23:46 | Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Ako'y magsasampa ng isang kapulungan laban sa kanila, at ibibigay ko sila upang ligaliging paroo't parito at samsaman. | |
Ezek | TagAngBi | 23:47 | At babatuhin sila ng kapulungan, ng mga bato, at tatagain sila ng kanilang mga tabak; papatayin nila ang kanilang mga anak na lalake at babae, at susunugin ng apoy ang kanilang mga bahay. | |
Ezek | TagAngBi | 23:48 | Ganito ko patitigilin ang kahalayan sa lupain, upang ang lahat na babae ay maturuan na huwag magsigawa ng ayon sa inyong mga kahalayan. | |
Chapter 24
Ezek | TagAngBi | 24:1 | Muli, nang ikasiyam na taon, nang ikasangpung araw ng buwan, ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi, | |
Ezek | TagAngBi | 24:2 | Anak ng tao, isulat mo ang pangalan ng kaarawan, ang kaarawan ding ito: ang hari sa Babilonia ay nagpakalapit sa Jerusalem sa kaarawan ding ito. | |
Ezek | TagAngBi | 24:3 | At ipagsabi mo ng isang talinhaga ang mapanghimagsik na sangbahayan, at sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Magsalang ka ng kaldera, isalang mo, at buhusan mo rin naman ng tubig: | |
Ezek | TagAngBi | 24:4 | Pisanin mo ang mga putol niyaon doon, lahat ng mabuting putol, ang hita, at ang balikat; punuin mo ng mga piling buto. | |
Ezek | TagAngBi | 24:5 | Kumuha ka ng pinili sa kawan, at ibunton mo ang mga buto sa ilalim niyaon: pakuluan mong mabuti; oo, lutuin mo ang mga buto sa loob niyaon. | |
Ezek | TagAngBi | 24:6 | Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sa aba ng mabagsik na bayan, ng kaldera na may kalawang, at ang kalawang ay hindi naalis doon! ilabas mo na putolputol; walang sapalaran na ginawa roon. | |
Ezek | TagAngBi | 24:7 | Sapagka't ang dugo niya ay nasa gitna niya; kaniyang inilagay sa luwal na bato; hindi niya ibinuhos sa lupa, na tabunan ng alabok. | |
Ezek | TagAngBi | 24:8 | Upang pukawin ang kapusukan ng manghihiganti, inilagay ko ang kaniyang dugo sa luwal na bato, upang huwag matakpan. | |
Ezek | TagAngBi | 24:9 | Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios; Sa aba ng mabagsik na bayan! akin ding palalakihin ang bunton. | |
Ezek | TagAngBi | 24:10 | Ibunton ang kahoy, paningasin ang apoy, pakuluang mabuti ang laman, palaputin ang sabaw, at sunugin ang mga buto. | |
Ezek | TagAngBi | 24:11 | Kung magkagayo'y ipatong mong walang laman sa mga baga niyaon, upang uminit, at ang tanso niyao'y masunog, at ng ang dumi niyaon ay matunaw roon, upang mapugnaw ang kalawang niyaon. | |
Ezek | TagAngBi | 24:12 | Siya'y nagpakapagod sa paggawa; gayon ma'y ang maraming kalawang ay hindi naaalis; ang kalawang niyaon ay hindi naaalis sa pamamagitan ng apoy. | |
Ezek | TagAngBi | 24:13 | Nasa iyong karumihan ang kahalayan: sapagka't ikaw ay aking nilinis at hindi ka nalinis, hindi ka na malilinis pa sa iyong karumihan, hanggang sa aking malubos ang aking kapusukan sa iyo. | |
Ezek | TagAngBi | 24:14 | Akong Panginoon ang nagsalita: mangyayari, at aking gagawin; hindi ako magbabalik-loob, ni magpapatawad man, ni magsisisi man; ayon sa iyong mga lakad, at ayon sa iyong mga gawa, kanilang hahatulan ka, sabi ng Panginoong Dios. | |
Ezek | TagAngBi | 24:16 | Anak ng tao, narito, aalisin ko sa iyo sa pamamagitan ng kamatayan ang nasa ng iyong mga mata: gayon ma'y hindi ka tatangis, ni iiyak man, ni aagos man ang iyong mga luha. | |
Ezek | TagAngBi | 24:17 | Magbuntong-hininga ka, nguni't huwag malakas; huwag mong tangisan ang patay; itali mo ang pugong mo sa ulo, at isuot mo ang iyong mga panyapak sa iyong mga paa, at huwag mong takpan ang iyong mga labi, at huwag kang kumain ng tinapay ng mga tao. | |
Ezek | TagAngBi | 24:18 | Sa gayo'y nagsalita ako sa bayan nang kinaumagahan; at sa kinahapunan ay namatay ang aking asawa; at aking ginawa nang kinaumagahan ang gaya ng iniutos sa akin. | |
Ezek | TagAngBi | 24:19 | At sinabi ng bayan sa akin, Hindi mo baga sasaysayin sa amin kung anong mga bagay ito sa amin, na ikaw ay gumagawa ng ganyan? | |
Ezek | TagAngBi | 24:20 | Nang magkagayo'y sinabi ko sa kanila, Ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi: | |
Ezek | TagAngBi | 24:21 | Salitain mo sa sangbahayan ni Israel, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, aking lalapastanganin ang aking santuario, na kapalaluan ng inyong kapangyarihan, na nasa ng inyong mga mata, at kinahihinayangan ng inyong kalooban, at ang inyong mga anak na lalake at babae na inyong iniwan sa hulihan ay mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak. | |
Ezek | TagAngBi | 24:22 | At inyong gagawin ang aking ginawa; hindi ninyo tatakpan ang inyong mga labi, o kakain man ng tinapay ng mga tao. | |
Ezek | TagAngBi | 24:23 | At ang inyong turbante ay malalagay sa inyong mga ulo, at ang inyong mga panyapak sa inyong mga paa: kayo'y hindi tatangis o iiyak man; kundi kayo'y manganglulupaypay sa inyong mga kasamaan, at mangagdadaingang isa't isa. | |
Ezek | TagAngBi | 24:24 | Ganito magiging isang tanda sa inyo si Ezekiel; ayon sa lahat niyang ginawa ay inyong gagawin: pagka ito'y nangyari ay inyo ngang malalaman na ako ang Panginoong Dios. | |
Ezek | TagAngBi | 24:25 | At ikaw, anak ng tao, hindi baga mangyayari sa araw na aking alisin sa kanila ang kanilang lakas, ang kagalakan ng kanilang kaluwalhatian, ang nasa ng kanilang mga mata, at ang kanilang pinaglalagakan ng kanilang puso, ang kanilang mga anak na lalake at babae, | |
Ezek | TagAngBi | 24:26 | Na sa araw na yaon ang makatatanan ay paroroon sa iyo, upang iparinig sa iyo ng iyong mga pakinig? | |
Chapter 25
Ezek | TagAngBi | 25:2 | Anak ng tao, ititig mo ang iyong mukha sa mga anak ni Ammon, at manghula ka laban sa kanila: | |
Ezek | TagAngBi | 25:3 | At sabihin mo sa mga anak ni Ammon, Inyong pakinggan ang salita ng Panginoong Dios: Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Sapagka't iyong sinabi, Aha, laban sa aking santuario, nang malapastangan; at laban sa lupain ng Israel, nang masira; at laban sa sangbahayan ni Juda, nang sila'y pumasok sa pagkabihag: | |
Ezek | TagAngBi | 25:4 | Kaya't narito, aking ibibigay ka sa mga anak ng silanganan na pinakaari, at kanilang itatayo ang kanilang mga kampamento sa iyo, at magsisigawa ng kanilang mga tahanan sa iyo; kanilang kakanin ang iyong bunga ng kahoy, at kanilang iinumin ang iyong gatas. | |
Ezek | TagAngBi | 25:5 | At aking gagawin ang Raba na pinaka silungan ng mga kamello, at ang mga anak ni Ammon na pinakapahingahang dako ng mga kawan; at inyong malalaman na ako ang Panginoon. | |
Ezek | TagAngBi | 25:6 | Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't pumakpak ka ng iyong mga kamay, at tumadyak ka ng mga paa, at nagalak ka ng buong paghamak ng iyong kalooban laban sa lupain ng Israel; | |
Ezek | TagAngBi | 25:7 | Kaya't narito, aking iniunat ang aking kamay sa iyo, at ibibigay kita na pinakasamsam sa mga bansa; at ihihiwalay kita sa mga bayan, at ipalilipol kita sa mga lupain: aking ibubuwal ka; at iyong malalaman na ako ang Panginoon. | |
Ezek | TagAngBi | 25:8 | Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't ang Moab at ang Seir ay nagsasabi, Narito, ang sangbahayan ni Juda ay gaya ng lahat na bansa; | |
Ezek | TagAngBi | 25:9 | Kaya't, narito, aking bubuksan ang tagiliran ng Moab mula sa mga bayan, mula sa kaniyang mga bayan na nangasa kaniyang mga hangganan, na kaluwalhatian ng lupain, ang Beth-jesimoth, ang Baal-meon, at ang Chiriathaim. | |
Ezek | TagAngBi | 25:10 | Hanggang sa mga anak ng silanganan, upang magsiparoon laban sa mga anak ni Ammon; at aking ibibigay sa kanila na pinakaari, upang ang mga anak ni Ammon ay huwag ng mangaalaala sa gitna ng mga bansa: | |
Ezek | TagAngBi | 25:11 | At ako'y maglalapat ng kahatulan sa Moab: at kanilang malalaman na ako ang Panginoon. | |
Ezek | TagAngBi | 25:12 | Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Sapagka't ang Edom ay gumawa ng laban sa sangbahayan ni Juda sa panghihiganti, at nagalit na mainam, at nanghiganti sa kanila; | |
Ezek | TagAngBi | 25:13 | Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Aking iuunat ang aking kamay laban sa Edom, at aking ihihiwalay ang tao at hayop doon; at aking gagawing sira mula sa Teman; hanggang sa Dedan nga ay mabubuwal sila sa pamamagitan ng tabak. | |
Ezek | TagAngBi | 25:14 | At aking isasagawa ang aking panghihiganti sa Edom, sa pamamagitan ng kamay ng aking bayang Israel; at kanilang gagawin sa Edom ang ayon sa aking galit, at ayon sa aking kapusukan; at kanilang malalaman ang aking panghihiganti, sabi ng Panginoong Dios. | |
Ezek | TagAngBi | 25:15 | Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't ang mga Filisteo ay gumawa ng panghihiganti, at nanghiganti na may kapootan ng loob upang magpahamak ng pakikipagkaalit na magpakailan man; | |
Ezek | TagAngBi | 25:16 | Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, aking iuunat ang aking kamay sa mga Filisteo, at aking ihihiwalay ang mga Ceretheo, at ipapahamak ko ang labi sa baybayin ng dagat. | |
Chapter 26
Ezek | TagAngBi | 26:1 | At nangyari, nang ikalabing isang taon, nang unang araw ng buwan, na ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi, | |
Ezek | TagAngBi | 26:2 | Anak ng tao, sapagka't ang Tiro ay nagsabi laban sa Jerusalem, Aha, siya na naging pintuan ng mga bayan ay sira; siya'y nabalik sa akin: ako'y mapupuno ngayong siya'y sira: | |
Ezek | TagAngBi | 26:3 | Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, ako'y laban sa iyo, Oh Tiro, at aking pasasampahin ang maraming bansa laban sa iyo, gaya ng pagpapasampa ng dagat ng kaniyang mga alon. | |
Ezek | TagAngBi | 26:4 | At kanilang gigibain ang mga kuta ng Tiro, at ibabagsak ang kaniyang mga moog: akin din namang papalisin sa kaniya ang kaniyang alabok, at gagawin ko siyang hubad na bato. | |
Ezek | TagAngBi | 26:5 | Siya'y magiging dakong ladlaran ng mga lambat sa gitna ng dagat: sapagka't ako ang nagsalita sabi ng Panginoong Dios; at siya'y magiging samsam sa mga bansa. | |
Ezek | TagAngBi | 26:6 | At ang kaniyang mga anak na babae na nangasa parang ay papatayin ng tabak: at kanilang malalaman na ako ang Panginoon. | |
Ezek | TagAngBi | 26:7 | Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, aking dadalhin sa Tiro si Nabucodonosor na hari sa Babilonia, na hari ng mga hari, mula sa hilagaan, na may mga kabayo, at may mga karo, at may mga nangangabayo, at isang pulutong, at maraming tao. | |
Ezek | TagAngBi | 26:8 | Kaniyang papatayin ng tabak ang iyong mga anak na babae sa parang; at siya'y gagawa ng mga katibayan laban sa iyo, at magtitindig ng isang bunton laban sa iyo, at magtataas ng longki laban sa iyo. | |
Ezek | TagAngBi | 26:9 | At kaniyang ilalagay ang kaniyang mga pangsaksak laban sa iyong mga kuta, at sa pamamagitan ng kaniyang mga palakol ay kaniyang ibabagsak ang iyong mga moog. | |
Ezek | TagAngBi | 26:10 | Dahil sa kasaganaan ng kaniyang mga kabayo, tatakpan ka ng kaniyang alabok: ang iyong mga kuta ay uuga sa hugong ng mga mangangabayo, at ng mga kariton, at ng mga karo, pagka siya'y papasok sa iyong mga pintuang-bayan, na gaya ng pagpasok ng tao sa isang bayan na pinamutasan. | |
Ezek | TagAngBi | 26:11 | Tutungtungan ng mga paa ng kaniyang mga kabayo ang lahat mong mga lansangan; papatayin niya ng tabak ang iyong bayan; at ang mga haligi ng iyong lakas ay mabubuwal sa lupa. | |
Ezek | TagAngBi | 26:12 | At sila'y magsisisamsam ng iyong mga kayamanan, at lolooban ang iyong kalakal; at kanilang ibabagsak ang iyong mga kuta, at gigibain ang iyong mga masayang bahay; at ilalagay ang iyong mga bato, at ang iyong kahoy at ang iyong alabok sa gitna ng tubig. | |
Ezek | TagAngBi | 26:13 | At aking patitigilin ang tinig ng iyong mga awit; at ang tunog ng iyong mga alpa ay hindi na maririnig. | |
Ezek | TagAngBi | 26:14 | At gagawin kitang hubad na bato: ikaw ay magiging dakong ladlaran ng mga lambat; ikaw ay hindi na matatayo; sapagka't akong Panginoon ang nagsalita, sabi ng Panginoong Dios. | |
Ezek | TagAngBi | 26:15 | Ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa Tiro; Hindi baga mayayanig ang mga pulo sa tunog ng iyong pagbagsak, pagka ang nasugatan ay dumadaing, pagka may patayan sa gitna mo? | |
Ezek | TagAngBi | 26:16 | Kung magkagayo'y lahat na prinsipe sa dagat ay magsisibaba mula sa kanilang mga luklukan, at aalisin ang kanilang mga balabal, at huhubuin ang kanilang mga damit na may burda: sila'y dadatnan ng panginginig; sila'y magsisiupo sa lupa, at manginginig sa tuwituwina, at mangatitigilan sa iyo. | |
Ezek | TagAngBi | 26:17 | At pananaghuyan ka nila, at magsasabi sa iyo, Ano't nagiba ka, na tinatahanan ng mga taong dagat, na bantog na bayan na malakas sa dagat, siya at ang mga mananahan sa kaniya, na nagpapangilabot sa lahat na nagsisitahan sa kaniya! | |
Ezek | TagAngBi | 26:18 | Ang mga pulo nga ay mayayanig sa kaarawan ng iyong pagbagsak; oo, ang mga pulo na nangasa dagat ay manganglulupaypay sa iyong pagyaon. | |
Ezek | TagAngBi | 26:19 | Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Pagka ikaw ay aking gagawing sirang bayan, na parang mga bayan na hindi tinatahanan, pagka tatabunan kita ng kalaliman, at tatakpan ka ng maraming tubig; | |
Ezek | TagAngBi | 26:20 | Ibababa nga kita na kasama nila na bumababa sa hukay, sa mga tao nang una, at patatahanin kita sa mga malalim na bahagi ng lupa, sa mga dakong sira nang una, na kasama ng nagsibaba sa hukay, upang ikaw ay huwag tahanan; at ako'y maglalagay ng kaluwalhatian sa lupain ng buhay. | |
Chapter 27
Ezek | TagAngBi | 27:3 | At sabihin mo sa Tiro, Oh ikaw na tumatahan sa pasukan sa dagat, na ikaw ang mangangalakal sa mga bansa sa maraming pulo, ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Ikaw, Oh Tiro, nagsabi, Ako'y sakdal sa kagandahan. | |
Ezek | TagAngBi | 27:4 | Ang iyong mga hangganan ay nangasa kalaliman ng mga dagat, ang nagsipagtayo sa iyo ay nangagpasakdal ng iyong kagandahan. | |
Ezek | TagAngBi | 27:5 | Ang ginawa nilang makakapal mong tabla ay mga puno ng abeto na mula sa Senir: sila'y nagsikuha ng cedro mula sa Libano, upang gawing palo ng sasakyan mo. | |
Ezek | TagAngBi | 27:6 | Ginawa nilang iyong mga saguwan ang mga encina sa Basan; ang kanilang ginawang mga bangko mong garing na nalalapat sa kahoy na boj ay mula sa mga pulo ng Chittim. | |
Ezek | TagAngBi | 27:7 | Manipis na kayong lino na yaring may burda na mula sa Egipto ang iyong layag, upang maging sa iyo'y isang watawat; kulay asul at morado na mula sa mga pulo ng Elisah ang iyong kulandong. | |
Ezek | TagAngBi | 27:8 | Ang mga nananahan sa Sidon at Arvad ay iyong mga mananaguwan: ang iyong mga pantas, Oh Tiro, ay nangasa iyo, sila ang iyong mga tagaugit. | |
Ezek | TagAngBi | 27:9 | Ang mga matanda sa Gebal at ang mga pantas niyao'y pawang tagapagpasak mo: ang lahat na sasakyan sa dagat sangpu ng mga tao ng mga yaon ay nangasa iyo upang pangasiwaan ang iyong kalakal. | |
Ezek | TagAngBi | 27:10 | Ang Persia, ang Lud, at ang Phut ay nangasa iyong hukbo, na iyong mga lalaking mangdidigma: kanilang ibinitin ang kalasag at ang turbante sa iyo; nagpapaganda sa iyo. | |
Ezek | TagAngBi | 27:11 | Ang mga lalake sa Arvad na kasama ng iyong hukbo ay nangasa ibabaw ng iyong mga kuta sa palibot, at ang mga matatapang ay nasa iyong mga moog; kanilang isinabit ang kanilang mga kalasag sa iyong mga kuta sa palibot; kanilang pinasakdal ang iyong kagandahan. | |
Ezek | TagAngBi | 27:12 | Ang Tarsis ay iyong mangangalakal dahil sa karamihan ng sarisaring kayamanan; na ang pilak, bakal, lata, at tingga, ay ipinapalit nila sa iyong mga kalakal. | |
Ezek | TagAngBi | 27:13 | Ang Javan, ang Tubal, at ang Mesec, mga mangangalakal mo: kanilang kinakalakal ang mga tao at ang mga sisidlang tanso na ipinapalit nila sa iyong mga kalakal. | |
Ezek | TagAngBi | 27:14 | Ang sangbahayan ni Togarma ay nakikipagpalitan sa iyong mga kalakal ng mga kabayo at ng mga kabayong pangdigma at ng mga mula. | |
Ezek | TagAngBi | 27:15 | Ang mga tao sa Dedan ay iyong mangangalakal: maraming pulo ay nangagdadala ng kalakal sa iyong kamay: kanilang dinadala sa iyo na pinakapalit ay mga sungay na garing at ebano. | |
Ezek | TagAngBi | 27:16 | Naging mangangalakal mo ang Siria dahil sa karamihan ng iyong mga gawang kamay: sila'y nakikipagpalitan sa iyong mga kalakal ng mga esmeralda, kulay ube, at yaring may burda, at manipis na kayong lino, at gasang at mga rubi. | |
Ezek | TagAngBi | 27:17 | Naging mga mangangalakal mo ang Juda, at ang lupain ng Israel: sila'y nakikipagpalitan sa iyong mga kalakal ng trigo ng Minith, at ng pannag, at ng pulot, at ng langis, at ng balsamo. | |
Ezek | TagAngBi | 27:18 | Mangangalakal mo ang Damasko dahil sa karamihan ng iyong mga gawang kamay, dahil sa karamihan ng sarisaring kayamanan, sangpu ng alak sa Helbon, at maputing lana. | |
Ezek | TagAngBi | 27:19 | Nakikipagpalitan ang Vedan at Javan sa iyong mga kalakal ng sinulid na lana: ang makinang na bakal, ang kasia, at ang kalamo, ay ilan sa iyong mga kalakal. | |
Ezek | TagAngBi | 27:20 | Naging iyong mangangalakal ang Dedan sa mga mahalagang kayo na ukol sa pangangabayo. | |
Ezek | TagAngBi | 27:21 | Ang Arabia, at lahat na prinsipe sa Cedar, mga naging mangangalakal ng iyong kamay; sa mga cordero, at mga lalaking tupa, at mga kambing, sa mga ito'y naging mga mangangalakal mo sila. | |
Ezek | TagAngBi | 27:22 | Ang mga mangangalakal sa Seba at sa Raama, mga naging mangangalakal mo; kanilang ipinapalit sa iyong mga kalakal ang mga pinakamainam na especia, at lahat na mahalagang bato, at ang ginto. | |
Ezek | TagAngBi | 27:23 | Ang Haran at ang Canneh at ang Eden, na mga mangangalakal sa Seba, ang Assur at ang Chilmad ay naging mga mangangalakal mo. | |
Ezek | TagAngBi | 27:24 | Ang mga ito ang iyong mga mangangalakal sa mga piling kalakal sa mga balutan ng mga yaring asul at may burda, at sa mga baul na may mainam na hiyas, natatalian ng mga sintas, at yaring cedro, na ilan sa iyong mga kalakal. | |
Ezek | TagAngBi | 27:25 | Ang mga sasakyan sa Tarsis ay iyong mga pulutong sa iyong kalakal: at ikaw ay napuno at naging totoong maluwalhati sa kalagitnaan ng mga dagat. | |
Ezek | TagAngBi | 27:26 | Dinala ka ng iyong mga manggagaod sa malawak na dagat: binagbag ka ng hanging silanganan sa kalagitnaan ng dagat. | |
Ezek | TagAngBi | 27:27 | Ang iyong kayamanan, at ang iyong mga kalakal, ang iyong tinda, at ang iyong mga manggagaod, at ang iyong mga tagaugit, ang iyong mga tagapagpasak, at ang nagsisipamahala ng iyong mga kalakal, at ang lahat mong lalaking mangdidigma na nangasa iyo, sangpu ng iyong lahat na pulutong na nangasa gitna mo, mangalulubog sa kalagitnaan ng dagat sa kaarawan ng iyong pagkasira. | |
Ezek | TagAngBi | 27:29 | At lahat na nagsisihawak ng gaod, ang mga tao sa sasakyan, at lahat ng tagaugit sa dagat, ay magsisibaba sa kanilang mga sasakyan; sila'y magsisitayo sa ibabaw ng lupain, | |
Ezek | TagAngBi | 27:30 | At iparirinig ang kanilang tinig sa iyo, at hihiyaw ng kalagimlagim, at mangagbubuhos ng alabok sa kanilang mga ulo, sila'y magsisigumon sa mga abo: | |
Ezek | TagAngBi | 27:31 | At mangagpapakakalbo dahil sa iyo, at mangagbibigkis ng kayong magaspang, at kanilang iiyakan ka ng kapanglawpanglaw sa kalooban, na may mapanglaw na pananangis. | |
Ezek | TagAngBi | 27:32 | At sa kanilang pagtangis ay pananaghuyan ka nila, at tatangisan ka, na sasabihin, Sino ang gaya ng Tiro na gaya niya na nadala sa katahimikan sa gitna ng dagat? | |
Ezek | TagAngBi | 27:33 | Pagka ang iyong mga kalakal ay inilalabas sa mga dagat, iyong binubusog ang maraming bayan; iyong pinayaman ang mga hari sa lupa ng karamihan ng iyong mga kayamanan at ng iyong mga kalakal. | |
Ezek | TagAngBi | 27:34 | Sa panahon na ikaw ay bagbag sa tabi ng mga dagat sa kalaliman ng tubig, ang iyong kalakal at ang iyong buong pulutong ay lumubog sa gitna mo. | |
Ezek | TagAngBi | 27:35 | Lahat ng mananahan sa mga pulo ay nangatitigilan dahil sa iyo, at ang kanilang mga hari ay nangatakot ng di kawasa, sila'y nangamanglaw sa kanilang mukha. | |
Chapter 28
Ezek | TagAngBi | 28:2 | Anak ng tao, sabihin mo sa prinsipe sa Tiro, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't ang iyong puso ay nagmataas, at iyong sinabi, Ako'y dios, ako'y nauupo sa upuan ng Dios, sa gitna ng mga dagat; gayon man ikaw ay tao, at hindi Dios, bagaman iyong inilagak ang iyong puso na parang puso ng Dios; | |
Ezek | TagAngBi | 28:4 | Sa pamamagitan ng iyong karunungan, at ng iyong unawa, nagkaroon ka ng mga kayamanan, at nagkaroon ka ng ginto at pilak sa iyong mga ingatang-yaman; | |
Ezek | TagAngBi | 28:5 | Sa pamamagitan ng iyong dakilang karunungan at ng iyong pangangalakal ay napalago mo ang iyong mga kayamanan, at ang iyong puso ay nagmataas dahil sa iyong kayamanan; | |
Ezek | TagAngBi | 28:6 | Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't iyong inilagak ang iyong puso na parang puso ng Dios, | |
Ezek | TagAngBi | 28:7 | Kaya't narito, ako'y magdadala ng mga taga ibang lupa sa iyo, na kakilakilabot sa mga bansa; at kanilang bubunutin ang kanilang mga tabak laban sa kagandahan ng iyong karunungan, at kanilang dudumhan ang iyong kaningningan. | |
Ezek | TagAngBi | 28:8 | Kanilang ibababa ka sa hukay; at ikaw ay mamamatay ng kamatayan niyaong nangapatay sa kalagitnaan ng mga dagat. | |
Ezek | TagAngBi | 28:9 | Sabihin mo pa kaya sa harap niya na pumapatay sa iyo, Ako'y Dios? nguni't ikaw ay tao, at hindi Dios, sa kamay niya na sumusugat sa iyo. | |
Ezek | TagAngBi | 28:10 | Ikaw ay mamamatay ng pagkamatay ng mga hindi tuli sa pamamagitan ng kamay ng mga taga ibang lupa: sapagka't ako ang nagsalita, sabi ng Panginoong Dios. | |
Ezek | TagAngBi | 28:12 | Anak ng tao, panaghuyan mo ang hari sa Tiro, at sabihin mo sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, iyong tinatatakan ang kabuoan, na puno ng karunungan, at sakdal sa kagandahan. | |
Ezek | TagAngBi | 28:13 | Ikaw ay nasa Eden, na halamanan ng Dios; lahat na mahalagang bato ay iyong kasuutan, ang sardio, ang topacio, at ang diamante, ang berilo, ang onix, at ang jaspe, ang zafiro, ang esmeralda, at ang karbungko, at ang ginto: ang pagkayari ng iyong pandereta at iyong mga plauta ay napasa iyo; sa kaarawan na ikaw ay lalangin ay nangahanda. | |
Ezek | TagAngBi | 28:14 | Ikaw ang pinahirang kerubin na tumatakip: at itinatag kita, na anopa't ikaw ay nasa ibabaw ng banal na bundok ng Dios; ikaw ay nagpanhik manaog sa gitna ng mga batong mahalaga. | |
Ezek | TagAngBi | 28:15 | Ikaw ay sakdal sa iyong mga lakad mula sa araw na ikaw ay lalangin, hanggang sa ang kalikuan ay nasumpungan sa iyo. | |
Ezek | TagAngBi | 28:16 | Dahil sa karamihan ng iyong kalakal ay kanilang pinuno ang gitna mo ng pangdadahas, at ikaw ay nagkasala: kaya't inihagis kitang parang dumi mula sa bundok ng Dios; at ipinahamak kita, Oh tumatakip na kerubin, mula sa gitna ng mga batong mahalaga. | |
Ezek | TagAngBi | 28:17 | Ang iyong puso ay nagmataas dahil sa iyong kagandahan; iyong ipinahamak ang iyong karunungan dahil sa iyong kaningningan: aking inihagis ka sa lupa; aking inilagay ka sa harap ng mga hari, upang kanilang masdan ka. | |
Ezek | TagAngBi | 28:18 | Sa pamamagitan ng karamihan ng iyong mga kasamaan, sa kalikuan ng iyong pangangalakal, iyong nilapastangan ang iyong mga santuario: kaya't ako'y naglabas ng apoy sa gitna mo; sinupok ka, at pinapaging abo ka sa ibabaw ng lupa sa paningin ng lahat na nanganonood sa iyo. | |
Ezek | TagAngBi | 28:19 | Silang lahat na nangakakakilala sa iyo sa gitna ng mga bayan, mangatitigilan dahil sa iyo: ikaw ay naging kakilakilabot, at ikaw ay hindi na mabubuhay pa. | |
Ezek | TagAngBi | 28:22 | At iyong sabihin, ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako'y laban sa iyo, Oh Sidon; at ako'y luluwalhati sa gitna mo; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon, pagka ako'y naglapat ng kahatulan sa kaniya, at aariing banal sa kaniya. | |
Ezek | TagAngBi | 28:23 | Sapagka't ako'y magpaparating sa kaniya ng salot at dugo sa kaniyang mga lansangan; at ang mga may sugat ay mangabubuwal sa gitna niya, sa pamamagitan ng tabak, na nakaumang sa kaniya sa lahat ng dako; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon. | |
Ezek | TagAngBi | 28:24 | At hindi na magkakaroon pa ng dawag na nakakasalubsob sa sangbahayan ni Israel, o ng tinik mang mapangpahirap sa alin man sa nangasa palibot niya, na nagwalang kabuluhan sa kanila; at kanilang malalaman na ako ang Panginoong Dios. | |
Ezek | TagAngBi | 28:25 | Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Pagka aking napisan ang sangbahayan ni Israel mula sa mga bayan na kanilang pinangalatan, at ako'y aariing banal sa kanila sa paningin ng mga bansa, sila nga'y magsisitahan sa kanilang sariling lupain na aking ibinigay sa aking lingkod na kay Jacob. | |
Chapter 29
Ezek | TagAngBi | 29:1 | Nang ikasangpung taon, nang ikasangpung buwan, nang ikalabing dalawang araw ng buwan, ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi, | |
Ezek | TagAngBi | 29:2 | Anak ng tao, ititig mo ang iyong mukha laban kay Faraon na hari sa Egipto, at manghula ka laban sa kaniya, at laban sa buong Egipto; | |
Ezek | TagAngBi | 29:3 | Iyong salitain, at iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako'y lalaban sa iyo, Faraong hari sa Egipto, na malaking buwaya na nahihiga sa gitna ng kaniyang mga ilog, na nagsabi: Ang ilog ko ay aking sarili, at aking ginawa sa ganang aking sarili. | |
Ezek | TagAngBi | 29:4 | At kakawitan kita ng mga pangbingwit sa iyong mga panga, at aking padidikitin ang isda ng iyong mga ilog sa iyong mga kaliskis; at isasampa kita mula sa gitna ng iyong mga ilog, na kasama ng lahat na isda ng iyong mga ilog na magsisidikit sa iyong mga kaliskis. | |
Ezek | TagAngBi | 29:5 | At ikaw ay aking iiwan tapon sa ilang, ikaw at ang lahat na isda ng iyong mga ilog: ikaw ay mabubuwal sa luwal na parang; ikaw ay hindi pipisanin, o pupulutin man; aking ibinigay kang pagkain sa mga hayop sa lupa, at sa mga ibon sa himpapawid. | |
Ezek | TagAngBi | 29:6 | At lahat ng nananahan sa Egipto ay makakaalam na ako ang Panginoon, sapagka't sila'y naging tukod na tambo sa sangbahayan ni Israel. | |
Ezek | TagAngBi | 29:7 | Nang kanilang pigilan ka sa iyong kamay, iyong binali, at iyong nilabnot ang kanilang mga balikat; at nang sila'y sumandal sa iyo, iyong binalian, at iyong pinapanghina ang kanilang mga balakang. | |
Ezek | TagAngBi | 29:8 | Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, pagdadalhan kita ng tabak sa iyo, at aking ihihiwalay sa iyo ang tao at hayop. | |
Ezek | TagAngBi | 29:9 | At ang lupain ng Egipto ay magiging giba at sira; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon. Sapagka't kaniyang sinabi, Ang ilog ay akin, at aking ginawa; | |
Ezek | TagAngBi | 29:10 | Kaya't, narito, ako'y laban sa iyo, at laban sa iyong mga ilog, at aking lubos na gigibain at sisirain ang lupain ng Egipto, mula sa moog ng Seveneh hanggang sa hangganan ng Etiopia. | |
Ezek | TagAngBi | 29:11 | Walang paa ng tao na daraan doon, o paa man ng hayop ay daraan doon, o tatahanan man siyang apat na pung taon. | |
Ezek | TagAngBi | 29:12 | At aking gagawing sira ang lupain ng Egipto sa gitna ng mga lupain na sira; at ang kaniyang mga bayan sa gitna ng mga bayang giba ay magiging sira na apat na pung taon; at aking pangangalatin ang mga taga Egipto sa gitna ng mga bansa, at aking pananabugin sila sa mga lupain. | |
Ezek | TagAngBi | 29:13 | Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sa katapusan ng apat na pung taon ay aking pipisanin ang mga taga Egipto, mula sa mga bayan na kanilang pinangalatan; | |
Ezek | TagAngBi | 29:14 | At aking ibabalik uli ang mga bihag sa Egipto, at aking pababalikin sila sa lupain ng Patros, na lupain na kinapanganakan sa kanila; at sila'y magiging doo'y isang mababang kaharian. | |
Ezek | TagAngBi | 29:15 | Siyang magiging pinakamababa sa mga kaharian; at hindi na matataas pa man ng higit kay sa mga bansa: at aking babawasan sila, upang huwag na silang magpuno sa mga bansa. | |
Ezek | TagAngBi | 29:16 | At hindi na magiging pagasa pa ng sangbahayan ni Israel, na nagpapaalaala ng kasamaan, pagka kanilang lilingunin sila: at kanilang malalaman na ako ang Panginoong Dios. | |
Ezek | TagAngBi | 29:17 | At nangyari, nang ikadalawang pu't pitong taon, nang unang buwan, nang unang araw ng buwan, ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi: | |
Ezek | TagAngBi | 29:18 | Anak ng tao, pinapaglilingkod ng mabigat ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia ang kaniyang kawal laban sa Tiro: lahat ng ulo ay nakalbo, at lahat ng balikat ay nalabnot; gayon ma'y wala siyang kaupahan, o ang kaniyang hukbo man, mula sa Tiro, sa paglilingkod na kaniyang ipinaglingkod laban doon. | |
Ezek | TagAngBi | 29:19 | Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, aking ibibigay ang lupain ng Egipto kay Nabucodonosor na hari sa Babilonia; at dadalhin niya ang kaniyang karamihan, at kukunin ang samsam sa kaniya, at kukunin ang huli sa kaniya; at magiging kaupahan para sa kaniyang hukbo. | |
Ezek | TagAngBi | 29:20 | Ibinigay ko sa kaniya ang lupain ng Egipto na pinakaganti sa kaniya dahil sa kaniyang ipinaglingkod, sapagka't sila'y nagsipagpagal ng dahil sa akin, sabi ng Panginoong Dios. | |
Chapter 30
Ezek | TagAngBi | 30:2 | Anak ng tao, manghula ka, at iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Manambitan kayo: Sa aba ng araw na yaon! | |
Ezek | TagAngBi | 30:3 | Sapagka't ang kaarawan ay malapit na, sa makatuwid baga'y ang kaarawan ng Panginoon ay malapit na; magiging kaarawan ng pagaalapaap; panahon ng mga bansa. | |
Ezek | TagAngBi | 30:4 | At isang tabak ay darating sa Egipto, at kahirapan ay sasa Etiopia, pagka ang mga patay ay mangabubuwal sa Egipto; at dadalhin nila ang kaniyang karamihan, at ang kaniyang mga patibayan ay mangawawasak. | |
Ezek | TagAngBi | 30:5 | Ang Etiopia, at ang Phut, at ang Lud, at ang buong halohalong bayan, at ang Chub, at ang mga anak ng lupain na nangasa pagkakasundo, mangabubuwal na kasama nila sa pamamagitan ng tabak. | |
Ezek | TagAngBi | 30:6 | Ganito ang sabi ng Panginoon: Sila namang nagsialalay sa Egipto ay mangabubuwal; at ang kapalaluan ng kaniyang kapangyarihan ay mabababa: mula sa moog ng Seveneh ay mangabubuwal sila roon sa pamamagitan ng tabak, sabi ng Panginoong Dios. | |
Ezek | TagAngBi | 30:7 | At sila'y magiging sira sa gitna ng mga lupain na sira; at ang kaniyang mga bayan ay ibibilang sa mga bayan na giba. | |
Ezek | TagAngBi | 30:8 | At kanilang malalaman na ako ang Panginoon, pagka ako'y nagsulsol ng apoy sa Egipto, at lahat niyang katulong ay nangalipol. | |
Ezek | TagAngBi | 30:9 | Sa araw na yaon ay magsisilabas ang mga sugo mula sa harap ko sa mga sasakyan upang takutin ang mga walang bahalang taga Etiopia; at magkakaroon ng kahirapan sa kanila gaya sa kaarawan ng Egipto; sapagka't narito, dumarating. | |
Ezek | TagAngBi | 30:10 | Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Akin namang paglilikatin ang karamihan ng Egipto, sa pamamagitan ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia. | |
Ezek | TagAngBi | 30:11 | Siya at ang kaniyang bayan na kasama niya, na kakilakilabot sa mga bansa, ay ipapasok upang gibain ang lupain; at kanilang hahawakan ang kanilang mga tabak laban sa Egipto, at pupunuin ng mga patay ang lupain. | |
Ezek | TagAngBi | 30:12 | At aking tutuyuin ang mga ilog, at aking ipagbibili ang lupain sa kamay ng mga masamang tao; at aking sisirain ang lupain, at lahat na nandoon, sa pamamagitan ng kamay ng mga taga ibang lupa: akong Panginoon ang nagsalita. | |
Ezek | TagAngBi | 30:13 | Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Akin din namang sisirain ang mga diosdiosan, at aking paglilikatin ang mga larawan sa Memphis; at hindi na magkakaroon pa ng prinsipe sa lupain ng Egipto; at ako'y maglalagay ng katakutan sa lupain ng Egipto. | |
Ezek | TagAngBi | 30:14 | At aking sisirain ang Patros, at ako'y magsisilab ng apoy sa Zoan, at maglalapat ako ng mga kahatulan sa No. | |
Ezek | TagAngBi | 30:15 | At aking ibubugso ang aking kapusukan sa Sin, na katibayan ng Egipto; at aking ihihiwalay ang karamihan ng mga taga No. | |
Ezek | TagAngBi | 30:16 | At ako'y magsusulsol ng apoy sa Egipto: ang Sin ay malalagay sa malaking kadalamhatian, at ang No ay magigiba: at ang Memphis ay magkakaroon ng mga kaaway sa kaarawan. | |
Ezek | TagAngBi | 30:17 | Ang mga binata sa Aven at sa Pi-beseth ay mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak; at ang mga ito ay magsisipasok sa pagkabihag. | |
Ezek | TagAngBi | 30:18 | Sa Tafnes nama'y magdidilim ang araw, pagka aking inalis roon ang mga atang ng Egipto, at ang kapalaluan ng kaniyang kapangyarihan ay maglilikat doon: tungkol sa kaniya, ay tatakpan siya ng alapaap, at ang kaniyang mga anak na babae ay magsisipasok sa pagkabihag. | |
Ezek | TagAngBi | 30:19 | Ganito maglalapat ako ng mga kahatulan sa Egipto; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon. | |
Ezek | TagAngBi | 30:20 | At nangyari nang ikalabing isang taon nang unang buwan, nang ikapitong araw ng buwan, na ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi, | |
Ezek | TagAngBi | 30:21 | Anak ng tao, aking binali ang kamay ni Faraon na hari sa Egipto; at, narito, hindi natalian, upang lapatan ng mga gamot, na lagyan ng isang tapal upang talian, upang humawak na matibay ng tabak. | |
Ezek | TagAngBi | 30:22 | Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako'y laban kay Faraon na hari sa Egipto, at aking babaliin ang kaniyang mga bisig, ang malakas na bisig, at yaon na nabali; at aking palalagpakin ang tabak mula sa kaniyang kamay. | |
Ezek | TagAngBi | 30:23 | At aking pangangalatin ang mga taga Egipto sa gitna ng mga bansa, at pananabugin ko sila sa mga lupain. | |
Ezek | TagAngBi | 30:24 | At aking palalakasin ang mga bisig ng hari sa Babilonia, at ilalagay ko ang aking tabak sa kaniyang kamay; nguni't aking babaliin ang mga bisig ni Faraon, at siya'y dadaing sa harap niyaon ng mga daing ng taong nasugatan ng ikamamatay. | |
Ezek | TagAngBi | 30:25 | At aking aalalayan ang mga bisig ng hari sa Babilonia; at ang mga bisig ni Faraon ay bababa; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon, pagka aking ilalagay ang aking tabak sa kamay ng hari sa Babilonia, at kaniyang iuunat sa lupain ng Egipto. | |
Chapter 31
Ezek | TagAngBi | 31:1 | At nangyari nang ikalabing isang taon, nang ikatlong buwan, nang unang araw ng buwan, na ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi, | |
Ezek | TagAngBi | 31:2 | Anak ng tao, sabihin mo kay Faraon, na hari sa Egipto, at sa kaniyang karamihan: Sino ang iyong kawangis sa iyong kalakhan? | |
Ezek | TagAngBi | 31:3 | Narito, ang taga Asiria ay isang cedro sa Libano, na may magandang mga sanga, at may mayabong na lilim, at may mataas na kataasan; at ang kaniyang dulo ay nasa gitna ng mga mayabong na sanga. | |
Ezek | TagAngBi | 31:4 | Kinakandili siya ng tubig, pinalalaki siya ng kalaliman: ang kaniyang mga ilog ay nagsisiagos sa palibot ng kaniyang kinatatamnan; at kaniyang pinaaagos ang kaniyang mga bangbang ng tubig sa lahat ng punong kahoy sa parang. | |
Ezek | TagAngBi | 31:5 | Kaya't ang kaniyang kataasan ay nataas ng higit kay sa lahat na punong kahoy sa parang; at ang kaniyang mga sanga ay nagsidami, at ang kaniyang mga sanga ay nagsihaba dahil sa karamihan ng tubig, nang kaniyang pabugsuan. | |
Ezek | TagAngBi | 31:6 | Lahat ng ibon sa himpapawid ay nagsigawa ng kanilang mga pugad sa kaniyang mga sanga; at sa ilalim ng kaniyang mga sanga ay nagsipanganak ang lahat ng mga hayop sa parang; at sa kaniyang lilim ay nagsitahan ang lahat na malaking bansa. | |
Ezek | TagAngBi | 31:7 | Ganito siya gumanda sa kaniyang kalakhan, sa kahabaan ng kaniyang mga sanga: sapagka't ang kaniyang ugat ay nasa siping ng maraming tubig. | |
Ezek | TagAngBi | 31:8 | Ang mga cedro sa halamanan ng Dios hindi makapantay sa kaniya; ang mga puno ng abeto ay hindi gaya ng kaniyang mga sanga, at ang mga puno ng kastano ay hindi gaya ng kaniyang mga sanga, o may anomang punong kahoy sa halamanan ng Dios na kagaya niya sa kaniyang kagandahan. | |
Ezek | TagAngBi | 31:9 | Pinaganda ko siya sa karamihan ng kaniyang mga sanga, na anopa't lahat ng punong kahoy sa Eden, na nangasa halamanan ng Dios, nanaghili sa kaniya. | |
Ezek | TagAngBi | 31:10 | Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't ikaw ay nataas sa kataasan, at inilagay niya ang kaniyang dulo sa gitna ng mga mayabong na sanga, at ang kaniyang puso ay nagmataas sa kaniyang pagkataas; | |
Ezek | TagAngBi | 31:11 | Aking ibibigay nga siya sa kamay ng makapangyarihan sa mga bansa; walang pagsalang siya'y susugpuin: aking pinalayas siya dahil sa kaniyang kasamaan. | |
Ezek | TagAngBi | 31:12 | At inihiwalay siya at iniwan siya, ng mga taga ibang lupa, ng kakilakilabot sa mga bansa: sa ibabaw ng mga bundok at sa lahat ng mga libis ay nangalaglag ang kaniyang mga sanga, at ang kaniyang mga sanga ay nangabali sa siping ng lahat ng mga ilog ng lupain; at bumaba ang lahat ng tao sa lupa mula sa kaniyang lilim at iniwan siya. | |
Ezek | TagAngBi | 31:13 | Sa kaniyang guho ay magsisitahan ang lahat ng mga ibon sa himpapawid, at lahat ng mga hayop sa parang ay mangapapa sa kaniyang mga sanga; | |
Ezek | TagAngBi | 31:14 | Upang walang magmataas sa kanilang kataasan sa lahat na punong kahoy sa siping ng tubig, o maglagay man ng kanilang dulo sa gitna ng mga mayabong na sanga, o ang kanila mang mga makapangyarihan ay magsitayo sa kanilang pagkataas, sa makatuwid baga'y yaong lahat na nagsisiinom ng tubig: sapagka't silang lahat ay nangabigay sa kamatayan, sa pinakamalalim na bahagi ng lupa, sa gitna ng mga anak ng tao, na kasama ng nagsibaba sa hukay. | |
Ezek | TagAngBi | 31:15 | Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Nang araw na siya'y bumaba sa Sheol ay nagpatangis ako: aking tinakpan ang kalaliman dahil sa kaniya, at pinigil ko ang mga ilog niya; at ang mga malaking ilog ay nagsitigil; at aking pinapanangis sa kaniya ang Libano, at ang lahat na punong kahoy sa parang ay nanglupaypay dahil sa kaniya. | |
Ezek | TagAngBi | 31:16 | Aking niyanig ang mga bansa sa hugong ng kaniyang pagkabuwal, nang aking ihagis siya sa Sheol na kasama ng nagsibaba sa hukay; at ang lahat na punong kahoy sa Eden, ang pili at pinakamahusay ng Libano, lahat ng nagsisiinom ng tubig ay nangaaliw sa pinakamalalim na bahagi ng lupa. | |
Ezek | TagAngBi | 31:17 | Sila rin nama'y nagsibaba sa Sheol na kasama niya sa kanila na nangapatay ng tabak; oo, silang pinakakamay niya na nagsisitahan sa kaniyang lilim sa gitna ng mga bansa. | |
Ezek | TagAngBi | 31:18 | Sino ang gaya mong ganito sa kaluwalhatian at sa kalakhan sa gitna ng mga punong kahoy sa Eden? gayon ma'y mabababa ka na kasama ng mga punong kahoy sa Eden, sa pinakamalalim na bahagi ng lupa: ikaw ay malalagay sa gitna ng mga di tuli, na kasama nila na nangapatay ng tabak. Ito'y si Faraon at ang buo niyang karamihan, sabi ng Panginoong Dios. | |
Chapter 32
Ezek | TagAngBi | 32:1 | At nangyari, nang ikalabing dalawang taon, nang ikalabing dalawang buwan, nang unang araw ng buwan, na ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi: | |
Ezek | TagAngBi | 32:2 | Anak ng tao, panaghuyan mo si Faraong hari sa Egipto, at sabihin mo sa kaniya, Ikaw ay kawangis ng isang batang leon sa mga bansa; gayon man ikaw ay parang malaking hayop sa mga dagat; at ikaw ay sumagupa sa iyong mga ilog, at nilabo mo ng iyong mga paa ang tubig, at dinumhan mo ang kanilang mga ilog. | |
Ezek | TagAngBi | 32:3 | Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Aking ilaladlad ang aking lambat sa iyo na kasama ng isang pulutong ng maraming tao; at iaahon ka nila sa aking lambat. | |
Ezek | TagAngBi | 32:4 | At iiwan kita sa lupain, ihahagis kita sa luwal na parang, at aking padadapuin sa iyo ang lahat ng mga ibon sa himpapawid, at aking bubusugin sa iyo ang mga hayop ng buong lupa. | |
Ezek | TagAngBi | 32:5 | At aking ilalagay ang iyong laman sa ibabaw ng mga bundok, at pupunuin ko ang mga libis ng iyong kataasan. | |
Ezek | TagAngBi | 32:6 | Akin namang didiligin ng iyong dugo ang lupain na iyong nilalanguyan, hanggang sa mga bundok; at ang mga daan ng tubig ay mapupuno. | |
Ezek | TagAngBi | 32:7 | At pagka ikaw ay aking nautas, aking tatakpan ang langit, at padidilimin ko ang mga bituin niyaon; aking tatakpan ng alapaap ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag. | |
Ezek | TagAngBi | 32:8 | Lahat na maningning na liwanag sa langit ay aking padidilimin sa iyo, at tatakpan ko ng kadiliman ang iyong lupain, sabi ng Panginoong Dios. | |
Ezek | TagAngBi | 32:9 | Akin namang papaghihirapin ang puso ng maraming bayan, pagka aking dadalhin ang iyong kagibaan sa gitna ng mga bansa, sa mga lupain na hindi mo nakilala. | |
Ezek | TagAngBi | 32:10 | Oo, aking papanggigilalasin ang maraming bayan sa iyo, at ang kanilang mga hari ay lubhang matatakot sa iyo, pagka aking ikinumpas ang aking tabak sa harap nila; at sila'y manginginig tuwituwina, bawa't tao dahil sa kaniyang sariling buhay sa kaarawan ng iyong pagkabuwal. | |
Ezek | TagAngBi | 32:11 | Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Ang tabak ng hari sa Babilonia ay darating sa iyo. | |
Ezek | TagAngBi | 32:12 | Sa pamamagitan ng mga tabak ng makapangyarihan ay aking ipabubuwal ang iyong karamihan; kakilakilabot sa mga bansa silang lahat: at kanilang wawalaing halaga ang kapalaluan ng Egipto, at ang buong karamihan niyao'y malilipol. | |
Ezek | TagAngBi | 32:13 | Akin din namang lilipuling lahat ang mga hayop niyaon mula sa siping ng maraming tubig; at hindi na lalabukawin pa man ng paa ng tao, o ang kuko man ng mga hayop ay magsisilabukaw sa mga yaon. | |
Ezek | TagAngBi | 32:14 | Kung magkagayo'y aking palilinawin ang kanilang tubig, at aking paaagusin ang kanilang mga ilog na parang langis, sabi ng Panginoong Dios. | |
Ezek | TagAngBi | 32:15 | Pagka aking gagawin ang lupain ng Egipto na sira at giba, na lupaing iniwan ng lahat na nangandoon, pagka aking sasaktan silang lahat na nagsisitahan doon kung magkagayon ay kanila ngang malalaman na ako ang Panginoon. | |
Ezek | TagAngBi | 32:16 | Ito nga ang panaghoy na kanilang itataghoy; na itataghoy ng mga anak na babae ng mga bansa; sa Egipto, at sa lahat na kaniyang karamihan ay itataghoy nila, sabi ng Panginoong Dios. | |
Ezek | TagAngBi | 32:17 | Nangyari rin nang ikalabing dalawang taon, nang ikalabing limang araw ng buwan, na ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin na nagsasabi, | |
Ezek | TagAngBi | 32:18 | Anak ng tao, taghuyan mo ang karamihan ng Egipto, at ibaba mo sila, sa makatuwid baga'y siya, at ang mga anak na babae ng mga bantog na bansa, hanggang sa pinakamalalim na bahagi ng lupa, na kasama ng nagsibaba sa hukay. | |
Ezek | TagAngBi | 32:19 | Sinong iyong dinadaig sa kagandahan? bumaba ka, at malagay kang kasama ng mga di tuli. | |
Ezek | TagAngBi | 32:20 | Sila'y mangabubuwal sa gitna nila na nangapatay ng tabak: siya'y nabigay sa tabak: ilabas mo siya at ang lahat niyang karamihan. | |
Ezek | TagAngBi | 32:21 | Ang malakas sa gitna ng makapangyarihan ay magsasalita sa kaniya na mula sa gitna ng Sheol na kasama ng nagsitulong sa kaniya: sila'y nagsibaba, sila'y nangakatigil, sa makatuwid baga'y ang mga hindi tuli, na nangapatay ng tabak. | |
Ezek | TagAngBi | 32:22 | Ang Assur ay nandoon at ang buo niyang pulutong; ang kaniyang mga libingan ay nangasa palibot niya: silang lahat na nangapatay, na nangabuwal sa pamamagitan ng tabak; | |
Ezek | TagAngBi | 32:23 | Na ang mga libingan ay nangalalagay sa pinakamalalim na bahagi ng hukay, at ang kaniyang pulutong ay nasa palibot ng kaniyang libingan; silang lahat na nangapatay, na nangabuwal sa pamamagitan ng tabak, na nakapangingilabot sa lupain ng buhay. | |
Ezek | TagAngBi | 32:24 | Nandoon ang Elam at ang buo niyang karamihan sa palibot ng kaniyang libingan; silang lahat na nangapatay na nangabuwal sa pamamagitan ng tabak, na nagsibabang hindi mga tuli sa pinakamalalim na bahagi ng lupa, na nakapagpangilabot sila sa lupain ng buhay, at dinala ang kanilang kahihiyan na kasama ng nagsibaba sa hukay. | |
Ezek | TagAngBi | 32:25 | Inilagay nila ang kaniyang higaan sa gitna ng mga patay na kasama ng buong karamihan niya; ang kaniyang mga libingan ay nangasa palibot niya; silang lahat na di tuli na nangapatay sa pamamagitan ng tabak; sapagka't nakapagpangilabot sila sa lupain ng buhay, at dinala nila ang kanilang kahihiyan na kasama ng nagsibaba sa hukay: siya'y nalagay sa gitna niyaong nangapatay. | |
Ezek | TagAngBi | 32:26 | Nandoon ang Mesech, ang Tubal, at ang buo niyang karamihan; ang mga libingan niya ay nangasa palibot niya; silang lahat na hindi tuli, na nangapatay sa pamamagitan ng tabak; sapagka't sila'y nakapagpangilabot sa lupain ng buhay. | |
Ezek | TagAngBi | 32:27 | At sila'y hindi mangahihiga na kasama ng makapangyarihan na nangabuwal sa mga di tuli, na nagsibaba sa Sheol na may kanilang mga almas na pangdigma, at nangaglagay ng kanilang mga tabak sa ilalim ng kanilang mga ulo, at ang kanilang mga kasamaan ay nangasa kanilang mga buto; sapagka't sila ang kakilabutan ng makapangyarihan sa lupain ng buhay. | |
Ezek | TagAngBi | 32:28 | Nguni't ikaw ay mabubuwal sa gitna ng mga di tuli, at ikaw ay mahihiga na kasama nila na nangapatay sa pamamagitan ng tabak. | |
Ezek | TagAngBi | 32:29 | Nandoon ang Edom, ang kaniyang mga hari at lahat niyang prinsipe, na sa kanilang kapangyarihan ay nangahiga na kasama ng nangapatay ng tabak: sila'y mangahihiga na kasama ng mga di tuli, at niyaong nagsibaba sa hukay. | |
Ezek | TagAngBi | 32:30 | Nandoon ang mga prinsipe sa hilagaan, silang lahat, at lahat ng mga taga Sidon, na nagsibabang kasama ng nangapatay; sa kakilabutan na kanilang ipinangilabot ng kanilang kapangyarihan sila'y nangapahiya; at sila'y nangahihigang hindi tuli na kasama ng nangapapatay sa pamamagitan ng tabak, at taglay ang kanilang kahihiyan na kasama ng nagsibaba sa hukay. | |
Ezek | TagAngBi | 32:31 | Makikita sila ni Faraon, at maaaliw sa lahat niyang karamihan, sa makatuwid baga'y ni Faraon at ng buo niyang hukbo, na nangapatay ng tabak, sabi ng Panginoong Dios. | |
Chapter 33
Ezek | TagAngBi | 33:2 | Anak ng tao, salitain mo sa mga anak ng iyong bayan, at sabihin mo sa kanila, Pagka aking dinala ang tabak sa lupain, kung ang bayan ng lupain ay kumuha ng isang lalake sa gitna nila, at ilagay na pinakabantay nila; | |
Ezek | TagAngBi | 33:3 | Kung, pagkakita niya ng tabak na dumarating sa lupain, kaniyang hipan ang pakakak, at magbigay alam sa bayan; | |
Ezek | TagAngBi | 33:4 | Sinoman ngang makarinig ng tunog ng pakakak, at hindi pinansin kung ang tabak ay dumating at dalhin siya, ang kaniyang dugo ay mapapasa kaniyang sariling ulo. | |
Ezek | TagAngBi | 33:5 | Narinig niya ang tunog ng pakakak, at hindi pinansin; ang kaniyang dugo ay sasa kaniya; sapagka't kung siya'y pumansin ay kaniyang nailigtas sana ang kaniyang buhay. | |
Ezek | TagAngBi | 33:6 | Nguni't kung makita ng bantay na dumarating ang tabak, at hindi humihip ng pakakak, at ang bayan ay hindi napagbigyang alam, at ang tabak ay dumating, at maghiwalay ng sinoman mula sa gitna nila; siya'y nahiwalay sa kaniyang kasamaan, nguni't ang kaniyang dugo ay sisiyasatin ko sa kamay ng bantay. | |
Ezek | TagAngBi | 33:7 | Sa gayo'y ikaw, anak ng tao, ay inilagay ko na bantay sa sangbahayan ni Israel; kaya't dinggin mo ang salita sa aking bibig, at magbigay alam ka sa kanila sa ganang akin. | |
Ezek | TagAngBi | 33:8 | Pagka aking sinabi sa masama, Oh masamang tao, ikaw ay walang pagsalang mamamatay, at ikaw ay hindi nagsasalita upang magbigay alam sa masama ng kaniyang lakad: ang masamang yaon ay mamamatay sa kaniyang kasamaan, nguni't ang kaniyang dugo ay sisiyasatin ko sa iyong kamay. | |
Ezek | TagAngBi | 33:9 | Gayon ma'y kung iyong bigyang alam ang masama ng kaniyang lakad upang humiwalay, at hindi niya hiniwalayan ang kaniyang lakad; mamamatay siya sa kaniyang kasamaan, nguni't iniligtas mo ang iyong kaluluwa. | |
Ezek | TagAngBi | 33:10 | At ikaw, anak ng tao, sabihin mo sa sangbahayan ni Israel, Ganito ang inyong sinasalita, na sinasabi, Ang aming pagsalangsang, at ang aming mga kasalanan ay nangasa amin, at aming pinanglulupaypayan; paano ngang kami ay mangabubuhay? | |
Ezek | TagAngBi | 33:11 | Sabihin mo sa kanila, Buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, wala akong kasayahan sa kamatayan ng masama; kundi ang masama ay humiwalay sa kaniyang lakad at mabuhay: manumbalik kayo, manumbalik kayo na mula sa inyong masasamang lakad; sapagka't bakit kayo mangamamatay, Oh sangbahayan ni Israel? | |
Ezek | TagAngBi | 33:12 | At ikaw, anak ng tao, sabihin mo sa mga anak ng iyong bayan, Ang katuwiran ng matuwid ay hindi makapagliligtas sa kaniya sa kaarawan ng kaniyang pagsalangsang; at tungkol sa kasamaan ng masama, hindi niya kabubuwalan sa araw na kaniyang hiwalayan ang kaniyang kasamaan; ni ikabubuhay man ng matuwid ang kaniyang katuwiran sa araw na siya'y magkasala. | |
Ezek | TagAngBi | 33:13 | Pagka aking sasabihin sa matuwid na siya'y walang pagsalang mabubuhay; kung siya'y tumiwala sa kaniyang katuwiran, at gumawa ng kasamaan, anoman sa kaniyang mga matuwid na gawa ay hindi aalalahanin; kundi sa kaniyang kasamaan na kaniyang nagawa doon siya mamamatay. | |
Ezek | TagAngBi | 33:14 | Muli, pagka aking sinabi sa masama, Ikaw ay walang pagsalang mamamatay; kung kaniyang iwan ang kaniyang kasalanan, at gawin ang tapat at matuwid; | |
Ezek | TagAngBi | 33:15 | Kung isauli ng masama ang sanla, ibigay uli ang kinuha sa pagnanakaw, lumakad sa palatuntunan ng buhay, na di gumawa ng kasamaan, siya'y walang pagsalang mabubuhay, siya'y hindi mamamatay. | |
Ezek | TagAngBi | 33:16 | Wala sa kaniyang mga kasalanan na kaniyang nagawa na aalalahanin laban sa kaniya; kaniyang ginawa ang tapat at matuwid; siya'y walang pagsalang mabubuhay. | |
Ezek | TagAngBi | 33:17 | Gayon ma'y sinabi ng mga anak ng iyong bayan, Ang daan ng Panginoon ay hindi matuwid: nguni't tungkol sa kanila, ay hindi matuwid ang kanilang lakad. | |
Ezek | TagAngBi | 33:18 | Pagka iniwan ng matuwid ang kaniyang katuwiran, at gumagawa ng kasamaan, kaniyang ikamamatay yaon. | |
Ezek | TagAngBi | 33:19 | At kung hiwalayan ng masama ang kaniyang kasamaan, at gumawa ng tapat at matuwid, kaniyang ikabubuhay yaon. | |
Ezek | TagAngBi | 33:20 | Gayon ma'y inyong sinasabi, Ang daan ng Panginoon ay hindi matuwid. Oh sangbahayan ni Israel, aking hahatulan kayo bawa't isa, ayon sa kaniyang mga lakad. | |
Ezek | TagAngBi | 33:21 | At nangyari, nang ikalabing dalawang taon ng ating pagkabihag, nang ikasangpung buwan; nang ikalimang araw ng buwan, na isa na nakatanan mula sa Jerusalem ay naparoon sa akin, na nagsasabi, Ang bayan ay nasaktan. | |
Ezek | TagAngBi | 33:22 | Ang kamay nga ng Panginoon ay sumaakin nang kinahapunan, bago dumating ang nakatanan; at ibinuka niya ang aking bibig, hanggang sa siya'y dumating sa akin nang kinaumagahan; at ang aking bibig ay nabuka at hindi na ako pipi. | |
Ezek | TagAngBi | 33:24 | Anak ng tao, ang nagsisitahan sa mga gibang dakong yaon ng lupain ng Israel, ay nangagsasalita, na sinasabi, Si Abraham ay iisa, at kaniyang minana ang lupain: nguni't tayo'y marami; ang lupain ay ibinigay sa ating pinakamana. | |
Ezek | TagAngBi | 33:25 | Kaya't sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Kayo'y nagsisikain ng may dugo, at itinataas ninyo ang inyong mga mata sa inyong mga diosdiosan, at nagbububo ng dugo: at inyo bagang aariin ang lupain? | |
Ezek | TagAngBi | 33:26 | Kayo'y nagsisitayo sa inyong tabak, kayo'y nagsisigawa ng kasuklamsuklam, at nanirang puri bawa't isa sa inyo ng asawa ng kaniyang kapuwa: at inyo bagang aariin ang lupain? | |
Ezek | TagAngBi | 33:27 | Sabihin mong ganito sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Buhay ako, walang pagsalang silang nangasa mga ibang dako ay mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak, at siyang nasa luwal na parang ay ibibigay ko sa mga hayop upang lamunin, at silang nangasa mga katibayan at sa mga yungib ay mangamamatay sa salot. | |
Ezek | TagAngBi | 33:28 | At aking gagawing sira ang lupain at katigilan; at ang kahambugan ng kaniyang lakas ay maglilikat; at ang mga bundok ng Israel ay mangasisira, na walang dadaan. | |
Ezek | TagAngBi | 33:29 | Kung magkagayo'y malalaman nila na ako ang Panginoon, pagka aking ginawang sira at katigilan ang lupain, dahil sa lahat nilang kasuklamsuklam na kanilang nagawa. | |
Ezek | TagAngBi | 33:30 | At tungkol sa iyo, anak ng tao, pinagsasalitaanan ka pa ng mga anak ng iyong bayan sa siping ng mga pader at sa mga pintuan ng mga bahay, at nangagsasalitaan na bawa't isa'y sa kaniyang kapatid, na sinasabi, Pumarito ka, isinasamo ko sa iyo, at dinggin mo kung ano ang salita na nanggagaling sa Panginoon. | |
Ezek | TagAngBi | 33:31 | At dumating sa iyo na wari ang bayan ay dumarating, at sila'y nagsisiupo sa harap mo na gaya ng aking bayan, at kanilang dinidinig ang iyong mga salita, nguni't hindi nila ginagawa; sapagka't sila'y nangagsasalita ng malaking pagibig ng kanilang bibig, nguni't ang kanilang puso ay nasa kanilang pakinabang. | |
Ezek | TagAngBi | 33:32 | At, narito, ikaw ay parang masayang awit sa kanila na may maligayang tinig, at nakatutugtog na mabuti sa panugtog; sapagka't kanilang naririnig ang iyong mga salita, nguni't hindi nila ginagawa. | |
Chapter 34
Ezek | TagAngBi | 34:2 | Anak ng tao, manghula ka laban sa mga pastor ng Israel, manghula ka, at iyong sabihin sa kanila, sa mga pastor, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sa aba ng mga pastor ng Israel na pinakakain ang kanilang sarili! hindi baga dapat pakanin ng mga pastor ang mga tupa? | |
Ezek | TagAngBi | 34:3 | Kayo'y nagsisikain ng gatas, at kayo'y nangananamit sa inyo ng lana, inyong pinapatay ang mga pinataba; nguni't hindi ninyo pinakakain ang mga tupa. | |
Ezek | TagAngBi | 34:4 | Hindi ninyo pinalakas ang payat, o inyo mang pinagaling ang may sakit, o inyo mang tinalian ang may bali, o inyo mang ibinalik ang iniligaw, o inyo mang hinanap ang nawala; kundi inyong pinagpunuang may karahasan at may kahigpitan. | |
Ezek | TagAngBi | 34:5 | At sila'y nangalat dahil sa walang pastor, at sila'y naging pagkain sa lahat ng hayop sa parang, at sila'y nangalat. | |
Ezek | TagAngBi | 34:6 | Ang aking mga tupa ay nagsisilaboy sa lahat ng bundok, at sa lahat na mataas na burol: oo, ang aking mga tupa ay nangalat sa buong ibabaw ng lupa; at walang magsiyasat o humanap sa kanila. | |
Ezek | TagAngBi | 34:8 | Buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, walang pagsala na dahil sa ang aking mga tupa ay naging samsam, at ang aking mga tupa ay naging pagkain sa lahat na hayop sa parang, sapagka't walang pastor, o hinanap man ng aking mga pastor ang aking mga tupa, kundi ang mga pastor ay nagsikain, at hindi pinakain ang aking mga tupa; | |
Ezek | TagAngBi | 34:10 | Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, ako'y laban sa mga pastor; at aking aalisin ang aking mga tupa sa kanilang kamay, at akin silang patitigilin ng pagpapakain ng mga tupa; at hindi na naman pakakanin ng mga pastor ang kanilang sarili; at aking ililigtas ang aking mga tupa sa kanilang bibig, upang huwag maging pagkain sa kanila. | |
Ezek | TagAngBi | 34:11 | Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako, sa makatuwid baga'y ako, sisiyasat ng aking mga tupa, at aking hahanapin sila. | |
Ezek | TagAngBi | 34:12 | Kung paanong hinanap ng pastor ang kaniyang kawan sa kaarawan na siya'y nasa gitna ng kaniyang mga tupa na nangangalat, gayon ko hahanapin ang aking mga tupa; at ililigtas ko sila sa lahat ng dako na kanilang pinangalatan sa maulap at madilim na araw. | |
Ezek | TagAngBi | 34:13 | At aking ilalabas sila sa mga bayan, at pipisanin ko sila mula sa mga lupain, at dadalhin ko sila sa kanilang sariling lupain; at pasasabsabin ko sila sa mga bundok ng Israel, sa tabi ng mga daan ng tubig, at sa lahat na tinatahanang dako sa lupain. | |
Ezek | TagAngBi | 34:14 | Aking pakakanin sila sa mabuting pastulan; at sa mga mataas na bundok ng kataasan ng Israel ay malalagay ang kanilang kulungan: doon mangahihiga sila sa mabuting kulungan; at sa matabang pastulan ay manginginain sila sa mga bundok ng Israel. | |
Ezek | TagAngBi | 34:15 | Ako ay magiging kanilang pastor ng aking mga tupa at aking pahihigain sila, sabi ng Panginoong Dios. | |
Ezek | TagAngBi | 34:16 | Aking hahanapin ang nawala, at ibabalik ang iniligaw, at tatalian ang nabalian, at palalakasin ang may sakit: nguni't aking lilipulin ang mataba at malakas; aking pakakanin sila sa katuwiran. | |
Ezek | TagAngBi | 34:17 | At tungkol sa inyo, Oh aking kawan, ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako'y humahatol sa gitna ng hayop at hayop, sa gitna ng mga lalaking tupa at mga kambing na lalake. | |
Ezek | TagAngBi | 34:18 | Inaakala baga ninyong munting bagay sa inyo na kumain sa mabuting pastulan, nguni't inyong marapat yapakan ng inyong mga paa ang nalabi sa inyong pastulan? at uminom sa malinaw na tubig, nguni't inyong marapat lampisawin ng inyong mga paa ang nalabi? | |
Ezek | TagAngBi | 34:19 | At tungkol sa aking mga tupa, kanilang kinakain ang inyong niyapakan ng inyong mga paa, at kanilang iniinom ang nilampisaw ng inyong mga paa. | |
Ezek | TagAngBi | 34:20 | Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa kanila: Narito, ako, sa makatuwid baga'y ako, ay hahatol sa matabang tupa at sa payat na tupa. | |
Ezek | TagAngBi | 34:21 | Sapagka't inyong itinulak ng tagiliran at ng balikat, at inyong sinuwag ng inyong mga sungay ang lahat na may sakit, hanggang sa inyong napangalat sila; | |
Ezek | TagAngBi | 34:22 | Kaya't aking ililigtas ang aking kawan, at hindi na sila magiging samsam; at ako'y hahatol sa tupa at tupa. | |
Ezek | TagAngBi | 34:23 | At ako'y maglalagay ng isang pastor sa kanila, at kaniyang papastulin sila sa makatuwid baga'y ang aking lingkod na si David; kaniyang papastulin sila, at siya'y magiging kanilang pastor, | |
Ezek | TagAngBi | 34:24 | At akong Panginoon ay magiging kanilang Dios, at ang aking lingkod na si David ay prinsipe sa kanila; akong Panginoon ang nagsalita. | |
Ezek | TagAngBi | 34:25 | At ako'y makikipagtipan sa kanila ng tipan ng kapayapaan, at aking papawiin ang mga masamang hayop sa lupain; at sila'y magsisitahang tiwasay sa ilang, at mangatutulog sa mga gubat. | |
Ezek | TagAngBi | 34:26 | At aking gagawing mapapalad sila at ang mga dakong nangasa palibot ng aking burol; at aking palalagpakin ang ulan sa kapanahunan; magkakaroon ng ulan ng pagpapala. | |
Ezek | TagAngBi | 34:27 | At ang punong kahoy sa parang ay magbubunga, at ang lupa'y magsisibol ng halaman niya, at sila'y matitiwasay sa kanilang lupain; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon, pagka aking binali ang tali ng kanilang pamatok, at aking nailigtas sila sa kamay ng mga pinaglilingkuran nila. | |
Ezek | TagAngBi | 34:28 | At sila'y hindi na magiging pinakahuli sa mga bansa, o lalamunin man sila ng hayop sa lupa; kundi sila'y magsisitahang tiwasay, at walang tatakot sa kanila. | |
Ezek | TagAngBi | 34:29 | At aking pagkakalooban sila ng mga pananim na ikababantog, at sila'y hindi na mangalilipol pa ng kagutom sa lupain, o magtataglay pa man ng kahihiyan sa mga bansa. | |
Ezek | TagAngBi | 34:30 | At kanilang malalaman na akong Panginoon nilang Dios ay sumasa kanila, at sila na sangbahayan ni Israel ay aking bayan, sabi ng Panginoong Dios. | |
Chapter 35
Ezek | TagAngBi | 35:2 | Anak ng tao, ititig mo ang iyong mukha sa bundok ng Seir, at manghula ka laban doon, | |
Ezek | TagAngBi | 35:3 | At sabihin mo roon, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako'y laban sa iyo, Oh bundok ng Seir, at aking iniunat ang aking kamay laban sa iyo, at gagawin kitang sira at katigilan. | |
Ezek | TagAngBi | 35:4 | Aking ilalagay na giba ang iyong mga bayan, at ikaw ay magiging sira; at iyong malalaman na ako ang Panginoon. | |
Ezek | TagAngBi | 35:5 | Sapagka't ikaw ay nagkaroon ng laging pakikipagkaalit, at ibinigay mo ang mga anak ni Israel sa kapangyarihan ng tabak sa kapanahunan ng kanilang kasakunaan, sa kapanahunan ng parusang pinaka wakas; | |
Ezek | TagAngBi | 35:6 | Kaya't buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, aking itatalaga ka sa dugo, at ang dugo ay hahabol sa iyo: yamang hindi mo kinapootan ang dugo, kaya't matatalaga ka sa dugo. | |
Ezek | TagAngBi | 35:7 | Ganito ko gagawin ang bundok ng Seir na isang katigilan at kasiraan; at aking ihihiwalay sa kaniya siya na nagdaraan at siyang nagbabalik. | |
Ezek | TagAngBi | 35:8 | At aking pupunuin ang kaniyang mga bundok ng kaniyang mga nangapatay: sa iyong mga burol at sa iyong mga libis at sa lahat mong mga daan ng tubig ay mangabubuwal sila na nangapatay ng tabak. | |
Ezek | TagAngBi | 35:9 | Ikaw ay gagawin kong pangpalaging kasiraan, at ang iyong mga bayan ay hindi tatahanan; at inyong malalaman na ako ang Panginoon. | |
Ezek | TagAngBi | 35:10 | Sapagka't iyong sinabi, Ang dalawang bansang ito, at ang dalawang lupaing ito ay magiging akin, at aming aariin; bagaman kinaroroonan ng Panginoon: | |
Ezek | TagAngBi | 35:11 | Kaya't buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, aking gagawin ayon sa iyong galit, at ayon sa iyong pananaghili na iyong ipinakilala sa iyong pagtatanim laban sa kanila: at ako'y pakikilala sa gitna nila pagka aking hahatulan ka. | |
Ezek | TagAngBi | 35:12 | At iyong malalaman na akong Panginoon ay nakarinig ng lahat mong panunungayaw na iyong sinalita laban sa mga bundok ng Israel, na sinasabi, Nangalagay na sira ang mga yaon, nangabigay sa atin upang lamunin. | |
Ezek | TagAngBi | 35:13 | At kayo'y nangagmalaki laban sa akin ng inyong bibig, at inyong pinarami ang inyong mga salita laban sa akin: aking narinig yaon. | |
Ezek | TagAngBi | 35:14 | Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Pagka ang buong lupa ay nagagalak, akin gagawin kang sira. | |
Chapter 36
Ezek | TagAngBi | 36:1 | At ikaw, anak ng tao, manghula ka laban sa mga bundok ng Israel, at sabihin mo, Kayong mga bundok ng Israel, pakinggan ninyo ang salita ng Panginoon. | |
Ezek | TagAngBi | 36:2 | Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: sapagka't sinabi ng kaaway sa inyo, Aha! at, Ang dating mga mataas na dako ay aming pag-aari; | |
Ezek | TagAngBi | 36:3 | Kaya't manghula ka, at iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't, sa makatuwid baga'y sapagka't kanilang ginawang sira kayo, at nadaig kayo sa lahat ng dako, upang kayo'y maging pag-aari ng nalabi sa mga bansa, at kayo'y nabanggit ng mga labi ng mga mangdadaldal, at masamang ulat ng bayan; | |
Ezek | TagAngBi | 36:4 | Kaya't kayong mga bundok ng Israel, inyong pakinggan ang salita ng Panginoong Dios: Ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa mga bundok at sa mga burol, sa mga daan ng tubig at sa mga libis, sa mga sirang dako at sa mga bayan na nangapabayaan, na mga naging samsam at kakutyaan na nalabi sa mga bansa na nangasa palibot; | |
Ezek | TagAngBi | 36:5 | Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Tunay na sa silakbo ng aking paninibugho ay nagsalita ako laban sa nalabi sa mga bansa, at laban sa buong Edom, na nagtakda ng aking lupain sa kanilang sarili na pag-aari na may kagalakan ng buo nilang puso, na may sama ng loob, upang ihagis na pinakasamsam. | |
Ezek | TagAngBi | 36:6 | Kaya't manghula ka tungkol sa lupain ng Israel, at sabihin mo sa mga bundok at sa mga burol, sa mga daan ng tubig at sa mga libis, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako'y nagsalita sa aking paninibugho at sa aking kapusukan, sapagka't inyong tinaglay ang kahihiyan ng mga bansa. | |
Ezek | TagAngBi | 36:7 | Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Aking itinaas ang aking kamay, na aking sinasabi, Tunay na ang mga bansa na nangasa palibot ninyo, mangagtataglay sila ng malaking kahihiyan. | |
Ezek | TagAngBi | 36:8 | Nguni't, kayo, Oh mga bundok ng Israel, inyong isusupling ang inyong mga sanga, at magbubunga sa aking bayang Israel; sapagka't sila'y malapit nang dumating. | |
Ezek | TagAngBi | 36:9 | Sapagka't, narito, ako'y sa inyo, at ako'y babalik sa inyo, at kayo'y mabubukid at mahahasikan; | |
Ezek | TagAngBi | 36:10 | At ako'y magpaparami ng mga tao sa inyo, buong sangbahayan ni Israel, sa makatuwid baga'y siyang lahat; at ang mga bayan ay tatahanan, at ang mga sirang dako ay mangatatayo; | |
Ezek | TagAngBi | 36:11 | At ako'y magpaparami sa inyo ng tao at hayop; at sila'y magsisidami at mangagkakaanak: at aking patatahanin kayo ayon sa inyong dating kalagayan, at gagawan ko kayo ng magaling kay sa una: at inyong malalaman na ako ang Panginoon. | |
Ezek | TagAngBi | 36:12 | Oo, aking palalakarin sa inyo ang mga tao, sa makatuwid baga'y ang aking bayang Israel; at kanilang aariin ka, at ikaw ay magiging kanilang mana, at hindi mo na sila wawalaan ng mga anak. | |
Ezek | TagAngBi | 36:13 | Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't kanilang sinasabi sa iyo, Ikaw na lupain ay manglalamon nga ng mga tao, at naging mapagpahirap sa iyong bansa; | |
Ezek | TagAngBi | 36:14 | Kaya't hindi ka na manglalamon pa ng mga tao o papatay pa man sa iyong bansa, sabi ng Panginoong Dios; | |
Ezek | TagAngBi | 36:15 | O iparirinig ko pa man sa iyo ang kahihiyan ng mga bansa, o magtataglay ka pa man ng kakutyaan ng mga bayan, o ititisod mo pa man ang iyong bansa, sabi ng Panginoong Dios. | |
Ezek | TagAngBi | 36:17 | Anak ng tao, nang tumatahan ang sangbahayan ni Israel sa kanilang sariling lupain, kanilang inihawa ng kanilang lakad at ng kanilang mga gawa: ang kanilang lakad sa harap ko ay naging parang karumihan ng babae sa kaniyang kapanahunan. | |
Ezek | TagAngBi | 36:18 | Kaya't aking ibinugso ang aking kapusukan sa kanila dahil sa dugo na kanilang ibinubo sa lupain, at dahil sa kanilang nilapastangan ng kanilang mga diosdiosan; | |
Ezek | TagAngBi | 36:19 | At aking pinangalat sila sa mga bansa, at sila'y nagsipanabog sa mga lupain: ayon sa kanilang lakad at ayon sa kanilang mga gawa ay hinatulan ko sila. | |
Ezek | TagAngBi | 36:20 | At nang sila'y dumating sa mga bansa, na kanilang pinaroonan, kanilang nilapastangan ang aking banal na pangalan; sa pagsasabi ng mga tao tungkol sa kanila, Ang mga ito ay bayan ng Panginoon, at nagsilabas sa kaniyang lupain. | |
Ezek | TagAngBi | 36:21 | Nguni't iginalang ko ang aking banal na pangalan, na nilapastangan ng sangbahayan ni Israel sa mga bansa na kanilang pinaroonan. | |
Ezek | TagAngBi | 36:22 | Kaya't sabihin mo sa sangbahayan ni Israel, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios; Hindi ko ginawa ito dahil sa inyo, Oh sangbahayan ni Israel, kundi dahil sa aking banal na pangalan, na inyong nilapastangan sa mga bansa na inyong pinaroonan. | |
Ezek | TagAngBi | 36:23 | At aking babanalin ang aking dakilang pangalan, na nalapastangan sa mga bansa, na inyong nilapastangan sa gitna nila; at malalaman ng mga bansa na ako ang Panginoon, sabi ng Panginoong Dios, pagka ako'y aariing banal sa inyo sa harap ng kanilang mga mata. | |
Ezek | TagAngBi | 36:24 | Sapagka't aking kukunin kayo sa mga bansa, at pipisanin ko kayo na mula sa lahat ng lupain, at dadalhin ko kayo sa inyong sariling lupain. | |
Ezek | TagAngBi | 36:25 | At ako'y magwiwisik ng malinis na tubig sa inyo, at kayo'y magiging malinis: sa buo ninyong karumihan, at sa lahat ninyong mga diosdiosan, lilinisin ko kayo. | |
Ezek | TagAngBi | 36:26 | Bibigyan ko rin naman kayo ng bagong puso, at lalagyan ko ang loob ninyo ng bagong diwa; at aking aalisin ang batong puso sa inyong katawan, at aking bibigyan kayo ng pusong laman. | |
Ezek | TagAngBi | 36:27 | At aking ilalagay ang aking Espiritu sa loob ninyo, at palalakarin ko kayo ng ayon sa aking mga palatuntunan, at inyong iingatan ang aking mga kahatulan, at isasagawa. | |
Ezek | TagAngBi | 36:28 | At kayo'y magsisitahan sa lupain na ibinigay ko sa inyong mga magulang; at kayo'y magiging aking bayan, at ako'y magiging inyong Dios. | |
Ezek | TagAngBi | 36:29 | At lilinisin ko kayo sa lahat ninyong karumihan: at aking patutubuin ang trigo, at aking pararamihin, at hindi na ako magpaparating ng kagutom sa inyo. | |
Ezek | TagAngBi | 36:30 | At aking pararamihin ang bunga ng punong kahoy, at ang ani sa bukid, upang huwag na kayong tumanggap pa ng kadustaan ng kagutom sa mga bansa. | |
Ezek | TagAngBi | 36:31 | Kung magkagayo'y inyong maaalaala ang inyong mga masamang lakad, at ang inyong mga gawa na hindi mabuti; at kayo'y mayayamot sa inyong sarili sa inyong paninging sarili, dahil sa inyong mga kasamaan at dahil sa inyong mga kasuklamsuklam. | |
Ezek | TagAngBi | 36:32 | Hindi dahil sa inyo ginagawa ko ito, sabi ng Panginoong Dios, tantuin ninyo: kayo'y mangahiya at mangalito dahil sa inyong mga lakad, Oh sangbahayan ni Israel. | |
Ezek | TagAngBi | 36:33 | Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sa araw na aking linisin kayo sa lahat ninyong kasamaan, aking patatahanan ang mga bayan, at ang mga gibang dako ay mangatatayo. | |
Ezek | TagAngBi | 36:34 | At ang lupain na naging sira ay mabubukid, na naging sira sa paningin ng lahat na nangagdaraan. | |
Ezek | TagAngBi | 36:35 | At kanilang sasabihin, Ang lupaing ito na naging sira ay naging gaya ng halamanan ng Eden; at ang sira at giba at wasak na mga bayan ay nakukutaan at tinatahanan. | |
Ezek | TagAngBi | 36:36 | Kung magkagayo'y malalaman ng mga bansa na nalabi sa palibot ninyo na akong Panginoon ay nagtayo ng mga guhong dako, at tinamnan ko ang dakong sira: akong Panginoon ang nagsalita, at aking gagawin. | |
Ezek | TagAngBi | 36:37 | Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Bukod dito pa'y pagsasanggunian ako ng sangbahayan ni Israel, upang gawin sa kanila; ako'y magpaparami sa kanila ng tao na parang kawan. | |
Chapter 37
Ezek | TagAngBi | 37:1 | Ang kamay ng Panginoon ay sumasa akin, at kaniyang dinala ako sa Espiritu ng Panginoon, at inilagay niya ako sa gitna ng libis; at yao'y puno ng mga buto. | |
Ezek | TagAngBi | 37:2 | At pinaraan niya ako sa tabi ng mga yaon sa palibot: at, narito, may totoong marami sa luwal na libis; at, narito, mga totoong tuyo. | |
Ezek | TagAngBi | 37:3 | At kaniyang sinabi sa akin, Anak ng tao, maaari bagang mabuhay ang mga butong ito? At ako'y sumagot, Oh Panginoong Dios; ikaw ang nakakaalam. | |
Ezek | TagAngBi | 37:4 | Muling sinabi niya sa akin, Manghula ka sa mga butong ito, at sabihin mo sa kanila, Oh kayong mga tuyong buto, inyong pakinggan ang salita ng Panginoon. | |
Ezek | TagAngBi | 37:5 | Ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa mga butong ito: Narito, aking papapasukin ang hinga sa inyo, at kayo'y mangabubuhay. | |
Ezek | TagAngBi | 37:6 | At lalagyan ko kayo ng mga litid, at babalutin ko kayo ng laman, at tatakpan ko kayo ng balat, at lalagyan ko kayo ng hininga, at kayo'y mangabubuhay; at inyong malalaman na ako ang Panginoon. | |
Ezek | TagAngBi | 37:7 | Sa gayo'y nanghula ako ng gaya ng iniutos sa akin: at habang ako'y nanghuhula, may naghinugong, at, narito, isang lindol; at ang mga buto ay nangagkalapit, buto sa kaniyang buto. | |
Ezek | TagAngBi | 37:8 | At ako'y tumingin, at, narito, may mga litid sa mga yaon, at laman ay lumitaw sa mga yaon at ang balat ay tumakip sa mga yaon sa ibabaw; nguni't walang hininga sa kanila. | |
Ezek | TagAngBi | 37:9 | Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Manghula ka sa hangin, manghula ka, anak ng tao, at sabihin mo sa hangin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Manggaling ka sa apat na hangin, Oh hinga, at humihip ka sa mga patay na ito, upang sila'y mangabuhay. | |
Ezek | TagAngBi | 37:10 | Sa gayo'y nanghula ako ng gaya ng iniutos niya sa akin, at ang hininga ay pumasok sa kanila, at sila'y nangabuhay, at nagsitayo ng kanilang mga paa, isang totoong malaking pulutong. | |
Ezek | TagAngBi | 37:11 | Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Anak ng tao, ang mga butong ito ay ang buong sangbahayan ni Israel: narito, kanilang sinasabi, Ang ating mga buto ay natuyo, at ang ating pagasa ay nawala; tayo'y lubos na nahiwalay. | |
Ezek | TagAngBi | 37:12 | Kaya't manghula ka, at sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, aking bubuksan ang inyong mga libingan, at aking pasasampahin kayo mula sa inyong mga libingan, Oh bayan ko; at aking dadalhin kayo sa lupain ng Israel. | |
Ezek | TagAngBi | 37:13 | At inyong malalaman na ako ang Panginoon, pagka aking binuksan ang inyong libingan, at aking pinasampa kayo na mula sa inyong mga libingan, Oh bayan ko. | |
Ezek | TagAngBi | 37:14 | At aking ilalagay ang aking Espiritu sa inyo, at kayo'y mangabubuhay, at aking ilalagay kayo sa inyong sariling lupain, at inyong mangalalaman na akong Panginoon ang nagsalita, at nagsagawa, sabi ng Panginoon. | |
Ezek | TagAngBi | 37:16 | At ikaw, anak ng tao, kumuha ka ng isang tungkod, at sulatan mo sa ibabaw, Sa Juda at sa mga anak ni Israel na kaniyang mga kasama: saka kumuha ka ng ibang tungkod, at iyong sulatan: Sa Jose, na siyang tungkod ng Ephraim, at sa buong sangbahayan ni Israel na kaniyang mga kasama: | |
Ezek | TagAngBi | 37:17 | At iyong papagugnayugnayin sa ganang iyo na maging isang tungkod, upang maging isa sa iyong kamay. | |
Ezek | TagAngBi | 37:18 | At pagka ang mga anak ng iyong bayan ay mangagsasalita sa iyo, na mangagsasabi, Hindi mo baga ipakikilala sa amin kung ano ang kahulugan ng mga ito? | |
Ezek | TagAngBi | 37:19 | Sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, aking kukunin ang tungkod ng Jose, na nasa kamay ng Ephraim, at ang mga lipi ng Israel na kaniyang mga kasama: at akin silang isasama roon, sa tungkod ng Juda, at gagawin ko silang isang tungkod, at sila'y magiging isa sa aking kamay. | |
Ezek | TagAngBi | 37:20 | At ang tungkod na iyong sinusulatan ay hahawakan mo sa harap ng kanilang mga mata. | |
Ezek | TagAngBi | 37:21 | At sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, aking kukunin ang mga anak ni Israel mula sa gitna ng mga bansa, na kanilang pinaroonan, at pipisanin ko sila sa lahat ng dako, at dadalhin ko sila sa kanilang sariling lupain: | |
Ezek | TagAngBi | 37:22 | At gagawin ko silang isang bansa sa lupain, sa mga bundok ng Israel; at isang hari ang magiging hari sa kanilang lahat; at hindi na sila magiging dalawang bansa, o mahahati pa man sila sa dalawang kaharian; | |
Ezek | TagAngBi | 37:23 | At hindi na naman mapapahamak pa sila ng dahil sa kanilang mga diosdiosan, o sa kanila mang mga kasuklamsuklam na bagay, o sa anoman sa kanilang mga pagsalangsang; kundi aking ililigtas sila mula sa lahat nilang tahanang dako, na kanilang pinagkasalanan, at lilinisin ko sila: sa gayo'y magiging bayan ko sila, at ako'y magiging kanilang Dios. | |
Ezek | TagAngBi | 37:24 | At ang aking lingkod na si David ay magiging hari sa kanila; at silang lahat ay magkakaroon ng isang pastor; magsisilakad din naman sila ng ayon sa aking mga kahatulan, at susundin ang aking mga palatuntunan, at isasagawa. | |
Ezek | TagAngBi | 37:25 | At sila'y magsisitahan sa lupain na aking ibinigay kay Jacob na aking lingkod, na tinahanan ng inyong mga magulang; at sila'y magsisitahan doon, sila at ang kanilang mga anak, at ang mga anak ng kanilang mga anak, magpakailan man: at si David na aking lingkod ay magiging kanilang prinsipe magpakailan man. | |
Ezek | TagAngBi | 37:26 | Bukod dito'y makikipagtipan ako ng tipan ng kapayapaan sa kanila; magiging tipan na walang hanggan sa kanila; at aking ilalagay sila, at pararamihin sila at itatatag ko ang aking santuario sa gitna nila magpakailan man. | |
Ezek | TagAngBi | 37:27 | Ang aking tabernakulo naman ay mapapasa gitna nila; at ako'y magiging kanilang Dios, at sila'y magiging aking bayan. | |
Chapter 38
Ezek | TagAngBi | 38:2 | Anak ng tao, iharap mo ang iyong mukha sa dako ni Gog, sa lupain ng Magog, na prinsipe sa Ros, sa Mesech, at sa Tubal, at manghula ka laban sa kaniya, | |
Ezek | TagAngBi | 38:3 | At iyong sabihin, ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako'y laban sa iyo, Oh Gog, na pangulo sa Ros, sa Mesech, at sa Tubal: | |
Ezek | TagAngBi | 38:4 | At aking ipipihit ka sa palibot, at kakawitan ko ng mga pangbingwit ang iyong mga panga, at ilalabas kita, at ang iyong buong kawal, mga kabayo at mga mangangabayo, na nasusuutan silang lahat ng buong kasakbatan, na malaking pulutong na may longki at kalasag, silang lahat ay nangagtatangan ng mga tabak: | |
Ezek | TagAngBi | 38:5 | Ang Persia, ang Cus, at ang Phut ay kasama nila; silang lahat na may kalasag at turbante; | |
Ezek | TagAngBi | 38:6 | Ang Gomer at ang lahat niyang mga pulutong; ang sangbahayan ni Togarma sa mga pinakahuling bahagi ng hilagaan, at lahat niyang mga pulutong; maraming bayan na kasama mo. | |
Ezek | TagAngBi | 38:7 | Humanda ka, oo, humanda ka, ikaw, at ang lahat ng iyong mga pulutong na napisan ko sa iyo, at maging bantay ka sa kanila. | |
Ezek | TagAngBi | 38:8 | Pagkatapos ng maraming araw ay dadalawin ka: sa mga huling taon ay papasok ka sa lupain na ibinalik na mula sa paghabol ng tabak na napisan mula sa maraming bayan, sa mga bundok ng Israel, na naging laging giba; nguni't nalabas sa mga bayan, at sila'y magsisitahang tiwasay, silang lahat. | |
Ezek | TagAngBi | 38:9 | At ikaw ay sasampa, ikaw ay darating na parang bagyo, ikaw ay magiging parang ulap na tatakip sa lupain, ikaw, at ang lahat mong mga pulutong, at ang maraming tao na kasama mo. | |
Ezek | TagAngBi | 38:10 | Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Mangyayari sa araw na yaon, na mga bagay ay darating sa iyong pagiisip, at ikaw ay magpapanukala ng masamang panukala: | |
Ezek | TagAngBi | 38:11 | At iyong sasabihin, Ako'y sasampa sa lupaing may mga nayong walang kuta; sasampahin ko sila na nasa katahimikan, na nagsisitahang tiwasay, silang lahat na nagsisitahang walang kuta, at wala kahit mga halang o mga pintuang-bayan man; | |
Ezek | TagAngBi | 38:12 | Upang kumuha ng samsam, at upang kumuha ng huli; upang ibalik ang iyong kamay laban sa mga gibang dako na tinatahanan ngayon, at laban sa bayan na napisan mula sa mga bansa, na nagtangkilik ng mga hayop at mga pag-aari, na nagsisitahan sa gitna ng lupa. | |
Ezek | TagAngBi | 38:13 | Ang Seba, at ang Dedan, at ang mga mangangalakal sa Tarsis, sangpu ng lahat ng batang leon niyaon, ay magsasabi sa iyo, Naparito ka baga upang kumuha ng samsam? pinisan mo baga ang iyong pulutong upang kumuha ng samsam? upang magdala ng pilak at ginto, upang magdala ng mga hayop at mga pag-aari, upang kumuha ng malaking samsam? | |
Ezek | TagAngBi | 38:14 | Kaya't, anak ng tao, ikaw ay manghula, at sabihin mo kay Gog, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sa araw na ang aking bayang Israel ay tatahang tiwasay, hindi mo baga malalaman? | |
Ezek | TagAngBi | 38:15 | At ikaw ay darating na mula sa iyong dako, mula sa mga kahulihulihang bahagi ng hilagaan, ikaw, at ang maraming tao na kasama mo, silang lahat na nangakasakay sa mga kabayo, malaking pulutong at makapangyarihang hukbo; | |
Ezek | TagAngBi | 38:16 | At ikaw ay sasampa laban sa aking bayang Israel, na parang ulap na tatakip sa lupain: mangyayari sa mga huling araw, na dadalhin kita laban sa aking lupain, upang makilala ako ng mga bansa, pagka ako'y aariing banal sa iyo, Oh Gog, sa harap ng kanilang mga mata. | |
Ezek | TagAngBi | 38:17 | Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Ikaw baga yaong aking sinalita nang una sa pamamagitan ng aking mga lingkod na mga propeta ng Israel, na nagsipanghula nang mga araw na yaon, ng tungkol sa malaong panahon, na aking dadalhin ka laban sa kanila? | |
Ezek | TagAngBi | 38:18 | At mangyayari sa araw na yaon, pagka si Gog ay paroroon laban sa lupain ng Israel, sabi ng Panginoong Dios, na ang aking kapusukan ay sasampa sa aking mga butas ng ilong. | |
Ezek | TagAngBi | 38:19 | Sapagka't sa aking paninibugho at sa sigalbo ng aking poot ay nagsalita ako, Tunay na sa araw na yaon ay magkakaroon ng malaking panginginig sa lupain ng Israel; | |
Ezek | TagAngBi | 38:20 | Na anopa't ang mga isda sa dagat, at ang mga ibon sa himpapawid, at ang mga hayop sa parang, at lahat na nagsisiusad na bagay na nagsisiusad sa ibabaw ng lupa, at lahat ng tao na nangasa ibabaw ng lupa, magsisipanginig sa aking harapan, at ang mga bundok ay mangaguguho at ang mga matarik na dako ay mangabababa, at bawa't kuta ay mangababagsak sa lupa. | |
Ezek | TagAngBi | 38:21 | At aking tatawagin sa lahat ng aking mga bundok ang tabak laban sa kaniya, sabi ng Panginoong Dios: ang tabak ng bawa't lalake ay magiging laban sa kaniyang kapatid. | |
Ezek | TagAngBi | 38:22 | At ako'y makikipaglaban sa kaniya sa pamamagitan ng salot at ng dugo; at pauulanan ko siya, at ang kaniyang mga pulutong, at ang maraming bayan na kasama niya, ng napakalakas na ulan, at ng mga malaking granizo, ng apoy, at ng azufre. | |
Chapter 39
Ezek | TagAngBi | 39:1 | At ikaw, anak ng tao, manghula ka laban kay Gog, at iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako'y laban sa iyo, Oh Gog, na prinsipe sa Ros, sa Mesech, at sa Tubal: | |
Ezek | TagAngBi | 39:2 | At aking ipipihit ka sa palibot, at ihahatid kita, at pasasampahin kita mula sa mga pinakahuling bahagi ng hilagaan; at aking dadalhin ka sa mga bundok ng Israel; | |
Ezek | TagAngBi | 39:3 | At aking sisirain ang iyong busog sa iyong kaliwa, at aking ihuhulog ang iyong pana sa iyong kanan. | |
Ezek | TagAngBi | 39:4 | Ikaw ay mabubuwal sa mga bundok ng Israel, ikaw, at ang lahat mong mga pulutong, at ang mga bayan na kasama mo: aking ibibigay ka sa mga mangdadagit na ibong sarisari, at sa mga hayop sa parang upang lamunin ka. | |
Ezek | TagAngBi | 39:5 | Ikaw ay mabubuwal sa luwal na parang: sapagka't aking sinalita, sabi ng Panginoong Dios. | |
Ezek | TagAngBi | 39:6 | At ako'y magpapasapit ng apoy sa Magog, at sa kanilang nagsisitahang tiwasay sa mga pulo; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon. | |
Ezek | TagAngBi | 39:7 | At ang aking banal na pangalan ay ipakikilala ko sa gitna ng aking bayang Israel; at hindi ko man titiising malapastangan pa ang aking banal na pangalan: at malalaman ng mga bansa na ako ang Panginoon, ang banal sa Israel. | |
Ezek | TagAngBi | 39:8 | Narito, dumarating, at mangyayari, sabi ng Panginoong Dios; ito ang araw na aking sinalita. | |
Ezek | TagAngBi | 39:9 | At silang nagsisitahan sa mga bayan ng Israel ay magsisilabas, at sisilaban ng mga apoy ang mga almas, at susunugin ang mga kalasag at gayon din ang mga longki, ang mga busog at ang mga pana, at ang mga tungkod, at ang mga sibat, at mga sisilaban nilang pitong taon; | |
Ezek | TagAngBi | 39:10 | Na anopa't sila'y hindi magsisikuha ng kahoy sa parang, o magsisiputol man ng anoman sa mga gubat; sapagka't kanilang sisilaban ang mga almas; at kanilang sasamsaman yaong nagsisamsam sa kanila, at nanakawan yaong nangagnakaw sa kanila, sabi ng Panginoong Dios. | |
Ezek | TagAngBi | 39:11 | At mangyayari sa araw na yaon, na ako'y magbibigay kay Gog ng dakong pinakalibangan sa Israel, ang libis nila na nagsisidaang patungo sa silanganan ng dagat: at paglilikatan nilang daanan; at doon nila ililibing si Gog at ang buo niyang karamihan; at kanilang tatawagin ito: Ang libis ng Hamon-gog. | |
Ezek | TagAngBi | 39:12 | At pitong buwan na mangaglilibing ang sangbahayan ni Israel, upang kanilang linisin ang lupain. | |
Ezek | TagAngBi | 39:13 | Oo, sila'y mangaglilibing ng buong bayan ng lupain; at magiging sa kanila'y kabantugan, sa araw na ako'y luluwalhati, sabi ng Panginoong Dios. | |
Ezek | TagAngBi | 39:14 | At sila'y mangaghahalal ng mga lalaking magkakatungkulang palagi, na mangagdaraan sa lupain at, kasama nilang nangagdaraan, silang nangaglilibing ng nalabi sa ibabaw ng lupain, upang linisin: pagkatapos ng pitong buwan ay mangagsisihanap sila. | |
Ezek | TagAngBi | 39:15 | At silang nangagdaraan sa lupain ay mangagdaraan; at pagka ang sinoman ay nakakita ng buto ng tao, lalagyan nga niya ng tanda, hanggang sa mailibing ng mga manglilibing sa libis ng Hamon-gog. | |
Ezek | TagAngBi | 39:17 | At ikaw, anak ng tao, ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Salitain mo sa sarisaring ibon, at sa lahat na hayop sa parang, Magpupulong kayo, at kayo'y magsiparito; magpipisan kayo sa lahat ng dako sa aking hain na aking inihahain sa inyo, sa malaking hain sa ibabaw ng mga bundok ng Israel, upang kayo'y mangakakain ng laman at mangakainom ng dugo. | |
Ezek | TagAngBi | 39:18 | Kayo'y magsisikain ng laman ng makapangyarihan, at magsisiinom ng dugo ng mga prinsipe sa lupa, ng mga lalaking tupa, ng mga batang tupa, at ng mga kambing, ng mga toro, na pawang patabain sa Basan. | |
Ezek | TagAngBi | 39:19 | At kayo'y magsisikain ng taba hanggang sa kayo'y mangabusog, at magsisiinom ng dugo hanggang sa kayo'y mangalango, sa aking hain na aking inihain sa inyo. | |
Ezek | TagAngBi | 39:20 | At kayo'y mangabubusog sa aking dulang ng mga kabayo at mga karo, ng mga makapangyarihang lalake, at ng lahat na lalaking mangdidigma, sabi ng Panginoong Dios. | |
Ezek | TagAngBi | 39:21 | At aking pararatingin ang aking kaluwalhatian sa mga bansa; at makikita ng lahat ng bansa ang aking kahatulan na aking inilapat, at ang aking kamay na aking binuhat sa kanila. | |
Ezek | TagAngBi | 39:22 | Sa gayo'y malalaman ng sangbahayan ni Israel na ako ang Panginoon na kanilang Dios, mula sa araw na yaon hanggang sa haharapin. | |
Ezek | TagAngBi | 39:23 | At malalaman ng mga bansa na ang sangbahayan ni Israel ay pumasok sa pagkabihag dahil sa kanilang kasamaan; sapagka't sila'y nagsisalangsang laban sa akin, at ikinubli ko ang aking mukha sa kanila: sa gayo'y ibinigay ko sila sa kamay ng kanilang mga kaaway, at silang lahat ay nangabuwal sa pamamagitan ng tabak. | |
Ezek | TagAngBi | 39:24 | Ayon sa kanilang karumihan at ayon sa kanilang mga pagsalangsang ay gumawa ako sa kanila; at ikinubli ko ang aking mukha sa kanila. | |
Ezek | TagAngBi | 39:25 | Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Ngayo'y aking ibabalik ang Jacob na mula sa pagkabihag, at maaawa ako sa buong sangbahayan ni Israel; at ako'y magiging mapanibughuin dahil sa aking banal na pangalan. | |
Ezek | TagAngBi | 39:26 | At sila'y mangagtataglay ng kanilang kahihiyan, at ng kanilang lahat na pagsalangsang na kanilang isinalangsang laban sa akin, pagka sila'y magsisitahang tiwasay sa kanilang lupain, at walang tatakot sa kanila; | |
Ezek | TagAngBi | 39:27 | Pagka sila'y aking nadala uli na mula sa mga bayan, at nangapisan na mula sa mga lupain ng kanilang mga kaaway, at ako'y inaaring banal sa kanila sa paningin ng maraming bansa. | |
Ezek | TagAngBi | 39:28 | At kanilang malalaman na ako ang Panginoon nilang Dios, sa pagpapapasok ko sa kanila sa pagkabihag sa gitna ng mga bansa, at sa pagpipisan ko sa kanila sa kanilang sariling lupain; at hindi ako magiiwan sa kanila ng sino pa man doon; | |
Chapter 40
Ezek | TagAngBi | 40:1 | Nang ikadalawang pu't limang taon ng aming pagkabihag, nang pasimula ng taon, nang ikasangpung araw ng buwan, nang ikalabing apat na taon pagkatapos na ang bayan ay masaktan nang kaarawang yaon, ang kamay ng Panginoon ay sumaakin, at dinala niya ako roon. | |
Ezek | TagAngBi | 40:2 | Sa mga pangitain na mula sa Dios ay dinala niya ako sa lupain ng Israel, at inilagay ako sa totoong mataas na bundok, na kinaroroonan ng parang isang bayan sa timugan. | |
Ezek | TagAngBi | 40:3 | At dinala niya ako roon; at, narito, may isang lalake na ang anyo ay parang anyo ng tanso, na may pising lino sa kaniyang kamay, at isang panukat na tambo; at siya'y natayo sa pintuang-bayan. | |
Ezek | TagAngBi | 40:4 | At sinabi ng lalake sa akin, Anak ng tao, tumingin ka ng iyong mga mata, at makinig ka ng iyong mga pakinig, at ilagak mo ang iyong puso sa lahat na aking ipakikita sa iyo; sapagka't sa haka na aking mga maipakikita sa iyo ay dinala ka rito: ipahayag mo ang lahat na iyong nakikita sa sangbahayan ni Israel. | |
Ezek | TagAngBi | 40:5 | At, narito; isang kuta sa dakong labas ng bahay sa palibot, at sa kamay ng lalake ay isang panukat na tambo na may anim na siko ang haba, na tigisang siko at isang dangkal ang luwang ng bawa't isa: sa gayo'y kaniyang sinukat ang luwang ng bahay, na isang tambo; at ang taas, isang tambo. | |
Ezek | TagAngBi | 40:6 | Nang magkagayo'y naparoon siya sa pintuang-daan, na nakaharap sa dakong silanganan, at sumampa sa mga baytang niyaon: at kaniyang sinukat ang pasukan sa pintuang-daan, isang tambo ang luwang; at ang kabilang pasukan, isang tambo ang luwang. | |
Ezek | TagAngBi | 40:7 | At bawa't silid ng bahay ay isang tambo ang haba, at isang tambo ang luwang; at ang pagitan ng mga silid ng bantay ay limang siko; at ang pasukan sa pintuang-daan sa tabi ng portiko sa pintuang-daan sa dako ng bahay ay isang tambo. | |
Ezek | TagAngBi | 40:8 | Kaniya rin namang sinukat ang portiko sa pintuang-daan sa dakong bahay, isang tambo. | |
Ezek | TagAngBi | 40:9 | Nang magkagayo'y sinukat niya ang portiko sa pintuang-daan, walong siko; at ang mga haligi niyaon, dalawang siko; at ang portiko sa pintuang-daan ay nasa dako ng bahay. | |
Ezek | TagAngBi | 40:10 | At ang mga silid ng bantay ng pintuang-daan sa dakong silanganan ay tatlo sa dakong ito, at tatlo sa dakong yaon; ang tatlo ay iisang sukat: at ang mga haligi ng pintuan ay iisang sukat sa dakong ito, at sa dakong yaon. | |
Ezek | TagAngBi | 40:11 | At kaniyang sinukat ang luwang ng pasukan ng pintuang-daan, sangpung siko; at ang haba ng pintuang-daan, labing tatlong siko; | |
Ezek | TagAngBi | 40:12 | At ang pagitan sa harap ng mga silid ng bantay, isang siko sa dakong ito, at ang isang pagitan, isang siko sa dakong yaon; at ang mga silid ng bantay, anim na siko sa dakong ito, at anim na siko sa dakong yaon; | |
Ezek | TagAngBi | 40:13 | At kaniyang sinukat ang pintuang-daan mula sa bubungan ng isang silid ng bantayan hanggang sa bubungan ng kabila, may luwang na dalawang pu't limang siko; pintuan sa tapat ng pintuan. | |
Ezek | TagAngBi | 40:14 | Gumawa naman siya ng mga haligi ng pintuan, na anim na pung siko; at ang looban ay hanggang sa haligi, ang pintuang-daan ay sa palibot. | |
Ezek | TagAngBi | 40:15 | At mula sa harap ng pintuang-daan sa pasukan hanggang sa harap ng pinakaloob na portiko sa pintuang-daan ay limang pung siko. | |
Ezek | TagAngBi | 40:16 | At may makikipot na dungawan sa mga silid ng bantay, at sa mga haligi ng mga yaon sa loob ng pintuang-daan sa palibot, at gayon din sa mga hubog; at ang mga dungawan ay nangasa palibot sa dakong loob; at sa bawa't haligi ay may mga puno ng palma. | |
Ezek | TagAngBi | 40:17 | Nang magkagayo'y dinala niya ako sa loob ng looban sa labas; at, narito, may mga silid at may isang lapag na ginawa sa palibot ng looban: tatlong pung silid ang nasa lapag. | |
Ezek | TagAngBi | 40:18 | At ang lapag ay nasa tabi ng mga pintuang-daan, ayon sa haba ng mga pintuang-daan, sa makatuwid baga'y ang lalong mababang lapag. | |
Ezek | TagAngBi | 40:19 | Nang magkagayo'y kaniyang sinukat ang luwang mula sa harap ng lalong mababang pintuang-daan hanggang sa harap ng pinakaloob na looban sa may labas, na isang daang siko, sa dakong silanganan at gayon din sa dakong hilagaan. | |
Ezek | TagAngBi | 40:20 | At ang pintuang-daan ng looban sa labas na nakaharap sa dakong hilagaan, kaniyang sinukat ang haba niyaon at ang luwang niyaon. | |
Ezek | TagAngBi | 40:21 | At ang mga silid ng bantay niyaon ay tatlo sa dakong ito at tatlo sa dakong yaon; at ang mga haligi niyaon at ang mga hubog niyaon ay ayon sa sukat ng unang pintuang-daan: ang haba niyaon ay limang pung siko, at ang luwang ay dalawang pu't limang siko. | |
Ezek | TagAngBi | 40:22 | At ang mga dungawan niyaon, at ang mga hubog niyaon, at ang mga puno ng palma niyaon ay ayon sa sukat ng pintuang-daan na nakaharap sa dakong silanganan; at kanilang sinampa ng pitong baytang; at ang mga hubog niyaon ay nangasa harap nila. | |
Ezek | TagAngBi | 40:23 | At may pintuang-daan sa lalong loob na looban sa tapat ng kabilang pintuang-daan, sa dakong hilagaan at gayon din sa dakong silanganan; at kaniyang sinukat mula sa pintuang-daan hanggang sa pintuang-daan na isang daang siko. | |
Ezek | TagAngBi | 40:24 | At dinala niya ako sa dakong timugan; at, narito, ang isang pintuang-daan sa dakong timugan: at kaniyang sinukat ang mga haligi niyaon, at ang mga hubog niyaon ayon sa mga sukat na ito. | |
Ezek | TagAngBi | 40:25 | At may mga dungawan doon at sa mga hubog niyaon sa palibot, gaya ng mga dungawang yaon: ang haba ay limang pung siko, at ang luwang ay dalawang pu't limang siko. | |
Ezek | TagAngBi | 40:26 | At may pitong baytang na sampahan, at ang mga hubog niyaon ay nangasa harap ng mga yaon; at may mga puno ng palma; sa dakong ito, at isa sa dakong yaon, sa mga haligi niyaon. | |
Ezek | TagAngBi | 40:27 | At may pintuang-daan sa lalong loob na looban sa dakong timugan: at kaniyang sinukat mula sa pintuang-daan hanggang sa pintuang-daan sa dakong timugan na isang daang siko. | |
Ezek | TagAngBi | 40:28 | Nang magkagayo'y dinala niya ako sa lalong loob na looban sa tabi ng pintuang-daan sa timugan: at kaniyang sinukat ang pintuang-daang timugan ayon sa mga sukat ding ito; | |
Ezek | TagAngBi | 40:29 | At ang mga silid ng bantay niyaon, at ang mga hubog niyaon, ay ayon sa mga sukat na ito: at may mga dungawan yaon, at gayon din sa mga hubog niyaon sa palibot; may limang pung siko ang haba, at dalawang pu't limang siko ang luwang. | |
Ezek | TagAngBi | 40:30 | At may mga hubog sa palibot, na dalawang pu't limang siko ang haba, at limang siko ang luwang. | |
Ezek | TagAngBi | 40:31 | At ang mga hubog niyaon ay nangasa dako ng looban sa labas; at mga puno ng palma ang nangasa mga haligi niyaon: at ang sampahan ay may walong baytang. | |
Ezek | TagAngBi | 40:32 | At dinala niya ako sa lalong loob na looban sa dakong silanganan; at sinukat niya ang pintuang-daan ayon sa mga sukat na ito. | |
Ezek | TagAngBi | 40:33 | At ang mga silid ng bantay niyaon, at ang mga haligi niyaon, at ang mga hubog niyaon, ayon sa mga sukat na ito: at may mga dungawan sa loob at sa mga hubog niyaon sa palibot: may limang pung siko ang haba, at dalawang pu't limang siko ang luwang. | |
Ezek | TagAngBi | 40:34 | At ang mga hubog niyaon ay nangasa dako ng looban sa labas; at mga puno ng palma ang nangasa mga haligi niyaon, sa dakong ito, at sa dakong yaon: at ang sampahan ay may walong baytang. | |
Ezek | TagAngBi | 40:35 | At dinala niya ako sa pintuang-daang hilagaan: at sinukat niya ayon sa mga sukat na ito; | |
Ezek | TagAngBi | 40:36 | Ang mga silid ng bantay niyaon, ang mga haligi niyaon, at ang mga hubog niyaon: at may mga dungawan sa loob sa palibot; ang haba ay limang pung siko, at ang luwang ay dalawang pu't limang siko. | |
Ezek | TagAngBi | 40:37 | At ang mga haligi niyaon ay nangasa dako ng looban sa labas; at mga puno ng palma ang nangasa haligi niyaon, sa dakong ito, at sa dakong yaon: at ang sampahan ay may walong baytang. | |
Ezek | TagAngBi | 40:38 | At isang silid na may pintuan ay nasa tabi ng mga haligi sa mga pintuang-daan; doon sila naghugas ng handog na susunugin. | |
Ezek | TagAngBi | 40:39 | At sa portiko ng pintuang-daan ay may dalawang dulang sa dakong ito, at dalawang dulang sa dakong yaon, upang patayin doon ang handog na susunugin, at ang handog dahil sa kasalanan at ang handog dahil sa pagkakasala. | |
Ezek | TagAngBi | 40:40 | At sa isang dako sa labas na gaya ng kung sasampa sa pasukan ng pintuang-daan sa dakong hilagaan ay may dalawang dulang; at sa kabilang dako, na ukol sa portiko ng pintuang-daan, ay may dalawang dulang. | |
Ezek | TagAngBi | 40:41 | Apat na dulang sa dakong ito, at apat na dulang sa dakong yaon sa tabi ng pintuang-daan; walong dulang ang kanilang pinagpatayan ng mga hain. | |
Ezek | TagAngBi | 40:42 | At may apat na dulang na ukol sa handog na susunugin, na batong tinabas, na isang siko at kalahati ang haba, at isang siko at kalahati ang luwang, at isang siko ang taas; na kanilang pinaglapagan ng mga kasangkapan na kanilang ipinagpatay sa handog na susunugin at sa hain. | |
Ezek | TagAngBi | 40:43 | At ang mga pangipit na may isang lapad ng kamay ang haba, ay natitibayan sa loob sa palibot; at nasa ibabaw ng mga dulang ang laman na alay. | |
Ezek | TagAngBi | 40:44 | At sa labas ng lalong loob na pintuang-daan ay may mga silid na ukol sa mga mangaawit sa lalong loob na looban, na nasa tabi ng pintuang-daang hilagaan; at mga nakaharap sa timugan; isa sa dako ng silanganang daan na nahaharap sa dakong hilagaan. | |
Ezek | TagAngBi | 40:45 | At kaniyang sinabi sa akin, Ang silid na ito na nakaharap sa dakong timugan, ay sa mga saserdote, sa mga namamahala sa bahay; | |
Ezek | TagAngBi | 40:46 | At ang silid na nakaharap sa dakong hilagaan ay sa mga saserdote, na mga namamahala sa dambana: ang mga ito ay mga anak ni Sadoc, na sa mga anak ni Levi ay nagsilapit sa Panginoon upang magsipangasiwa sa kaniya. | |
Ezek | TagAngBi | 40:47 | At sinukat niya ang looban na isang daang siko ang haba, at isang daang siko ang luwang, parisukat; at ang dambana ay nasa harap ng bahay. | |
Ezek | TagAngBi | 40:48 | Nang magkagayo'y dinala niya ako sa portiko ng bahay, at sinukat niya ang bawa't haligi ng portiko na limang siko sa dakong ito, at limang siko sa dakong yaon: at ang luwang ng pintuang-daan ay tatlong siko sa dakong ito, at tatlong siko sa dakong yaon. | |
Chapter 41
Ezek | TagAngBi | 41:1 | At dinala niya ako sa templo at sinukat ang mga haligi, na anim na siko ang luwang sa isang dako, at anim na siko ang luwang sa kabilang dako, na siyang luwang ng tabernakulo. | |
Ezek | TagAngBi | 41:2 | At ang luwang ng pasukan ay sangpung siko; at ang mga tagiliran ng pasukan ay limang siko sa isang dako, at limang siko sa kabilang dako: at sinukat niya ang haba niyaon na apat na pung siko, at ang luwang, dalawang pung siko. | |
Ezek | TagAngBi | 41:3 | Nang magkagayo'y pumasok siya sa loob, at sinukat ang bawa't haligi sa pasukan, na dalawang siko; at ang pasukan ay anim na siko; at ang luwang ng pasukan, pitong siko. | |
Ezek | TagAngBi | 41:4 | At sinukat niya ang haba niyaon, dalawang pung siko, at ang luwang, dalawang pung siko, sa harap ng templo: at sinabi niya sa akin, Ito ang kabanalbanalang dako. | |
Ezek | TagAngBi | 41:5 | Nang magkagayo'y sinukat niya ang pader ng bahay, anim na siko; at ang luwang ng bawa't tagilirang silid apat na siko, sa palibot ng bahay sa lahat ng dako. | |
Ezek | TagAngBi | 41:6 | At ang mga tagilirang silid ay tatlong grado, patongpatong at tatlong pu sa ayos; at nangakakapit sa pader na nauukol sa bahay na nasa tagilirang silid sa palibot upang mangakapit doon, at huwag makapit sa pader ng bahay. | |
Ezek | TagAngBi | 41:7 | At ang mga tagilirang silid ay lalong maluwang habang lumiligid sa bahay na paitaas ng paitaas; sapagka't ang gilid ng bahay ay paitaas ng paitaas sa palibot ng bahay: kaya't ang luwang ng bahay ay patuloy na paitaas; at sa gayo'y ang isa ay napaiitaas mula sa pinakamababang silid, hanggang sa pinakamataas sa pamamagitan ng gitna na silid. | |
Ezek | TagAngBi | 41:8 | Aking nakita naman na ang bahay ay may nakatayong tungtungan sa palibot: ang mga patibayan ng mga tagilirang silid ay buong tambo na anim na malaking siko ang haba. | |
Ezek | TagAngBi | 41:9 | Ang kapal ng pader, na nasa mga tagilirang silid, sa dakong labas, ay limang siko: at ang naiwan ay dako ng mga tagilirang silid na ukol sa bahay. | |
Ezek | TagAngBi | 41:10 | At ang pagitan ng mga silid ay may luwang na dalawang pung siko sa palibot ng bahay sa lahat ng dako. | |
Ezek | TagAngBi | 41:11 | At ang mga pintuan ng mga tagilirang silid ay sa dakong naiwan, isang pintuan sa dakong hilagaan, at isang pintuan sa dakong timugan: at ang luwang ng dakong naiwan ay limang siko sa palibot. | |
Ezek | TagAngBi | 41:12 | At ang bahay na nasa harapan ng bukod na dako sa tagilirang dakong kalunuran ay pitong pung siko ang luwang; at ang pader ng bahay ay limang siko ang kapal sa palibot, at ang haba niyaon ay siyam na pung siko. | |
Ezek | TagAngBi | 41:13 | Sa gayo'y sinukat niya ang bahay, na isang daang siko ang haba; at ang bukod na dako, at ang bahay, sangpu ng pader niyaon, isang daang siko ang haba; | |
Ezek | TagAngBi | 41:14 | Ang luwang naman ng harapan ng bahay, at ng bukod na dako sa dakong silanganan, isang daang siko. | |
Ezek | TagAngBi | 41:15 | At sinukat niya ang haba ng bahay sa harap ng bukod na dako na nasa likuran niyaon, at ang mga galeria niyaon sa isang dako, at sa kabilang dako, isang daang siko; at ang lalong loob na templo at ang mga portiko ng looban; | |
Ezek | TagAngBi | 41:16 | Ang mga pasukan, at ang mga nasasarang dungawan, at ang mga galeria sa palibot sa tatlong grado, sa tapat ng pasukan, nakikisamihan ng tabla sa palibot, at mula sa lapag hanggang sa mga dungawan (natatakpan nga ang mga dungawan), | |
Ezek | TagAngBi | 41:17 | Sa pagitan ng itaas ng pintuan, sa lalong loob ng bahay, at sa labas, at ang buong pader sa palibot sa loob at sa labas ay sinukat. | |
Ezek | TagAngBi | 41:18 | At ang pader ay niyaring may mga kerubin at may mga puno ng palma; at isang puno ng palma ay sa pagitan ng kerubin at kerubin, at bawa't kerubin ay may dalawang mukha; | |
Ezek | TagAngBi | 41:19 | Na anopa't may mukha ng isang tao sa dako ng puno ng palma sa isang dako, at mukha ng batang leon sa dako ng puno ng palma sa kabilang dako. Ganito ang pagkayari sa buong bahay sa palibot: | |
Ezek | TagAngBi | 41:20 | Mula sa lapag hanggang sa itaas ng pintuan ay may mga kerubin at mga puno ng palma na yari; ganito ang pader ng templo. | |
Ezek | TagAngBi | 41:21 | Tungkol sa templo, ang mga haligi ng pintuan ay parisukat; at tungkol sa harapan ng santuario, ang anyo niyao'y gaya ng anyo ng templo. | |
Ezek | TagAngBi | 41:22 | Ang dambana ay kahoy, na tatlong siko ang taas, at ang haba niyao'y dalawang siko; at ang mga sulok niyaon at ang haba niyaon, at ang mga pader niyaon, ay kahoy: at sinabi niya sa akin, Ito ang dulang na nasa harap ng Panginoon. | |
Ezek | TagAngBi | 41:24 | At ang mga pintuan ay may tigdadalawang pinto, dalawang tiklop na pinto, dalawang pinto sa isang pintuan, at dalawang pinto sa kabila. | |
Ezek | TagAngBi | 41:25 | At mga niyari sa mga yaon, sa mga pintuan ng templo, mga kerubin at mga puno ng palma, gaya ng niyari sa mga pader; at may pasukan na kahoy sa harap ng portiko sa labas. | |
Chapter 42
Ezek | TagAngBi | 42:1 | Nang magkagayo'y dinala niya ako sa looban sa labas ng bahay, sa daan na dakong hilagaan: at dinala niya ako sa silid na nasa tapat ng bukod na dako, at siyang nasa tapat ng bahay sa dakong hilagaan. | |
Ezek | TagAngBi | 42:2 | Sa harapan ng isang daang siko ang haba, ay nandoon ang pintuang hilagaan, at ang luwang ay limang pung siko. | |
Ezek | TagAngBi | 42:3 | Sa tapat ng dalawang pung siko na ukol sa lalong loob na looban, at sa tapat ng lapag na ukol sa looban sa labas ng bahay, ay galeria sa tapat ng galeria na tatlong grado. | |
Ezek | TagAngBi | 42:4 | At sa harap ng mga silid ay may isang lakaran na sangpung siko ang luwang sa loob, isang daanang may isang siko; at ang mga pintuan ay sa dakong hilagaan. | |
Ezek | TagAngBi | 42:5 | Ang lalong mataas ngang silid ay siyang lalong maikli; sapagka't ang mga galeria ay kumukuha sa mga ito, ng higit kay sa lalong mababa at sa pinaka gitna sa bahay. | |
Ezek | TagAngBi | 42:6 | Sapagka't tatlong grado, at walang mga haligi na gaya ng mga haligi ng mga looban: kaya't ang pinakamataas ay lalong munti kay sa pinakamababa at kay sa pinaka gitna mula sa lupa. | |
Ezek | TagAngBi | 42:7 | At ang pader na nasa labas sa tabi ng mga silid, sa dako ng looban sa labas ng bahay sa harap ng mga silid, ang haba niyao'y limang pung siko. | |
Ezek | TagAngBi | 42:8 | Sapagka't ang haba ng mga silid na nasa looban sa labas ay limang pung siko: at, narito, ang harapan ng templo ay may isang daang siko. | |
Ezek | TagAngBi | 42:9 | At nasa ilalim ng mga silid na ito ang pasukan sa dakong silanganan, sa pagpasok na mula sa looban sa labas. | |
Ezek | TagAngBi | 42:10 | Sa kakapalan ng pader ng looban sa dakong silanganan, sa harap ng bukod na dako, at sa harap ng bahay, may mga silid. | |
Ezek | TagAngBi | 42:11 | At ang daan sa harap ng mga yaon ay gaya ng anyo ng daan sa mga silid na nangasa dakong hilagaan; ayon sa haba ay gayon ang luwang: ang lahat ng labasan ng mga yaon ay ayon sa mga anyo ng mga yaon, at ayon sa mga pintuan ng mga yaon. | |
Ezek | TagAngBi | 42:12 | At ayon sa mga pintuan ng mga silid na nangasa dakong timugan ay may isang pintuan sa bukana ng daan, sa daang tuwid na patuloy sa pader sa dakong silanganan, sa papasok sa mga yaon. | |
Ezek | TagAngBi | 42:13 | Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Ang silid na hilagaan at ang silid na timugan na nasa harap ng bukod na dako, mga itinalagang silid, na pagkakanan ng mga kabanalbanalang bagay ng mga saserdote na malapit sa Panginoon: doon nila ilalapag ang mga kabanalbanalang bagay, at ang handog na harina, at ang handog dahil sa kasalanan, at ang handog dahil sa pagkakasala; sapagka't ang dako ay banal. | |
Ezek | TagAngBi | 42:14 | Pagka ang mga saserdote ay nagsisipasok, hindi nga sila magsisilabas sa banal na dako na papasok sa looban sa labas, kundi doon nila ilalapag ang kanilang mga kasuutan na kanilang ipinangangasiwa; sapagka't mga banal: at sila'y mangagsusuot ng mga ibang kasuutan, at magsisilapit sa ukol sa bayan. | |
Ezek | TagAngBi | 42:15 | Nang matapos nga niyang masukat ang lalong loob ng bahay, inilabas niya ako sa daan ng pintuang-daan na nakaharap sa dakong silanganan, at sinukat sa palibot. | |
Ezek | TagAngBi | 42:16 | Sinukat niya sa dakong silanganan ng panukat na tambo, na limang daang tambo, ng panukat na tambo sa palibot. | |
Ezek | TagAngBi | 42:17 | Sinukat niya sa dakong hilagaan, na limang daang tambo ng panukat na tambo sa palibot. | |
Ezek | TagAngBi | 42:19 | Siya'y pumihit sa dakong kalunuran, at sinukat ng limang daang tambo ng panukat na tambo. | |
Chapter 43
Ezek | TagAngBi | 43:1 | Pagkatapos ay dinala niya ako sa pintuang-daan, sa makatuwid baga'y sa pintuang-daan na nakaharap sa dakong silanganan. | |
Ezek | TagAngBi | 43:2 | At, narito, ang kaluwalhatian ng Dios ng Israel ay nanggagaling sa dakong silanganan: at ang kaniyang tinig ay gaya ng lagaslas ng maraming tubig; at ang lupa ay nagningning sa kaniyang kaluwalhatian. | |
Ezek | TagAngBi | 43:3 | At ayon sa anyo ng pangitain na aking nakita, ayon sa pangitain na nakita ko nang ako'y pumaroon upang gibain ang bayan; at ang mga pangitain ay gaya ng pangitain na aking nakita sa tabi ng ilog Chebar: at ako'y nasubasob. | |
Ezek | TagAngBi | 43:4 | At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay pumasok sa bahay sa daan ng pintuang-daan na nakaharap sa dakong silanganan. | |
Ezek | TagAngBi | 43:5 | At itinaas ako ng Espiritu, at dinala ako sa lalong loob na looban; at, narito, napuno ng kaluwalhatian ng Panginoon ang bahay. | |
Ezek | TagAngBi | 43:6 | At aking narinig ang isang nagsasalita sa akin mula sa bahay; at isang lalake ay tumayo sa siping ko. | |
Ezek | TagAngBi | 43:7 | At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, ito ang dako ng aking luklukan, at dako ng mga talampakan ng aking mga paa, na aking tatahanan sa gitna ng mga anak ni Israel magpakailan man. At hindi na lalapastanganin pa ng sangbahayan ni Israel ang aking banal na pangalan, nila man, o ng kanilang mga hari man, ng kanilang pagpapatutot, at ng mga bangkay man ng kanilang mga hari sa kanilang mga mataas na dako; | |
Ezek | TagAngBi | 43:8 | Sa kanilang paglalagay ng kanilang pasukan sa tabi ng aking pasukan, at ng kanilang haligi ng pintuan sa tabi ng aking haligi ng pintuan, at wala kundi pader sa pagitan ko at nila; at kanilang nilapastangan ang aking banal na pangalan sa pamamagitan ng kanilang mga kasuklamsuklam na kanilang ginawa: kaya't aking pinugnaw sila sa aking galit. | |
Ezek | TagAngBi | 43:9 | Iwan nga nila ang kanilang pagpapatutot, at ilayo sa akin ang mga bangkay ng kanilang mga hari, at ako'y tatahan sa gitna nila magpakailan man. | |
Ezek | TagAngBi | 43:10 | Ikaw, anak ng tao, ituro mo ang bahay sa sangbahayan ni Israel, upang sila'y mangapahiya sa kanilang mga kasamaan; at sukatin nila ang anyo. | |
Ezek | TagAngBi | 43:11 | At kung sila'y mangapahiya sa lahat nilang ginawa, ipakilala mo sa kanila ang anyo ng bahay, at ang pagka-anyo niyaon, at ang mga labasan niyaon, at ang mga pasukan niyaon, at lahat ng anyo niyaon, at ang lahat ng mga alituntunin niyaon, at lahat ng anyo niyaon, at lahat ng kautusan niyaon; at iyong isulat yaon sa kanilang paningin; upang kanilang maingatan ang buong anyo niyaon, at ang lahat ng mga alituntunin niyaon, at kanilang isagawa. | |
Ezek | TagAngBi | 43:12 | Ito ang kautusan tungkol sa bahay; ang taluktok ng bundok sa buong hangganan niyaon sa palibot ay magiging kabanalbanalan. Narito, ito ang kautusan tungkol sa bahay. | |
Ezek | TagAngBi | 43:13 | At ito ang mga sukat ng dambana ayon sa mga siko (ang siko na pinakasukat ay isang siko at isang lapad ng kamay): ang patungan ay isang siko, at ang luwang ay isang siko, at ang gilid niyaon sa palibot ay isang dangkal; at ito ang magiging patungan ng dambana. | |
Ezek | TagAngBi | 43:14 | At mula sa patungan sa lupa sa lalong mababang grado ay malalagay na dalawang siko, at ang luwang ay isang siko; at mula sa lalong mababang grado hanggang sa lalong mataas na grado ay malalagay na apat na siko, at ang luwang ay isang siko. | |
Ezek | TagAngBi | 43:15 | At ang lalong mataas na dambana ay magiging apat na siko; at mula sa apuyan ng dambana hanggang sa dakong itaas ay magkakaroon ng apat na sungay. | |
Ezek | TagAngBi | 43:16 | At ang apuyan ng dambana ay magkakaroon ng labing dalawang siko ang haba at labing dalawa ang luwang, parisukat sa apat na tagiliran niyaon. | |
Ezek | TagAngBi | 43:17 | At ang patungan niyaon ay magkakaroon ng labing apat na siko ang haba at labing apat na siko ang luwang sa apat na tagiliran niyaon; at ang gilid sa palibot ay magiging kalahating siko; at ang patungan niyaon ay magiging isang siko sa palibot; at ang mga baytang niyaon ay paharap sa dakong silanganan. | |
Ezek | TagAngBi | 43:18 | At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Ito ang mga alituntunin tungkol sa dambana sa kaarawan na kanilang gagawin, upang paghandugan sa ibabaw ng mga handog na susunugin, at upang pagwisikan ng dugo. | |
Ezek | TagAngBi | 43:19 | Iyong ibibigay sa mga saserdote na mga Levita na sa angkan ni Sadoc na malapit sa akin, upang magsipangasiwa sa akin, sabi ng Panginoong Dios, ang isang guyang baka na pinakahandog dahil sa kasalanan. | |
Ezek | TagAngBi | 43:20 | At kukuha ka ng dugo niyaon, at ilalagay mo sa apat na sungay niyaon, at sa apat na sulok ng patungan, at sa laylayan sa palibot: ganito mo lilinisin yaon at tutubusin ito. | |
Ezek | TagAngBi | 43:21 | Iyo rin namang kukunin ang guyang toro na handog dahil sa kasalanan, at susunugin mo sa takdang dako ng bahay, sa labas ng santuario. | |
Ezek | TagAngBi | 43:22 | At sa ikalawang araw ay maghahandog ka ng kambing na lalake na walang kapintasan na pinakahandog dahil sa kasalanan; at kanilang lilinisin ang dambana gaya ng kanilang pagkalilis sa pamamagitan ng guyang toro. | |
Ezek | TagAngBi | 43:23 | Pagka ikaw ay nakatapos ng paglilinis, maghahandog ka ng isang guyang toro na walang kapintasan, at isang lalaking tupa na mula sa kawan na walang kapintasan. | |
Ezek | TagAngBi | 43:24 | At iyong ilalapit ang mga yaon sa harap ng Panginoon, at hahagisan ng asin ang mga yaon ng mga saserdote, at kanilang ihahandog na pinakahandog na susunugin sa Panginoon. | |
Ezek | TagAngBi | 43:25 | Pitong araw na maghahanda ka sa bawa't araw ng isang kambing na pinakahandog dahil sa kasalanan: maghahanda rin sila ng guyang toro, at isang lalaking tupang mula sa kawan, na walang kapintasan. | |
Ezek | TagAngBi | 43:26 | Pitong araw na kanilang tutubusin ang dambana at lilinisin; gayon nila itatalaga. | |
Chapter 44
Ezek | TagAngBi | 44:1 | Nang magkagayo'y ibinalik niya ako sa daan ng pintuan sa labas ng santuario, na nakaharap sa dakong silanganan; at ito'y nasara. | |
Ezek | TagAngBi | 44:2 | At sinabi ng Panginoon sa akin, Ang pintuang-daang ito ay sasarhan, hindi bubuksan, o papasukan man ng sinoman, sapagka't pinasukan ng Panginoon, ng Dios ng Israel; kaya't ito'y masasara. | |
Ezek | TagAngBi | 44:3 | Tungkol sa prinsipe, siya'y mauupo roon na pinaka prinsipe upang kumain ng tinapay sa harap ng Panginoon; siya'y papasok sa daan ng portiko ng pintuang-daan, at lalabas sa daan ding yaon. | |
Ezek | TagAngBi | 44:4 | Nang magkagayo'y dinala niya ako sa daan ng pintuang-daang hilagaan sa harap ng bahay: at ako'y tumingin, at, narito, napuno ng kaluwalhatian ng Panginoon ang bahay ng Panginoon: at nasubasob ako. | |
Ezek | TagAngBi | 44:5 | At ang Panginoon ay nagsabi sa akin, Anak ng tao, tandaan mong mabuti, at masdan mo ng iyong mga mata, at pakinggan mo ng iyong mga pakinig ang lahat na aking sinasabi sa iyo tungkol sa lahat ng alituntunin hinggil sa bahay ng Panginoon, at tungkol sa lahat ng kautusan doon; at tandaan mong mabuti ang pasukan ng bahay sangpu ng bawa't labasan sa santuario. | |
Ezek | TagAngBi | 44:6 | At iyong sasabihin sa mapanghimagsik, sa makatuwid baga'y sa sangbahayan ni Israel, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Oh kayong sangbahayan ni Israel, mangaglikat na kayo sa lahat ninyong kasuklamsuklam, | |
Ezek | TagAngBi | 44:7 | Sa inyong pagpapasok ng mga taga ibang lupa na hindi tuli sa puso at hindi tuli sa laman, upang malagay sa aking santuario, na lapastanganin yaon, sa makatuwid baga'y ang aking bahay, pagka inyong inihahandog ang aking tinapay, ang taba at ang dugo, at sinira nila ang aking tipan, upang idagdag sa lahat ninyong mga kasuklamsuklam. | |
Ezek | TagAngBi | 44:8 | At hindi ninyo iningatan ang katungkulan sa aking mga banal na bagay; kundi kayo'y nangaglagay ng mga tagapangasiwa sa aking santuario sa ganang inyong sarili. | |
Ezek | TagAngBi | 44:9 | Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Walang taga ibang lupa, na hindi tuli sa puso at hindi tuli sa laman na papasok sa aking santuario, kahit sinomang taga ibang lupa na nasa gitna ng mga anak ni Israel. | |
Ezek | TagAngBi | 44:10 | Nguni't ang mga Levita na nagsilayo sa akin nang ang Israel ay maligaw sa akin sa pagsunod sa kanilang mga diosdiosan; mangagdadanas sila ng kanilang kasamaan. | |
Ezek | TagAngBi | 44:11 | Gayon ma'y magiging tagapangasiwa sila sa aking santuario, na sila ang mamamahala sa mga pintuang-daan ng bahay, at magsisipangasiwa sa bahay: kanilang papatayin ang handog na susunugin at ang hain para sa bayan, at sila'y magsisitayo sa harap ng mga yaon upang pangasiwaan nila. | |
Ezek | TagAngBi | 44:12 | Sapagka't kanilang pinangasiwaan sila sa harap ng kanilang mga diosdiosan, at naging ikatitisod sila sa ikasasama ng sangbahayan ni Israel; kaya't itinaas ko ang aking kamay laban sa kanila, sabi ng Panginoong Dios, at dadanasin nila ang kanilang kasamaan. | |
Ezek | TagAngBi | 44:13 | At hindi sila magsisilapit sa akin upang magsagawa ng katungkulan ng saserdote sa akin, o magsisilapit man sa alin man sa mga banal na bagay ko, sa mga bagay na kabanalbanalan; kundi tataglayin nila ang kanilang kahihiyan, at ang kanilang mga kasuklamsuklam na kanilang ginawa. | |
Ezek | TagAngBi | 44:14 | Gayon ma'y gagawin ko silang tagapangasiwa sa bahay, para sa buong paglilingkod doon, at sa lahat na gagawin doon. | |
Ezek | TagAngBi | 44:15 | Nguni't ang mga saserdoteng Levita na mga anak na lalake ni Sadoc, na nagiingat ng katungkulan sa aking santuario nang ang mga anak ni Israel ay magsihiwalay sa akin, sila'y magsisilapit sa akin upang magsipangasiwa sa akin; at sila'y magsisitayo sa harap ko upang mangaghandog sa akin ng taba at ng dugo, sabi ng Panginoong Dios: | |
Ezek | TagAngBi | 44:16 | Sila'y magsisipasok sa aking santuario, at sila'y magsisilapit sa aking dulang, upang magsipangasiwa sa akin, at iingatan nila ang kanilang katungkulan sa akin. | |
Ezek | TagAngBi | 44:17 | At mangyayari, na pagka sila'y magsisipasok sa mga pintuang-daan ng lalong loob na looban, susuutan sila ng mga kayong linong kasuutan; at walang lanang dadaiti sa kanila, samantalang sila'y nagsisipangasiwa sa mga pintuang-daan ng lalong loob na looban, at sa loob. | |
Ezek | TagAngBi | 44:18 | Sila'y mangagpupugong ng kayong lino sa kanilang mga ulo, at mangagtatapi ng kayong lino sa kanilang mga balakang; hindi sila mangagbibigkis ng anomang nakapagpapapawis. | |
Ezek | TagAngBi | 44:19 | At pagka kanilang lalabasin ang mga tao sa looban sa labas, ng bahay, kanilang huhubarin ang kanilang mga kasuutan na kanilang ipinangangasiwa, at ilalagay nila ang mga ito sa mga banal na silid; at mangagsusuot sila ng ibang mga kasuutan, upang huwag nilang banalin ang mga tao ng kanilang mga kasuutan. | |
Ezek | TagAngBi | 44:20 | Ni aahitan man nila ang kanilang mga ulo, ni titiisin man ang kanilang buhok ay humaba; kanila lamang gugupitan ang kanilang mga ulo. | |
Ezek | TagAngBi | 44:21 | Ni iinom ng alak ang sinomang saserdote pagka sila'y magsisipasok sa lalong loob na looban. | |
Ezek | TagAngBi | 44:22 | Ni mangagaasawa man sa babaing bao, o sa inihiwalay man: kundi sila'y magaasawa ng mga dalaga sa lahi ng sangbahayan ni Israel, o ng babaing bao na nabao sa saserdote. | |
Ezek | TagAngBi | 44:23 | At kanilang ituturo sa aking bayan ang pagkakaiba ng banal at ng karaniwan, at ipakikilala nila sa kanila ang marumi at malinis. | |
Ezek | TagAngBi | 44:24 | At sa pagtatalo ay magsisitayo sila upang magsihatol; ayon sa aking mga kahatulan ay kanilang hahatulan: at kanilang iingatan ang aking mga kautusan at ang aking mga palatuntunan sa lahat kong takdang kapistahan; at kanilang ipangingilin ang aking mga sabbath. | |
Ezek | TagAngBi | 44:25 | At hindi sila magsisilapit sa alin mang patay na tao na mangagpakahawa; nguni't sa ama, o sa ina, o sa anak na lalake, o babae, sa kapatid na lalake, o babae na hindi nagkaasawa, maaaring mangagpakahawa sila. | |
Ezek | TagAngBi | 44:27 | At sa kaarawan na siya'y pumasok sa santuario, sa lalong loob na looban upang mangasiwa sa santuario, siya'y maghahandog ng kaniyang handog dahil sa kasalanan, sabi ng Panginoong Dios. | |
Ezek | TagAngBi | 44:28 | At sila'y mangagkakaroon ng mana; ako'y kanilang mana; at hindi ninyo bibigyan sila ng pag-aari sa Israel; ako'y kanilang pag-aari. | |
Ezek | TagAngBi | 44:29 | Sila'y magsisikain ng handog na harina, at ng handog dahil sa kasalanan, at ng handog dahil sa pagkakasala; at bawa't bagay na itinalaga sa Israel ay magiging kanila. | |
Ezek | TagAngBi | 44:30 | At ang una sa lahat na unang bunga ng bawa't bagay, at lahat na alay na bawa't bagay, sa lahat ninyong mga alay ay magiging sa saserdote: inyo rin namang ibibigay sa mga saserdote ang una sa inyong masa upang pagpalain ang inyong bahay. | |
Chapter 45
Ezek | TagAngBi | 45:1 | Bukod dito'y pagka inyong hahatiin sa pamamagitan ng sapalaran ang lupain na pinakamana, mangaghahandog kayo ng alay sa Panginoon, isang banal na bahagi ng lupain; ang haba ay magkakaroon ng habang dalawang pu't limang libong tambo, at ang luwang ay magiging sangpung libo: ito'y magiging banal sa lahat ng hangganan niyaon sa palibot. | |
Ezek | TagAngBi | 45:2 | Dito'y magkakaroon ukol sa dakong banal ng limang daan ang haba at limang daang luwang, parisukat sa palibot; limang pung siko sa pagitan niyaon sa palibot. | |
Ezek | TagAngBi | 45:3 | At sa sukat na ito iyong susukatin, na ang haba ay dalawang pu't limang libo, at ang luwang ay sangpung libo: at doo'y malalagay ang santuario, na pinakabanal. | |
Ezek | TagAngBi | 45:4 | Siyang banal na bahagi ng lupain; ito'y para sa mga saserdote, na mga tagapangasiwa ng santuario, na nagsisilapit upang magsipangasiwa sa Panginoon; at ito'y magiging dakong kalalagyan ng kanilang mga bahay, at banal na dakong kalalagyan ng santuario. | |
Ezek | TagAngBi | 45:5 | At dalawang pu't limang libo ang haba, at sangpung libo ang luwang ay magiging sa mga Levita, na mga tagapangasiwa ng bahay, na pinaka pag-aari sa kanilang sarili, na dalawang pung silid. | |
Ezek | TagAngBi | 45:6 | At inyong itatakda ang pag-aari ng bayan na limang libo ang luwang, at dalawang pu't limang libo ang haba, sa tabi ng alay na banal na bahagi: magiging ukol sa buong sangbahayan ni Israel. | |
Ezek | TagAngBi | 45:7 | Magkakaroon naman para sa prinsipe ng bahagi sa isang dako at sa kabilang dako sa banal na alay at sa pag-aari ng bayan, sa harap ng banal na alay at sa harap ng pag-aari ng bayan, sa dakong kalunuran na gawing kalunuran, at sa dakong silanganan na gawing silanganan; at ang haba ay ayon sa isa sa mga bahagi, mula sa hangganang kalunuran hanggang sa hangganang silanganan. | |
Ezek | TagAngBi | 45:8 | Sa lupaing ito'y magiging kaniya na pinakaari sa Israel: at hindi na pipighatiin pa ng aking mga prinsipe ang aking bayan; kundi ibibigay nila ang lupain sa sangbahayan ni Israel ayon sa kanilang mga lipi. | |
Ezek | TagAngBi | 45:9 | Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Magkasiya ito sa inyo, Oh mga prinsipe ng Israel: iwan ninyo ang pangdadahas at pagsamsam, at magsagawa kayo ng kahatulan at ng kaganapan; alisin ninyo ang inyong atang sa aking bayan, sabi ng Panginoong Dios. | |
Ezek | TagAngBi | 45:10 | Kayo'y magkakaroon ng mga ganap na timbangan; at ganap na efa, at ganap na bath. | |
Ezek | TagAngBi | 45:11 | Ang efa at ang bath ay magiging iisang takalan, upang ang bath ay maglaman ng ikasangpung bahagi ng isang homer, at ang efa ay ikasangpung bahagi ng isang homer: ang takal niyaon ay magiging ayon sa homer. | |
Ezek | TagAngBi | 45:12 | At ang siklo ay magiging dalawang pung gera: dalawangpung siklo, lima at dalawang pung siklo, labing limang siklo ay siyang magiging maneh ninyo. | |
Ezek | TagAngBi | 45:13 | Ito ang alay na inyong ihahandog: ang ikaanim na bahagi ng isang efa mula sa isang homer ng trigo; at inyong ibibigay ang ikaanim na bahagi ng isang efa mula sa isang homer ng cebada; | |
Ezek | TagAngBi | 45:14 | At ang takdang bahagi ng langis, ng bath ng langis, ang ikasangpung bahagi ng bath mula sa isang kor, na sangpung bath, o isang homer (sapagka't sangpung bath ay isang homer); | |
Ezek | TagAngBi | 45:15 | At isang batang tupa sa kawan, mula sa dalawang daan, na mula sa matabang pastulan ng Israel; na pinakahandog na harina, at pinakahandog na susunugin, at pinakahandog tungkol sa kapayapaan, upang ipangtubos sa kanila, sabi ng Panginoong Dios. | |
Ezek | TagAngBi | 45:17 | At magiging tungkulin ng prinsipe na magbigay ng mga handog na susunugin, at ng mga handog na harina, at ng mga inuming handog, sa mga kapistahan, at sa mga bagong buwan, at sa mga sabbath, sa lahat ng takdang kapistahan ng sangbahayan ni Israel: siya'y maghahanda ng handog dahil sa kasalanan, at ng handog na harina, at ng handog na susunugin, at ng mga handog tungkol sa kapayapaan, upang ipangtubos sa sangbahayan ni Israel. | |
Ezek | TagAngBi | 45:18 | Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sa unang buwan, sa unang araw ng buwan, kukuha ka ng guyang toro na walang kapintasan; at iyong lilinisin ang santuario. | |
Ezek | TagAngBi | 45:19 | At ang saserdote ay kukuha ng dugo ng handog dahil sa kasalanan, at ilalagay sa mga haligi ng pintuan ng bahay, at sa apat na sulok ng patungang dambana, at sa mga haligi ng pintuang-daan ng lalong loob na looban. | |
Ezek | TagAngBi | 45:20 | At gayon ang iyong gagawin sa ikapitong araw ng buwan para sa bawa't nagkakamali, at sa bawa't walang malay: gayon ninyo lilinisin ang bahay. | |
Ezek | TagAngBi | 45:21 | Sa unang buwan, sa ikalabing apat na araw ng buwan, magdidiwang kayo ng paskua, isang kapistahan na pitong araw; tinapay na walang levadura ang kakanin. | |
Ezek | TagAngBi | 45:22 | At sa araw na yaon ay maghahanda ang prinsipe para sa kaniya at sa buong bayan ng lupain ng isang guyang toro na pinakahandog dahil sa kasalanan. | |
Ezek | TagAngBi | 45:23 | At sa pitong araw ng kapistahan ay ipaghahanda niya ng handog na susunugin ang Panginoon, pitong toro at pitong tupa na walang kapintasan sa araw-araw na pitong araw; at isang kambing araw-araw na pinakahandog dahil sa kasalanan. | |
Ezek | TagAngBi | 45:24 | At siya'y maghahanda ng handog na harina, ng isang efa sa isang toro, at ng isang efa sa isang lalaking tupa, at isang hin ng langis sa isang efa. | |
Chapter 46
Ezek | TagAngBi | 46:1 | Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Ang pintuang-daan ng lalong loob na looban na nakaharap sa dakong silanganan ay sasarhan sa anim na araw na iginagawa; nguni't sa sabbath ay bubuksan, at sa kaarawan ng bagong buwan ay bubuksan. | |
Ezek | TagAngBi | 46:2 | At ang prinsipe ay papasok sa daan ng portiko ng pintuang-daan sa labas; at tatayo sa tabi ng haligi ng pintuang-daan; at maghahanda ang mga saserdote ng kaniyang handog na susunugin, at ng kaniyang mga handog tungkol sa kapayapaan, at siya'y sasamba sa may pasukan ng pintuang-daan; kung magkagayo'y lalabas siya; nguni't ang pintuang-daan ay hindi sasarhan hanggang sa hapon. | |
Ezek | TagAngBi | 46:3 | At ang bayan ng lupain ay sasamba sa may pintuan ng pintuang-daang yaon sa harap ng Panginoon sa mga sabbath at sa mga bagong buwan. | |
Ezek | TagAngBi | 46:4 | At ang handog na susunugin na ihahandog ng prinsipe sa Panginoon sa araw ng sabbath ay anim na batang tupa na walang kapintasan at isang lalaking tupang walang kapintasan; | |
Ezek | TagAngBi | 46:5 | At ang handog na harina ay isang efa sa lalaking tupa, at ang handog na harina sa mga batang tupa ay ang kaniyang kayang ibigay, at isang hin ng langis sa isang efa. | |
Ezek | TagAngBi | 46:6 | At sa kaarawan ng bagong buwan ay isang guyang toro na walang kapintasan, at anim na batang tupa at isang lalaking tupa; mga walang kapintasan: | |
Ezek | TagAngBi | 46:7 | At siya'y maghahanda ng handog na harina, isang efa sa toro, at isang efa sa lalaking tupa, at sa mga batang tupa ay ayon sa kaniyang kaya, at isang hin na langis sa isang efa. | |
Ezek | TagAngBi | 46:8 | At pagka ang prinsipe ay papasok, siya'y papasok sa daan ng portiko ng pintuang-daan, at sa daan ding yaon siya lalabas. | |
Ezek | TagAngBi | 46:9 | Nguni't pagka ang bayan ng lupain ay haharap sa Panginoon sa mga takdang kapistahan, siyang pumapasok sa daan ng pintuang-daang hilagaan upang sumamba ay lalabas sa daan ng pintuang-daang timugan ay lalabas sa daan ng pintuang-daang hilagaan; hindi siya babalik sa daan ng pintuang-daan na kaniyang pinasukan, kundi lalabas na matuwid sa harap niya. | |
Ezek | TagAngBi | 46:10 | At ang prinsipe, pagka sila'y magsisipasok, ay magsisipasok sa gitna ng mga yaon; at pagka sila'y magsisilabas ay magsisilabas na magkakasama. | |
Ezek | TagAngBi | 46:11 | At sa mga kapistahan at sa mga kadakilaan ay ang handog na harina ay magiging isang efa sa isang toro, at isang efa sa lalaking tupa, at sa mga batang tupa ay ang kayang ibigay niya, at isang hin ng langis sa isang efa. | |
Ezek | TagAngBi | 46:12 | At pagka ang prinsipe ay maghahanda ng kusang handog, ng handog na susunugin o ng mga handog tungkol sa kapayapaan na pinakakusang handog sa Panginoon, may isang magbubukas sa kaniya ng pintuang-daan na nakaharap sa dakong silanganan; at kaniyang ihahanda ang kaniyang handog na susunugin at ang kaniyang mga handog tungkol sa kapayapaan, gaya ng kaniyang ginagawa sa araw ng sabbath; kung magkagayo'y lalabas siya; at pagkalabas niya ay sasarhan ng isa ang pintuang-daan. | |
Ezek | TagAngBi | 46:13 | At ikaw ay maghahanda ng isang batang tupa ng unang taon na walang kapintasan na pinakahandog na susunugin sa Panginoon araw-araw: tuwing umaga ay maghahanda ka. | |
Ezek | TagAngBi | 46:14 | At iyong ihahandang handog na harina na kasama niyaon tuwing umaga, ang ikaanim na bahagi ng isang efa, at ang ikatlong bahagi ng isang hin ng langis, upang basain ang mainam na harina; isang handog na harina na lagi sa Panginoon: na pinakalaging alituntunin. | |
Ezek | TagAngBi | 46:15 | Ganito nila ihahanda ang batang tupa at ang handog na harina, at ang langis, tuwing umaga, na pinakahandog na susunuging lagi. | |
Ezek | TagAngBi | 46:16 | Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Kung ang prinsipe ay magbigay ng kaloob sa kanino man sa kaniyang mga anak, ay magiging kaniyang mana, mauukol sa kaniyang mga anak; siyang kanilang pag-aari na pinakamana. | |
Ezek | TagAngBi | 46:17 | Nguni't kung ibigay niya ang kaniyang mana na pinakakaloob sa isa sa kaniyang mga alipin, magiging kaniya sa taon ng kalayaan; kung magkagayo'y mababalik sa prinsipe; nguni't tungkol sa kaniyang mana, magiging sa kaniyang mga anak. | |
Ezek | TagAngBi | 46:18 | Bukod dito'y hindi kukuha ang prinsipe ng mana ng bayan, na aalisin sa kanila ang kanilang pag-aari; siya'y magbibigay ng mana sa kaniyang mga anak na mula sa kaniyang sariling pag-aari, upang ang aking bayan ay huwag mangalat bawa't isa sa kaniyang pag-aari. | |
Ezek | TagAngBi | 46:19 | Nang magkagayo'y dinala niya ako sa pasukan, na nasa tabi ng pintuang-daan, sa loob ng mga banal na silid na ukol sa mga saserdote, na nakaharap sa hilagaan: at, narito, may isang dako sa lalong loob na bahagi na dakong kalunuran. | |
Ezek | TagAngBi | 46:20 | At sinabi niya sa akin, Ito ang dako na pagpapakuluan ng mga saserdote ng handog sa pagkakasala at ng handog dahil sa kasalanan, na siyang kanilang pagiihawan ng handog na harina; upang huwag nilang mailabas sa lalong labas na looban, upang banalin ang bayan. | |
Ezek | TagAngBi | 46:21 | Nang magkagayo'y inilabas niya ako sa labas ng looban ng bahay at pinaraan niya ako sa apat na sulok ng looban; at, narito, sa bawa't sulok ng looban ay may isang looban. | |
Ezek | TagAngBi | 46:22 | Sa apat na sulok ng looban ay may mga looban na nababakod, apat na pung siko ang haba at tatlong pu ang luwang: ang apat na ito sa mga sulok ay may isang sukat. | |
Ezek | TagAngBi | 46:23 | At may isang pader sa palibot ng mga yaon, sa palibot ng apat, at may ginawang pakuluang mga dako sa ilalim ng mga pader sa palibot. | |
Chapter 47
Ezek | TagAngBi | 47:1 | At ibinalik niya ako sa pintuan ng bahay; at, narito, ang tubig ay lumalabas sa ilalim ng pasukan sa bahay sa dakong silanganan (sapagka't ang harapan ng bahay ay sa dakong silanganan); at ang tubig ay umaagos sa ilalim, mula sa dakong kanan ng bahay, sa timugan ng dambana. | |
Ezek | TagAngBi | 47:2 | Nang magkagayo'y inilabas niya ako sa daan ng pintuang-daang hilagaan, at pinatnubayan niya ako sa palibot ng daan sa labas, sa lalong labas ng pintuang-daan, sa daan ng pintuang-daan na nakaharap sa dakong silanganan; at, narito, doo'y lumalabas ang tubig sa dakong kanan. | |
Ezek | TagAngBi | 47:3 | Nang ang lalake ay lumabas sa dakong silanganan na may pising panukat sa kaniyang kamay, siya'y sumukat ng isang libong siko, at pinaraan niya ako sa tubig, sa tubig na hanggang bukongbukong. | |
Ezek | TagAngBi | 47:4 | Muling sumukat siya ng isang libo, at pinaraan niya ako sa tubig, sa tubig na hanggang mga tuhod. Muli siyang sumukat ng isang libo, at pinaraan niya ako sa tubig, sa tubig na hanggang sa mga balakang. | |
Ezek | TagAngBi | 47:5 | Pagkatapos ay sumukat siya ng isang libo; at isang ilog na hindi ko naraanan; sapagka't ang tubig ay sumasampa, tubig upang languyan, ilog na hindi mararaanan. | |
Ezek | TagAngBi | 47:6 | At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, nakita mo baga ito? Nang magkagayo'y dinala niya ako, at pinabalik niya ako sa pangpang ng ilog. | |
Ezek | TagAngBi | 47:7 | Nang ako nga'y makabalik, narito, sa pangpang ng ilog, ay may totoong maraming puno ng kahoy sa magkabilang dako. | |
Ezek | TagAngBi | 47:8 | Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Ang tubig na ito ay lumalabas sa dakong silanganang lupain, at bababa sa Araba; at huhugos sa dagat; sa dagat ay huhugos ang tubig na pinalabas; at ang tubig ay mapagagaling. | |
Ezek | TagAngBi | 47:9 | At mangyayari, na bawa't likhang may buhay na dumadami, saan mang dako umaagos ang tubig, ay mabubuhay; at magkakaroon ng totoong napakaraming isda; sapagka't ang tubig na ito ay dumarating diyan at ang tubig ng dagat ay mapagagaling, at bawa't may buhay ay mabubuhay saan man dumating ang ilog. | |
Ezek | TagAngBi | 47:10 | At mangyayari, na ang mga mangingisda ay magsisitayo sa tabi niyaon: mula sa En-gedi hanggang sa En-eglaim ay magiging dako na ladlaran ng mga lambat; ang mga isda ng mga yaon ay magiging ayon sa pagkakaisda ng mga yaon, gaya ng isda sa malaking dagat, na totoong marami. | |
Ezek | TagAngBi | 47:11 | Nguni't ang kaniyang mga dakong maburak, at ang mga lumbak niyaon, ay hindi mapapagaling; magiging asinan nga. | |
Ezek | TagAngBi | 47:12 | At sa pangpang ng ilog sa tabi niyaon, sa dakong ito at sa dakong yaon, tutubo ang sarisaring punong kahoy na pinakapagkain, na ang dahon ay hindi matutuyo, ni magkukulang man ang bunga niyaon: magbubunga ng bago buwan-buwan, sapagka't ang tubig niyaon ay lumalabas sa santuario; at ang bunga niyaon ay magiging pagkain at ang dahon niyaon ay pangpagaling. | |
Ezek | TagAngBi | 47:13 | Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Ito ang magiging hangganan, na inyong pagbabahagihan ng lupain na pinakamana ayon sa labing dalawang lipi ng Israel: ang Jose ay magkakaroon ng dalawang bahagi. | |
Ezek | TagAngBi | 47:14 | At inyong mamanahin, ng isa na gaya ng iba; sapagka't aking isinumpa na ibigay ito sa inyong mga magulang: at ang lupaing ito ay mahuhulog sa inyo na pinakamana. | |
Ezek | TagAngBi | 47:15 | At ito ang magiging hangganan ng lupain: Sa dakong hilagaan, mula sa malaking dagat, sa daang Hethlon, hanggang sa pasukan sa Sedad; | |
Ezek | TagAngBi | 47:16 | Hamath, Berotha, Sibrahim, na nasa pagitan ng hangganan ng Damasco at ng hangganan ng Hamath; Haser-hatticon na nasa tabi ng hangganan ng Hauran. | |
Ezek | TagAngBi | 47:17 | At ang hangganang mula sa dagat ay magiging ang Hazar-enon sa hangganan ng Damasco, at nasa hilagaan na dakong hilagaan ang hangganan ng Hamath. Ito ang dakong hilagaan. | |
Ezek | TagAngBi | 47:18 | At ang dakong silanganan, ang pagitan ng Hauran at ng Damasco at ng Galaad, at ang lupain ng Israel, ay siyang magiging Jordan; mula sa hilagaang hangganan hanggang sa silanganang dagat ay inyong susukatin. Ito ang dakong silanganan. | |
Ezek | TagAngBi | 47:19 | At ang timugang dako na gawing timugan ay magiging mula sa Tamar hanggang sa tubig ng Meribot-cades, sa batis ng Egipto, hanggang sa malaking dagat. Ito ang timugang dako na gawing timugan. | |
Ezek | TagAngBi | 47:20 | At ang dakong kalunuran ay magiging ang malaking dagat, mula sa hangganang timugan hanggang sa tapat ng pasukan sa Hamath. Ito ang dakong kalunuran. | |
Ezek | TagAngBi | 47:22 | At mangyayari na inyong hahatiin sa sapalaran na pinakamana sa inyo at sa mga taga ibang lupa na makikipamayan sa gitna ninyo, na magkakaanak sa gitna ninyo; at sila'y magiging sa inyo'y gaya ng ipinanganak sa gitna ng mga anak ni Israel; sila'y magkakaroon ng mana na kasama ninyo sa gitna ng mga lipi ng Israel. | |
Chapter 48
Ezek | TagAngBi | 48:1 | Ang mga ito nga ang mga pangalan ng mga lipi: Mula sa dulong hilagaan, sa tabi ng daan ng Hethlon hanggang sa pasukan sa Hamath, Hasar-enan, sa hangganan ng Damasco, na dakong hilagaan sa gawing yaon ng Hamath; (at mga magkakaroon ng mga dakong silanganan at kalunuran), ang Dan, isang bahagi. | |
Ezek | TagAngBi | 48:2 | At sa tabi ng hangganan ng Dan, mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran, ang Aser, isang bahagi. | |
Ezek | TagAngBi | 48:3 | At sa tabi ng hangganan ng Aser, mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran, ang Nephtali, isang bahagi. | |
Ezek | TagAngBi | 48:4 | At sa tabi ng hangganan ng Nephtali, mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran, ang Manases, isang bahagi. | |
Ezek | TagAngBi | 48:5 | At sa tabi ng hangganan ng Manases, mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran, ang Ephraim, isang bahagi. | |
Ezek | TagAngBi | 48:6 | At sa tabi ng hangganan ng Ephraim, mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran, ang Ruben, isang bahagi. | |
Ezek | TagAngBi | 48:7 | At sa tabi ng hangganan ng Ruben, mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran, ang Juda, isang bahagi. | |
Ezek | TagAngBi | 48:8 | At sa tabi ng hangganan ng Juda, mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran, malalagay ang alay na inyong ihahandog, dalawang pu't limang libong tambo ang luwang, at ang haba ay gaya ng isa sa mga bahagi, mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran; at ang santuario ay malalagay sa gitna niyaon. | |
Ezek | TagAngBi | 48:9 | Ang alay na inyong ihahandog sa Panginoon ay magiging dalawang pu't limang libong tambo ang haba, at sangpung libo ang luwang. | |
Ezek | TagAngBi | 48:10 | At magiging sa mga ito, sa makatuwid baga'y sa mga saserdote, ang banal na alay; sa dakong hilagaan ay dalawang pu't limang libo ang haba, at sa dakong kalunuran ay sangpung libo ang luwang, at sa dakong timugan ay dalawang pu't limang libo ang haba: at ang santuario ng Panginoon ay maglalagay sa gitna niyaon. | |
Ezek | TagAngBi | 48:11 | Ito'y magiging sa mga saserdote na mga pinapaging banal sa mga anak ni Sadoc, na nagsisiganap ng katungkulan sa akin na hindi nangagpakaligaw nang mangagpakaligaw ang mga anak ni Israel, na gaya ng mga Levita na nangagpakaligaw. | |
Ezek | TagAngBi | 48:12 | At sa kanila'y magiging alay na mula sa alay ng lupain, bagay na kabanalbanalan sa tabi ng hangganan ng mga Levita. | |
Ezek | TagAngBi | 48:13 | At ayon sa hangganan ng mga saserdote, ang mga Levita ay mangagkakaroon ng dalawang pu't limang libo ang haba, at sangpung libo ang luwang: ang buong haba ay magiging dalawang pu't limang libo, at ang luwang ay sangpung libo. | |
Ezek | TagAngBi | 48:14 | At hindi nila ipagbibili, o ipagpapalit man, o ipagkakaloob sa iba man ang mga unang bunga ng lupain; sapagka't ito'y banal sa Panginoon. | |
Ezek | TagAngBi | 48:15 | At ang limang libo na naiwan sa naluwangan, sa tapat ng dalawang pu't limang libo, magiging sa karaniwang kagamitan na ukol sa bayan, sa tahanan at sa mga nayon; at ang bayan ay malalagay sa gitna niyaon. | |
Ezek | TagAngBi | 48:16 | At ang mga ito ang magiging mga sukat niyaon: sa dakong hilagaan ay apat na libo at limang daan, at sa dakong timugan ay apat na libo at limang daan, at sa dakong silanganan ay apat na libo at limang daan, at sa dakong kalunuran ay apat na libo at limang daan. | |
Ezek | TagAngBi | 48:17 | At ang bayan ay magkakaroon ng mga nayon: sa dakong hilagaan ay dalawang daan at limang pu, at sa dakong timugan ay dalawang daan at limang pu, at sa dakong silanganan ay dalawang daan at limang pu, at sa dakong kalunuran ay dalawang daan at limang pu. | |
Ezek | TagAngBi | 48:18 | At ang labis sa haba, na nauukol sa banal na alay, magiging sangpung libo sa dakong silanganan, at sangpung libo sa dakong kalunuran; at magiging ukol sa banal na alay; at ang bunga niyaon ay magiging pinakapagkain sa nagsisigawa sa bayan. | |
Ezek | TagAngBi | 48:20 | Buong alay ay magiging dalawang pu't limang libong tambo at dalawang pu't limang libo: inyong ihahandog na parisukat ang banal na alay, sangpu ng pag-aari ng bayan. | |
Ezek | TagAngBi | 48:21 | At ang labis ay magiging sa prinsipe, sa isang dako at sa kabilang dako ng banal na alay at sa pag-aari ng bayan; sa tapat ng dalawang pu't limang libo sa alay sa dako ng silanganang hangganan, at sa dakong kalunuran sa tapat ng dalawang pu't limang libo sa dako ng kalunurang hangganan, na ukol sa mga bahagi, magiging sa prinsipe: at ang banal na alay at ang santuario ng bahay ay malalagay sa gitna niyaon. | |
Ezek | TagAngBi | 48:22 | Bukod dito'y mula sa pag-aari ng mga Levita, at mula sa pag-aari ng bayan na nasa gitna ng sa prinsipe, sa pagitan ng hangganan ng Juda at ng hangganan ng Benjamin, magiging sa prinsipe. | |
Ezek | TagAngBi | 48:23 | At tungkol sa nalabi sa mga lipi: mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran, ang Benjamin, isang bahagi. | |
Ezek | TagAngBi | 48:24 | At sa tabi ng hangganan ng Benjamin, mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran, ang Simeon, isang bahagi. | |
Ezek | TagAngBi | 48:25 | At sa tabi ng hangganan ng Simeon, mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran, ang Issachar, isang bahagi. | |
Ezek | TagAngBi | 48:26 | At sa tabi ng hangganan ng Issachar, mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran, ang Zabulon, isang bahagi. | |
Ezek | TagAngBi | 48:27 | At sa tabi ng hangganan ng Zabulon mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran, ang Gad, isang bahagi. | |
Ezek | TagAngBi | 48:28 | At sa tabi ng hangganan ng Gad, sa dakong timugan na gawing timugan, ang hangganan ay magiging mula sa Tamar hanggang sa tubig ng Meribat-cades sa batis ng Egipto, hanggang sa malaking dagat. | |
Ezek | TagAngBi | 48:29 | Ito ang lupain na inyong babahagihin sa sapalaran sa mga lipi ng Israel na pinakamana, at ang mga ito ang kanilang mga iba't ibang bahagi, sabi ng Panginoong Dios. | |
Ezek | TagAngBi | 48:30 | At ang mga ito ang mga labasan sa bayan: Sa dakong hilagaan ay apat na libo at limang daang tambo sa sukat; | |
Ezek | TagAngBi | 48:31 | At ang mga pintuang-daan ng bayan ay magiging ayon sa mga pangalan ng mga lipi ng Israel, tatlong pintuang-daan sa dakong hilagaan: ang pintuang-daan ng Ruben, isa; ang pintuang-daan ng Juda, isa; ang pintuang-daan ng Levi, isa. | |
Ezek | TagAngBi | 48:32 | At sa dakong silanganan ay apat na libo at limang-daang tambo, at tatlong pintuang-daan: ang pintuang-daan ng Jose, isa; ang pintuang-daan ng Benjamin, isa; ang pintuang-daan ng Dan, isa: | |
Ezek | TagAngBi | 48:33 | At sa dakong timugan ay apat na libo at limang daang tambo sa sukat, at tatlong pintuang-daan: ang pintuang-daan ng Simeon, isa; ang pintuang-daan ng Issachar, isa; ang pintuang-daan ng Zabulon, isa: | |
Ezek | TagAngBi | 48:34 | Sa dakong kalunuran ay apat na libo at limang daang tambo, na may kanilang tatlong pintuang-daan: ang pintuang-daan ng Gad, isa; ang pintuang-daan ng Aser, isa; ang pintuang-daan ng Nephtali, isa. | |